“Oh my god! Oh my god!”Nakapikit si Lily at nakahawak sa kaniyang sentido habang nakasandal siya sa couch na nasa opisina niya na hindi iniinda ang malakas na pagtili ng kaniyang kaibigan na si Gwyneth na katabi lang niya.Nasa loob sila ng kaniyang opisina at dahil sarado naman na ang ISAAC’s nagkaroon sila ng time para makapag-bonding o makapag-usap man lang. Weekends din ngayon kaya naman nasa condo ni Lian ang anak niya.Katatapos lamang i-kuwento ni Lily ang tungkol sa mga kaganapan sa pagitan nila ni Ivor. Gusto niya iyong ilabas dahil kapag sinarili lamang niya ito ay parang maloloka siya.“Alam mo, may times na ayoko talaga sa ex-husband mo simula noong maghiwalay kayo, pero omg lang! Parang kinikilig ako kapag naiisip ko na baka may feelings pa siya sa’yo!”Idinilat ni Lily ang mga mata niya at masama ang mga tingin niya kay Gwyneth na siya namang ngiting-ngiti. “Seryoso ka ba d’yan?”Natawa si Gwyneth sa reaksyon ng kaibigan. “Hmm, not really. Kaya lang kasi isipin mo, hind
Bago umuwi si Lian sa kaniyang condo unit, dumaan muna siya sa ISAAC’s. Pagpasok niya sa loob ay nakasalubong niya si Gwyneth na papalabas na at may dalang plastic bag.Nakangiting sinalubong ni Lian si Gwyneth. “Hello, Gwy.”“Oh! Hi, Lian! Bibili ka ng kape?” nakangiti rin na bati ni Gwyneth.“Yes, saka ulam. Tinatamad kasi akong magluto. Ikaw?”“Nag-take out ako ng brownies and cookies na favorite nina Mama. Mayro’n kasi kaming family dinner.”Tumango-tango si Lian. “I see. Nagkita rin ba kayo ni Ate Lily?”“Hindi, eh. Though, I sent her a text message. Sinabihan ko siyang dumaan ako.”“Hmm, okay. Sige na, baka ma-late ka pa. Ingat ka sa byahe.” Pagpapaalam ni Lian.“Thank you, Lian. Ikaw din, ingat sa pag-uwi.” Pagpapaalam ni Gwyneth.Hinintay muna ni Lian na makalabas si Gwyneth sa ISAAC’s saka siya pumunta sa counter para um-order ng pang-ulam niya at isang kape. Umupo siya sa isang table at doon naghihintay ng kaniyang order. Ilang minuto ang makalipas, nakita niyang pababa mula
Katatapos lang magligpit ng movie production nang kanilang set-up. Alas kwatro pa lang ng hapon ay natapos na ang mga ito mag-shoot dahil maaga magsisimula ang mga ito bukas ng umaga.Palabas na si Lily sa ISAAC's nang marinig niyang may mga tumawag sa pangalan niya.“Miss Lily!”“Ma’am Lily!”Nilingon ni Lily ang dalawang babae na staff ni Cleon na sina Princess at Kim. Nakangiti ang mga ito sa kaniya. Nginitian ni Lily ang dalawa pabalik. “Hi sainyong dalawa. May kailangan kayo?”“Ma’am Lily, may staff and dinner meeting po kami rito mamaya. Okay lang po ba sumali kayo sa amin?” pagtatanong ni Princess.“Gusto lang po sana namin kayo makasama ni Princess at magtanong po tungkol sa pagbe-bake,” sabi naman ni Kim.Naka-close na ni Lily ang dalawang ito dahil sa hilig ng mga ito sa pagbe-bake at tuwang tuwa ito sa mga bread and pastries nila. Minsan nilang napag-usapan na kapag may oras ay tuturuan niya ang mga ito at bibigyan ng tips. Huminga nang malalim si Lily. She kindly rejecte
Nakaupo si Lily sa mahabang table kasama ang ilan niyang staff at ang mga katrabaho ni Cleon. Sa kaliwang side sila nakaupo nina Kim, Princess at Cleon. Sa katabi niya sa kanang bahagi niya ang dalawang babae at sa kaliwang bahagi niya si Cleon.Nasa kalagitnaan na sila nang pagkain kasabay nang pag-uusap usap. Mabilis na natapos kumain sina Kim at Princess habang pinag-uusapan pa rin nilang tatlo ang mga ilang tips, hacks or technics sa pagbe-bake. Nagkaroon ng sariling mundo sina Princess at Kim nang may ipinanuod si Lily na video sa dalawa.“Narinig ko ang usapan ninyo kanina. Pasensya ka na, Lily. Na-istorbo ka pa ng mga staff ko.”Nilingon ni Lily ang kaibigan na si Cleon at nagtama ang mga tingin nila. Tipid niya itong nginitian. “Wala ‘yon. Minsan lang naman saka napasundo ko na si Isaac kay Lian kanina.”“That’s good to hear. Hindi naman ba magagalit ang asawa mo na hindi ka nila kasama ngayon sa hapunan?”Tumaas ang kilay ni Lily. “Asawa? I’m single! Kapatid ko iyon.”Kumunot
