Share

Kabanata 2

"May problema ba?" Tumingin si Kirk kay Caroline.

Gusto sanang sumagot ni Caroline, pero ayaw niyang mag overthink si Kirk kaya hindi niya nalang itinuloy. “Ah wala. Tara na.”

Anu mang mangyari, kailangan din naman talaga nilang gawin yun…

Habang nasa byahe, biglang tumawag si Eddy kay Caroline.

Nang makita niya ang pangalan nito sakanayng screen, bigla siyang natigilan. Hindi alam ni Caroline kung anong mararamdaman niya dahil sa nakalipas na walong taon, palaging siya ang tumatawag kay Eddy para mangamusta. Ni minsan, hindi siya tinawagan nito..

Kahit na noong panahon na naospital siya, ni hindi man lang siya tinawagan nito para itanong kung anong nangyari sakanya, pero ngayon… tinatawagan siya nito para kay Layla…

Alam ni Caroline sa sarili niya na hinding hindi niya mapapantayan si Layla pagdating kay Eddy.

“Hindi mo ba sasagutin yang tumatawag sayo?” Tumingin sa bintana si Kirk, na kanina pa nakapikit ang mga mata.

Tumingin si Caroline kay Kirk. Hindi niya man mapinta ang ekspresyon ng mukha nito, nararamdaman niya na may bahid ng inis ang tono ng boses nito.

Ilang segundo pa siyang nagdalawang isip bago niya sa wakas sinagot ang tawag.

Hindi pa man din siya nakakapagsalita, sumalubong na sakanya ang galit na galot na boses ni Eddy. “Caroline! P*t*ng*na mo talaga! PUmunta ka na sa ospital! Alam mo ba kung ilang doktor ang naghihintay sayo? Alam mo ba kung gaano na kakritikal ang lagay ni Layla? Wala ka ba talagang pakielam? Anong klase ka bang tao? Pumagayg na nga akong pakasalan ka diba? Ano pa bang gusto mo?!”

Natawa nalang si Caroline sa loob loob niya. TAnggap niyang hindi talaga siya gusto ni Eddy, pero hindi niya inaasahan na ganito pala kababa ang tingin nito sakanya.

Kung ganoon ...

“Ano pang gusto ko? HIndi mo pa ba alam?” Walang emosyong sagot ni Caroline. “Gusto kong mahalin mo ako. Mabibigay mo ba sa akin yun?”

“P*t*ng*na mo! HIndi mo ba naririnig yang sarili mo?” Galit na galit si Eddy. “Hinding hindi ako mahuhulog sa babaeng kagaya mo kaya Caroline, pumunta ka a dito ngayon din. Ito na ang pagkakataon mo na maging Mrs. Morrison. Bilisan mo dahil kuung mahuhuli ka, wala kang makukuha!”

Huminga ng malalim si Caroline. Ramdam niya ang pagkirot ng puso niya. “Kasal na ako.”

Pagkatapos sabihin yun, bigla niyang ibinaba ang tawag.

Ito ang unang beses na ginawa niya yun.

Sobrang gaan sa pakiramdam niya, dahil sa wakas, hindi niya na kailangang maghintay sa kawalan.

Habang si Eddy naman na nasa kabilang dulo ng tawag ay nanginginig sa sobrang galit,

‘Kasal? Si Caroline ay kasal na? Imposible dahil patay na patay yung babaeng yun sa akin!”

‘Ha ha! Baliw na talaga yung babaeng yun! Ngayon nagpapanggap siyang may asawa para suyuin ko siya’

‘Delikado na siya!

Pagkatapos ng tawagm muling nabalot ng katahimikan ang sasakyan.

Si Kirk, na nakatingin sa bintana, ay napabuntong hininga nalang sa sobrang inis. Masyadong malakas ang boses ng lalaki na nasa kabilang linya kaya kahit hindi niya gustuhin ay narinig niya amng mga sinabi niyo. Isa pa, pamilyar ang boses ng lalaki na para bang narinig niya na ‘to dati.

“Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ayaw mo sa mga lalaki.” Sabi ni Kirk, na siyang bumasag ng katahimikan.

Nang marinig yun ni Caroline, tuluyan na siyang naging emosyunal dahil pakiramdam niya ay sa wakas may nakakaintindi na rin sa nararamdaman niya. Sinubukan niyang pigilan ang kanyang luha at galit na galit na sinabi, “Mga p*nyet* talaga ng mga lalaking yan!”

Hindi tumutol si Kirk at tahimik niya lang na tinignan si Caroline.

Nanginginig ang buong katawan ni Caroline sa sobrang galit. Napahawak siya ng mahigpit sa steering wheel, pero kasabay nito ay para bang nabunutan siya ng tinik. Hindi siya natatakot, at hindi rin siya nanghihinayang. Pakiramdam niya ay para siyang ibon na nakalaya na sa wakas.

