The Indebted Second Wife of the Billionaire

The Indebted Second Wife of the Billionaire

last updateÚltima actualización : 2026-10-10
Por:  ArtemiaActualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
6 calificaciones. 6 reseñas
36Capítulos
685vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Magwawalong taon ng biyudo ang bilyonaryong si Aldous Sage Villaruel matapos mamatay ng una nitong asawa sa panganganak, hindi na ulit siya nag-asawa matapos no’n. Ngunit, sa paglaki ng kaniyang anak na si Azrielle ay nagsisimula na itong maghanap ng aruga at kalinga ng isang ina na hindi niya mabigay. Kaya nakapagdesisyon na si Sage na maghanap ng tamang babae na tatayong ina para sa kaniyang anak. Doon niya nakilala si Felicity Hera Dela Merced na kasalukuyang guro sa elementarya ni Azrielle, ito lang ang nag-iisang babaeng nakakasundo ng kaniyang anak at tingin niya ay magiging saktong ina para sa bata. Ngunit dahil mailap na babae si Hera ay hindi niya alam kung paano ito mapapa-oo na pagpapakasal sa kaniya, hanggang sa malaman ni Sage ang sekreto ni Hera na pagtatrabaho sa isang nightclub para mabayaran ang malaking utang ng pamilya nito. Kapalit ng pagbabayad ni Sage sa lahat ng pagkakautang ng pamilya ni Hera at pagsuporta sa ama nitong nasa ospital, ay ang pag-offer niya sa dalaga na maging ina ng batang si Azrielle at maging pansamantalang asawa ng lalaki.

Ver más

Capítulo 1

Chapter 1

Third Person’s POV

“Alam mo anong sagot sa problema mo bro?” ang sambit ni Lorrence na kaibigan ni Sage. Ngumuso ito sa stage ng club kung saan naglabasan ang mga babaeng nakasuot ng sexy na damit. “Babae.”

Tinungga ni Sage ang laman ng kaniyang baso bago muling magsalin dito.

“O? ‘Di ba? Kung gusto ni Azi ng mommy, marami kang mahahanap. Baka pumila pa nga sila para asawahin mo,” ang dugtong pa nito na ikinailing ng lalaki.

“Nanay ang gusto ni Azrielle, hindi kung sinong babae lang na mahanap ko sa tabi,” ang sagot niya bago muling lagukin ang laman ng kaniyang baso.

Lalong umingay sa loob ng nightclub kung nasaan ang dalawa nang magsimulang sumayaw ang mga babae sa itaas ng stage na ikinahiyaw ng mga lalaking nanonood. Nakihiyaw rin ang kaibigang niyang si Lorrence.

“E bakit kasi hindi mo na lang pansinin si Penelope? Simula College tayo patay na patay na sa ‘yo ‘yon! Malay mo maging mabuti pa siyang nanay kay Azi,” pangungumbinsi pa ni Lorrence sa kaniya. “Isa pa boto sa kaniya ang pamilya mo.”

Napatulala na lang sa stage si Sage na hindi na nakuhang sagutin ang kaibigan na nakikihiyaw pa rin dahil sa mga sexy na babae sa stage.

Ilang araw ng binabagabag si Sage ng pag-uusap nila ng anak na si Azrielle, tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon din ng nanay tulad ng mga kaklase nito. Magwawalong taong gulang na ang anak niya, at naiintindihan niyang normal lang na maghanap ito ng kalinga ng isang ina kahit naipaliwanag na ni Sage na wala na ang mommy nito simula ng ipanganak ang bata 8 years ago.

Naiintindihan niya ang kalungkutan ng anak lalo na’t naranasan niya rin iyon kahit na buhay naman ang kaniyang ina.

“Come on bro, cheer up!” si Lorrence na hinila siya patayo sa upuan nila. “Hindi malulutas ng pagmumukmok ang problema mo. Kung naghahanap si Azi ng mommy, bibigyan natin siya ng mommy!”

“Fvck off, Lorrence. Gusto ko lang uminom ngayong gabi.”

“Oh come on, Sage, para ka namang kj na virgin! Tara na at magma-mommy hunting tayo ngayong gabi!”

Hindi na niya nakuhang makapiglas nang hatakin siya nito paalis sa puwesto nila. Sumuko na lang si Sage at sumama sa kaibigan na paniguradong hahanapan nga siya ng babae.

‘Mali ‘ata na sumama ako sa ungas na ‘to rito’ ang nagsisising aniya sa isipan bago mapahinto sa harap ng stage ng magkasalubong ang tingin nila ng isa sa mga dancer na nandoon. Agad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng tila ay mamukhaan ito.

‘Imposible na nandito ang homeroom teacher ng anak ko’ ang litong aniya sa isipan.

Habang sa kabilang banda naman sa parehong club ay halos mapako ang mga paa ni Hera sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin sa lalaking deretso rin ang tingin sa kaniya mula sa ibaba ng stage kung nasaan siya.

‘Sht! Please sabihin niyong nagkakamali lang ako,’ ang aniya sa isipan habang nagsisimula ng mahigitan ng kabog ng dibdib niya ang malakas na music sa nightclub.

Mabuti na lang ay tapos na ang performance nila kaya namamadali siyang pumunta sa backstage na halos takbuhin niya na kung hindi lang siya naka-heels.

