Puno ng sakit at panghihina ang katawan ni Fortuna habang tahimik siyang naglakad papasok sa kanilang bahay. Mugtong-mugto ang kanyang mga mata, bakas sa kanyang mukha ang matinding kirot ng isang pusong durog.
Ang gabing iyon… ang gabing matagal niyang pinangarap, ay hindi natapos sa isang fairytale. Hindi siya niyakap ni John, hindi siya hinalikan nang may pagmamahal. Bagkus, itinulak siya nito palayo—parang isang babaeng hindi karapat-dapat mahalin.
"Fortuna!"
Naputol ang kanyang malalim na iniisip nang marinig niya ang boses ng kanyang ina. Agad siyang napatingin sa direksyon nito at nagulat nang makitang may mga bisitang naghihintay sa kanilang sala—isang matandang babae at isang mag-asawang mukhang makapangyarihan at mayaman.
Nag-aalalang lumapit ang kanyang ina, si Jinky Han, at sinuri ang kanyang mukha. “Anak, bakit ngayon ka lang nakauwi? Bakit namumugto ang mata mo?”
Mabilis niyang tinakpan ang sakit sa kanyang puso sa pamamagitan ng isang matipid na ngiti. Hindi niya maaaring sabihin ang totoo. Hindi niya maaaring ipaalam na muli na naman siyang itinakwil ni John.
"Masakit lang po ang ngipin ko, Mama," pagsisinungaling niya. "Kaya natagalan ako sa pag-uwi. Nagpa-check-up na rin ako kanina."
Nag-alala ang kanyang ina, ngunit hindi na nagtanong pa. Sa halip, lumapit ito sa bisita nilang matandang babae at magalang na ngumiti. “Fortuna, gusto kong ipakilala sa’yo si Madam Irene Tan.”
Napatingin siya sa matandang babae—malamlam na ang mga mata nito ngunit may halong awtoridad at respeto. Isang babae na halatang may malalim na koneksyon sa kanilang pamilya.
“Ikinalulugod kitang makilala, iha,” malamig ngunit pormal ang tono ng matanda. “Matagal na kitang gustong makita.”
Bahagyang yumuko si Fortuna bilang pagbibigay-galang. “Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, Madam Tan.”
Muling nagsalita ang kanyang ina. “At ito naman ang mag-asawang sina Leona at Luigi Tan.”
Ngumiti ang mag-asawa sa kanya. Halata sa kanilang postura at pananamit ang yaman at kapangyarihan, na lalo lamang nagpatibay sa kanyang pakiramdam na may mahalagang dahilan kung bakit sila naroon.
“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong niya, kahit pa hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.
Madam Irene, na kanina pa siya tinititigan, ay ngumiti nang bahagya bago binitiwan ang isang napakalaking rebelasyon—isang bagay na agad nagpabago sa ikot ng kanyang mundo.
“Fortuna, may matagal nang kasunduan sa pagitan ng iyong lola Rose at ng aming pamilya.”
Nagtagpo ang kanyang mga mata at ang kay Madam Irene. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa susunod na sasabihin nito.
“Ikaw at ang apo kong si John Tan ay matagal nang nakatakdang ikasal.”
Parang naubusan ng hangin si Fortuna. Si John? Ang lalaking itinulak siya palayo? Ang lalaking nagsabi na hindi niya kailanman mamahalin?"Hindi… hindi po ako makapaniwala," mahina niyang bulong.
Ngumiti si Madam Irene, ngunit sa kanyang mga mata ay may di-matitinag na determinasyon. "Ito ay pangako ng iyong lola. Matagal nang napagkasunduan na ang susunod na henerasyon ng Han at Tan ay magkakasama upang pag-isahin ang ating yaman, negosyo, at kapangyarihan."
Napalunok si Fortuna. Hindi niya alam kung paano ipoproseso ang lahat ng ito. Ang lalaking nagbigay sa kanya ng pinakamalupit na sakit ang siyang ipinagkasundong ipakasal sa kanya?
“Alam kong hindi ito inaasahan, pero wala tayong magagawa,” dagdag ni Leona Tan, ang asawa ni Luigi Tan. “It’s either sumunod tayo sa kasunduan… o mawala ang lahat ng yaman ng ating pamilya.”
Nagpintig ang tainga niya sa narinig. "Paano pong mawala ang lahat?"
Nanlalamig ang buong katawan ni Fortuna.Ang mga kamay niyang nakapatong sa kanyang kandungan ay nagsimulang manginig. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras, habang pilit niyang inuunawa ang narinig.
Si John Tan?
