Share

Kabanata 4

Hinila ni Kirk si Caroline papunta sa passenger seat bago siya bumalik sa driver’s seat.

HIndi inaasahan ni Caroline ang mga nangyari kaya nagtataka siyang tumingin kay Kirk. ‘Bakit galit na galit siya? HIndi ba dapat ako nga yung mas galit? Anong problema niya?’

Pagkastart ng sasakyan, walang anu-ano itong hinarurot palayo ni Kirk.

Sa sobrang bilis, halos tumilapon na si Caroline sa bintana kaya napahawak siya ng mahigpit sa pintuan. “ Ano bang ginagawa mo?!”

Pero parang walang narinig si Kirk, nakautok lang siya sa daan, at bagkus, lalo niya pang inapakan ng madiin ang gas kaya ang Audi A6 ni Caroline ay umarangkada sa kalsada na parang iog na umaagos.

Sobrang namutla si Caroline. Sa sobrang lakas ng hangin, napapabitaw na siya sakanyang hinahawakan, at pakiramdam niya ay para siyang nalulunod.

Bandang huli, hindi na kinaya ni Caroline at bumitaw nalang siya, habang si Kirk naman ay parang isang baliw na nagpatuloy lang sa pagmamaneho papunta sa kawalan.

Three days ago noong sumagi sa isip ni Caroline na magpakamatay nalang, pero pinangunahan siya ng takot lalo na at nangibabaw sakanya yung pag iisip na kahit alam niyang gustong gusto siyang maging Mrs. Morrison ng kanyang mga magulang, alam niya naman sa sarili niya na maiintindihan siya ng mga ito sa oras na sabihin niya ang gustong kapalit ni Eddy. Kaya nga ganun nalang din kalakas ang loob niya na ipakilala si Kirk eh..

Pero nagkamali pala siya… Hindi niya naisip na mas mahalaga pala sa mga magulang niya na maitaas ang estado ng pamilya nila kaysa sa kaligtasan niya, kaya sa isang iglap, lahat ng pagmamahal na ibinuhos niya para sa mga ito sa loob ng dalawang dekada ay naglaho na parang bula.

Habang hinahayaan niyang sampalin siya ng malakas na hangin mula sa bintana, wala na siyang luha na maiiyak pa.

Tuluyan na nga sigurong namatay ang kanyang puso.

Hindi nagtagal, unti-unting bumagal ang sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong huminto. Wala na siyang maramdaman na kahit ano.

Dinala siya ni Kirk sa isang beach, kung saan mangilan-ngilan lang ang mga tao. Sobrang ganda ng paglubog ng araw at napaka tahimik din ng paligid.

Matagal na siyang nakatira sa Osbury pero ngayon niya lang nalaman na may ganun pala kagandang lugar doon…

“Ayaw mong bumaba?” Walang kabuhay-buhay na tanong ni Kirk.

Muling tinignan ni Caroline si Kirk… HIndi na ito mukhang galit kagaya kanina. Teka.. namalik-mata lang ba siya?

Sobrang relaxed lang ng itsura nito habang nakatingin sa dagat na nasa harapan nila.

Hindi niya itatanggi na sobrang gwapo talaga ni Kirk, at kahit na alam niyang walang wala ito kumpara kay Eddy, biglang bumilis ang tibok ng puso niya para rito.

Nang sandling lumingon si Kirk, nagmamadaling umiwas ng tingin si Caroline. “Ah… ehh… hindi na. Kuntento na akong makita ng ganito kalayo.”

Muli nanamang nakita ni Kirk ang mga mata ni Caroline… Kung ano ang ikinaganda nito, yun din ang ikinalungkot ng mga ito…Pero hinding hindi niya makakalimutan kung paano ito napuno ng determinasyon na may halong poot habang kausap nito ang mga magulang nito. May dumaan na ibon sa harap nila, at sinundan ito ni Kirk ng tingin habang nagtatanong kay Caroline. “Hindi mo ba naisip na maghiganti?”

Medyo naguluhan si Caroline.

“Sa boyfriend mo.” Kinapa ni Kirk ang kanyang bulsa, pero matagal na siyang hindi nagdadala ng sigarilyo, kaya bahagya siyang natigilan bago magpatuloy, “Base sa mga kwento mo, parang wala siyang kwentang tao, ayaw mo bang gumanti sakanya?”

Malungkot na ngumiti si Caroline,” Siyempre gusto ko at naisip ko rin yan. Pero wala naman akong gkakayahan na gawin yun.”

Si Eddy lang naman ang tagapagmana ng mga Morrison kaya kayang-kaya siyang durugin nito parang langgam.

