Malakas na suntok ang pinakawalan ni John sa dingding, sapat upang mapatigil siya sa pagsasalita. Halos hindi siya makahinga nang makita ang matinding galit sa mukha nito.
"Alam mo bang wala akong maalala sa nangyari kagabi?" Mariing sabi ni John, nakakatakot ang bagsik ng kanyang tinig. “Alam mo bang akala ko, si Senyora ang kasama ko? Alam mo bang kahit kailan, hindi kita papatulan?”
Lalong bumigat ang kanyang paghinga. Ramdam niya ang matalim na kutsilyong unti-unting sumasaksak sa kanyang puso. Hindi niya inasahan na magiging ganito kasakit ang lahat.
"Iba ang sinasabi ng katawan mo kagabi..." mahina niyang bulong, nanginginig ang kanyang mga labi. "Ramdam ko, John… gusto mo rin ako."
Parang binuhusan ng kumukulong tubig si John sa sinabi niya. Muli siyang sinugod nito, at sa isang iglap, mahigpit siyang hinawakan sa kanyang panga.
"Wala akong gusto sa’yo, Fortuna. Kahit kailan. At kahit kailan… hindi kita mamahalin," bulong ni John, puno ng poot at hinanakit. "Ang babaeng minahal ko, si Senyora. At kahit anong gawin mo, hindi mo ako maaagaw sa kanya."
Parang nawalan ng buhay si Fortuna sa kanyang narinig. Ngunit bago pa siya tuluyang bumagsak sa sakit, pinilit niyang ngumiti—isang pilit, desperadong ngiti.
"Pero wala siya rito ngayon, John," dinilaan niya ang sariling labi, sabay hinawakan ang kamay nito at inilagay sa kanyang hubad na dibdib. "Ako ang kasama mo ngayon. Ako ang nakasama mo kagabi. At kahit anong gawin mo, ako ang unang babaeng natikman mo.”
Napamura si John at agad na binitawan siya, parang nasusuka sa ginawa niya. "Demonyo ka, Fortuna."
Ngunit sa halip na magalit, lalo pang lumalim ang ngiti niya.
Kung galit ang kayang ipakita ni John sa kanya, mas lalo niyang titiyakin na ito'y magiging poot na hindi mababali.
"Hindi mo ako matatakasan, John," bulong niya habang naglalakad ito palayo, pilit na nilalabanan ang galit. "Mahal kita, at gagawin ko ang lahat… kahit anong paraan, para mapasakin ka."
Bago tuluyang makalabas ng kwarto, sandali pang tumigil si John, bahagyang nilingon siya, at sinabi ang mga salitang tuluyang nagpalamig sa kanyang buong katawan.
"Kapag nabuntis ka, huwag mong asahang paninindigan kita. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa makulong sa piling mo."
Kasabay ng pagkalampag ng pinto, tuluyang bumagsak ang luha ni Fortuna. Ngunit sa kabila ng sakit, isang matigas na desisyon ang umusbong sa kanyang puso.
Kung hindi niya makukuha si John sa tamang paraan… gagamitin niya ang kahit anong paraan para hindi ito makawala sa kanya.
"John! Please, huwag mo akong iwan!"Halos madapa si Fortuna habang nagmamadaling isuot ang kanyang damit. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit na inaabot ang kanyang pang-ibabang saplot. Nangingilid ang kanyang luha, at ang kanyang dibdib ay nagngangalit sa sakit at takot—takot na tuluyan siyang iwan ni John.
Nakita niya ito sa harap ng salamin, mabilis na itinatali ang botones ng kanyang puting long sleeves habang puno ng galit ang kanyang ekspresyon. Isang demonyong bumangon mula sa impyerno—isang lalaking wala nang ibang nararamdaman sa kanya kundi poot.
Naglakad siya palapit, nanginginig sa kaba. "John, please… pag-usapan natin 'to…"
Napasinghap siya nang isang malakas na hampas ang lumapat sa kanyang kamay nang tangkain niyang hawakan ang braso nito.
"Layuan mo ako, Fortuna."
Parang sinampal siya sa sakit ng tinig nito—malamig, walang pakialam, at punong-puno ng hinanakit. Hindi siya nito tiningnan kahit saglit, para bang wala siyang halaga.
Napapikit siya, pinipigilan ang hagulgol. Hindi siya maaaring sumuko. Hindi siya pwedeng mawalan ng pagkakataon.
