Pakiramdam ni John ay parang sinuntok siya sa sikmura.
“Ikaw ang dahilan kung bakit ko ginawa ‘to,” bulong pa ni Fortuna, halatang umaasang maririnig niya ang nais nitong marinig mula sa kanya.
Pero ang sumunod na nangyari ay mas malala kaysa sa kahit anong bangungot na naranasan niya.
“Fortuna…” Tumawa si John nang mapakla. “Ano ‘to? Panaginip mo? Angkinin mo ako ng isang gabi tapos iisipin mong tayo na?”
Bawat salita niya ay parang patalim na tumatarak sa puso ng dalaga.
“Huwag mong sabihin sa’kin na inisip mong may kahulugan ‘to para sa’kin.” Tumayo siya, hinagilap ang kanyang sando, at isinuot iyon na para bang gusto niyang burahin ang nangyari. “Dahil wala. Wala itong ibig sabihin sa’kin, Fortuna.”
“John…” Lumuha na si Fortuna, ngunit nanatiling matigas si John.
“Ang inaakala kong kasama ko kagabi… si Senyora.” Mas lumamig pa ang boses niya. “Pero ikaw?”
Nagtama ang mga mata nila—isang puno ng pagmamahal, ang isa puno ng galit at panunumbat.
“Sabihin mo sa’kin,” tuloy ni John, nilapitan siya at hinawakan sa baba, pinilit siyang tumingin sa mga mata nito. “Ginawa mo ba ‘to nang sinadya? Ginapang mo ba ‘ko kagabi para lang maagaw mo ‘ko kay Senyora?”
Napasinghap si Fortuna sa sakit ng mga salita nito.
Oo. Oo, iyon nga ang ginawa niya.
Ngunit hindi niya kayang sabihin iyon nang direkta.
Dahil sa puso niya, mahal niya si John.
“John, hindi ko intensyon na—”
“Huwag mo ‘kong gawing tanga, Fortuna,” singhal niya. “Hindi mo alam ang ibig sabihin ng ginawa mo! Hindi mo alam kung anong klaseng gulo ang pinasok mo!”
Pilit niyang kinalma ang sarili ngunit halata ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Dahil sa gabing ito, sa isang kasalanang dulot ng alak, droga, at kapusukan… hindi lang ang buhay niya ang nagbago.
Kundi pati ang buhay ng babaeng pilit niyang iniiwasan.
“Tandaan mo ‘to, Fortuna,” mariing sabi niya, halos idinidiin ang bawat salita sa hangin. “Hinding-hindi kita mamahalin. Hindi mo ako pag-aari.”
At sa harapan niya, isang babae ang unti-unting nawawalan ng pag-asa, lumuluha habang pinapanood ang lalaking matagal na niyang minahal… nilalamon ng galit at pagsisisi.
“Huwag mo akong hawakan.”Tila isang latigong lumapat sa pisngi ni Fortuna ang malamig at matalim na tinig ni John Tan. Ang mga mata nito ay punong-puno ng poot, para bang ang kaharap niya ngayon ay hindi ang lalaking matagal na niyang minahal kundi isang estrangherong walang puso.
Napalunok siya, nagpilit ngumiti sa kabila ng panghihina ng kanyang tuhod. “John…”
“Anong gusto mong marinig, ha? Na salamat sa ‘yo at nakuha mo ‘ko? Na sa wakas, napagtagumpayan mong agawin ako kay Senyora?”
Bawat salita niya ay tulad ng kutsilyong humihiwa sa puso ng dalaga. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ni John. Hindi niya inakala na sa halip na pagmamahal, isang matinding galit ang igaganti nito sa kanya.
Nanginginig ang mga labi ni Fortuna. “Hindi… hindi kita inagaw.”
