LOGINSamantha's Point of View
Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pinto ng office at malakas iyong isinara ng Chief-Operating-Officer ng kompanya na si Conrad. Nakasuot siya ng white polo na pinaresan niya ng brown tie, khaki pants, at brown leather shoes. Sinundan ko ang mabigat ngunit ang mabilis nitong paglalakad patungo sa mesa ni Walter. Habang pinagmamasdan ko siya ay pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso. Kinakabahan ako at baka magsuntukan sila. Ngunit nang mapasulyap ako kay Walter, napagtanto kong mukhang imposible iyong mangyari. Hindi ko alam kung anong ihip ng hangin ang nalanghap nito ngayon dahil kalmado lang ito habang nakatingin kay Conrad na padabog na naglalakad palapit sa kaniya. “Are you seriously that clueless about the consequences of what you did yesterday?!” bulyaw nitong tanong at idinuro pa si Walter. Kunot-noong napatingin sa kaniya si Walter at saka nagkibit-balikat pa sabay kuha ng ballpen na nakasabit sa chest pocket ng kaniyang black coat. “I don't know what you're talking about,” tugon naman ni Walter at nilaro-nilaro ang ballpen sa kaniyang kamay. “And don't just storm into my office like that. You're not the type of a kid I would love to babysit. Sinisira mo ang magandang umaga ko.” Napailing si Walter habang mapang-inis na tinatawanan si Conrad. “My god, Walter. Hindi mo ba talaga alam kung ano ang ginawa mo?” Napahawak sa kaniyang ulo si Conrad. Hindi makapaniwala sa isinagot kanina ni Walter. Naiintindihan ko ang reaksyon niya. “Ganiyan ka na ba ka walang pakialam sa kompanya?” Tila biglang nagliyab ang mga mata ni Walter. Umigting ang kaniyang panga habang nakatingin kay Conrad. “Whatever bullshit you're trying to hit on me, I don't care because I don't know what you're talking about,” sagot nito dahilan para ibaba ni Conrad ang kaniyang mga kamay at mapahawak sa baywang. His voice was low, but I can hear the traces of anger with every word. “Directly tell me what caused your tantrums.” “You cancelled your meeting with the owner of the Hacienda Oledan,” pagsisimula nito. Napalunok ako dahil ako naman ang nag-cancel no'n. Utos iyon ni Walter, pero ako pa rin ang nag-cancel no'n. Muli na namang bumilis ang tibok ng dibdib ko nang sulyapan ako ni Walter. Hindi ko alam kung ano ang consequence na sinasabi ni Conrad, pero mukhang seryoso iyon. Puwedeng sabihin ni Walter na ako ang nag-cancel. Na para bang desisyon ko iyon. Tapos sa akin ibubuhos ni Conrad ang kaniyang galit hanggang sa matanggal ako sa trabaho. I can't afford to lose this job. “Yes,” sagot ni Walter at napatingin ulit sa mukha ni Conrad. Ako naman ay nakahinga nang maluwag. “And it was necessary.” “Necessary?!” pag-uulit ni Conrad. Hindi na naman makapaniwala sa sinabi ni Walter. “How necessary is that? The owner said that they prepared for two weeks for the meeting. Then you cancelled it last minute?” Napabuntonghininga na lang si Conrad at ibinaling ang tingin sa kung saan. “It was necessary because I had more important things to do,” giit naman ni Walter. “Chill your ass down. They need our company, so they will definitely ask for another meeting.” “They did. Pero hindi mo sinagot ang tawag ng may-ari,” kaagad namang sagot ni Conrad. “Just this morning, they pulled out and terminated the deal. Walang pasabi, walang paalam. Just like how you treated them.” Si Walter naman ang napailing at pagkatapos ay napasandal. “And so? Where's the problem there? We can replace them. Definitely not the end of the world.” Humakbang si Walter. Ngayon ay nakadikit na ang mga hita sa mesa. “Huwag kang papakasigurado. There are other distillery companies who are a lot more reliable.” Binigyang diin ni Conrad ang salitang reliable. “And now that we lost a potential partner, I hope you'll ready yourself when the supply chain breaks. Fix this or the next meeting you miss will be the one where they vote to replace you.” Napakapit ako sa aking saya nang tumayo si Walter at kuwenilyuhan si Conrad. “Don't talk to me like that. I am the CEO and heir of this company,” saad nito at itinulak si Conrad. “If you only use your brain instead of your ego and arrogance, you'll understand why I am acting this way. Hindi kita kinakalaban, Walter,” pagpapaliwanag ni Conrad, kalmado pero kapansin-pansin pa rin