Nagmamadali siyang nagbihis, pilit na hinahabol ang lumalakad na si John palabas ng hotel suite. Hindi niya alintana kung tama ang pagsusuot niya ng kanyang damit—ang tanging nasa isip niya ay huwag hayaang mawala sa kanya ang lalaking matagal na niyang minahal.
Pagdating sa pasilyo, nakita niyang mabilis na naglalakad si John papunta sa elevator.
"John!"
Umiiyak siyang tumakbo papunta rito, walang pakialam kung may makakita sa kanya.
Nilingon siya ni John, at sa isang iglap, isang mariing tingin ang bumagsak sa kanya. “Ano pa ba ang gusto mo, ha? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo?”
Nagpupumilit siyang ngumiti kahit bumabaha ang kanyang luha. “John, pakiusap… hindi ko ginusto na ganito ang mangyari. Pero nangyari na. Hindi mo na ako mabubura sa buhay mo—”
“Buburahin kita,” malamig nitong putol. “Gagawin ko ang lahat para mawala ka sa buhay ko. At kung iniisip mong may nabuo sa atin—” Napamura ito bago nagpakawala ng matalim na ngiti. “Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makulong sa isang relasyon kasama ang babaeng katulad mo.”
Napayakap siya sa katawan nito, pilit na pinipigilan ang paglayo. “Huwag mong sabihin ‘yan, John, pakiusap! Alam kong galit ka, pero—”
Malakas siyang itinulak nito. Hindi siya inasahan ni John na mahina siya sa sandaling iyon, kaya't natumba siya sa malamig na sahig ng pasilyo. Napangiwi siya sa sakit, ngunit ang mas masakit ay ang panunuya sa mga mata nito nang muli siyang tingnan.
“Desperada ka, Fortuna. At nakakadiri kang tingnan.”
Nagpupumilit siyang tumayo, nanginginig ang buong katawan. “John… Mahal kita.”
Natawa ito—isang mapait, punong-puno ng panunuya. “Kung mahal mo ako, sana hindi mo ako inagawan. Sana hindi mo sinira ang relasyon namin ni Senyora. At sana…” Lumapit ito, yumuko, at bumulong sa kanyang tainga, “hindi mo ako nilason sa isang gabi ng kasalanan.”
Tila isang matalim na kutsilyo ang dumurog sa kanyang puso.
Muli itong tumayo at dumiretso sa elevator. “Kapag nakita pa kita sa harap ko, huwag mo nang asahan na magiging mabait pa ako.”
"John! Huwag kang umalis! Please!"Umiiyak na sumugod si Fortuna papunta sa elevator, hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanila. Pero hindi siya nilingon ni John, ni hindi siya binigyan ng kahit isang segundo ng pag-aalinlangan.
Parang wala lang siyang halaga.
"John, mahal kita! Hindi mo ba naiintindihan?"
Mariing pumikit si John, halatang pinipigilan ang sarili. Nang bumukas ang elevator, humakbang siya papasok.
Fortuna, sa sobrang desperasyon, ay sumunod—walang pakialam kung ano ang isipin ng mga tao. Pero bago pa siya makapasok, isang malakas na kamay ang tumulak sa kanya.
Si John mismo ang nagtulak sa kanya palayo.
Nagulat siya, namutla, at halos matumba sa sahig.
Muling tumingin si John sa kanya—isang tingin na mas malamig pa sa yelo. “Huwag mo na akong habulin, Fortuna. Kahit kailan, hindi kita magugustuhan.”
At tuluyan nang nagsara ang pinto ng elevator.
Nag-iwan ito ng isang matinding kirot sa kanyang puso, isang kirot na halos pumatay sa kanya.
Pero sa halip na sumuko, mas lalo niyang pinanghawakan ang isang bagay:
Hindi niya hahayaang mawala si John sa kanya. Kahit pa anong mangyari.
Dahan-dahang bumagsak si Fortuna sa sahig, niyakap ang sariling kaatawan habang patuloy ang pagbaha ng kanyang luha. Ang kanyang pangarap, ang lalaking matagal na niyang minahal… lumayo na sa kanya.
"Ma’am, okay lang po ba kayo?"Narinig ni Fortuna ang maingat na tinig ng isang bellboy na lumapit sa kanya. Pero hindi siya makasagot—ang lalamunan niya ay tila natuyo sa sobrang sakit, at ang puso niya ay durog na durog.