“Magsisinungaling ka pa?” Mapanuyang tumawa si John, isang halakhak na puno ng panunuya. “Huwag mo ‘kong gawing gago, Fortuna. Alam kong matagal mo nang pinaplano ‘to. At ngayon, nakuha mo na ang gusto mo, ano na?” Itinuro nito ang kanyang hubad na katawan. “Aakalain mo bang mapipilitan akong panagutan ka? Na basta ko na lang kakalimutan si Senyora dahil lang sa isang gabing kasama kita?”
Napahawak si Fortuna sa kumot, pilit na itinatago ang kanyang kahubaran—hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa panlalait sa kanya ni John. Hindi ito ang lalaking minahal niya.
“John… pero nangyari na ‘to. Hindi na natin mababawi.” Nangingilid ang luha niyang pakiusap.
Isang malupit na ngiti ang gumuhit sa labi ni John. “Hindi kita kailanman mamahalin, Fortuna.”
Halos matumba si Fortuna sa narinig. “John… please.”
Hinablot niya ang kamay nito ngunit agad siyang itinulak ni John palayo. “Huwag mo ‘kong hipuan! Nasusuka ako sa’yo!”
Tumulo ang luha ni Fortuna. “John, nagawa natin ‘to. Hindi mo ba ako kayang tingnan nang hindi mo ako nilalait? Hindi mo ba ako kayang tratuhin ng tama?”
“Ng tama?” Mariin siyang tinitigan ni John, puno ng panlalamig ang tingin nito. “Anong akala mo sa sarili mo, Fortuna? Mataas ang tingin mo sa sarili mo dahil lang sa isang gabi mong nakuha ang katawan ko?”
Pinipilit niyang magpakatatag. Hindi siya susuko. Hindi siya papayag na ganito lang matapos ang lahat.
“John, mahal kita.”
“Ako, hindi kita mahal,” malamig na sagot nito, hindi man lang nagdalawang-isip. “At kahit kailan, hindi kita mamahalin.”
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Fortuna.
Napapikit siya, nanginginig ang buong katawan niya sa sakit ng narinig. Pero hindi… hindi niya hahayaang matapos ang lahat sa ganito.
Huminga siya nang malalim, saka tumingala upang muling tingnan ang lalaking nagmamaliit sa kanya. Kung galit ang nais ni John, mas magiging desperada siya upang hindi siya nito matakasan.
Napakagat siya sa labi bago bumulong, “John… anong gagawin mo kung buntis ako?”
Napakurap si John. Ang dating malamig na mukha nito ay biglang napalitan ng galit at pagkagulat.
“Anong sinabi mo?”
Nanginginig ang kanyang mga daliri habang hinihigpitan ang hawak sa kumot. Sinubukan niyang kontrolin ang sarili, pinipilit ipakita na hindi siya natatakot.
“Kung may nabuo sa atin ngayong gabi… anong gagawin mo?”
Biglang hinablot ni John ang kanyang braso, halos mapasigaw siya sa sakit. “Huwag na huwag mong gamitin ‘yan para igapos ako sa’yo, Fortuna. Wala akong pakialam kahit mabuntis ka pa! Hindi kita papakasalan.”
Ngunit bago pa niya maitulak ang dalaga, isang matamis ngunit puno ng pangamba at pagmamakaawang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Fortuna.
“Hindi mo ako kailangang pakasalan, John.”
Napatingin ito sa kanya.
“Pero hindi rin kita hahayaan kay Senyora.”
Ito ang simula ng isang larong hindi niya basta-basta matatakasan.
Yumakap siya kay John kahit hubad siya; hindi inalintana ang kahihiyan dahil sa sobrang pagmamahal ni Fortuna. "Bitawan mo ako, Fortuna!"Ngunit sa halip na sundin ang utos ni John, lalo pang humigpit ang yakap niya rito. Hubad ang kanyang katawan, walang anumang saplot maliban sa kumot na nakalugay sa kanyang likuran. Ramdam niya ang init ng katawan ni John, ngunit higit niyang nararamdaman ang malamig nitong pagtrato sa kanya.
Hindi siya papayag. Hindi siya hahayaang lumayo ito sa kanya.
