Home / Romance / Bound To My Boss / Chapter 7: New Look (Walter)

Share

Chapter 7: New Look (Walter)

last update Last Updated: 2025-08-02 08:49:52
Walter's Point of View

Two days ago, Conrad had an outburst in my office. He may not have said it directly, but it was clear he wanted me to feel like I’m some egomaniac who thrives on making fucked-up decisions.

Maybe he was right for calling me out. Or maybe not. The thing is, I don't care. I need to give all of my attention to the wedding anniversary celebration that will happen in two days. Kahit na may mga paghahanda na akong ginagawa, kinakabahan pa rin ako. Paano ba naman? Alam na nga ni Samantha na ilang araw na lang ang mayroon kami, nagawa pang lumiban sa trabaho kahapon. It made me think that maybe I was wrong about having her as my fake girlfriend. Kung may willing lang sanang iba, hindi siya ang pipiliin ko.

It was an emergency absence. Reason? Of course, her family. Nasa office ako ngayon habang tinitingnan ang digital invitation card na s-in-end sa akin ni Wesley. Mayamaya pa, bumukas ang pinto ng office. Akala ko ay si Conrad na naman iyon lalo na't wala pa akong aks
thegreatestjan

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa! Huwag mahiyang mag-subscribe, i-follow ang author, at mag-iwan ng komento. Nawa'y patuloy niyong subaybayan ang kuwento ni Walter at Samantha hanggang sa huli!

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bound To My Boss   Chapter 64: What You Don't Know (Samantha)

    Samantha's Point of View Hindi ako pumayag sa dinner date invitation ni Walter ngayong gabi dahil nauna akong maka-oo sa imbitasyon ni Jefferson. Hindi ito isang date—mag-uusap lang talaga kami. Naglalakad ako ngayon papunta sa dati naming tagpuan. Bukod sa malapit lang iyon sa amin, mas makabubuti kung hindi kami magsasabay na pupunta roon dahil hindi ko naman alam ang tumatakbo sa utak ni Walter. Baka may inutusan itong tingnan ang galaw ko lalo na at hindi ako pumayag sa imbitasyon niya. Nakapasok sa loob ng bulsa ng hoodie jacket na suot ko ang aking mga kamay. Nakikita ko na ang nakatalikod na katawan ni Jefferson habang nakaupo ito sa may bench. Maliwanag ang buwan ngayong gabi kung kaya'y kitang-kita pa rin ang ganda ng ilog. Huminga ako nang malalim matapos ang ilang hakbang palapit sa kaniya. “Jefferson,” tawag ko rito dahilan para mapalingon ito sa akin. Napangiti naman ito kaagad nang makita ako. Napatayo siya at bago pa ito humakbang palapit sa akin, nauna na akong lu

  • Bound To My Boss   Chapter 63: I Strike First (Walter)

    Walter's Point of View Kahahatid ko lang kay Samantha nang maalala kong may nakalimutan pala akong bilhin. Mabuti na lang at hindi pa ako pauwi kung kaya'y dumaan muna ako sa isang supermarket. Maraming tao nang pumasok ako at napakahaba rin ng pila. The only good thing here is that I won't be going against a huge number of people dahil hindi naman consumable ng tao ang bibilhin ko. I need to buy premium dog food for the puppy that I saved last month. Umiihi ako no'n sa gilid ng kalsada nang makarinig ako ng pag-iyak ng tuta. Mukhang itinapon iyon doon ng may-ari. I felt the need to adopt the puppy after seeing it helplessly cry for my grace. Kaagad akong nagtungo sa section kung saan iyon makikita. Mayamaya pa, nakita ko na ito at habang nakapokus ang tingin ko rito, napansin kong may parang papalapit din dito—ang katawan lang nito ang nakita ko, hindi ang mukha. Kahit na ilang hakbang pa ang layo ko, inabot ko iyon para mahawakan lalo na't isa na lang iyon. Marahil ay isang segun

  • Bound To My Boss   Chapter 62: Whoever It Is (Samantha)

    Samantha Point of View Hinatid nga ako ni Walter sa amin at kinabukasan ay sinundo na naman ako nito. Hindi ako nagtanong kay tatay kung hinatid ni Jefferson si Erwin no'ng umagang iyon dahil maaga akong sinundo ni Walter. Ngayon ay pauwi na ako sa bahay—nakasakay sa sasakyan ni Walter. Pangatlong sunod-sunod na gabing hinahatid na ako nito. Nakakahinga ako nang maluwag sa tuwing nakikita kong walang naka-park na sasakyan sa tapat namin dahil ibig sabihin no'n, wala si Jefferson. Ayaw kong makita nitong hinahatid ako ni Walter dahil alam kong malulungkot ito. Wala naman akong dapat pakialam at hindi ko na problema kung ano man ang maramdaman nito pero kahit papaano ay naawa ako rito sa tuwing naiisip kong nasasaktan ito. Jefferson wants me back, iyon ang totoo. Ako lang naman ang hindi ito binibigyan ng pagkakataon. “You think these are already enough?” tanong ni Walter sa akin at itinuro ang mga pinamili nito na nasa likuran namin. “Kahit nga wala na. Ikaw lang naman itong mapilit

