Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 257

Share

Bon Appetit CHAPTER 257

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-09-01 20:52:37

Pagkaalis ni Leona, naiwan si Fortuna sa loob ng bakery, nakatitig lang sa mesa kung saan nakapatong ang mga tinapay na kakaluto pa lamang. Ramdam niya pa rin ang bigat ng sinabi ng ina ni John.

Lumapit si Kuya Tony, hawak ang basang pamunas at pinunasan ang mesa. “Bunso,” mahinahon niyang sabi, “nakita ko kung paano ka tinanong ni Tita Leona. Hindi ko man narinig lahat ng pinag-usapan niyo, pero halata sa mukha mo na mabigat sa’yo.”

Napabuntong-hininga si Fortuna at napaupo sa silya. “Kuya… parang ang dami nilang hinihingi sa akin. Hindi ko pa nga alam kung kaya kong bumalik sa buhay na iniwan ko, tapos parang gusto nilang agad-agad akong bumalik sa tabi ni John.”

Umupo si Tony sa harap niya, diretso ang tingin sa kanyang kapatid. “Bunso, hindi mo kailangan madaliin ang desisyon mo. Pero isa lang ang gusto kong sabihin.”

Nag-angat ng tingin si Fortuna, may pag-aalinlangan. “Ano ‘yon, kuya?”

“Bisitahin mo si John,” diretso nitong sagot. “Pagkatapos ng tindahan, dumaan ka. Hindi para s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 260

    Maya-maya, bumukas ang pinto ng silid at lumabas si Amanda, ang kanyang hipag, bitbit si baby Alessia. Nakangiti itong lumapit sa kanila habang karga ang sanggol na nakasuot ng maliit na damit na kulay rosas. Tila maliit na anghel si Alessia, mahimbing ang paghinga at paminsan-minsan ay ngumunguya ng walang gatas.Agad na napangiti si Jack, ang kanilang ama, na nakaupo sa sala at abala kanina sa pagbabasa ng diyaryo. Tumayo ito at lumapit, parang batang nakakita ng laruan.“Aba!” masayang sambit ni Jack, sabay tingin sa kanyang apo. “Ang ganda talaga ng apo ko. Manang-mana sa akin!” biro nito, sabay tawa nang malakas.Napailing si Tony. “Tay, huwag n’yo ngang angkinin. Si Alessia, kamukha ng Mommy niya.”Ngunit agad sumabat si Rose, ang ina nila, sabay tapik sa braso ni Jack. “Naku, Tony, mali ka riyan. Manang-mana ‘yan sa lola niya. Tingnan mo ang hugis ng mata, kamukha ko ‘yan!”Nagkatawanan ang lahat, at si Fortuna, kahit kanina’y mabigat ang dibdib, ay hindi naiwasang ngumiti. Hin

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 259

    Pagkatapos ng ilang minuto ng kwentuhan at kulitan sa loob ng silid, tumayo na si Fortuna. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya—si John na may bahagyang lungkot sa mga mata, si Madam Irene na parang ayaw siyang paalisin, at si Leona na nakangiti pero halatang may inaasahan pa rin mula sa kanya. Huminga nang malalim si Fortuna bago nagsalita.“Magpapaalam na po ako,” mahinahong saad niya, sabay tingin kay John. “May aasikasuhin pa ako sa bahay.”Agad bumuntong-hininga si John, halos parang bata na biglang naiwanan. “Fortuna…” tawag niya, mahina pero puno ng pagmamakaawa. “Bukas kasi, discharge ko na. Sana… sana andiyan ka.”Saglit na natigilan si Fortuna. Ang titig ni John, halos sumisid sa puso niya, pinapaalala ang mga panahong sabay silang kumakapit sa isa’t isa bago nagbago ang lahat. Gusto niyang sabihin ang totoo—na gusto niyang dumating, na gusto niyang makita kung paano siya uuwi at alagaan kahit sa maliit na paraan. Pero naroon ang bigat ng realidad: si Alessia, ang

