Beranda / Romance / Bound To My Boss / Chapter 30: Away, Away (Samantha)

Share

Chapter 30: Away, Away (Samantha)

Penulis: thegreatestjan
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-12 02:22:41
Samantha's Point of View

Maaga akong nagising at naghanda dahil entrance exam schedule ngayon ni Erwin. Si tatay ay kasalukuyang nagkakape, samantalang ako ay naghihintay na matapos maligo ang kapatid ko. Mayamaya pa ay natapos din itong naligo at lumabas nang nakabihis na. Nakasuot ito ng puting short-sleeved polo at light blue denim pants. Ang denim pants na 'yon ay ang regalo ko sa kaniya no'ng nakaraang birthday niya.

Bahagyang basa pa ang buhok nito at medyo magulo.

“Sa wakas ay natapos din,” bulalas ko at umirap.

“Ganiyan talaga basta nagbibinata. Matagal maligo para mabangong-mabango kung lumapit sa nililigawan,” tukso naman ni tatay bago uminom ng kape. “Ano sinuot mo ba ang pulang brief mo? Dagdag swerte 'yan para makapasa ka.”

Napapailing lang naman ang kapatid ko at saka lumapit kay tatay. Dumukot ito ng monay na pinalaman ko ng pritong itlog.

“'Tay, wala akong nililigawan. 'Yang mga ganiyang bagay, distractions lang 'yan. At hindi rin ako nagsuot ng pulang brief. Hind
thegreatestjan

hola, greatest readers! thank you for reading this far. please subscribe to the novel, follow the author, share your thoughts or comments and feel free to send gifts. these gestures mean so much to me. thank you and happy reading!

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Bound To My Boss   Chapter 34: Alibi (Jefferson)

    FLASHBACK - 7 Years AgoJefferson's Point of View“Sakay ka na.”Nagulat ako nang biglang huminto ang traysikel na pinapasada ng tatay ni Sam. Inalok pa ako nitong sumakay sa kaniya. Kanina pa kasi ako naghihintay ng masasakyan pauwi. Inutusan kasi ako ni mama na bumili ng isda. Si Papa naman ay umalis at dinala ang motor nito.Hindi naman ako nagdalawang-isip pa at sumakay na rin dito.“Salamat po, Tito,” wika ko nang makapasok sa traysikel.Sa tagal ng relasyon namin ni Sam, close na kami ng mga magulang nito lalo na sa tatay nito. Ito kasi ang madalas na nasa bahay nila kung kaya ay ito ang nakakausap at nakakasama ko.Mabait ang tatay ni Sam, mas mabait pa kay papa. Mapagmahal ito sa kaniyang mga anak, pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para buhayin ang pamilya niya. Kahit na may busilak na puso, naging bisyo na nito ang pag-iinom. Ayon sa kuwento ni Sam, ang madalas na kinikita ng tatay niya ay ipinambibili lang nito ng alak.Hindi naman daw ganito noon ang tatay niya. All o

  • Bound To My Boss   Chapter 33: Touch (Jefferson)

    FLASHBACK - 7 Years AgoJefferson's Point of ViewUmalis si papa at mama para um-attend sa birthday celebration ng pamangkin ko. Sinundo sila kanina ni kuya kung kaya'y naiwan sa bahay ang motor ni papa. Malayo-layo rin ang venue kung kaya ay kailangan nilang gumamit ng kotse. Pinapasama nila ako dahil saktong Sabado at wala akong pasok. Pero hindi ako sumama at nagdahilang may thesis akong tinatrabaho.Pero ang totoo talaga niyan ay magkikita na naman kami ni Sam. Hindi na kami araw-araw kung magkita dahil pareho kaming graduating—busy sa kaniya-kaniyang requirements. Ngunit napagkasunduan namin na ang araw ng Sabado ay araw namin. Araw-araw din naman kaming nag-uusap through text and call.Binuksan ko na ang gate ng bahay namin para ilabas ang motor. Sa halip na isuot ang helmet, iniwan ko lang iyong nakasabit at pinili na lang ang sumbrero. Bago buhayin ang motor, nag-text muna ako kay Sam.“Otw na ako.”Hindi ko na siya hinintay pang mag-reply at saka bumiyahe na. Matapos ang ilan

  • Bound To My Boss   Chapter 32: Fleeting Time ( Samantha)