Matagal na niyang pinangarap ang gabing ito.
"John… please…" hinaplos niya ang likod nito, pilit na isiniksik ang sarili sa dibdib nito. “Huwag mo akong iwan.”
Pero imbes na yakapin siya pabalik, malakas siyang itinulak ni John. Halos mabuwal siya sa kama, napakapit siya sa kumot upang takpan ang kanyang kahubaran.
Matalim at nag-aapoy ang tingin ni John. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Gusto mong magmakaawa ako sa'yo?”
Napaluha si Fortuna. “Hindi kita pinipilit, John. Pero nangyari na ito. Hindi mo na mababawi—”
Sa loob ng bahay ng mga Tan sa California, sumisigaw ang katahimikan. Naiwan ang tensyon sa pagitan ng mga titig, at ang bawat hakbang ni Leona ay mabigat, punô ng galit at pagkadismaya.“Lumayas ka na dito, Señora,” mariing sabi ni Leona, tinuturo ang pintuan.“Hindi ka na karapat-dapat manatili pa sa pamamahay na ito. Hindi matapos-tapos ang panloloko mo!”Umiiyak si Señora, ngunit walang makakuhang awa sa paligid. Nagsimula siyang lumapit kay John, nanginginig ang boses.“John, please… hindi ko alam kung paano tayo umabot sa ganito. Ayoko pang umalis.”Pero bago pa siya makalapit, biglang sumingit si Marco, mabilis na humakbang at mariing hinawakan ang braso ng babae.“Tama na 'yan.”“Marco? Bitawan mo ako! Ayoko sumama sa’yo!” sigaw ni Señora, nagpupumiglas.“Hindi ka pa ba nahihiya, ha?” singhal ni Marco. “Sa dami ng kasinungalingang niluto mo, may mukha ka pang humingi ng awa dito? Halika na. Huwag mo nang dagdagan pa ang kababuyan ng ginawa mo!”Hinila ni Marco si Señora palab
Tahimik ang paligid ng malawak na sala. Tanging ang malamig na tunog ng wall clock ang bumabasag sa katahimikan.Nakaharap sa isa’t isa sina John Tan, Leona at Luigi—ang kanyang mga magulang. Sa gilid ay nakatayo si Madam Irene, tahimik pero tensyonado ang postura. Sa tabi niya, si Marco, hawak-hawak ang isang envelope na parang may bigat ng isang buong mundo.Nakahawak si John sa sinturon ng pantalon niya, bakas sa mukha ang pagod at kaguluhan. “Bakit mo kami pinatawag, Marco? Anong mahalagang dapat mong sabihin sa amin?”Malalim ang buntong-hininga ni Marco bago nagsalita. “Alam kong wala akong karapatang makialam sa mga desisyon niyo. Pero hindi ko na kayang sikmurain ang kasinungalingan na ‘to.”Nakita ni Marco ang pagkunot ng noo ni Leona, habang si Luigi ay tila nahihintay na pumutok ang bomba.“Hindi ko ito ginagawa para kay Fortuna,” patuloy ni Marco. “Ginagawa ko ito para kay John—para sa katotohanan. At para walang inosenteng masaktan.”“Marco,” singit ni John, “anong pinags
SA LOOB NG BAHAY NI FORTUNA…“Please, John,” mahina pero matatag ang tinig ni Fortuna, habang nakatayo siya sa may pintuan, harap-harapan si John na pilit sumusuyo. “Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan.”“Fortuna…” halos mangiyak-ngiyak si John, namumula ang mata, halatang ilang gabi nang hindi natutulog. “Pakinggan mo naman ako, please. Mahal kita. Mahal ko kayo ni Alessia. Aaminin ko—nagkamali ako, pero kaya ko pa itong itama. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”Tumayo mula sa sofa si Kuya Tony, ang panganay na kapatid ni Fortuna. Malaki ang katawan, madilim ang mukha, at ngayon ay namumula sa galit. “John, tigilan mo na ‘to. Tapos na kayo. Masyado ka nang nakasakit. Akala mo ba ganon lang kadaling kalimutan ang lahat ng ginawa mo kay Fortuna?”“Kuya Tony, please,” pakiusap ni Fortuna. “Ako na bahala.”Pero hindi pa rin umaatras si John. “Hindi ko intensyong saktan ka, Fortuna. Naguluhan lang ako. Nabulag ako sa mga obligasyon, sa pressure, sa pamilya ko, kay Señora—”“Kay
