Share

Kabanata 3

Aвтор: Shining Riviera
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline. Pakiramdam niya para bang may isang tao na bigla nalang naghagis sakanya ng salbabida habang nalulunod siya sa kalagitnaan ng malawak na dagat.

Tinignan niya si Kirk, at sakto noong oras na yun ay nakatingin din ito sakanya. Hindi niya maipaliwanag kung ano pero may naramdaman siyang kakaibang koneksyon dito.

Pagkatapos ng ilang segundo, nahimasmasan si Caroline at tumingin sakanyag mga magulang na sina Dan at Sarah White.

Bakas sa itsura ng dalawa ang matinding pagkagulat. Unang nahimasmasan si Dan, “Carrie, ano ‘to?”

Pero bago pa man din siya makasagot ay bigla siyang hinila ni Kirk sa likuran nito. Noong sandaling yun, nablangko ang isipan ni Caroline at nawala ang lahat ng takot na nararamdaman niya sa proteksyon ni Kirk.

“Kakaregister lang po ng kasal namin kanina. Masyado pong biglaan kaya hindi na namin kayo naabisuhan.” Sagot ni Kirk.

Kagaya ng inaasahan, hindi nagustuhan ni Dan ang balita kaya nanlilisik ang kanyang mga mata na tumingin kay Caroline. “Carrie!”

Halos hindi makatingin si Caroline sa mata ng kanyang daddy at pautal-utal na sumagot, “Totoo po ang sinabi niya. Pinakasalan ko po siya kasi ayokong pakasalan si—”

Pero bago pa man siya natapos, nagmamadaling tumakbo si Sarah papalapit kay Caroline at hinila ang kanyang braso. “Ano bang nangyari, Carrie? Ayaw mo ba kay Eddy? Diba pumayag na siyang magpakasal kayo, bakit—” Huminto si Sarah, at tumingin kay KIrk ng mabilisan, bago siya muling tumingin kay Caroline, “Sabihin mo sa akin… Tinakot ka ba niya?”

Alam ni Caroline na nagkakamali ng tingin ang kanyang nanay kay Kirk, kaya mabilis siyang sumagot, “Walang pumilit sa akin. Ayoko lang talagang pakasalanan ang isang lalaking hindi ko mahal.”

Masyado ng marami at mabigat ang mga nangyari sa buong araw kaya pagod na si Caroline at hindi na siya interesadong ituloy pa ang diskusyon.

Sa sobrang diin ng pagkakahawak, bumaon na ang kuko ni Sarah sa braso ni Caroline. “Naiintindihan mo ba yang sinasabi mo, Carrie? Mula noong maging kayo ni Eddy, wala kaming ibang ginawa ng daddy mo kundi ang hubugin ka para maging karapat-dapat na asawa niya. Kahit anong mangyari, ikakasal ka sakanya para maiahon ang estado ng pamilya natin at hindi dahil sa lintek na pagmamahal na yan!”

Nasasaktan na si Caroline kaya huminga siya ng malalim, “Mommy…” Tumingin din siya kay Dan.

Ramdam sa mga mata nito ang sobrang pagkadismaya, “Carrie, mabuting hiwalayan mo na ang lalaking yan bago pa ‘to malaman ni Eddy! Ikaw ang magiging asawa ni Eddy kaya hindi ka pwedeng maging ganyan ka tanga.”

Para kina Dan at Sarah, hindi mahalaga si Kirk.

Sa puntong ‘to, hindi na talaga nakapag timpi si Caroline at sumagot na siya, “ Alam niyo ba kung bakit pumayag si Eddy na pakasalan ako?”

Umiliing si Dan. “Wala akong pakielam sa kung anumang dahilan niya. Ang gusto kong gawin mo ay hiwalayan mo yang lalaking yan ngayon mismo!”

Pakiramdam ni Caroline ay biglang huminto ang mundo niya. Yumuko siya at malungkot na nagsalita, “Ang sabi niya, papakasalan niya lang daw ako kapag nagdonate ako ng kidney kay Layla.”

Biglang natahimik ang lahat.

Gulong-gulo na nagkatinginan sina Dan at Sarah. Hindi sila makapaniwala.

Tinignan ni Kirk ang mga magulang ni Caroline at kumunot ang kanyang noo. Hindi niya alam kung bakit pero parang may nararamdaman siyang kakaiba.