“Anong problema mo?” boses iyon ni Martha pagtukoy sa biglaan niyang pag-alis sa stage. Isa ito sa mga regular dancer ng club at mukhang isa rin sa may ayaw sa kaniya. “Walang lugar para sa kaartehan dito. Papalampasin namin ‘to dahil unang araw mo pa lang pero sa susunod iwan mo ‘yang kaartehan mo sa bahay niyo.”

Inis na binunggo siya nito bago lampasan. Habang mariin na napapikit naman si Hera para pigilan ang sarili na sumagot lalo at may kailangan siya sa club at hindi siya puwedeng mapaalis. Pero, hindi iyon ang dapat niyang problemahin ngayon.

“There you are!” ang boses ng manager ng club na nagpatigil kay Hera na akma na sanang magpapalit para makaalis na sa lugar.

“Ako?”

“Yes! Our lucky charm! Kahit na nag-walk-out ka bigla sa stage,” ang sambit nito na napangiwi sa huling sinabi.

Bahagya siyang napayuko, “Sorry po naninibago lang.”

“It’s fine dear,” ang nakangiting sabi nito bago siya hawakan sa braso. "Pero kung gusto mo talagang makabawi—”

Agad na binawi ni Hera ang kamay niya dahil may kutob na siya sa sasabihin ng babae.

“May usapan po tayo na hindi ako magpapahawak sa kostumer!”

“Of course,” ang nakangiti muling sagot nito bago tumalas ang tono. “Pero dahil nagkalat ka kanina binibigyan lang kita ng option para makabawi dahil baka topakin ako at bawiin ang napagkasunduan natin.”

Napaawang ang labi ni Hera para sana umalma pero sa takot na baka nga bawiin ng babae ang napagkasunduan nila at hindi makuha ang pakay niya sa lugar ay nanghihinang napabuntong hininga na lang siya.

“Anong gusto niyong gawin ko?” ang tanong ni Hera na ikinangiti ng babae.

Mabibigat ang bawat hakbang ni Hera papunta sa isang VIP room kung saan siya pinapapunta ng manager dahil nirequest daw siya ng isang kostumer. Sinigurado naman sa kaniya nito na hindi siya hahawakan ng kostumer na pumupunta lang daw sa room para mag-inom. Pero kahit na ganoon ay kailangan niya pa ring maging maingat lalo na at hindi ito lugar ng mga santo.

“Onting tiis pa, Hera,” ang pilit na pagkumbinsi niya sa sarili.

Andito na siya at wala ng lugar para umatras gayong ibinaba na niya ang dignidad nang pumayag siya na makipagkasundo sa manager ng club.

Sa kuwarto ay naabutan ni Hera ang isang lalaki sa paikot na couch at mag-isang umiinom. May kadiliman ang kuwarto kaya hindi niya ito makita nang maayos pero nakasuot ang lalaki ng black long sleeve na nakatupi hanggang siko ang mga manggas.

“That jerk really never listened to me,” ang britonong boses ng lalaki habang nagsasalin sa baso ng alak. “You can sit anywhere, you can also drink if you want.”

Marahas namang napalunok si Hera, nagdadalawang isip pa siya bago maglakad papalapit sa lalaki. Iniurong nito ang isang baso papalapit sa kaniyang puwesto.

“Do you want hard drinks? Ito lang ang meron ako rito,” ang tanong ng lalaki na halatang marami ng nainom bago siya balingan ng tuluyan siyang maupo sa tabi nito.

Ambang sasagot na sana si Hera sa lalaki ng magtama ang tingin nilang dalawa. Muling gumapang ang kaba sa kaniyang dibdib. Kung kanina ay nagawa niyang iwasan ang lalaki, ngayon ay mukhang wala na siyang takas dito.

‘Anong ginagawa niya rito!’

Kumunot naman ang noo ni Sage habang nakatitig kay Hera na halos umatras na sa kinauupuan niya.

“Ikaw…” ang putol na sambit nito na ikinabalik ni Hera sa realidad at wala sa sariling inabot ang baso na may lamang alak bago iyon deretsong lagukin na agad niyang pinagsisihan.

“Ang pait!” ang bulaslas niya sa pagitan ng pag-ubo, agad naman siyang ianbutan ni Sage ng tubig na mariin pa rin ang titig sa kaniya.

“Ang akala ko namamalikmata lang ako kanina,” ang biglaang sambit ng lalaki na ikinataranta lalo ni Hera. “Ngayon sigurado na akong—”

Hindi na natapos ni Sage ang sasabihin ng bigla siyang hilain ni Hera papalapit bago tuluyang magtagpo ang kanilang labi. Mariing nakapikit ang dalaga na ito lang ang naisip na paraan para mapatahimik ang lalaki. Napadilat lang siya ng maramdaman ang kamay ng lalaki sa kaniyang batok bago ito gumanti ng halik sa kaniya.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reseñasMás

Yza D. C
Yza D. C
Grabeee napaka gandaa ng story mo Ms. A basahin niyo na guyss, anyway you can also read my story Guilty of Loving my Boss🫶🏼🫰🏼
2026-09-17 12:48:15
1
0
BITUING GRACIA'S
BITUING GRACIA'S
Attractive
2026-09-16 08:19:39
1
0
lunanaija92
lunanaija92
highly recommended!
2026-08-30 02:10:34
1
0
ArtofPollyanna
ArtofPollyanna
Interesting plot! Basahin niyo na guys at subaybayan ang mangyayari sa story nina Sage at Felicity ...
2026-08-27 23:30:32
1
0
BITUING GRACIA'S
BITUING GRACIA'S
Wow ang ganda!
2026-08-27 23:10:40
1
0
36 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status