Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 138

Share

Bon Appetit CHAPTER 138

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-05-22 20:34:02

Umalis si Senyora na masama ang loob. Sa bawat hakbang niya papalayo sa bahay, ramdam ang bawat pagtama ng sakong niya sa semento—parang pagpapalaya sa bigat ng pusong pilit niyang isiniksik sa buhay ni John. Ang huling luha niya ay bumagsak sa hangin ng gabi, ngunit ang sakit ay nanatili sa dibdib. Hindi na siya lumingon.

Sa loob ng bahay, naiwan si John—tahimik, wasak, at wala nang ibang makakapagbuhol ng mga nasirang pangarap.

Tahimik ang sala. Ang mga bote ng alak ay nakakalat pa rin, may ilan pang natumbang baso sa sahig. Sa sulok ng mesa, nakasandal ang litrato ni Fortuna—ngumingiti, hawak ang isang tasa ng kape, habang ang araw ay tumatama sa kanyang pisngi. Luma na ang larawan, pero para kay John, ito ang pinakamalinaw na alaala ng panahong masaya pa silang dalawa.

Pinunasan niya ang mata. Hindi dahil lasing siya. Hindi dahil may sinok o hilo. Kundi dahil sa dami ng alaala na bigla na lamang sumiklab sa isipan niya—mga araw, gabi, tawanan, iyakan, mga yakap na hindi na naulit,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 138

    Umalis si Senyora na masama ang loob. Sa bawat hakbang niya papalayo sa bahay, ramdam ang bawat pagtama ng sakong niya sa semento—parang pagpapalaya sa bigat ng pusong pilit niyang isiniksik sa buhay ni John. Ang huling luha niya ay bumagsak sa hangin ng gabi, ngunit ang sakit ay nanatili sa dibdib. Hindi na siya lumingon.Sa loob ng bahay, naiwan si John—tahimik, wasak, at wala nang ibang makakapagbuhol ng mga nasirang pangarap.Tahimik ang sala. Ang mga bote ng alak ay nakakalat pa rin, may ilan pang natumbang baso sa sahig. Sa sulok ng mesa, nakasandal ang litrato ni Fortuna—ngumingiti, hawak ang isang tasa ng kape, habang ang araw ay tumatama sa kanyang pisngi. Luma na ang larawan, pero para kay John, ito ang pinakamalinaw na alaala ng panahong masaya pa silang dalawa.Pinunasan niya ang mata. Hindi dahil lasing siya. Hindi dahil may sinok o hilo. Kundi dahil sa dami ng alaala na bigla na lamang sumiklab sa isipan niya—mga araw, gabi, tawanan, iyakan, mga yakap na hindi na naulit,

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 137

    Mainit ang sikat ng araw sa California. Sa loob ng bahay ni Kuya Tonny, naroon sa ikalawang palapag ang isang silid na ngayo'y unti-unti nang nagkakaroon ng panibagong buhay. Ang dating storage room na puno ng lumang kahon, ngayon ay nauukitan na ng kulay pastel—rosas at mint green—kasabay ng mga halakhakan, ng malalambing na palitan ng kwento, at ng mga matang puno ng pag-asa."Fortuna, ilagay mo 'yang teddy bear sa ibabaw ng rocking chair. Ayan, perfect!" ani Amanda habang pinupunasan ang bagong pinturang crib na pinag-ipunan pa talaga ni Jinky."Grabe, hindi ko akalaing makakagawa tayo ng ganito," wika ni Fortuna, hawak ang isang frame na may nakasulat na “You are loved even before you arrive.” Napangiti siya habang tinititigan ito. "Dati kasi, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay. Pero ngayon, may silbi na lahat."Lumapit si Jinky, may dalang maliit na basket ng bagong labang damit-pangbaby—mga onesies, bonnet, at mittens. Isa-isa niya itong nilagay sa drawer habang nak

