Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 187

Share

Bon Appetit CHAPTER 187

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-06-30 22:41:55

Gabing-gabi na, ngunit ang bahay ng pamilya Han ay nananatiling gising—hindi sa ingay, kundi sa dami ng damdaming hindi masabi.

Tahimik si Fortuna habang nakaupo sa kama. Hawak-hawak niya si Alessia na mahimbing nang natutulog sa kanyang dibdib. Sa kabilang gilid ng silid, nakaupo si John sa isang maliit na sofa, tahimik na pinagmamasdan ang mag-ina. Sa ilaw ng lampshade, malinaw niyang nakikita ang payapang mukha ng anak, at ang mga mata ni Fortuna—pagod, pero may ningning na bago sa kanyang pagkatao.

Ang dating babae na sinaktan at iniwan ay isa nang ina na piniling maging matatag.

“Bukas,” mahina ang tinig ni Fortuna, hindi lumilingon, “pwede kang pumunta dito ulit. Pero hindi araw-araw. Hindi pa kita kayang makita nang palagi.”

Tumango si John. “Kahit kailan mo lang ako payagan. Basta alam kong may pagkakataon akong makita si Alessia, sapat na muna ’yon.”

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang saglit. Isang sulyap sa isang damdaming matagal nang itinago. Hindi ito romantiko—hindi p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 216

    Sa labas ng bahay, sa hardin, sa lilim ng mga puno ng lemon…Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kuliglig at mahihinang kaluskos ng mga dahon ang maririnig. Nakaupo si Madam Irene sa lumang bangko na gawa sa kahoy, pinagmamasdan ang anak niyang si Leona na naglalakad pabalik-balik, tila ba hindi alam kung saan ibubuhos ang bigat na kanina pa kumakain sa dibdib niya.“Ma…” mahinang tawag ni Leona, halos pabulong, “tama nga siguro kayo noon. Hindi dapat natin pinilit ang kasal nina Fortuna at John. Pero ginawa natin kasi akala natin… akala natin ito ang makabubuti.”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Madam Irene bago tumingin sa kanya. “Walang kasalanang mapipilit ang puso, anak. Kahit pa anong plano ang gawin natin, kung wala sa puso nila ang isa’t isa, wala ring saysay ang lahat.”Huminto si Leona sa paglalakad, napayuko. “Pero paano kung tuluyan na silang maghihiwalay? Paano kung sa kagustuhan nating itama ang lahat, lalo lang nating sinira ang mga dapat sanang buo?”Ilang

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 215

    HOTEL Crown — Executive Lounge, 10th Floor CaliforniaTahimik ang paligid. Malamlam ang ilaw. Ang salamin sa bintana ay nagpapakita ng liwanag ng lungsod sa ibaba, kumikislap na parang alaalang hindi na mabubura.Lumapit si Marco sa isang nakatalikod na lalaki, naka-itim na coat, may hawak na folder. Siya ang private investigator.“Mr. Velarde,” ani Marco, mahinang tinig pero may bigat, “Salamat. Kung hindi dahil sa inyo, hindi namin siya agad matatagpuan.”Tumango ang lalaki, iniabot ang folder. “Sinunod lang namin ang mga lead, sir. Naging madali dahil iniwan niya ang trail niya sa pag-book online gamit ang dating alias. At kung totoo man lahat ng sinabi niya sa loob ng mga araw na ‘to… sa palagay ko, kailangan n’yong marinig ang totoo, mula sa kanya mismo.”Kinuyom ni Marco ang folder. Hindi niya ito binuksan. Hindi pa ngayon.“Maraming salamat. Transfer ko na lang ang final payment, tama?”“Hindi kailangan ng dagdag, sir. Alam kong hindi ito ordinaryong kaso. Minsan kasi, hindi la