Huminga ng malalim si Caroline at nagpatuloy, “Nakita niyo naman kung paano ko ibinigay sakanya ang buhay ko ng walong taon, diba? Pero ni minsan hindi ko naramdaman na minahal niya ako, tapos ngayon…. Naging sila pa ni Layla kahit na kami pa. Hindi pa siya nakuntento, pinipilit niya pa akong idonate ang kidney ko para iligtas si Layla. Naiisip niyo ba kung ano nalang ang mangyayari sa akin sa oras na magpakasal kami? Kung gusto ni Layla ang buhay ko, edi siya—”

Masyado ng emosyunal si Caroline at hindi niya na kayang magpatuloy pa. Ibinuhos niya ang lahat ng oras at lakas niya kay Eddy kaya hindi sila masyadong nabigyan ng pagkakataon ng pinsan niya na makapag bonding, pero mula noong nalaman niya na bumagsak ang kidney nito six months ago, buong puso siyang tumulong sa paghahanap ng magighing donor nito.

Pero bandang huli, anong napala niya? Hindi na nga siya nakatanggap ng kahit anong pasasalamat, pareho pa siyang sinaksak ng mga ito sa likuran. Tapos ano? Ibibigay niya ang kidney niya sa mga ganung klaseng tao? Pamilya pa ba talaga ang tingin ng mga ito sakanya? Ay mali… tao pa ba?

Muling nagtinginan sina Sarah at Dan na para bang may lihim na usapan ang mga ito. Pagkatapos, muling hinila ni Sarah si Caroline at nagsalita ng di hamak na sobrang hinahon ng boses kumpara sa kanina, “Carrie, alam kong masakit pero kung iisipin mo, hindi naman malaking kawalan sayo kapag nagdonate ka ng isa mong kidney diba? Bukod sa maliligtas mo ang pinsan mong si Layla, magiging mag asawa pa kayo ni Eddy! Parehas na jackpot, diba?”

Kumunot ang noo ni Caroline at walang emosyong sumagot, “Anong pinagsasabi mo, Mommy?”

Malinaw na niloko siya ni Eddy! Bakit kailangan niyang gawan ng pabor ang lalaking yun at ang kabit nito?

Tumingin siya sakanyang Daddy na parang isang batang humihingi ng tulong, pero umiwas ito ng tingin sakanya. “HIndi ka na bata, Caroline. Normal na kalakaran nalang ‘to kaya wag ka ng maging masyadong madrama jan!”

“Normal na kalakaran…” Nanginginig ang buong katawan ni Caroline na halos matumba na siya sa sobrang galit kaya nagmamadali siyang inalalayan ni Kirk. Galit na galit siyang tumingin sakanyang mga magulang dahil pakiramdam niya ay trinaydor siya ng mga ito.

Kung ang naramdaman niya nooong nalaman niyang pinagtaksilan siya ni Eddy ay para bang binangga siya ng isang malaking truck, ngayo namang narinig niya ang mga sinabi ng kanyang mga magulang, pakiramdam niya ay para siyang sinasagasaan ng isang malaking tangke ng paulit ulit.

“Kaya pala mas mahalaga sainyo na mapangasawa ko si Eddy at maging mas mataas ang estado ng pamilya natin kaysa sa kaligayahan at kaligtasan ko.” Noong oras na yun, hindi na napigilan ni Caroline ang sarili at tuluyan na ngang bumagsak ang kanya ng mga luha.

Hindi niya na kaya pang harapin ang kanyang mga magulang kaya nagmamadali siyang tumakbo palabas.

Lahat nalang ba? Lahat nalang ba hindi siya naiintindihan? Nasaan na yung mga taong nagsasabing mahal siya?

Gusto sanang habulin nina Dan at Sarah si Caroline, pero hinarangan sila ni Kirk, na may halatang ilag ang awra.

“Nangyari na ang mga nangyari. Wag na kayong magpanggap na nag aalala kayo sakanya.”

Hindi nagustuhan ni Dan ang tabas ng dila ni Kirk kaya galit na galit siyang sumigaw. “Anong karapatan mong pigilan kami? Anak namin si Caroline!”

“Ah.. Alam niyo pala yun?” Ngumiti si Kirk na halatang may halong sarcasm, “Akala ko kasi katulong niyo siya dahil sa pagtrato niyo sakanya.” Pagkatapos magsalita, tinignan ni Kirk ang mag asawa ng mula ulo hanggang paa at nagpatuloy, “Asawa ko siya kaya hindi ko hahayaang saktan niyo siya, kahit pa sinasabi niyong kayo ang mga magulang niya.”

Gulat na gulat si Dan sa sobrang angas ni Kirk kaya mga ilabg segundo pa ang lumipas bago siya nahimasmasan. “Sino ka para pagsalitaan kami ng ganyan? Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Hiwalayan mo siya ngayon mismo kung ayaw mong maging impyerno ang buhaty mo sa Osbury!”

