Sa loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong ng makina ang pumupuno sa katahimikan habang tinatahak nila ni Kuya Tony ang kalsadang pauwi. Nakasandal si Fortuna sa bintana, mahigpit na hawak ang bag na parang doon niya ibinuhos ang bigat ng damdamin. Napansin ni Tony ang lungkot na bumabalot sa kapatid at hindi na siya nakatiis.“O, bunso,” mahina niyang sabi habang nakatutok sa kalsada. “Ano’ng nangyari sa ospital? Kumusta si John? Kumusta kayo?”Napapikit si Fortuna, huminga nang malalim bago nagsalita. Para bang pilit niyang kinukuha ang lakas na halos wala na.“Kuya… hindi ko inasahan ang naramdaman ko,” mahinang tugon niya. “Pagpasok ko pa lang, nakita ko si John. Mahina, halos hindi makagalaw. Pero pagtingin niya sa akin… parang ako lang ang hinihintay niya.”Napangiti si Tony, bahagyang nag-angat ng kilay. “Talaga? Eh ‘di maganda ‘yon. At least, alam mong ikaw pa rin ang iniisip niya.”Umiling si Fortuna, napakagat sa labi.“Hindi gano’n kasimple. Oo, nakita kong masaya siya. Na
“John…” mahina ngunit mariin ang tono ni Fortuna, pilit pinapakalma ang sarili kahit nanginginig ang mga daliri sa pagtiklop ng kumot sa gilid ng kama. “Kailangan ko nang umuwi. Naghihintay ang anak natin. Si Alessia… kailangan niya ako. Alam mong nagbe-breastfeed pa siya, at kailangan ko ring mag-pump bago sumobra ang oras.”Parang biglang nanlamig ang paligid. Napakurap si John, at halatang ayaw niyang matapos ang sandaling iyon. “Ngayon na ba? Hindi ka ba pwedeng… kahit ilang minuto pa?” halos pagsusumamo ng tinig niya, parang batang pinapagalitan.Napailing si Fortuna, pinilit ngumiti kahit bakas ang pagod at tensyon sa mukha. “John, hindi ito biro. Si Alessia, maliit pa. Ang katawan ko… hindi rin ako pwedeng mapagod nang sobra. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.”“Pero… ako rin…” mahina niyang tugon, pilit inaabot ang kamay ni Fortuna. “Kailangan din kita rito.”Napahigpit ang hawak ni Fortuna sa bag na bitbit niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa sinabing iyon. “
Napangiti si Leona at dahan-dahang lumapit sa gilid ni Irene, sabay abot ng panyo kay Fortuna.“Tama ang sabi ni Madam Irene,” malumanay ngunit mariing wika nito. “Huwag mong pilitin, hija. Ang puso, kusang bumabalik kung saan ito tunay na nananabik.”Si Luigi naman ay tumikhim, nilapag ang isang supot ng gamot sa mesa, at tumingin kay Fortuna na tila ba sinusukat ang bawat emosyon niya.“Fortuna,” aniya, mababa ang tinig na puno ng pag-unawa, “huwag mong isipin na ikaw lang ang nagdurusa. Si John din, araw-araw niyang dala ang bigat ng mga pagkakamali niya. Pero kung may isa pang pagkakataon, sana… tulungan mo siyang bumangon.”Napakagat-labi si Fortuna, pinagmamasdan ang kamay niyang hawak ni Irene. Naramdaman niya ang init, ang pag-asa, at ang bigat ng lahat ng mata na nakatingin sa kanya. Para bang bawat isa ay may kani-kaniyang dasal na inaasa sa kanya.“Pero paano kung bumalik lang ulit sa dati?” halos pabulong niyang tanong. “Paano kung masaktan lang akong muli? Hindi ko na kay
Tahimik na nakasilip mula sa bahagyang nakabukas na pinto si Madam Irene, kasama sina Leona at Luigi Tan—mga magulang ni John. Ang kanilang mga mata ay sabay-sabay na kumislap sa tuwa nang makita si Fortuna na nakaupo sa tabi ni John, at higit pa roon nakahawak sa kamay nito.Si Irene, bahagyang pinigilan ang hininga, sabik na sabik na hindi masira ang sandaling iyon. “Ayan, tingnan n’yo,” bulong niya kina Leona at Luigi. “Diyos ko, matagal ko nang pinangarap na makita si John na muling maalagaan ni Fortuna. Parang ibinalik ako sa nakaraan…”Napangiti si Luigi, nakatukod ang mga braso sa pinto, pinipigilang mapasok agad. “Tingnan mo ‘yang anak natin, Leona. Para bang bumalik siya sa pagkabata. Alam mong siya ‘yon kapag nagpapabebe.”Leona, na hindi mapigilan ang munting luha ng tuwa, ay napabulong, “Sana nga, ito na ang simula. Ang tagal kong hiniling na mapatawad siya ni Fortuna. Kung makikita mo silang dalawa ngayon… parang wala nang sugat.”Sa loob ng kwartoNakakunot ang noo ni Fo
Bumukas ang pintuan at pumasok si Madam Irene, may dalang supot ng mga prutas at termos ng mainit na sabaw. Agad niyang inilapag iyon sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Nang makita niya si Fortuna na nakaupo sa tabi ni John, bigla siyang napangiti. Ang mga mata ni Irene ay tila kumislap sa tuwa isang ngiti na matagal nang hindi nasilayan ni Fortuna mula sa kanya.“Aba…” malumanay na wika ni Irene, sabay punas ng pawis sa noo. “Hindi ko akalain na makikita kitang narito, Fortuna.”Napatingin si Fortuna, bahagyang natigilan. Ramdam niya ang bigat ng tingin ng matanda.“La… dinala lang ako ni Kuya Tony rito. Gusto ko lang siguraduhin na… na maayos siya.”Ngumiti si Irene, at sa unang pagkakataon, hindi iyon mapanlait o mapanghusga. Ang ngiting iyon ay puno ng pasasalamat.“Anak, hindi mo na kailangang magpaliwanag. Ang mahalaga, dumating ka. Ibig sabihin, kahit papaano, may puwang pa rin sa puso mo para kay John.”Nag-init ang mga mata ni Fortuna, mabilis niyang pinahid ang luhang kanina
Mahinahon ang tinig ni Tony, pero dama ang bigat ng katotohanan. “Sis, alam kong mahirap paniwalaan. Pero nakita ko mismo, hindi lang minsan. Noong nagbakasyon tayo, noong nasa bakery siya araw-araw—hindi iyon palabas, Fortuna. Hindi ba’t kahit wala siyang kapalit, tumulong siya? Kahit na napahiya siya minsan, kahit na tinulak mo siya palayo, bumalik pa rin siya.”Napalunok si Fortuna, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Kuya… pero nasaktan niya na ako. Paano kung maulit lang? Paano kung kapag bumangon na ulit siya, makalimutan niya na naman kami?”Hinawakan ni Tony ang magkabilang balikat ng kapatid. “Sis, walang makakapagsabi ng sigurado. Lahat ng relasyon, may kasamang panganib at sakit. Pero isang bagay ang sigurado nagmahal siya, at nagmamahal pa rin siya. Hindi mo siya makikitang bumabagsak ng ganito kung hindi totoo ang nararamdaman niya. Alam mo ba, noong dinala siya sa ospital, ang pangalan mo ang una niyang binanggit? Kahit nanghihina, ang iniisip niya ikaw.”Napayuko