    FLASHBACK (7 Years Ago) Samantha's Point of View Masaya kong pinagmamasdan ang payapang daloy ng ilog habang nasa lilim ng mangga. Nakaupo ako sa sementadong bench habang naghihintay kay Jefferson. Mayamaya pa, bigla na lang may nagtakip sa aking mga mata mula sa aking likod. Isang kamay lang ang gamit nito. Naramdaman ko ang aking ulo na dumikit sa dibdib nito. “Hulaan mo kung sino ako,” tanong nito sa akin. Kaagad naman akong napangiti at napahawak sa kamay nito. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay nito at napalingon dito. Nakangiti ito, isang ngiting nakahahawa at matamis. Dali-dali kong hinawakan ang pisngi nito at hinalikan—mariin at puno ng pangungulila. Ilang araw din kasi kaming hindi nagkita dahil abala ito no'ng nakaraang araw. “'Yong salamin ko malalaglag,” saad nito nang maghiwalay ang mga labi namin. Inayos din nito ang pagkakasuot sa kaniyang salamin. Medyo malabo kasi ang mata ni Jefferson. Dahil siguro sa kaaaral nito. Bigla itong naglakad patungo sa aking tabi, an

  • Bound To My Boss   Chapter 31: All She Ever Asked For (Samantha)

    Samantha's Point of View Base sa report na binigay ng marketing team last week, bumaba ang engagement na nakukuha ng Sirak Wines kumpara sa rival companies nito. Dahil malaking bagay ang engagement para sa reach ng product sa potential clients, nagpatawag ng meeting si Walter. Katatapos lang mag-present ng marketing specialist na si Jessel ng mga naiisip nitong solusyon. “You're saying that we should collaborate with a celebrity. Tell me who's on top of your mind,” sambit ni Walter habang pinapaikot-ikot sa kaniyang daliri ang ballpen. Napangiti si Jessel at pagkatapos ay pinindot ang hawak nitong presentation remote. Nag-flash naman kaagad ang mukha ni Jose Sixto Gonzalez, isang tanyag na aktor ng bansa at pantasya ng maraming kababaihan. “Si JSG?” napailing si Walter at natawa. “Of course our company has a budget for marketing. Pero para sa isang JSG? Napakamahal ng bayad niyan. We are uncertain whether the funds allocated for our collaboration with him will yield a return. Bak

  • Bound To My Boss   Chapter 30: Away, Away (Samantha)

    Samantha's Point of View Maaga akong nagising at naghanda dahil entrance exam schedule ngayon ni Erwin. Si tatay ay kasalukuyang nagkakape, samantalang ako ay naghihintay na matapos maligo ang kapatid ko. Mayamaya pa ay natapos din itong naligo at lumabas nang nakabihis na. Nakasuot ito ng puting short-sleeved polo at light blue denim pants. Ang denim pants na 'yon ay ang regalo ko sa kaniya no'ng nakaraang birthday niya. Bahagyang basa pa ang buhok nito at medyo magulo. “Sa wakas ay natapos din,” bulalas ko at umirap. “Ganiyan talaga basta nagbibinata. Matagal maligo para mabangong-mabango kung lumapit sa nililigawan,” tukso naman ni tatay bago uminom ng kape. “Ano sinuot mo ba ang pulang brief mo? Dagdag swerte 'yan para makapasa ka.” Napapailing lang naman ang kapatid ko at saka lumapit kay tatay. Dumukot ito ng monay na pinalaman ko ng pritong itlog. “'Tay, wala akong nililigawan. 'Yang mga ganiyang bagay, distractions lang 'yan. At hindi rin ako nagsuot ng pulang brief. Hind

  • Bound To My Boss   Chapter 29: Caught and Guilty (Samantha)

    Samantha's Point of View Papasok na ako sa elevator dala ang kapeng pinabili sa akin ni Walter. Dalawa iyon dahil ang isa ay para sa akin. Pasara na ang elevator nang may mamukhaan ako sa kalayuan. Abala ang mga ito sa pakikipag-usap sa kanilang nakakasalubong. Kaagad kong hinanap ang aking cellphone, salitang kinapa ang aking bulsa pero wala ito roon. Diyos ko. Hindi ko masasabihan si Walter na nandito ang mga magulang niya. Nang marating ko ang floor kung nasaan ang office ni Walter, dali-dali ko iyong binuksan. Ngunit sa halip na dumiretso kay Walter, napahinto ako dahil nag-uusap sila ni Conrad. Dahil nakatalikod ito si Conrad, winagayway ko ang aking kamay para mapansin ako ni Walter. Hindi ako puwedeng lumapit na lang basta roon at sabihing nandito ang magulang niya. Kasi sa isipan ni Conrad, baka mapatanong lang ito kung ano naman kung nandito ang mga magulang ni Walter. Baka nga hintayin pa nito ang mga itong dumating dito para makipag-usap din siya. Ilang segundo rin akong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status