Nakadapa siya sa malamig na sahig ng hotel, yakap ang sarili habang tumutulo ang luha niya. Ang lalaking matagal niyang minahal, ang lalaking pinangarap niyang maging kanya, ay tinalikuran siya na parang wala siyang halaga.
Nakangiti lang si John noon, sa tuwing nakikita siya sa malayo. Pero ngayon? Galit, poot, at hinanakit lang ang nakita niya sa mga mata nito.
Muli siyang tinapik ng bellboy, ang mukha nito puno ng pag-aalala. “Ma’am, gusto niyo po ba ng tubig? O may gusto kayong tawagan—”
Umiling siya, pinilit ang sarili na bumangon kahit nangangatog ang kanyang katawan. Hindi siya pwedeng magmukhang mahina. Hindi siya pwedeng bumigay.
Nagpasalamat siya sa bellboy nang mahina, bago dahan-dahang lumakad palayo. Pero sa bawat hakbang niya, ramdam niya ang matinding kirot sa kanyang puso.
Hindi ito matatapos dito. Hindi niya hahayaan si John na tuluyan siyang layuan.
Dahil sa gabing iyon… may isang bagay siyang siguradong sigurado.
Siya ang babaeng unang natikman ni John Tan at birhen pa siya. At hindi niya hahayaang mapunta ito sa iba.
Pero hindi ito ang katapusan.Hindi siya susuko. Hindi siya papayag na mawala si John sa kanya.
At gagawin niya ang lahat—anumang paraan, kahit anong itaya—para bumalik ito sa kanya.
Sa loob ng bahay ng mga Tan sa California, sumisigaw ang katahimikan. Naiwan ang tensyon sa pagitan ng mga titig, at ang bawat hakbang ni Leona ay mabigat, punô ng galit at pagkadismaya.“Lumayas ka na dito, Señora,” mariing sabi ni Leona, tinuturo ang pintuan.“Hindi ka na karapat-dapat manatili pa sa pamamahay na ito. Hindi matapos-tapos ang panloloko mo!”Umiiyak si Señora, ngunit walang makakuhang awa sa paligid. Nagsimula siyang lumapit kay John, nanginginig ang boses.“John, please… hindi ko alam kung paano tayo umabot sa ganito. Ayoko pang umalis.”Pero bago pa siya makalapit, biglang sumingit si Marco, mabilis na humakbang at mariing hinawakan ang braso ng babae.“Tama na 'yan.”“Marco? Bitawan mo ako! Ayoko sumama sa’yo!” sigaw ni Señora, nagpupumiglas.“Hindi ka pa ba nahihiya, ha?” singhal ni Marco. “Sa dami ng kasinungalingang niluto mo, may mukha ka pang humingi ng awa dito? Halika na. Huwag mo nang dagdagan pa ang kababuyan ng ginawa mo!”Hinila ni Marco si Señora palab
Tahimik ang paligid ng malawak na sala. Tanging ang malamig na tunog ng wall clock ang bumabasag sa katahimikan.Nakaharap sa isa’t isa sina John Tan, Leona at Luigi—ang kanyang mga magulang. Sa gilid ay nakatayo si Madam Irene, tahimik pero tensyonado ang postura. Sa tabi niya, si Marco, hawak-hawak ang isang envelope na parang may bigat ng isang buong mundo.Nakahawak si John sa sinturon ng pantalon niya, bakas sa mukha ang pagod at kaguluhan. “Bakit mo kami pinatawag, Marco? Anong mahalagang dapat mong sabihin sa amin?”Malalim ang buntong-hininga ni Marco bago nagsalita. “Alam kong wala akong karapatang makialam sa mga desisyon niyo. Pero hindi ko na kayang sikmurain ang kasinungalingan na ‘to.”Nakita ni Marco ang pagkunot ng noo ni Leona, habang si Luigi ay tila nahihintay na pumutok ang bomba.“Hindi ko ito ginagawa para kay Fortuna,” patuloy ni Marco. “Ginagawa ko ito para kay John—para sa katotohanan. At para walang inosenteng masaktan.”“Marco,” singit ni John, “anong pinags
