Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 81

Share

Bon Appetit CHAPTER 81

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2025-03-31 00:00:18

"Tumaba ka," sa wakas ay sabi nito.

Halos mapalunok si Fortuna. "M-Marami po akong nakakain, Lola Irene."

Ngumiti si Irene nang bahagya, pero ang titig nito ay nanatiling matalim. "Hindi ba't dapat ikaw ang nagpapapayat para sa apo ko?"

Mabilis na bumagsak ang tingin ni Fortuna sa kanyang mga kamay.

"Ah, hindi na rin pala mahalaga iyon," dagdag ni Irene. "Dahil kahit ano’ng gawin mo, hindi ka naman magugustuhan ng apo ko."

"Lola!" mabilis na saway ni John.

Ngunit bahagya lang siyang tiningnan ni Irene, saka muling ibinalik ang tingin kay Fortuna.

"Sinasayang mo lang ang buhay mo, iha," diretsong sabi nito.

Hindi sumagot si Fortuna.

"Bakit ka pa rin nandito? Hindi ba’t ilang beses ka nang tinutulak ng apo ko palayo?"

Bumuka ang labi ni Fortuna, tila gustong sumagot.

Pero nang makita niya ang titig nito—ang titig na puno ng hinanakit, pero matibay pa rin—hindi niya maiwasang maghintay sa sasabihin nito.

At nang sa wakas ay magsalita ito, hindi niya inaasahan ang sagot nito.

"Alam ko po
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 214

    Sa loob ng bahay ng mga Tan sa California, sumisigaw ang katahimikan. Naiwan ang tensyon sa pagitan ng mga titig, at ang bawat hakbang ni Leona ay mabigat, punô ng galit at pagkadismaya.“Lumayas ka na dito, Señora,” mariing sabi ni Leona, tinuturo ang pintuan.“Hindi ka na karapat-dapat manatili pa sa pamamahay na ito. Hindi matapos-tapos ang panloloko mo!”Umiiyak si Señora, ngunit walang makakuhang awa sa paligid. Nagsimula siyang lumapit kay John, nanginginig ang boses.“John, please… hindi ko alam kung paano tayo umabot sa ganito. Ayoko pang umalis.”Pero bago pa siya makalapit, biglang sumingit si Marco, mabilis na humakbang at mariing hinawakan ang braso ng babae.“Tama na 'yan.”“Marco? Bitawan mo ako! Ayoko sumama sa’yo!” sigaw ni Señora, nagpupumiglas.“Hindi ka pa ba nahihiya, ha?” singhal ni Marco. “Sa dami ng kasinungalingang niluto mo, may mukha ka pang humingi ng awa dito? Halika na. Huwag mo nang dagdagan pa ang kababuyan ng ginawa mo!”Hinila ni Marco si Señora palab

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 213

    Tahimik ang paligid ng malawak na sala. Tanging ang malamig na tunog ng wall clock ang bumabasag sa katahimikan.Nakaharap sa isa’t isa sina John Tan, Leona at Luigi—ang kanyang mga magulang. Sa gilid ay nakatayo si Madam Irene, tahimik pero tensyonado ang postura. Sa tabi niya, si Marco, hawak-hawak ang isang envelope na parang may bigat ng isang buong mundo.Nakahawak si John sa sinturon ng pantalon niya, bakas sa mukha ang pagod at kaguluhan. “Bakit mo kami pinatawag, Marco? Anong mahalagang dapat mong sabihin sa amin?”Malalim ang buntong-hininga ni Marco bago nagsalita. “Alam kong wala akong karapatang makialam sa mga desisyon niyo. Pero hindi ko na kayang sikmurain ang kasinungalingan na ‘to.”Nakita ni Marco ang pagkunot ng noo ni Leona, habang si Luigi ay tila nahihintay na pumutok ang bomba.“Hindi ko ito ginagawa para kay Fortuna,” patuloy ni Marco. “Ginagawa ko ito para kay John—para sa katotohanan. At para walang inosenteng masaktan.”“Marco,” singit ni John, “anong pinags