Ang lalaking matagal niyang minahal.
Ang lalaking ilang beses siyang itinulak palayo. Ang lalaking tinalikuran siya matapos ang gabing ipinagkaloob niya ang sarili rito.Siya ang itinakda para sa kanya?
"T-Teka lang po..." halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang tinig. "S-Sinong John Tan ang tinutukoy ninyo?"
Nagpalitan ng tingin ang mga bisita. Kita niya sa mukha ng kanyang ina ang bahagyang pagtataka sa kanyang tanong. Samantalang si Madam Irene ay nanatiling seryoso, walang bahid ng alinlangan ang kanyang sagot.
"Si John Tan, iha. Batchmate mo siya sa paaralan. Kumukuha ng kursong Computer Engineering," anito nang may katiyakan. "Iisa lang ang eskwelahan na pinasukan ninyo."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Ang John na tinutukoy nila ay walang iba kundi si John Ethan Tan.
Ang kanyang unang pag-ibig… at ang lalaking pinakamalupit na nagwasak ng kanyang puso.
Napasinghap siya at mabilis na napahawak sa kanyang dibdib, pilit pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga palad at ang pamamanhid ng kanyang katawan.
"Hindi... imposible ito..." mahina niyang bulong sa sarili.
Nanghina ang kanyang mga tuhod, dahilan upang mapaupo siya sa malambot na sopa sa kanilang sala.
"Fortuna?" nag-aalalang tawag ng kanyang ina.
Napatingin siya sa kanyang ina—sa kanyang nag-aalalang mga mata.
Ang kanyang ina… walang kaalam-alam sa pinagdaanan niya kay John.
Sa isang tahimik na silid ng ospital, nakaupo si John sa gilid ng kama, nakasuot ng malinis na damit matapos palitan ng nurse ang kanyang hospital gown. Discharge day na niya ngayon. Iyon dapat ang araw na inaasahan niyang makikita si Fortuna kasama si Alessia, at marahil ay magsisimula na silang mag-usap ng mas seryoso.Kanina pa siya restless. Panay ang tingin niya sa pintuan ng silid, umaasang bubukas ito anumang oras. Sa kanyang mga mata, may halong kaba at pananabik. Hindi niya alam kung darating nga ba si Fortuna, pero pinipilit niyang maniwala—dahil sinabi ni Tony na posible.Habang nakatingin siya sa wall clock, napahawak siya sa dibdib, pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso.John: (mahina, kausap ang sarili) "Basta makita ko lang sila... si Fortuna at si Alessia. Kahit saglit lang. Sana lang... sana dumating sila."Sa kabilang banda ng siyudad, nasa bahay naman si Fortuna, nakayuko sa ibabaw ng kuna ni Alessia. Mainit ang noo ng sanggol, at ramdam niya ang init ng ma
Habang naglalakad si Fortuna at si Tony, dala-dala si Alessia, ang mga alalahanin ni Fortuna ay patuloy na sumasakal sa kanya. Ang bawat hakbang na iniisa-isa niya ay parang may bigat na dala. Sa bawat kanto, sa bawat sulok, sa bawat sulyap na kanyang tinatanaw, iniisip niya kung tama ba ang mga desisyon niya, kung ano ang dapat niyang gawin. Parang may kumakalabit na boses sa kanyang isipan na hindi umaatras, at yun ay ang lahat ng nangyari kay John—ang kanyang mga pagkakamali, ang mga pagkatalo, at ang mga pagsubok na humubog sa kanyang mga desisyon.Habang tinatanaw nila ang daan palabas ng ospital, biglang tumunog ang cellphone ni Fortuna. Nagpatuloy siya sa paglakad, ngunit ang tunog ng ringtone ay nagpatigil sa kanya, at agad niyang naramdaman ang kilig at kaba. Hindi na siya nagdalawang isip, alam niyang ang tawag na iyon ay mula kay John. Si Tony, na nakakita ng pag-aalangan sa mukha ng kapatid, mabilis na kinuha ang cellphone mula kay Fortuna.Tony: (mahinang tinig) "Bunso, s