SA LOOB NG BAHAY NI FORTUNA…“Please, John,” mahina pero matatag ang tinig ni Fortuna, habang nakatayo siya sa may pintuan, harap-harapan si John na pilit sumusuyo. “Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan.”“Fortuna…” halos mangiyak-ngiyak si John, namumula ang mata, halatang ilang gabi nang hindi natutulog. “Pakinggan mo naman ako, please. Mahal kita. Mahal ko kayo ni Alessia. Aaminin ko—nagkamali ako, pero kaya ko pa itong itama. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”Tumayo mula sa sofa si Kuya Tony, ang panganay na kapatid ni Fortuna. Malaki ang katawan, madilim ang mukha, at ngayon ay namumula sa galit. “John, tigilan mo na ‘to. Tapos na kayo. Masyado ka nang nakasakit. Akala mo ba ganon lang kadaling kalimutan ang lahat ng ginawa mo kay Fortuna?”“Kuya Tony, please,” pakiusap ni Fortuna. “Ako na bahala.”Pero hindi pa rin umaatras si John. “Hindi ko intensyong saktan ka, Fortuna. Naguluhan lang ako. Nabulag ako sa mga obligasyon, sa pressure, sa pamilya ko, kay Señora—”“Kay
Mula sa labas ng pader, sumisilip pa rin si Marco, habang si Señora ay bumalik sa loob, hawak pa rin ang kanyang tiyan na parang sinasalo ang bigat hindi lamang ng batang kanyang dinadala, kundi ng kasalanang pilit niyang tinatakpan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Nangingilid pa rin ang mga ito kahit anong pilit niyang pigilan.“Señora,” muling tanong ni Madam Irene, habang pinagmamasdan ang pamumutla ng babae, “umiyak ka ba?”“Hindi po, Madam. Hormones lang po siguro. Alam niyo na, buntis.”Matalim ang tingin ni Madam Irene. “Huwag mo akong ginagago, Señora. May lalaking dumating, hindi ba? Sinong lalaki ‘yon? May nabanggit siyang pangalan. Narinig ko.”Nanlaki ang mata ni Señora. Napatingin siya sa pintuang isinara ni Madam Irene. Gusto niyang takbuhan ang sandaling ito. Gusto niyang magtago. Pero wala na siyang matatakbuhan. Unti-unti nang lumalapit ang kapalarang pilit niyang tinatakasan.Señora, balot ng manipis na cardigan, nangi
Madilim ang silid maliban sa ilaw ng laptop na nakapatong sa mesa. Naglalagablab ang mga mata ni Marco habang binabasa ang email ng private investigator na matagal na niyang hinire upang bantayan si Señora.From: j.p.investigations@securemail.ph.llTo: marco.san@phrealtygroup.com.llSubject: CONFIRMED: Location of TargetMr. Marco,Confirmed. Ms. Señora is currently residing at the Tan Family Estate in Los Angeles, California. Photographic evidence and timestamped logs attached. Further intel suggests personal involvement with John Tan. Please advise next move.Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo agad si Marco, kinuha ang cellphone, at mabilis na tinawagan ang assistant.“Laila, magpa-book ka ng first available flight to L.A., California. Business class. Hindi ako pwedeng ma-late. I need to be there tonight if possible.”Naputol sandali ang katahimikan habang hinihintay niyang mag-reply ang nasa kabilang linya.“Sir, may 11:40 PM flight via PAL. Naka-book na po sa pangalan niyo. VI
Bumanggang pinto. Tumunog ang mabagsik na tunog sa buong bahay nang lumabas si John mula sa kwarto ni Señora. Ang kanyang dibdib ay punong-puno ng tensyon at hindi matapusang pagkalito. Dumiretso siya patungo sa bahay nila Fortuna, ang kanyang utak ay puno ng sigalot mga tanong at hinala, galit at pagnanasa. Masyado nang komplikado ang lahat, at hindi na siya sigurado kung paano niya mapipigilan ang mga bagay na unti-unting dumadaan sa kanyang buhay.Habang papalapit siya sa bahay, narinig niyang tinawag siya ni Tony ang kuya ni Fortuna na nakatambay sa sala. Puno ng galit ang mga mata nito, at ang tono ng boses ay parang kidlat na dumapo sa katahimikan ng gabi."John!" sigaw ni Tony, ang boses nito ay parang isang kidlat na pumutok sa gitna ng katahimikan. Hindi na siya nag-atubiling lumapit, matalim ang tingin sa kanya. "Tigilan mo na 'yan! Huwag mong gawing gulo ang buhay ng kapatid ko!"Napasigaw si John, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kaguluhang nararamdaman niya. Hindi na