Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Leona dala ang isang basket ng sariwang prutas. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila lalo na kay Fortuna na nakaupo pa rin sa tabi ng kama ni John hawak-hawak ang kutsarang para kanina pa sana kay John.“Uy, aba’t…” ngumisi si Leona at bahagyang kumindat. “Akala ko ba anak hindi ka makakapunta?” biro nito na puno ng pang-aasar.Parang tinamaan ng kidlat si Fortuna. Agad namula ang pisngi niya at halos mapabitaw sa kutsara.“Maaga po kasi ako natapos sa bakery. Hinatid lang po ako ni kuya Tony,” mabilis niyang paliwanag habang pilit iniiwas ang tingin.Si John ay hindi nakapigil sa pagngisi at lalo pang pinasama ang sitwasyon. “O kita mo Ma? Kahit busy siya nag-effort pa rin siyang pumunta rito. Ako lang ang dahilan.” Sabay kindat pa ito kay Fortuna.“John!” singhal ni Fortuna. Nanginginig ang boses niya habang sinamaan ng tingin ang lalaki, ngunit lalo lamang siyang ipinahamak dahil mas lalong ngumisi si John.Si Madam Irene ay hal
Pagkaalis ni Leona, naiwan si Fortuna sa loob ng bakery, nakatitig lang sa mesa kung saan nakapatong ang mga tinapay na kakaluto pa lamang. Ramdam niya pa rin ang bigat ng sinabi ng ina ni John.Lumapit si Kuya Tony, hawak ang basang pamunas at pinunasan ang mesa. “Bunso,” mahinahon niyang sabi, “nakita ko kung paano ka tinanong ni Tita Leona. Hindi ko man narinig lahat ng pinag-usapan niyo, pero halata sa mukha mo na mabigat sa’yo.”Napabuntong-hininga si Fortuna at napaupo sa silya. “Kuya… parang ang dami nilang hinihingi sa akin. Hindi ko pa nga alam kung kaya kong bumalik sa buhay na iniwan ko, tapos parang gusto nilang agad-agad akong bumalik sa tabi ni John.”Umupo si Tony sa harap niya, diretso ang tingin sa kanyang kapatid. “Bunso, hindi mo kailangan madaliin ang desisyon mo. Pero isa lang ang gusto kong sabihin.”Nag-angat ng tingin si Fortuna, may pag-aalinlangan. “Ano ‘yon, kuya?”“Bisitahin mo si John,” diretso nitong sagot. “Pagkatapos ng tindahan, dumaan ka. Hindi para s
Maagang nagising si Fortuna kinabukasan. Tila hindi siya nakatulog nang mahimbing; buong magdamag ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila ni John sa ospital,ang malamig nitong titig, ang mga salitang humihiwa sa puso niya, at ang hindi niya alam kung awa ba o galit ang nangingibabaw.Ngayon, habang nakaupo siya sa maliit na mesa sa kusina, hawak ang tasa ng mainit na gatas na halos hindi niya malasahan, ramdam niya ang bigat ng desisyong kailangang gawin. Pupunta ba siyang muli sa ospital para dalawin si John? O hahayaan niyang lumipas ang araw na walang balita, walang pagharap? Tahimik ang paligid. Tanging huni ng ibon at kaluskos ng mga dahon sa labas ang umaagaw sa kanyang atensyon, ngunit hindi iyon sapat para maibsan ang bigat ng kanyang dibdib.Nang bumaba mula sa hagdan ang kanyang Kuya Tony, agad nitong napansin ang malalim na iniisip ng kapatid. Tila ba mabigat ang hangin sa paligid. Umupo siya sa tapat ni Fortuna, sumandal at tumitig nang dire
Sa loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong ng makina ang pumupuno sa katahimikan habang tinatahak nila ni Kuya Tony ang kalsadang pauwi. Nakasandal si Fortuna sa bintana, mahigpit na hawak ang bag na parang doon niya ibinuhos ang bigat ng damdamin. Napansin ni Tony ang lungkot na bumabalot sa kapatid at hindi na siya nakatiis.“O, bunso,” mahina niyang sabi habang nakatutok sa kalsada. “Ano’ng nangyari sa ospital? Kumusta si John? Kumusta kayo?”Napapikit si Fortuna, huminga nang malalim bago nagsalita. Para bang pilit niyang kinukuha ang lakas na halos wala na.“Kuya… hindi ko inasahan ang naramdaman ko,” mahinang tugon niya. “Pagpasok ko pa lang, nakita ko si John. Mahina, halos hindi makagalaw. Pero pagtingin niya sa akin… parang ako lang ang hinihintay niya.”Napangiti si Tony, bahagyang nag-angat ng kilay. “Talaga? Eh ‘di maganda ‘yon. At least, alam mong ikaw pa rin ang iniisip niya.”Umiling si Fortuna, napakagat sa labi.“Hindi gano’n kasimple. Oo, nakita kong masaya siya. Na
“John…” mahina ngunit mariin ang tono ni Fortuna, pilit pinapakalma ang sarili kahit nanginginig ang mga daliri sa pagtiklop ng kumot sa gilid ng kama. “Kailangan ko nang umuwi. Naghihintay ang anak natin. Si Alessia… kailangan niya ako. Alam mong nagbe-breastfeed pa siya, at kailangan ko ring mag-pump bago sumobra ang oras.”Parang biglang nanlamig ang paligid. Napakurap si John, at halatang ayaw niyang matapos ang sandaling iyon. “Ngayon na ba? Hindi ka ba pwedeng… kahit ilang minuto pa?” halos pagsusumamo ng tinig niya, parang batang pinapagalitan.Napailing si Fortuna, pinilit ngumiti kahit bakas ang pagod at tensyon sa mukha. “John, hindi ito biro. Si Alessia, maliit pa. Ang katawan ko… hindi rin ako pwedeng mapagod nang sobra. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.”“Pero… ako rin…” mahina niyang tugon, pilit inaabot ang kamay ni Fortuna. “Kailangan din kita rito.”Napahigpit ang hawak ni Fortuna sa bag na bitbit niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa sinabing iyon. “
Napangiti si Leona at dahan-dahang lumapit sa gilid ni Irene, sabay abot ng panyo kay Fortuna.“Tama ang sabi ni Madam Irene,” malumanay ngunit mariing wika nito. “Huwag mong pilitin, hija. Ang puso, kusang bumabalik kung saan ito tunay na nananabik.”Si Luigi naman ay tumikhim, nilapag ang isang supot ng gamot sa mesa, at tumingin kay Fortuna na tila ba sinusukat ang bawat emosyon niya.“Fortuna,” aniya, mababa ang tinig na puno ng pag-unawa, “huwag mong isipin na ikaw lang ang nagdurusa. Si John din, araw-araw niyang dala ang bigat ng mga pagkakamali niya. Pero kung may isa pang pagkakataon, sana… tulungan mo siyang bumangon.”Napakagat-labi si Fortuna, pinagmamasdan ang kamay niyang hawak ni Irene. Naramdaman niya ang init, ang pag-asa, at ang bigat ng lahat ng mata na nakatingin sa kanya. Para bang bawat isa ay may kani-kaniyang dasal na inaasa sa kanya.“Pero paano kung bumalik lang ulit sa dati?” halos pabulong niyang tanong. “Paano kung masaktan lang akong muli? Hindi ko na kay