Mula sa labas ng pader, sumisilip pa rin si Marco, habang si Señora ay bumalik sa loob, hawak pa rin ang kanyang tiyan na parang sinasalo ang bigat hindi lamang ng batang kanyang dinadala, kundi ng kasalanang pilit niyang tinatakpan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Nangingilid pa rin ang mga ito kahit anong pilit niyang pigilan.“Señora,” muling tanong ni Madam Irene, habang pinagmamasdan ang pamumutla ng babae, “umiyak ka ba?”“Hindi po, Madam. Hormones lang po siguro. Alam niyo na, buntis.”Matalim ang tingin ni Madam Irene. “Huwag mo akong ginagago, Señora. May lalaking dumating, hindi ba? Sinong lalaki ‘yon? May nabanggit siyang pangalan. Narinig ko.”Nanlaki ang mata ni Señora. Napatingin siya sa pintuang isinara ni Madam Irene. Gusto niyang takbuhan ang sandaling ito. Gusto niyang magtago. Pero wala na siyang matatakbuhan. Unti-unti nang lumalapit ang kapalarang pilit niyang tinatakasan.Señora, balot ng manipis na cardigan, nangi
Madilim ang silid maliban sa ilaw ng laptop na nakapatong sa mesa. Naglalagablab ang mga mata ni Marco habang binabasa ang email ng private investigator na matagal na niyang hinire upang bantayan si Señora.From: j.p.investigations@securemail.ph.llTo: marco.san@phrealtygroup.com.llSubject: CONFIRMED: Location of TargetMr. Marco,Confirmed. Ms. Señora is currently residing at the Tan Family Estate in Los Angeles, California. Photographic evidence and timestamped logs attached. Further intel suggests personal involvement with John Tan. Please advise next move.Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo agad si Marco, kinuha ang cellphone, at mabilis na tinawagan ang assistant.“Laila, magpa-book ka ng first available flight to L.A., California. Business class. Hindi ako pwedeng ma-late. I need to be there tonight if possible.”Naputol sandali ang katahimikan habang hinihintay niyang mag-reply ang nasa kabilang linya.“Sir, may 11:40 PM flight via PAL. Naka-book na po sa pangalan niyo. VI
Bumanggang pinto. Tumunog ang mabagsik na tunog sa buong bahay nang lumabas si John mula sa kwarto ni Señora. Ang kanyang dibdib ay punong-puno ng tensyon at hindi matapusang pagkalito. Dumiretso siya patungo sa bahay nila Fortuna, ang kanyang utak ay puno ng sigalot mga tanong at hinala, galit at pagnanasa. Masyado nang komplikado ang lahat, at hindi na siya sigurado kung paano niya mapipigilan ang mga bagay na unti-unting dumadaan sa kanyang buhay.Habang papalapit siya sa bahay, narinig niyang tinawag siya ni Tony ang kuya ni Fortuna na nakatambay sa sala. Puno ng galit ang mga mata nito, at ang tono ng boses ay parang kidlat na dumapo sa katahimikan ng gabi."John!" sigaw ni Tony, ang boses nito ay parang isang kidlat na pumutok sa gitna ng katahimikan. Hindi na siya nag-atubiling lumapit, matalim ang tingin sa kanya. "Tigilan mo na 'yan! Huwag mong gawing gulo ang buhay ng kapatid ko!"Napasigaw si John, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kaguluhang nararamdaman niya. Hindi na