Nakaupo sa pang-apatan na mesa sina Lily at Gwyneth sa loob ng ISAAC’s para mag-lunch.Lily crosses her arms over her chest. “Parang ang laki naman nitong table natin, Gwy. Tayong dalawa lang naman magtatanghalian,” puna niya sa kaibigan na kaniyang katabi.“May sinabi ba ‘ko na tayo lang?”Kumunot ang noo ni Lily. “What do you mean?”“Well, inaya ako ni Lian na mag-lunch today kasi wala akong trabaho. Kaya lang, ikaw gusto ko makasabay mag-lunch kaya sinabi ko, dito na lang kami kumain,” ngiting-ngiti na sabi ni Gwyneth. “May something na sainyo ni Lian?” tanong ni Lily.Curious siya kung may progress na ba ang relasyon ng kaibigan at kapatid niya. Alam niyang si Lian ay may gusto kay Gwyneth, pero hindi niya alam kung may gusto ang kaibigan niya sa kaniyang kapatid.Kumunot ang noo ni Gwyneth at tumawa nang malakas. “Anong nakakatawa, Gwy? I’m serious!”Tumigil ito sa pagtawa at umayos ng upo. “Iyong tanong mo, nakakatawa. Sige nga ikaw tanungin kita, may something ba sainyo ng ex
Nakapalumbaba si Ivor habang tinitingnan ang mga dokumento na nasa harap niya. Ilang beses na niyang binabasa ito, pero hindi ito pina-process ng utak niya. Itinigil niya ang pagbabasa at sumandal sa swivel chair niya. Nag-inat inat siya at huminga nang malalim.“Hayyyyy!”Nakatingala siya sa kisame at nakatitig lang doon. Halos mag-iisang buwan na simula noong huli silang magkita ni Lily. Doon pa iyon sa lunchtime na magkakasama silang apat.Alam ni Ivor sa sarili niya na hindi naman siya dapat ma-bother, pero hindi maalis sa isip niya na baka iniiwasan siya nito. Sa anong dahilan? Hindi niya alam. Gusto niya itong malaman kaya sa tuwing magda-dine in siya sa ISAAC’s, nagpapalipas siya nang sampung minuto pagkatapos kumain bago lumabas para hintayin si Lily, pero hindi niya ito nakikita.Nakarinig siya nang tatlong katok mula sa pinto ng opisina niya.“Come in,” walang gana na sabi niya.Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsara nito, pero nanatili lang siya sa kaniyang posisyon a
***SIX YEARS AGO.“Waah-waah!”“Waah-waah!”Buhat-buhat ni Lily ang isang taong gulang niyang anak na si Isaac at isinasayaw-sayaw niya ito para patahanin.“Sshhhh. Tahan na anak, nandito lang si Mommy,” sabi ni Lily habang marahan na tinatapik ang likod ni Isaac.Ang taas nang lagnat nito kaya naman alam niyang iritable ito at nahihirapan. Pinainom na rin naman niya ito nang gamot kaya naman hinehele niya ito para makatulog na. “Waah-waah!”“Waah-waah!”Patuloy siya sa pagsayaw-sayaw sa kaniyang anak. “Ssshh, tahan na, Isaac. Tulog na anak, hm?”She started humming a good night song for her son to make him sleep. Ilang minuto pa ang lumipas, nakita niyang nakatulog na sa bisig niya si Isaac kaya naman nakahinga siya nang maluwag.Napalingon si Lily mula sa pintuan nang makarinig siya nang tatlong katok mula sa pinto.“Sino ‘yan?” tanong niya mula sa loob at lumapit siya sa pintuan.“Si Mrs. Ramos ito.”Mabilis na binuksan ni Lily ang pinto at sumalubong sa kaniya ang landlady nitong
On the way na si Ivor sa kaniyang kumpanya matapos niyang umuwi sa bahay ng mga magulang niya nitong weekends. Galing pa siya sa countryside.Bigla rin niyang naalala si Isaac. Kumusta kaya ito? Simula nang magkakilala sila ng bata, ngayon lang niya ito hindi nakalaro ng weekends. Ilang oras ang makalipas, nakarating na rin si Ivor sa opisina niya. Nilapag niya ang dalang shoulder bag na kulay itim at ipinatong niya ito sa couch niya. Hinubad niya ang kaniyang suit at isinabit sa swivel chair niya saka umupo ro’n.Nakarinig siya nang tatlong katok mula sa pinto.“Pasok.”Sa pagbukas ng pinto, bumungad si Lian sa kaniya. Nandito ito para sabihin ang kaniyang schedule sa buong linggo at ngayong araw. Matapos ang briefing sa kaniyang schedule, hindi niya muna pinalabas si Lian.“By the way, Lian, kumusta si Isaac? Hindi kami nagkita nitong weekends,” pangungumusta niya.Napakamot sa batok si Lian. “Hindi siya okay, Sir Ivor. Nagkasakit si Isaac nitong weekends, pero ngayon sa tingin ko a