Halos pumutok na ang leeg ni Dan sa leeg sa sobrang galit, pero parang walang narinig si Kirk at kalmado siyang naglakas palabas ng bahay.

Pagkalabas niya, naabutan niya si Caroline na nakayuko sa manibela nito at umiiyak.

Kaya bigla siyang natigilan.

Kagaya ni Caroline, kailangan niya ring mag asawa para takasan ang mga posibleng kumplikasyon sa personal niyang buhay. Ngayong nagawa niya na ang dapat niyang gawin, wala na siyang problema.

Pero bigla niyang naalala ang mga mata ni Caroline na puno ng determinasyon sa kabila ng napaka bigat na pasanin nito…

Kumunot ang noo niya at para bang naiinis na naglakad papunta sa passenger seat, pero muli siyang natigilan nang makita niya ng mas malapitan ang humaghagulgol na Caroline.

Huminga siya ng malalim at umikot papunta sa driver’s seat at binuksan ito. “Ako na.”

Habang nalulunod sa matinding kalungkutan, dahan-dahang iniangat ni Caroline ang kanyang ulo para tignan sana si Kirk pero bago niya pa man din ito tuluyang makita, bigla nalang siyang may naramdamang kamay na yumakap sa bewang niya, at walang anu-ano, nahimasmasan siyang nasa braso na siya ni Kirk.

Sa sobrang gulat niya, nanlaki ang kanyang mga mata at tila ba nakalimutan niyang umiiyak siya. Nakatitig lang siya kay Kirk.

"Ano... ano ang ginagawa mo?"

Nagusap na sila kanina na palabas lang ang naging kasal nila…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bogus Billionare   Kabanata 210

    Hindi na kailangang tapusin ni Charles ang pagsasalita. Binuksan ni Kirk ang kanyang tablet, at lumabas ang isang push notification tungkol sa akusasyon ni Sarah laban kay Caroline sa malaking screen.Isa itong video. Nagpapakita ito kay Sarah, na hindi maganda ang ayos at tila napapagod. Kaagad siyang umiyak nang magsalita."Alam kong hindi tama na ilantad natin ang mga lihim ng pamilya sa publiko, pero wala na kaming ibang pagkukunan. Ini-block ni Caroline ang lahat ng paraan ng komunikasyon namin, kaya't ito na lang ang natitira. Pasensya na at ginagamit namin ang mga resource ng publiko."Nilinis ni Sarah ang kanyang mga luha at tumingin nang diretso sa camera. Para itong nakatitig kay Caroline, at nagpakita ng pagmamahal sa mukha.Pinaabot niya, "Carrie, alam kong naririnig mo ito. Isa ka nang may-asawa at matanda na, kaya't hindi na kita gustong laging binibigyan ng kaginhawaan. Mas magiging masama lang ito para sa iyo. Hindi ka naman nagbigay ng anumang tulong sa pamilya nat

  • Bogus Billionare   Kabanata 209

    Mukhang napagtanto ni Adrian na hindi siya nakilala ni Caroline. Kaya't binago niya ang paksa. "Itatanong ko sa aking secretary na kausapin ka tungkol sa kompensasyon. Mayroon ka bang iba pang hiling?"Nagulat na tanong ni Caroline, "Kailangan bang magbigay ng kompensasyon ang pamamahala ng real estate?""Syempre, kailangan naming magbigay ng kompensasyon sa iyo. Nagdulot ka ng pinsala sa ari-arian sa ilalim ng aming pangangasiwa."Naintidihan ni Caroline. Hindi nakakagulat na umuunlad ang pamilya Sorkin sa pamamahala ng ari-arian. Ang kanilang sakop ay umabot sa lahat ng uri ng ari-arian sa Easton. Tunay nga nilang pinagsisilbihan ang kanilang mga kliyente.Nakuha na ng pulis ang lahat ng kuhang surveillance footage. Lumapit ito kay Caroline nang may kahihiyan."Ginang Evans, dahil maraming taong sangkot, mahihirapan kaming arestuhin silang isa-isa."Nilingon ni Caroline ang mga taong nagmamaliit sa kanya sa mga footage ng surveillance nang may pagkadismaya. Ngumiti siya ng baha