Walang ibang naisip si Caroline na dahilan kung bakit hinahayaan siya ni Eddy na mapalapit dito at yun ay dahil kay Jude. Alam niya rin sa sarili niya na sa oras na umalis na si Jude, siguradong balewala na siya kay Eddy at baka nga yun pa ang maging dahilan para tuluyan na siyang patayin nito.

“Pwede kitang tulungan kung gusto mo.” Sabi ni Kirk habang pinapanuod pa rin ang ibon, na kasalukuyang nakahuli ng isda. Pagkatapos yun sabihin ni Kirk, sobrang laki ng iginaan ng pakiramdam niya.

Natawa nalang si Caroline. “Salamat nalang sa concern mo. Alam kong mabait kang tao pero hindi ksi siya basta-basta.

Nang sandaling marinig ni Kirk ang sinabi ni Caroline, parang biglang nagningning ang kanyang mga mata.

Mabait na tao?

Magtatatlumpung taong gulang na siya, pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na may tumawag sakanyang mabait.

At naging mabait siya dahil lang dun sa sinabi niya?

“May expiration date ang mga pangako ko, pero sabihan mo lang ako kung gusto mong mag higanti, susubukan kitang tulungan.”

Ngumiti nalang si Caroline at wala na siyang interes na pahabain pa ang usapan. “Sige.” Pero hindi maiwasang isipin ni Caroline ang magiging reaksyon ni Kirk sa oras na malaman nito kung sino at anong uri ng tao talaga si Eddy.

Sakto, noong sandaling yun, biglang nag ring ang phone ni Kirk kaya agad-agad niya itong kinuha. Nang makita ang pangalan ng taong tumatawag, biglang kumunot ang kanyang noo. Binuksan niya ang pintuan ng driver’s seat at naglakad ng bahagya, ”Anong gusto mong sabihin?”

“Sir, yung driver po na dahilan ng aksidente ay patay na raw. Hindi po kami nakakuha ng iba pang impormasyon.”

Biglang nanlisik ang mga mata ni Kirk nang sandaling marinig ang sinabi ng kausap.

“Mangilan-ngilan lang ang nakakaalam na nakabalik na ako. Bantayan mo sila ng maigi.”

“Opo, sir.” Sadlit na natahimik ang kanyang assistant bago ito magpatuloy sa pagrereport. “Tumawag po si Mr. Morrison.. Gusto niya raw po kayong imbitahan sa isang party. Kayo po…”

Tinignan ni Kirk si Caroline, na kasalukuyang pinagmamasdan ang kalangitan. “Asikasuhin mo yan.”

“Opo, sir.” Agad na naintindihan ng kanyang assistant kung anuman ang ibig niyang sabihin.

Pagkatapos ng tawag, muli siyang lumapit kay Caroline at sinabi, “May mga dapat lang akong asikasuhin.”

“Sige na. Pwede mo na akong iwanan. Wag kang mag alala sa akin, okay lang ako.” Nakangiting sagot ni Caroline.

Kumunot ang noo ni KIrk, “Sige, pero kapag narealize mo na hindi ka okay, wag mo akong sisisihin ha.”

Nagulat si Caroline. ‘Anong gusto niyang ipunto?”

Pagkaalis ni Kirk sakay ng taxi, sakto namang tumawag kay Caroline ang kaibigan niyang si Gwen Jameson.

Sumalubong sakanya ang galit na galit na boses ni Gwen. “Carrie, yung walang hiyang Eddy na yun, sila na pala ng Layla na yun? Pinuntahan ko kasi si Mommy tapos—”

“Alam ko na ang tungkol jan.” Bago pa man makapagtanong si Gwen, kwinento na ni Caroline ang lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Nang marinig ni Gwen ang buong kwento, lalo siyang nagalit na gusto niyang balibagin ang lamesa. “P*t*ng*na! Napaka galing nilang magtago ng sikreto ha! Ni hindi tayo nakakutob sa plano ng dalawang yan. Anong gagawin mo? Hahayaan mo lang sila sa ginawa nila sayo?”

“Ano pa bang magagawa ko?” Sagot ni Caroline. “Nagpakasal ako sa isang taong hindi ko kilala para lang hindi ko sila mabigyan ng pagkakataon na pilitin akong magdonate ng kidney. Bukod dun, wala akong ideya kung paano makakaganti ang isang taong tulad ko sakanila.”

“Teka… Anong…anong sabi mo? Nagpakasal? Sino? Ikaw? May asawa ka na?” Sunod-sunod ang tanong ni Gwen, na halatang hindi makapaniwala. Ilang segundo rin itong natahimik bago ito sumigaw, “Sino yang pinakasalan mo? Hindi ba yan kamag anak ng walang hiyang Eddy na yun? Ha ha! What a sweet revenge! Sigurado akong magwawala yung Eddy na yun kapag nalaman niya ang tungkol jan!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status