  • Bound To My Boss   Chapter 61: The Winner Is (Samantha)

    Samantha's Point of View Muli na namang napahinto ang sasakyan ni Walter pero this time, kilalang-kilala ko ang puwestong pinaghintuan—coffee shop ni Valerie. Naunang lumabas si Walter at pinagbuksan ako nito ng pinto. Pagkatapos no'n ay sabay kaming naglakad papasok sa loob ng coffee shop. May mangilan-ngilan ding customers ngayon. Kaagad kong nakita si Valerie na nakaupo sa pinakamalapit na puwesto mula sa may counter. Nakaharap ito sa labas kung kaya'y nakilala ko ito kaagad. Abala itong nakikipag-usap, kilig na kilig na dahil namumula ang mga pisngi nito at kulang na lang ay maghugis puso ang kaniyang mga mata. Kahit nakatalikod ang kausap nito, kilalang-kilala ko ito—lalo na ni Walter. Si Sid. Kumaway lang sa akin si Valerie, napangiti at muling ibinaling ang mga mata sa kausap, bagay na hindi niya ginagawa kapag nakikita ako. Ngunit nanlaki ang mga mata nito nang mapagtantong ako pala ang kaniyang kinawayan kung kaya'y muli itong napasulyap sa akin. Napanganga rin siya nang

  • Bound To My Boss   Chapter 60: The Winner Is (Samantha)

    Samantha's Point of View “Diyos ko parang babae!” bulalas ko nang lumabas ng banyo si Erwin. Kanina pa ako naghihintay dito na lumabas dahil ayaw kong ma-late. “Huwag kang mag-alala, Ate. Andiyan naman si Kuya Jefferson. Ihahatid ka rin no'n,” katuwiran naman nito at napangiti pa. Tinarayan ko lang ito at nagmadali na akong pumasok sa banyo para makaligo na. Nagmadali lang ako sa aking pagligo at nang matapos ako, natapos na ring magbihis si Erwin at inaayos na lang nito ang kaniyang buhok habang napapasipol. Pabiro ko itong inirapan nang lagpasan ko ito. Nang matapos akong maghanda ay sabay kaming lumabas ni Erwin. Ewan ko ba rito sa kapatid ko, dikit nang dikit. Gusto nitong magsasabay kami para makasakay din ako sa sasakyan ni Jefferson. Okay lang naman kasi makakatipid ako, kaso pagdating sa trabaho at makita kami ni Walter, mabibigyan na naman ako ng pangmalakasang award. Ayaw kong sirain ang mood ni Walter dahil ang bait nito kahapon. Hindi nag-init ang ulo ko sa kaniya. “

  • Bound To My Boss   Chapter 59: Overheard (Samantha)

    Samantha's Point of View Pagkatapos makauwi ni Walter, pareho akong tinitigan ni tatay at Erwin—makahulugan at puno ng pag-uusisa. “Huwag niyo nga akong titigan nang ganiyan,” saway ko sa kanila. “Boss ko siya, okay?” “Boss lang?” tanong naman ni Erwin sa akin. “Ate, may kaagaw na ba si Kuya Jefferson? Team Jefferson ako. Ikaw ba, ‘Tay?” Napatingin sa itaas si tatay na para bang nag-iisip ito. “Parang Team —” “Tumigil kayo, please,” muli kong saad at napabuntong hininga. “Walang namamagitan sa amin ng kahit na sino sa dalawa.” Napainom si tatay sa kaniyang kape. “Pero anak, ang bait naman pala ng boss mo. Sabi mo ang sungit-sungit no'n.” Napailing na lang ako. Naikukuwento ko rin kay tatay na madalas akong naiinis kay Walter dahil sa ugaling mayroong ito. Pero dahil sa ipinakita nito kanina, nakapagtataka talaga. “Bait-baitan lang 'yon, ‘Tay,” katuwiran ko naman. “Baka nga pagpasok ko mamaya, sabihin sa akin na pangit ang ating bahay.” Umirap ako at tumawa. “Ako, ate, malakas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status