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 212

    SA LOOB NG BAHAY NI FORTUNA…“Please, John,” mahina pero matatag ang tinig ni Fortuna, habang nakatayo siya sa may pintuan, harap-harapan si John na pilit sumusuyo. “Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan.”“Fortuna…” halos mangiyak-ngiyak si John, namumula ang mata, halatang ilang gabi nang hindi natutulog. “Pakinggan mo naman ako, please. Mahal kita. Mahal ko kayo ni Alessia. Aaminin ko—nagkamali ako, pero kaya ko pa itong itama. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”Tumayo mula sa sofa si Kuya Tony, ang panganay na kapatid ni Fortuna. Malaki ang katawan, madilim ang mukha, at ngayon ay namumula sa galit. “John, tigilan mo na ‘to. Tapos na kayo. Masyado ka nang nakasakit. Akala mo ba ganon lang kadaling kalimutan ang lahat ng ginawa mo kay Fortuna?”“Kuya Tony, please,” pakiusap ni Fortuna. “Ako na bahala.”Pero hindi pa rin umaatras si John. “Hindi ko intensyong saktan ka, Fortuna. Naguluhan lang ako. Nabulag ako sa mga obligasyon, sa pressure, sa pamilya ko, kay Señora—”“Kay

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 211

    Mula sa labas ng pader, sumisilip pa rin si Marco, habang si Señora ay bumalik sa loob, hawak pa rin ang kanyang tiyan na parang sinasalo ang bigat hindi lamang ng batang kanyang dinadala, kundi ng kasalanang pilit niyang tinatakpan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Nangingilid pa rin ang mga ito kahit anong pilit niyang pigilan.“Señora,” muling tanong ni Madam Irene, habang pinagmamasdan ang pamumutla ng babae, “umiyak ka ba?”“Hindi po, Madam. Hormones lang po siguro. Alam niyo na, buntis.”Matalim ang tingin ni Madam Irene. “Huwag mo akong ginagago, Señora. May lalaking dumating, hindi ba? Sinong lalaki ‘yon? May nabanggit siyang pangalan. Narinig ko.”Nanlaki ang mata ni Señora. Napatingin siya sa pintuang isinara ni Madam Irene. Gusto niyang takbuhan ang sandaling ito. Gusto niyang magtago. Pero wala na siyang matatakbuhan. Unti-unti nang lumalapit ang kapalarang pilit niyang tinatakasan.Señora, balot ng manipis na cardigan, nangi

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 210

    Madilim ang silid maliban sa ilaw ng laptop na nakapatong sa mesa. Naglalagablab ang mga mata ni Marco habang binabasa ang email ng private investigator na matagal na niyang hinire upang bantayan si Señora.From: j.p.investigations@securemail.ph.llTo: marco.san@phrealtygroup.com.llSubject: CONFIRMED: Location of TargetMr. Marco,Confirmed. Ms. Señora is currently residing at the Tan Family Estate in Los Angeles, California. Photographic evidence and timestamped logs attached. Further intel suggests personal involvement with John Tan. Please advise next move.Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo agad si Marco, kinuha ang cellphone, at mabilis na tinawagan ang assistant.“Laila, magpa-book ka ng first available flight to L.A., California. Business class. Hindi ako pwedeng ma-late. I need to be there tonight if possible.”Naputol sandali ang katahimikan habang hinihintay niyang mag-reply ang nasa kabilang linya.“Sir, may 11:40 PM flight via PAL. Naka-book na po sa pangalan niyo. VI

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 209

    Bumanggang pinto. Tumunog ang mabagsik na tunog sa buong bahay nang lumabas si John mula sa kwarto ni Señora. Ang kanyang dibdib ay punong-puno ng tensyon at hindi matapusang pagkalito. Dumiretso siya patungo sa bahay nila Fortuna, ang kanyang utak ay puno ng sigalot mga tanong at hinala, galit at pagnanasa. Masyado nang komplikado ang lahat, at hindi na siya sigurado kung paano niya mapipigilan ang mga bagay na unti-unting dumadaan sa kanyang buhay.Habang papalapit siya sa bahay, narinig niyang tinawag siya ni Tony ang kuya ni Fortuna na nakatambay sa sala. Puno ng galit ang mga mata nito, at ang tono ng boses ay parang kidlat na dumapo sa katahimikan ng gabi."John!" sigaw ni Tony, ang boses nito ay parang isang kidlat na pumutok sa gitna ng katahimikan. Hindi na siya nag-atubiling lumapit, matalim ang tingin sa kanya. "Tigilan mo na 'yan! Huwag mong gawing gulo ang buhay ng kapatid ko!"Napasigaw si John, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kaguluhang nararamdaman niya. Hindi na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status