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 136

    Mainit ang sikat ng araw sa California, pero malamig ang hangin ng taglagas. Ang amoy ng bagong lutong tinapay ay lumulutang sa paligid, hinahaluan ng samyo ng cinnamon at vanilla na tumatagos hanggang kalye.Nakatayo si Fortuna sa harap ng bagong tayong maliit na bake shop sa ibaba ng bahay ng kanyang kuya Tonny, isang simpleng two-storey house na pinundar nito sa tulong ng kanyang asawang si Amanda, isang American nurse.May karatulang “Fortuna’s Oven” sa pinto. Handmade, may bulaklak na disenyo at may hugis na parang puso sa gitna—simpleng shop, pero puno ng pangarap."Parang panaginip, ‘no?" ani Tonny, habang nilalapag ang kahon ng bagong mixing bowls sa gilid.Nakangiti si Fortuna, suot ang kanyang apron na may tatak na “Mama Baker”, isang regalo ni Amanda noong gender reveal party nila sa loob lang ng bahay."Oo, Kuya… dati, kape lang ang alam ko gawin sa mamahaling coffee maker. Ngayon, kaya ko nang magmasa at magbake gamit ang sariling kamay. Hindi man glamorous, pero ito ang

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 135

    Mainit ang sikat ng araw sa California, ngunit sa loob ng maliit at malamig na klinika ng Dr. Althea Mendez, naroon si Fortuna, nakaupo sa waiting area na may magkahalong kaba at pananabik sa kanyang dibdib.Katabi niya si Jinky, ang ina niyang ngayon ay naging kaagapay sa bawat hakbang ng kanyang bagong buhay. Naka-blush pink na maternity dress si Fortuna, at bagama't bahagyang naninibago sa pananamit na maluwag sa tiyan, kitang-kita sa kanya ang unti-unting pag-usbong ng kanyang inaasam na pag-asa."Anak, kumain ka ba kanina? Baka mamaya mahilo ka habang chine-check ka ni doktora," tanong ni Jinky habang pinupunasan ng tissue ang noo ng anak kahit hindi naman ito pinagpapawisan.Napangiti si Fortuna. "Ma, kumain po ako ng oatmeal. Tsaka ‘yung banana bread na binake ko kagabi.""Good. At least busog ka. Ayokong marinig na napagalitan ka ni doktora, ha? Baka ako pa ang pagalitan niya."Tumawa si Fortuna, pero hindi niya maikubli ang nerbyos. Kahit pa lumaki siya sa piling ng mga mayka

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 134

    Sa labas, patuloy ang ambon—parang luha ng langit na matagal nang pinipigil.Sa loob ng silid, naiwan si John na tila bata ulit, walang muwang sa bigat ng mga salitang binitiwan niya. Walang hiyaw, walang iyak—pero bawat paghinga’y parang tinutusok ng sampung kutsilyo. Ang pag-ibig kay Fortuna ay hindi kailanman nawala… pero ang sakit na naidulot niya kay Senyora ay bagong pilat na siya mismo ang lumikha.Samantala, si Senyora—lumabas na hindi lumilingon. Niyakap siya ng lamig ng gabi, ng ulan, ng bigat na hindi niya na kayang ikubli.Tahimik siyang naglakad sa bakurang tinaniman nila noon ng mga rosas ni John. Mga rosas na ngayo’y unti-unting nalalanta, hindi dahil sa ulan… kundi sa paglimot. Sa pagkalimot niya sa sarili habang paulit-ulit niyang ipinaglalaban ang lalaking hindi naman siya kailanman pinili nang buo.“Tama na.”Bulong niya sa sarili, habang pinupunasan ang pisnging basang-basa na di na niya matukoy kung luha o ulan.“Tama na, Senyora. Wala nang matitira sa’yo kung siy

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 133

    Hindi na niya alam kung ilang araw na siyang naglalakad na parang wala sa sarili. Ilang pintuan ang kinatok, ilang beses siyang huminto sa bawat bahay na maaaring tinutuluyan ni Fortuna. Pero walang sagot. Wala siyang natagpuan kundi katahimikan, tanong, at pangungulila.Ang tanging alam niya: wala na si Fortuna.Hindi niya alam kung saan siya pupunta, pero parang may humihila sa kanya pabalik—sa mansion. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.Bumaba ang taxi sa tapat ng matandang gates. Muli niyang nasilayan ang mapupusyaw na kulay ng lumang Carlito mansion, na tila ba mas tahimik na ngayon. Hindi siya sigurado kung anong sasalubong sa kanya, pero wala na rin siyang ibang mapuntahan.Pagbukas ng pinto, hindi pa siya nakakapasok ay narinig na niya ang pamilyar na tinig."Ikaw din pala ang huling babalik, John."Nakatayo sa may gilid ng malaking hagdan si Lola Irene, naka-abang. Naka-puting saya, hawak ang lumang rosaryo na tila ba pilit na pinanghahawakan sa gitna ng maraming panalan

