“Sa loob po, ma’am. Hinihintay ka na ng OB.”Consultation Room 39:32 ng umaga"Magandang umaga po, Senyora Abedida," bati ng doktora, isang propesyonal na babae sa edad na mga apatnapu. “Anong maitutulong ko sa inyo ngayong araw?”Diretso ang sagot ng Senyora. "Doktora, gusto kong mabuntis. Agad. Kung maaari, sa lalong madaling panahon. Hindi ako narito para sa paliwanag. Nandito ako para sa resulta."Napatigil ang doktora. Sanay siya sa mga pasyenteng gustong magkaanak, pero bihira ang ganitong uri ng determinasyon—tila ba may hinahabol, may pinanghahawakan na higit pa sa simpleng pangarap."Kailan po ang huling menstruation ninyo?" maingat niyang tanong.“Dalawang linggo na ang nakakaraan.”Tumango ang doktora, sabay bukas ng kanyang laptop. “Ibig sabihin, posibleng nasa fertile window ka ngayon. Kung nakipagtalik ka nitong mga nakaraang gabi, mataas ang posibilidad…”“Nagkaroon kami ng ugnayan kagabi,” putol ni Senyora. “At uulitin ko kung kinakailangan. Kailangan ko lang ng mga s
Long Beach Medical Center – Room 5076:03 ng umagaMaaga pa lang, ang liwanag ng araw ay unti-unti nang gumagapang sa puting kurtina ng silid. Tahimik. Banayad ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa maliit na siwang sa bintana. Sa loob ng silid, nakahiga si Fortuna—maputla ngunit payapa, mahigpit na yakap ang anak na si Baby Alessia na mahimbing pa ring natutulog.Hindi pa siya nadidischarge.May mga IV pa sa kanyang braso. May chart na palaging chine-check ng mga nurse. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, sa mata ng isang bagong ina, ang lahat ay tila tumigil. Tahimik. Maselan. Banal.Hinaplos niya ang ulo ng anak. “Gising ka na mamaya, anak, kapag lumakas na si mama mo. Hindi pa tayo uuwi… pero uuwi rin tayo.”Sa sulok ng silid, si Amanda ay nakatulog sa reclining chair, habang si Tony ay lumabas upang bumili ng agahan. Napatingin si Fortuna sa kisame.“Hindi ko alam kung kaya ko talaga ‘to. Pero kailangan kong kayanin, ‘di ba?”Samantala — Downtown Los Angeles, isang maliit na opis
Long Beach Medical Center – Room 5076:03 ng umagaIsang banayad na sinag ng araw ang unti-unting gumapang sa puting kurtina ng hospital room. Mula sa maliit na siwang ng bintana, pumasok ang liwanag ng bagong umaga, dahan-dahang tumama sa mukha ni Fortuna. Napapikit siya sandali, ninamnam ang katahimikan ng sandaling iyon.Kakaibang pakiramdam.Hindi ito ang uri ng umagang kinagisnan niya—wala ang ingay ng pangungulila, wala ang hapdi ng pagiging mag-isa. Ang puso niya, bagaman pagod, ay tahimik. Mapayapa.Ibinaba niya ang tingin.Naroon. Sa tabi ng kama. Isang maliit na bassinet, kulay puti, may pink na balot sa gilid. At sa loob nito—isang bagong simula.Si Baby Alessia.Mahimbing ang tulog. Banayad ang hininga. Ang munting labi ay bahagyang nakabuka, waring may panaginip ng isang mundong hindi pa niya alam kung gaano ito ka-komplikado.Maingat na inabot ni Fortuna ang bassinet at dinala ito palapit. Inangat ang anak. Dinala sa kanyang dibdib. Inilapat ang pisngi sa malambot nitong
Sa Labas ng Silid – 9:15 ng GabiTahimik ang hallway ng ospital, pero bawat hakbang nina Leona, Luigi, Amanda, at Tony ay punô ng bigat—bigat ng tanong, ng pangamba, at ng mga salitang hindi masabi sa loob ng kwarto kung saan kapapanganak lang ni Fortuna.Naupo sila sa waiting area, dala ang katahimikan ng gabing iyon.“Anong plano natin?” tanong ni Amanda, habang nakapangalumbaba sa malamig na mesa.Napatingin si Tony sa kanya. “I think kailangan nating respetuhin ang desisyon ni Fortuna. Kung ayaw niyang malaman ni John, igagalang natin iyon. Pero… hindi ba siya may karapatan ding malaman na may anak siya?”“Bilang ama, oo,” sagot ni Luigi habang pinisil ang palad ni Leona. “Pero bilang isang pusong nagdurugo, mas naiintindihan ko si Fortuna. Hindi siya galit… nasasaktan lang.”Tumango si Leona, pinahid ang luha sa sulok ng mata. “Pero paano kung isang araw… hinanap siya ni John? Paano kung isang araw, gusto niyang bumawi?”Napatingin si Amanda sa sahig. “Kung mangyari man ‘yon… dap
Tumingin siya sa sanggol, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.“Ang gandang bata ni Alessia…” bulong niya, habang tinuturo ang makakapal na pilikmata ng sanggol. “Kamukha mo, anak. Pero may mata siyang parang kay John…”Napaluha si Fortuna. Napahigpit ang hawak niya sa sanggol. “Ma… parang siya talaga, no?”“Patingin nga ng apo ko,” sabay na sabi ni Luigi, na kalalabas lang ng kwarto ng records. May dala siyang ilang papeles—mga birth documents, ilang consent forms, at baby health booklet.Pagkakita niya sa apo, natigilan si Luigi. Napahawak siya sa dibdib, at dahan-dahang lumapit.Ang dating istriktong ama, ngayon ay tila batang nadakma ng hiwaga.“Ang liit niya…” sabi ni Luigi, kunot ang noo pero basa ang mga mata. “Pero ang lakas ng dating. Mana sa mommy, mana rin sa daddy…”Sabay-sabay silang natahimik.Sa mismong gitna ng sandaling iyon, kumatok sina Amanda at Tonny. Maingat na sumilip sa pinto si Amanda, naka-face mask pa, pero kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata.“
“Fortuna,” wika ng doktor, mahigpit ngunit may lambing. “Makinig ka sa akin. Isang malalim na hinga… tapos tulak. Para sa baby mo ito. Kaya mo ‘to.”Napapikit si Fortuna. May luha nang tumutulo sa gilid ng kanyang mata. Humigpit ang kapit niya sa kamay ng nurse.“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw niya, halos mapunit ang lalamunan.“Isa pa, Miss Han! Malapit na siya. Nakikita na namin ang ulo!”Isang contraction ulit. Tila tinutusok ang kanyang likod, habang tila napupunit ang kanyang kaluluwa. Basang-basa ng pawis ang kanyang noo, nanginginig ang kanyang mga binti.“Isang tulak pa! ISANG MALAKAS NA TULAK, FORTUNA!”“AAHHHHHHHHH!” Isang malakas na tulak. Sa sobrang sakit, sumigaw siya ng pangalan na iniwasan niyang banggitin nang matagal.“JOHHHHHHHN!”At sa eksaktong sandaling iyon—sumabog ang katahimikan.Isang munting tunog ang bumasag sa lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat ng kaba.UAAAAHHH! UAAAAAHHHH!Ang unang iyak ng isang sanggol.Inside the Delivery RoomMainit pa ang luha ni For