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 258

    Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Leona dala ang isang basket ng sariwang prutas. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila lalo na kay Fortuna na nakaupo pa rin sa tabi ng kama ni John hawak-hawak ang kutsarang para kanina pa sana kay John.“Uy, aba’t…” ngumisi si Leona at bahagyang kumindat. “Akala ko ba anak hindi ka makakapunta?” biro nito na puno ng pang-aasar.Parang tinamaan ng kidlat si Fortuna. Agad namula ang pisngi niya at halos mapabitaw sa kutsara.“Maaga po kasi ako natapos sa bakery. Hinatid lang po ako ni kuya Tony,” mabilis niyang paliwanag habang pilit iniiwas ang tingin.Si John ay hindi nakapigil sa pagngisi at lalo pang pinasama ang sitwasyon. “O kita mo Ma? Kahit busy siya nag-effort pa rin siyang pumunta rito. Ako lang ang dahilan.” Sabay kindat pa ito kay Fortuna.“John!” singhal ni Fortuna. Nanginginig ang boses niya habang sinamaan ng tingin ang lalaki, ngunit lalo lamang siyang ipinahamak dahil mas lalong ngumisi si John.Si Madam Irene ay hal

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 257

    Pagkaalis ni Leona, naiwan si Fortuna sa loob ng bakery, nakatitig lang sa mesa kung saan nakapatong ang mga tinapay na kakaluto pa lamang. Ramdam niya pa rin ang bigat ng sinabi ng ina ni John.Lumapit si Kuya Tony, hawak ang basang pamunas at pinunasan ang mesa. “Bunso,” mahinahon niyang sabi, “nakita ko kung paano ka tinanong ni Tita Leona. Hindi ko man narinig lahat ng pinag-usapan niyo, pero halata sa mukha mo na mabigat sa’yo.”Napabuntong-hininga si Fortuna at napaupo sa silya. “Kuya… parang ang dami nilang hinihingi sa akin. Hindi ko pa nga alam kung kaya kong bumalik sa buhay na iniwan ko, tapos parang gusto nilang agad-agad akong bumalik sa tabi ni John.”Umupo si Tony sa harap niya, diretso ang tingin sa kanyang kapatid. “Bunso, hindi mo kailangan madaliin ang desisyon mo. Pero isa lang ang gusto kong sabihin.”Nag-angat ng tingin si Fortuna, may pag-aalinlangan. “Ano ‘yon, kuya?”“Bisitahin mo si John,” diretso nitong sagot. “Pagkatapos ng tindahan, dumaan ka. Hindi para s

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 256

    Maagang nagising si Fortuna kinabukasan. Tila hindi siya nakatulog nang mahimbing; buong magdamag ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila ni John sa ospital,ang malamig nitong titig, ang mga salitang humihiwa sa puso niya, at ang hindi niya alam kung awa ba o galit ang nangingibabaw.Ngayon, habang nakaupo siya sa maliit na mesa sa kusina, hawak ang tasa ng mainit na gatas na halos hindi niya malasahan, ramdam niya ang bigat ng desisyong kailangang gawin. Pupunta ba siyang muli sa ospital para dalawin si John? O hahayaan niyang lumipas ang araw na walang balita, walang pagharap? Tahimik ang paligid. Tanging huni ng ibon at kaluskos ng mga dahon sa labas ang umaagaw sa kanyang atensyon, ngunit hindi iyon sapat para maibsan ang bigat ng kanyang dibdib.Nang bumaba mula sa hagdan ang kanyang Kuya Tony, agad nitong napansin ang malalim na iniisip ng kapatid. Tila ba mabigat ang hangin sa paligid. Umupo siya sa tapat ni Fortuna, sumandal at tumitig nang dire

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 255

    Sa loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong ng makina ang pumupuno sa katahimikan habang tinatahak nila ni Kuya Tony ang kalsadang pauwi. Nakasandal si Fortuna sa bintana, mahigpit na hawak ang bag na parang doon niya ibinuhos ang bigat ng damdamin. Napansin ni Tony ang lungkot na bumabalot sa kapatid at hindi na siya nakatiis.“O, bunso,” mahina niyang sabi habang nakatutok sa kalsada. “Ano’ng nangyari sa ospital? Kumusta si John? Kumusta kayo?”Napapikit si Fortuna, huminga nang malalim bago nagsalita. Para bang pilit niyang kinukuha ang lakas na halos wala na.“Kuya… hindi ko inasahan ang naramdaman ko,” mahinang tugon niya. “Pagpasok ko pa lang, nakita ko si John. Mahina, halos hindi makagalaw. Pero pagtingin niya sa akin… parang ako lang ang hinihintay niya.”Napangiti si Tony, bahagyang nag-angat ng kilay. “Talaga? Eh ‘di maganda ‘yon. At least, alam mong ikaw pa rin ang iniisip niya.”Umiling si Fortuna, napakagat sa labi.“Hindi gano’n kasimple. Oo, nakita kong masaya siya. Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status