Maya-maya, bumukas ang pinto ng silid at lumabas si Amanda, ang kanyang hipag, bitbit si baby Alessia. Nakangiti itong lumapit sa kanila habang karga ang sanggol na nakasuot ng maliit na damit na kulay rosas. Tila maliit na anghel si Alessia, mahimbing ang paghinga at paminsan-minsan ay ngumunguya ng walang gatas.Agad na napangiti si Jack, ang kanilang ama, na nakaupo sa sala at abala kanina sa pagbabasa ng diyaryo. Tumayo ito at lumapit, parang batang nakakita ng laruan.“Aba!” masayang sambit ni Jack, sabay tingin sa kanyang apo. “Ang ganda talaga ng apo ko. Manang-mana sa akin!” biro nito, sabay tawa nang malakas.Napailing si Tony. “Tay, huwag n’yo ngang angkinin. Si Alessia, kamukha ng Mommy niya.”Ngunit agad sumabat si Rose, ang ina nila, sabay tapik sa braso ni Jack. “Naku, Tony, mali ka riyan. Manang-mana ‘yan sa lola niya. Tingnan mo ang hugis ng mata, kamukha ko ‘yan!”Nagkatawanan ang lahat, at si Fortuna, kahit kanina’y mabigat ang dibdib, ay hindi naiwasang ngumiti. Hin
Pagkatapos ng ilang minuto ng kwentuhan at kulitan sa loob ng silid, tumayo na si Fortuna. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya—si John na may bahagyang lungkot sa mga mata, si Madam Irene na parang ayaw siyang paalisin, at si Leona na nakangiti pero halatang may inaasahan pa rin mula sa kanya. Huminga nang malalim si Fortuna bago nagsalita.“Magpapaalam na po ako,” mahinahong saad niya, sabay tingin kay John. “May aasikasuhin pa ako sa bahay.”Agad bumuntong-hininga si John, halos parang bata na biglang naiwanan. “Fortuna…” tawag niya, mahina pero puno ng pagmamakaawa. “Bukas kasi, discharge ko na. Sana… sana andiyan ka.”Saglit na natigilan si Fortuna. Ang titig ni John, halos sumisid sa puso niya, pinapaalala ang mga panahong sabay silang kumakapit sa isa’t isa bago nagbago ang lahat. Gusto niyang sabihin ang totoo—na gusto niyang dumating, na gusto niyang makita kung paano siya uuwi at alagaan kahit sa maliit na paraan. Pero naroon ang bigat ng realidad: si Alessia, ang
Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Leona dala ang isang basket ng sariwang prutas. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila lalo na kay Fortuna na nakaupo pa rin sa tabi ng kama ni John hawak-hawak ang kutsarang para kanina pa sana kay John.“Uy, aba’t…” ngumisi si Leona at bahagyang kumindat. “Akala ko ba anak hindi ka makakapunta?” biro nito na puno ng pang-aasar.Parang tinamaan ng kidlat si Fortuna. Agad namula ang pisngi niya at halos mapabitaw sa kutsara.“Maaga po kasi ako natapos sa bakery. Hinatid lang po ako ni kuya Tony,” mabilis niyang paliwanag habang pilit iniiwas ang tingin.Si John ay hindi nakapigil sa pagngisi at lalo pang pinasama ang sitwasyon. “O kita mo Ma? Kahit busy siya nag-effort pa rin siyang pumunta rito. Ako lang ang dahilan.” Sabay kindat pa ito kay Fortuna.“John!” singhal ni Fortuna. Nanginginig ang boses niya habang sinamaan ng tingin ang lalaki, ngunit lalo lamang siyang ipinahamak dahil mas lalong ngumisi si John.Si Madam Irene ay hal
Pagkaalis ni Leona, naiwan si Fortuna sa loob ng bakery, nakatitig lang sa mesa kung saan nakapatong ang mga tinapay na kakaluto pa lamang. Ramdam niya pa rin ang bigat ng sinabi ng ina ni John.Lumapit si Kuya Tony, hawak ang basang pamunas at pinunasan ang mesa. “Bunso,” mahinahon niyang sabi, “nakita ko kung paano ka tinanong ni Tita Leona. Hindi ko man narinig lahat ng pinag-usapan niyo, pero halata sa mukha mo na mabigat sa’yo.”Napabuntong-hininga si Fortuna at napaupo sa silya. “Kuya… parang ang dami nilang hinihingi sa akin. Hindi ko pa nga alam kung kaya kong bumalik sa buhay na iniwan ko, tapos parang gusto nilang agad-agad akong bumalik sa tabi ni John.”Umupo si Tony sa harap niya, diretso ang tingin sa kanyang kapatid. “Bunso, hindi mo kailangan madaliin ang desisyon mo. Pero isa lang ang gusto kong sabihin.”Nag-angat ng tingin si Fortuna, may pag-aalinlangan. “Ano ‘yon, kuya?”“Bisitahin mo si John,” diretso nitong sagot. “Pagkatapos ng tindahan, dumaan ka. Hindi para s