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 214

    Sa loob ng bahay ng mga Tan sa California, sumisigaw ang katahimikan. Naiwan ang tensyon sa pagitan ng mga titig, at ang bawat hakbang ni Leona ay mabigat, punô ng galit at pagkadismaya.“Lumayas ka na dito, Señora,” mariing sabi ni Leona, tinuturo ang pintuan.“Hindi ka na karapat-dapat manatili pa sa pamamahay na ito. Hindi matapos-tapos ang panloloko mo!”Umiiyak si Señora, ngunit walang makakuhang awa sa paligid. Nagsimula siyang lumapit kay John, nanginginig ang boses.“John, please… hindi ko alam kung paano tayo umabot sa ganito. Ayoko pang umalis.”Pero bago pa siya makalapit, biglang sumingit si Marco, mabilis na humakbang at mariing hinawakan ang braso ng babae.“Tama na 'yan.”“Marco? Bitawan mo ako! Ayoko sumama sa’yo!” sigaw ni Señora, nagpupumiglas.“Hindi ka pa ba nahihiya, ha?” singhal ni Marco. “Sa dami ng kasinungalingang niluto mo, may mukha ka pang humingi ng awa dito? Halika na. Huwag mo nang dagdagan pa ang kababuyan ng ginawa mo!”Hinila ni Marco si Señora palab

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 213

    Tahimik ang paligid ng malawak na sala. Tanging ang malamig na tunog ng wall clock ang bumabasag sa katahimikan.Nakaharap sa isa’t isa sina John Tan, Leona at Luigi—ang kanyang mga magulang. Sa gilid ay nakatayo si Madam Irene, tahimik pero tensyonado ang postura. Sa tabi niya, si Marco, hawak-hawak ang isang envelope na parang may bigat ng isang buong mundo.Nakahawak si John sa sinturon ng pantalon niya, bakas sa mukha ang pagod at kaguluhan. “Bakit mo kami pinatawag, Marco? Anong mahalagang dapat mong sabihin sa amin?”Malalim ang buntong-hininga ni Marco bago nagsalita. “Alam kong wala akong karapatang makialam sa mga desisyon niyo. Pero hindi ko na kayang sikmurain ang kasinungalingan na ‘to.”Nakita ni Marco ang pagkunot ng noo ni Leona, habang si Luigi ay tila nahihintay na pumutok ang bomba.“Hindi ko ito ginagawa para kay Fortuna,” patuloy ni Marco. “Ginagawa ko ito para kay John—para sa katotohanan. At para walang inosenteng masaktan.”“Marco,” singit ni John, “anong pinags

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 212

    SA LOOB NG BAHAY NI FORTUNA…“Please, John,” mahina pero matatag ang tinig ni Fortuna, habang nakatayo siya sa may pintuan, harap-harapan si John na pilit sumusuyo. “Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan.”“Fortuna…” halos mangiyak-ngiyak si John, namumula ang mata, halatang ilang gabi nang hindi natutulog. “Pakinggan mo naman ako, please. Mahal kita. Mahal ko kayo ni Alessia. Aaminin ko—nagkamali ako, pero kaya ko pa itong itama. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”Tumayo mula sa sofa si Kuya Tony, ang panganay na kapatid ni Fortuna. Malaki ang katawan, madilim ang mukha, at ngayon ay namumula sa galit. “John, tigilan mo na ‘to. Tapos na kayo. Masyado ka nang nakasakit. Akala mo ba ganon lang kadaling kalimutan ang lahat ng ginawa mo kay Fortuna?”“Kuya Tony, please,” pakiusap ni Fortuna. “Ako na bahala.”Pero hindi pa rin umaatras si John. “Hindi ko intensyong saktan ka, Fortuna. Naguluhan lang ako. Nabulag ako sa mga obligasyon, sa pressure, sa pamilya ko, kay Señora—”“Kay

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 211

    Mula sa labas ng pader, sumisilip pa rin si Marco, habang si Señora ay bumalik sa loob, hawak pa rin ang kanyang tiyan na parang sinasalo ang bigat hindi lamang ng batang kanyang dinadala, kundi ng kasalanang pilit niyang tinatakpan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Nangingilid pa rin ang mga ito kahit anong pilit niyang pigilan.“Señora,” muling tanong ni Madam Irene, habang pinagmamasdan ang pamumutla ng babae, “umiyak ka ba?”“Hindi po, Madam. Hormones lang po siguro. Alam niyo na, buntis.”Matalim ang tingin ni Madam Irene. “Huwag mo akong ginagago, Señora. May lalaking dumating, hindi ba? Sinong lalaki ‘yon? May nabanggit siyang pangalan. Narinig ko.”Nanlaki ang mata ni Señora. Napatingin siya sa pintuang isinara ni Madam Irene. Gusto niyang takbuhan ang sandaling ito. Gusto niyang magtago. Pero wala na siyang matatakbuhan. Unti-unti nang lumalapit ang kapalarang pilit niyang tinatakasan.Señora, balot ng manipis na cardigan, nangi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status