LOGINAgad akong napalingon sa entrance ng ospital. Mabilis na nananakbo si Caleb papunta sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya, hingal na hingal siya. Saglit siyang huminto para habulin ang hininga bago magsalita." Ayos ka lang ba? Pasensiya na masyado kasing traffic kaya natagalan ako." At dumako ang tingin niya kay Lucian. "Sino siya?""Si—""I'll give you ten more minutes to go back, Ms. Reyes." Pinutol niya ang sasabihin ko. Sabay tumalikod.Hinila ni Caleb ang braso ni Lucian. "Hoy, at sino kang akala mo para utusan siya ng ganyan?" sikla ni Caleb na halatang nainis sa tono ni Lucian.Napatigil si Lucian at humarap. Pinagpagan niya ang parte ng suit niya na nahawakan ni Caleb. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ms. Reyes, pwede bang sabihin mo sa kaibigan mo na ayusin muna nag sarili niya bago ko sagutin ang tanong niya?""A-ah—Caleb, huminahon ka nga. Boss ko 'yan, ano ba. Kapag ako natanggal sa trabaho.""E ano naman? Kung siya rin naman ang boss mo, huwag na lang."Napaarko an
Pinalipas ko muna ang oras kasama si papa bago ako nagpunta sa counter para magbayad ng lahat ng bills. Kailangan ko na magmadali dahil gabi na. Usapan namin ni Lucian na kailangan ko makabalik.Kinausap ko Dr. Castillo tungkol sa surgery ni papa dahil hindi rin ako kampante na umalis na hindi sine-settle lahat ng kailangan. "Doc, kayo na po muna ang bahala sa papa ko.""Bakit, Ms. Reyes? Hindi mo ba hihintayin na matapos muna ang surgery bago umalis?" nagtataka niyang tanong."Ah, doc, kailangan ko na po kasi umalis. Hanggang gabi lang po ako pinauagan ng boss ko.""Wala bang iba na pwedeng magbantay kahit kaibigan mo? Hindi kasi pwedeng mag-proceed ang surgery na walang bantay ang pasyente.""Iba po? T-teka, doc. May tatawagan lang po ako.""Sige, puntahan mo na lang ako sa kwarto na papa kung ano ang magiging lagay.""Opo, Excuse me po." Sabay tumalikod na ako.Lumabas ako ng hospital para tumawag. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya."Hello, Celest? Ano probelma at
Sinundan ko si Lucian papasok ng Master's office. Tahimik lang siya. Nakarating na kami sa loob at naupo siya sa office chair bago yumuko para may kunin sa drawer ng desk. INilabas niya ang piraso ng papel.Ano kaya iyon?Tumingin siya sa akin at hinagod muna ako ng tingin. "What happened out there earlier, Ms. Reyes?"Napahigpit ang kapit ko sa damit. "S-sorry, sir. May personal matter lang po.""That should be really serious para mangyari ang insidenteng nangyari kanina. Dahil kung hinde, There will be no exception." Malamig ang kanyang tono. Seryoso siya.Nakayuko lang ako at hindi nakatingin. "Tungkol po kasi sa papa ko. Tumawag ang ospital at kailangan na ng agarang surgery para kay papa dahil malala na ang kalagayan niya."Biglang tumamlay ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba kalala?"Tumango ako. "Kaya ako nanlambot dahil hindi ko pa nga nababayaran ang bills namin noong nakaraang buwan sa ospital, biglang may urgent request na ng surgery." Huminto ako saglit bago muli
Nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maliit na kwarto habang pilit na iniisip kung nasaan na ako. Wala na ako apartment na inuupahan namin o sa plastik na upuan sa tabi ng kama ng papa ko sa ospital kung saan halos isang linggo na akong pabalik-balik. Nasa Montecarlos Mansion ako ngayon, at kahit gaano ko pa gustuhing isipin na masamang panaginip lang ang lahat, hindi mababago noon ang katotohanan.Dahan-dahan akong bumangon at agad na kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Ang una kong ginawa ay tingnan kung may mensahe mula sa ospital. Pero wala.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa naging desisyon ko.Napabuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang mag-ayos. Kailangan kong magtagal sa trabahong ito. Hindi mahalaga kung gaano kahirap o gaano kabigat. Dahil sa ngayon, ito na lang ang natitirang paraan para matulungan ko ang papa ko.Paglabas ko ng staff quarters, agad kong naramdaman ang pagiging abala ng
Maaga pa lang, nagising na ako kahit pakiramdam ko hindi naman talaga ako nakatulog. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ng papa ko sa ICU habang pinapakinggan ang tuloy-tuloy na tunog ng monitor. Parang bawat beep na lumalabas doon, pinapaalala sa akin na nandito pa siya pero unti-unti nang nauubos ang oras niya. Hawak ko ang kamay niya kahit malamig na at mahina, na parang ako na lang ang kumakapit.“Pa…” mahinang tawag ko, pero hindi na siya sumagot. Alam ko naman na hindi na niya kayang sumagot, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang gawin ‘yon—ang tawagin siya. Para kasing kapag tinatawag ko siya, kahit sandali lang, baka maramdaman niya na nandito pa rin ako.May kumatok sa pinto at pumasok ang nurse na may dalang folder. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ‘yon dahil kabisado ko na. Bill na naman. Mas malaki na naman ito panigurado kaysa sa kahapon. “Miss Reyes, kailangan po ng partial payment today. Otherwise po, baka ma-limit na yung treatment options,” sa