Kumunot ang noo ni KIrk. “Ako na ang magmamaneho.”

Biglang tumigil sa pag-iyak si Caroline.

Hindi makatingin si Kirk sa kanyang mga mata. "Ayaw ko pang mamatay."

Hindi na sumagot pa si Caroline at pumayag siyang makipagpalit. Mula nun, wala ng nagsalita ulit sakanila hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga magulang ni Caroline.

Noong oras na yun, tuluyan ng tumahan at kumalma si Caroline. Sinilip niya ang sarili niya sa rearview mirror at namumugto ang kanyang mga mata ng sobra. Bukod dun, sobrang putla din ng kanyang balat kaya kung titignan ay pwede siyang ikumpara sa isang gutay-gutay na porcelain doll.

Mabilisan siyang nagretouch ng kanyang eyeshadow at lipstick bago siya tumingin kay Kirk, “Okay na ako.”

Ibang-iba ang itsura ni Caroline kapag may makeup. Parang biglang nagliwanag ang kanyang mga namamagang mata, sabayan pa ng kanyang mapupulang labi–sobrang kaakit-akit niya.

"Anong problema? May problema ba?" Binalikan ng tingin ni Caroline ang kanyang sarili sa salamin.

Umiling si Kirk at natatawang sumagot, “Wala, nagulat lang ako sa naging itsura mo. Ang ganda mo,”

Para kay Caroline, isang maliwanag na pambobola lang ang sinabi ni KIrk kaya hindi sa nag react, bagkus, kinakabahan siyang tumingin sakanilang villa. Huminga siya ng malalim at buong loob na sinabi, “Tara na.”

Nakita ni Kirk kung gaano kinakabahan si Caroline habang naglalakad papasok sa bahay ng mga magulang nito, kaya hindi niya mapigilang matawa habang sinusundan ito.

“Mommy, Daddy, nandito po ako.” Bati ni Caroline pagkabukas nito ng pintuan.

Hindi makapaniwala si Dan Evans at nagmamadali nitong inayos ang salamin nito para siguraduhin na ang anak nga niya ang nagsalita. “Bakit ka bumalik, Caroline?”

Pagtungtong niya sa legal age, nagdesisyon si CAroline na lumipat sa siyudad para mas maalagaan niya si Eddy.

Nang makita niya ang wrinkles ng kanyang daddy, hindi napigilan ni Caroline na maging emosyunal. Masyado niyang iginugol ang lahat ng mga oras at enerhiya niya para kay Eddy, at para bang nakalimutan niya na tumatanda na rin ang kanyang mga magulang.

Pero hindi pa huli ang lahat at magandang narealize niya kung sino talaga ang dapat niyang pinaglalaanan ng panahon.

“Daddy..."

"At sino ito?" Agad napansin ni Dan si Kirk, na nakatayo sa likod ni Caroline. Sa kanyang matalas na instincts, alam niyang may higit pa sa lalaking ito kaysa sa kung ano ang kita sa panlabas.

“At sino naman yang kasama mo?” Agad na napsin ni dan si Kirk, na nakatayo sa likod ni Caroline. Malakas ang kutob ni Dan na hindi lang ito basta-bastang lalaki.

Nag aalangang sagot ni Caroline, "Siya ay aking..."

“Carrie, sa wakas nandito ka na!” Isang masayang tili na sinundan pa ng pagtakbo pababa mula sa second floor. “Katatawag lang sa akin ni Eddy at ibinalota niya lang sa akin na ikakasal na daw kayo. Totoo ba?”

Nagulat si Caroline. "Ano?"

Tinuloy ni Eddy ang kasal ng mag-isa.

Hindi napansin ni Dan ang reaksyon ng kanyang anak, sa halip, excited po siyang nagtaong, ang kanyang asawa, "Totoo ba yun? Pumayag na ba si Eddy na pakasalan si Carrie?"

Sobrang tagal na itong hinihintay ng mag asawa.

Nang makita niya kung gaano kasaya ang kanyang mga magulang, hindi na nagsalita si Caroline.

Grabe! Napakawalang hiya! Tinotoo nga ni Eddy na idadamay nito pati ang mga magulang niya para iblackmail siya. Mukhang plano talaga nitong gamitin ang bawat technique sa lobro para malang makuha nito ang gusto nito.

Noong ibubuka na sana ni Caroline ang kanyang bibig para sumagot, bigla naman siyang inakbayan ni Kirk, at nangibabaw sa buong sala ang malalim at kaakit-akit nitong boses, “Magandang Araw po, Mr. and Mrs. Evans. Ako po ang asawa ni Caarrie at ikinagagalak ko pong makilala kayo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status