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 132

    Sa maluwang na sala ng bahay ni Kuya Tonny sa California, umaga pa lang ngunit abala na sa paghahanda ng almusal sina Jinky at Jack. Ang amoy ng pritong itlog at bagong lutong sinangag ay humalo sa malamig na simoy ng hangin mula sa bintana. Si Fortuna ay tahimik na nakaupo sa sofa, hawak ang tasa ng mainit na tsaa, at bahagyang hinahaplos ang kanyang tiyan.Lumapit si Jinky at umupo sa tabi ng anak, halatang nag-aalala."Anak, okay ka lang ba? Hindi ka halos kumikibo buong linggo ah."Ngumiti si Fortuna, pero may bigat sa mga mata niya. Hindi ito lungkot, kundi pag-iisip."Ma... Pa..." sabay tingin kay Jack na kasalukuyang nag-aayos ng kape sa mesa, "...Kuya Tonny, may gusto sana akong sabihin sa inyo."Agad na lumapit si Jack at si Tonny mula sa kusina. Umupo sila sa sala, pinalibutan si Fortuna. Tahimik ang lahat, hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin."Matagal ko na po itong iniisip, lalo na ngayon na... buntis ako. Ayokong habang buhay ay maging alaala na lang ako ng isang

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 131

    Kinabukasan.Maagang nagising si John, tila hindi na nga natulog nang buo. Nagmamadaling inayos ang sarili—suot ang simpleng puting polo na ilang beses niyang isinuot tuwing may mahahalagang pag-uusap, itim na pantalon, at dala-dala ang isang maliit na notebook. Sa loob nito, mga liham na ilang taon niyang isinulat para kay Fortuna—mga salitang hindi niya kailanman naipadala, mga pangakong naudlot, mga "patawad" na hindi niya masambit noon.Ang bawat hakbang niya patungo sa likod ng lumang taniman ay parang mabigat na bagaheng isinasabit sa balikat niya—punô ng pag-asa, takot, at mga alaala.Hanggang sa dumating siya sa harap ng isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Puti ang pintuan. Simple, tahimik, tila itinatago ng kalikasan mismo mula sa mga mata ng mundo. Sa labas, sa tabi ng bintana, may nakaupong babae. Nakaputi. Mahaba ang buhok. Hawak ang isang lumang libro. Tahimik. Hindi lumilingon sa paligid.Tumigil si John sa paglalakad. Tila tumigil rin ang pag-ikot ng mundo. Naramdam

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 130

    San Benito – Hatinggabi, ulan ang tanaw sa labas ng bintana ng lumang inn.Nasa kama si John, basa pa rin ang jacket mula sa ulan. Walang imik. Tahimik ang buong silid maliban sa patak ng ulan sa bubong at mahinang ugong ng electric fan sa isang sulok."Wala pa rin," bulong niya habang nakatitig sa basang sapatos. "Isang linggo na akong paikot-ikot dito pero ni anino ni Fortuna... wala akong mahagilap."Dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone. Binuksan ang gallery. Larawan ni Fortuna ang nasa huling frame. Maganda pa rin, kahit pa kuha iyon sa gitna ng isang pagtatalo. Nakangiti si Fortuna sa litrato, hindi niya alam na ilang sandali matapos iyon, magwawakas ang lahat."Asan ka na ba..." bulong niya habang hawak ang telepono. "Buntis ka na... pero hindi ako ang kasama mo. ‘Di ko man lang nasaksihan kung paano mo hinaplos ang tiyan mo. Ako dapat ‘yon. Ako sana ang nandiyan."Tumunog ang cellphone. Nakasulat sa screen: Señora.Napapikit si John. Mariing huminga. Ngunit sinagot niya ang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status