ang pagkadismaya at galit nito sa ginawa ni Walter. “Maraming tao ang nakadepende ang buhay sa kompanyang ito. Own your mistake. If your pride is costing us business, maybe it’s time we reevaluate your position.” Nagpanggap naman akong kunwari'y may hinahanap nang tumalikod si Conrad para lumabas. Nang isara nito ang pinto, napasulyap ako kay Walter. “What?!” bulyaw nito sa akin. Tumalikod na lang ako at saka ay tumaray. ***** Pinahinto ko ang taxi sa tapat ng isang bagong bukas na coffee shop dito sa lungsod ng Malibago. Kaagad namang bumukas ang pinto ng sasakyan. “Sam!” sigaw ni Valerie, ang matalik kong kaibigan, nang makita ako. Nakasuot ito ng light yellow floral dress na may puff sleeves. Siya ang may-ari ng coffee shop na iyon. “Ano ba kasing mayroon, 'te?” Pinaghahampas nito ang balikat ko pagkatapos niyang magtanong. Muling umandar ang sasakyan. “Kailangan ko lang ng kasama sa Ivy Aesthetics,” pagpapaliwanag ko. “May dalawa pa akong procedures. And gusto kong pagkatapos ay may kasama akong umuwi.” Noong isang araw kasi, umuwi ako nang mag-isa. Pagkatapos ang halos isang oras na procedure, wala na sa labas ng clinic sina Walter. Nangako pa naman iyon na ihahatid ako. Nabawasan tuloy ang pera ko dahil sa pamasahe. Tumawa si Valerie. “Taray, ginawa akong lady guard.” Naalala ko si Walter nang sabihin ni Valerie ang salitang lady guard. “Pero ano ba ang ganap mo at may pa procedure ka nang nalalaman? At sa bigating clinic pa talaga, ha?” tanong nito. Napahinto na naman ang sinasakyan namin. Nag-red light na siguro. “Gaya ng sabi ko sa tawag kanina, binayaran to ng boss ko,” sagot ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin kay Valerie na magpapanggap akong girlfriend ng boss. Alam niya ang inis, puot, galit at lahat ng hinanakit ko kay Walter. “Kaya nga. Ano ngang ganap mo?” pangungulit nito. Natahimik muna ako nang ilang segundo hanggang sa magsalita siya ulit. “Teka, si Jefferson ba 'yon?” tanong nito at itinuro ang bintana sa likuran ko. Dahan-dahan naman akong napalingon sa bintana at nakita ang tinutukoy niya sa kabilang sasakyan. Bago maunang umandar ang sasakyan nito, namukhaan ko ang lalaking nasa likod ng driver. Tama nga siya. Si Jefferson nga iyon. Ang ex ko.Maraming salamat sa pagbabasa! Maari niyo po itong i-add sa inyong library para manatiling updated. Puwede niyo rin po akong i-follow. Kung nais niyo namang maging updated sa aking announcement, puwede niyo akong i-add sa aking account na JD Milburn o sa aking page na thegreatestjan. Salamat, salamat.
Samantha's Point of View Napapikit na lamang ako habang napapasandal sa upuan ng sasakyan. Kahit na nakaupo ay ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Ganito talaga basta buntis. Idagdag pa na kabuwanan ko na ngayon. Hinimas-himas ko ang aking tiyan at unti-unting napapahinga nang malalim. Pagkakuwan ay naramdaman ko ang malapad na kamay ni Walter sa aking tiyan. “Misis, ayos ka lang?” tanong niya sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. “We can just move our visit to my parents' house the next day.” Gusto pa niyang i-move ngayong papunta na kami sa bahay ng mga magulang niya. Isa pa, sigurado naman akong nakahanda na ang dinner namin doon. Ito ang unang beses na babalik ako sa bahay nila. Ang mga kambal naman at maging si Walter ay nauna nang makabisita noong nakaraang araw. “Ayos lang ako,” sagot ko nang hindi iminumulat ang aking mga mata. “Pokus ka lang sa daan.” Naririnig ko sa back seat ang kulitan ng kambal namin. Gusto ko silang sawayin, pero ayaw kong sumigaw. Si ta
Jefferson's Point of View Wala akong suot na pang-itaas kahit na simpleng paghigpit lang naman ng bolt ang ginagawa ko sa isang parte ng sasakyan. Habang abala, narinig ko ang papalapit na tunog na sasakyan dito sa shop. Sa tunog pa lang ay kilala ko na kaagad ang may-ari nito kung kaya ay hindi ko maiwasang magpigil ng tawa. Hindi pa ako nakakapag-almusal dahil pinili kong trabahuin ang mga naiwan ko kahapon at mukhang mabubusog ako ngayon ng reklamo. “Jeffeson!” malakas nitong tawag sa akin sabay pahampas na isinara ang pinto ng sasakyan niya. “The repair that you did last week? It's brutally useless. Ang engine light ng sasakyan ko ay may problema na naman.” Hindi ko lang siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Limang taon pagkatapos ng kasal nina Samantha at Walter, lumipad ako papuntang ibang bansa para magtrabaho ulit doon. Ngunit hindi rin ako nagtagal, mga isang taon lang ay umuwi rin agad ako rito sa Pilipinas nang mapagdesisyunan kong may iba pala akong gus