  • Bogus Billionare   Kabanata 208

    Pagdating ni Caroline sa kanyang apartment, naamoy niya ang nakakasulasok na amoy kaagad nang bumaba siya sa elevator.Ang pinto ng kanyang apartment ay may dungis, at ang mga pader ay may pintura ng mga salitang "Caroline Evans, ang disloyal na anak." Ang likido mula sa mga basag na itlog ay tumutulo sa mga biak sa mga bato.Naghintay siyang ang manager ng apartment ay nasa harap ng pinto. Nang makita siya nito, tinakpan nito ang kanyang ilong at lumapit."Ginang Evans, nasa opisina ang pulis para kunin ang mga kuhang footage ng surveillance."Bahagyang umiling si Caroline at binuksan ang pinto.Sa loob ng kanyang apartment, malinis ito. Ito ay tila wala pang nangyari, katulad ng dati bago sinira ito ni Layla.Huminga si Caroline ng malalim at tiningnan ulit ang labas ng pinto. Parang nagbalik-tanaw siya sa mga panahon na sinira ni Layla ang kanyang tahanan.Sinabi ng manager ng apartment, "Pumunta na lang tayo sa ibaba, Ginang Evans."Tumingin si Caroline palayo. Bahagyang tu

  • Bogus Billionare   Kabanata 207

    Nag-kulot ng bahagya ang noo ni Caroline. Hindi niya maaring mapaniwalaan ang lasa ng lalaking nagsalita sa press conference ng higit sa isang buwan na ang nakakalipas.Gayunpaman, ang mga pinagmulan ng website ng entertainment ay maaasahan.May mga tao pa nga na natuklasang si Daphne ay naglaro ng mga maliit na supporting roles bago siya ikasal.Ngunit ngayon, lahat ng kanyang mga bahagi ay pangalawang o pangatlong pangunahing roles na lamang. Maari lamang niyang magkaruon ng mga koneksyon na ito dahil sa kanyang pag-aasawa sa pangalawang uncle ni Eddy at pagiging kaugnay sa mga Morrison."Ano'ng tinitignan mo?" Tanong ni Kirk, tahimik na lumitaw sa kanyang tabi.Tumingin si Caroline, halos isipin na ang lalaking nasa harap niya ay ang pangalawang uncle ni Eddy. Maliban sa kanilang mga mukha, magkapareho talaga ang itsura nina Kirk at ng pangalawang uncle ni Eddy."Wala importante. Mga chismis lang."Naalala ni Caroline na nag-away sila dahil sa pangalawang uncle ni Eddy, kaya'

  • Bogus Billionare   Kabanata 206

    Nakita at naramdaman ni Mia kung gaano kadisappointed sakanya si Kirk base sa mga mata nito. Inilagay ni Kirk ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa, at malamig ang kanyang mga mata. Wala siyang balak na ipagtanggol si Mia.Sa nakita ito, sumama ang loob ni Mia at naglakad nang galit palayo.Namutla si Caroline habang pinagmamasdan si Mia habang umaalis. Pagkatapos, ibinalik ni Caroline ang pera sa kanyang bag.Lumapit si Kirk at inakbayan si Caroline. Sinabi niya, "Maghanap tayo ng makakain."Tiningnan ni Caroline ang elevator at nagtanong nang may pag-aalinlangan, "Hindi ba natin sila dapat puntahan?"Ngumiti si Kirk. "Ano bang gagawin mo?""Pero kinakabahan ako para sa kanila..."Pilit na dinala siya ni Kirk papuntang restaurant sa katabi. "Sila'y mga adulto na. Kaya nila ang kanilang sarili."Hindi sumagot si Caroline.Kahit nasa restaurant na sila para kumain, patuloy pa ring nag-aalala si Caroline para sa kanila. Kaya't nag-impake siya ng pagkain para sa kanila at pu

  • Bogus Billionare   Kabanata 205

    Nakatayo si Kirk sa may pintuan. Ang liwanag ay bumagsak sa kanyang mukha, at ang mga gilid ng kanyang bibig ay nag-angat papataas na may kasamang ngiti."Tara na," sabi niya kay Caroline, na tumingin upang maharap ang kanyang mata.Tumungo si Caroline patungo sa kanya at kumapit ng braso sa kanyang braso. "Oo."Tumingin si Kirk sa gilid. "Bakit ka sobrang masaya?"Binigyan siya ni Caroline ng misteryosong ngiti. "Malalaman mo na kapag kumain tayo."Pagkatapos, nag-fist pump siya nang kaunti papunta kay Gwen bilang tanda ng pagsusustento. Ikinurba ni Gwen ang kanyang mga labi dahil dito.Nang magtungo silang tatlo sa ibaba, naghihintay na si Sean sa labas ng pintuan. Ang pupuntahan nilang hapunan ay sa kabilang bahay lang.Nang magsimula na silang lahat papunta sa labas, nagmadaling lumapit si Mia sa kanila. "Sean, kakain ba kayo?" Tanong niya."Oo.""Pwede ba akong sumama?" Pagtaas-baba niya ng kilay, nakawink siya kay Sean.Subconsciously, tiningnan ni Sean si Gwen, na bigl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status