Walter's Point of View Kids' seemingly unlimited amount of energy needs to be studied. Who would have thought that after hours of playing in the children's playground, Primarae and Seguel still have the energy to run? Sila itong naglaro, pero tila mas pagod pa ako sa mga kambal ko. “Babies, careful!” pasigaw kong sabi habang hinahabol ang mabilis na pagtakbo ng dalawa. Kahit na pagod ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang hinahabol sila. Nagawa pang sumulyap ng dalawa sa akin at humagikhik, as if they were teasing me. Kung nasa bahay lang kami, okay lang sana maghabulan kami. But we're in a mall. May mga tao at stalls or kiosks. Iba't ibang ingay din ang maririnig. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan at may mga store na may pinapatugtog. Hindi rin pala talaga biro ang mag-isang magbantay ng dalawang anak. Kaya saludo ako sa mga single parents na kinakaya ang hirap ng pagiging magulang. I have no one to blame, so I'll blame it on my brother who refused to come with me. M
FIVE YEARS LATER Samantha's Point of View Pinilit ko ang aking sarili na mapabangon kahit na inaantok pa ako. Napapadalas na rin talaga ang pagtulog ko at pansin ko ring nagkalaman na naman ako. Suot ang maluwang na daster na lagpas tuhod ang haba, maingat akong lumabas ng kuwarto. Wala akong ingay na naririnig, purong katahimikan lamang. Ngunit nang makaapak ako sa hagdanan at dahan-dahang bumaba, may ingay akong naririnig sa may living room. “Please listen to me, okay? Bawal sumama dahil gabi na,” malambing na pakiusap ni Wesley. Nakaluhod ito habang nakatalikod sa aking gawi. “Aside from that, may lakad ako. Sige na, Primarae, Seguel. I have to go.” Tatayo na sana si Wesley ngunit sabay siyang niyakap ng dalawang maliit na bata—isang lalaki, isang babae. Ang tatlong taong gulang na kambal namin ni Walter. “No!” sigaw pa ng kambal, mas hinihigpitan ang pagkakayakap kay Wesley. “Oh, God. I don't know how to get away from the two of you,” mahinang sambit ni Wesley at tumawa. Sali
Samantha's Point of View Nagbigkis ang mga kamay namin ni Walter at nang unti-unti akong mag-angat ng tingin sa kaniya, alam kong ang buhay na pinapangarap ng bawat kababaihan ang magiging buhay ko kasama siya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniyang mga mata—ang mga mata niyang walang itinatago; mas marami pa ang ipinapahiwatig kaysa sa kaniyang bibig. Tuluyan nang nabura ang larawan ng kaniyang nanlilisik na mga titig at ang mapanghusga niyang mga tingin. All I see now are his eyes that are full of hope and love. I know I'll never feel lost. When everything feels wrong, kailangan ko lang tumingin sa kaniyang mga mata. Nandoon ang kapayapaan. Nandoon ang pag-ibig niya. Nang bumaba ang aking tingin sa kaniyang labi, parang nanlambot ang aking mga tuhod. Maraming nagagawa ang kaniyang labi, pero ang pinakapaborito ko ay sa tuwing lumalabas doon ang mga salitang tanging siya lang ang may kakayahang pakalmahin ako. This took me back during my earlier days sa Sirak Wines. Ilang beses a
Walter's Point of View “I have only loved twice. The first one was full of regrets and it made me promise not to fall in love again. For how many years, I clung to that promise, until you came into my life,” pagsisimula ko, nanginginig ang boses at kamay dahil nilalabanan ang sarili na mapahagulgol. Pero ang luha ko ay nagsisipag-unahan na sa pagbagsak. “We were the complete opposite of each other. Mabait ka, ako hindi. Mainitin ang ulo ko, ikaw naman ay pasensyoso. At first, I never thought we'd clicked, let alone imagine to marry someone like you. My wife, you're the complete opposite of my life and yet you managed to change the qualities that I possess with out even trying.” Napahinga ako nang malalim. Mabilis na natambak ang mga gusto kong sabihin sa aking lalamunin na pati paghinga ay naging mahirap. Si Samantha naman ay umiiyak din, panay punas sa kaniyang luha. “Kakadikit natin, nagbago ako. Those changes, despite a good thing to some, was a start of something unexpected for







