Home / Romance / Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG) / Chapter 58: Think of Your Decisions

Share

Chapter 58: Think of Your Decisions

Author: yunays
last update Huling Na-update: 2025-04-02 11:37:43

Pagkatapos ng tawag, nanatiling nakaupo si Thalia sa gilid ng kama. Nakapikit siya, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili mula sa biglaang rebelasyon. Gusto niyang isipin na baka isang panibagong problema na naman ito, pero sa ngayon... hindi pa niya kayang harapin ang katotohanan.

Huminga siya nang malalim at pumikit. "Kalma lang, Thalia," bulong niya sa sarili. "Pwede namang hindi mo muna isipin ‘yon, ‘di ba? Kahit ngayon lang… kahit sandali lang, magpahinga ka muna."

Naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib, pero naalala rin niya ang ekspresyon ni Nathan kanina—ang lungkot sa mata nito nang makitang labis siyang nasasaktan. Kahit papaano, may isang taong handang samahan siya ngayon.

Dahil doon, pinilit niyang itulak ang mga alalahanin sa likod ng kanyang isipan. Gusto niya munang bigyan ng pansin ang kasalukuyan at hindi ang mga bagay na maaaring masaktan siya ulit.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Pagdating niya sa kusina, naamoy agad niya ang pamilyar na amoy ng nilulutong
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)   Chapter 62: Another Cellphone

    Habang nasa biyahe sina Thalia at Nathan papunta sa kabilang siyudad, tahimik lang si Thalia, nakatingin sa labas ng bintana. Kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang nangyari kanina sa opisina—lalo na ang presensya ni Asher.Nang makita niya itong personal na iniabot ang tseke, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig nila. Alam niyang wala na siyang karapatang umasa, pero bakit ganoon kasakit?Napansin ni Nathan ang pananahimik ni Thalia kaya nagdesisyon siyang magpatawa. "Uy, Thalia, mukha kang nawalan ng dalawang milyon ah. Sabagay, literal naman talaga!" sabay tawa niya.Napangiti si Thalia nang bahagya pero hindi ito tumagal. "Hindi ko inasahan na siya mismo ang mag-aabot ng tseke," mahina niyang sabi."Kaya nga nagulat din ako," sagot ni Nathan. "Pero at least, tapos na ‘yan. Nakuha mo na ‘yung dapat sa’yo. Iwanan mo na sa nakaraan."Tumango lang si Thalia pero hindi siya sigurado kung kaya niyang gawin iyon. Mas lal

  • Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)   Chapter 61: 2 Million Cheque

    Kakatapos lang ng call at biglang kumatok si Nathan sa pintuan ni Thalia. Malakas ang pagkatok niya, na para bang nagmamadali o may mahalagang sasabihin."Thalia, bumangon ka na! Kailangan natin umalis ngayon din," sigaw niya mula sa labas.Medyo groggy pang binuksan ni Thalia ang pinto, suot ang simpleng oversized na t-shirt at pajama. "Ano bang problema? Para namang may nangyayaring masama," reklamo niya habang hinihikab.Napakamot sa batok si Nathan at diretsong sinabi, "Ngayon na pala ibibigay ang compensation mula sa kontrata. Kailangan nating pumunta agad."Nanlaki ang mata ni Thalia at biglang napawi ang antok niya. "Ha? Akala ko ba sa susunod na linggo pa ‘yon?""Hindi na raw. Pinapapunta na tayo ngayon sa opisina para kunin."Napakurap si Thalia at unti-unting napuno ng kaba ang dibdib niya. "Nandun ba si Asher?"Saglit na tumigil si Nathan bago umiling. "Wala raw," sagot niya, pero may kung anong hindi siya sigurado sa sinabi niya.Napabuntong-hininga si Thalia at tumango. "

  • Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)   Chapter 60: Boxing

    Tahimik na pumasok si Nathan sa kusina at kumuha ng baso ng tubig. Saglit siyang tumigil, tila nag-iisip kung paano magsisimula."Alam mo, Thalia, hindi ko madalas ikwento 'to sa iba," panimula niya habang iniikot ang tubig sa baso. "Pero since ikaw naman ang nagbukas ng puso mo sa'kin, siguro panahon na para ibahagi ko rin ‘yung sa akin."Napatingin si Thalia sa kanya, nag-aabang."Lumaki akong hindi talaga marangya ang buhay. Sa totoo lang, mahirap lang kami noon," pag-amin ni Nathan. "Tatlo kaming magkakapatid, at ako ang panganay. Hindi madali ang buhay dahil simula pagkabata, kinailangan kong tumulong sa mga magulang ko. Madalas, ako ang tagabantay ng mga kapatid ko habang si Mama at Papa nagtatrabaho."Tahimik na nakikinig si Thalia, nakatuon ang pansin sa kanya."Madalas akong mabugbog noon," patuloy ni Nathan, bahagyang napangiti na tila sinusubukang gawing magaan ang usapan. "Alam mo na, lumaki ako sa isang lugar na hindi ka dapat nagpapakita ng kahinaan. Konting mali, suntok

  • Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)   Chapter 59: Why We Divorced

    Habang nakaupo sa sofa at naghahati ng fried chicken, sinimulan nilang panoorin ang pelikulang pinili ni Nathan. Isa itong action-comedy film na puno ng eksena ng habulan, suntukan, at mga eksaheradong reaksyon ng mga tauhan.Nagsimula nang lumubog si Thalia sa kwento, pero hindi niya mapigilan ang sarili na maalala ang mga nangyari sa kanya at kay Asher.Sa eksena kung saan nagkaroon ng matinding dramang pagtatapat ang dalawang bida, biglang sumingit sa isip ni Thalia ang mga huling sandali nila ni Asher—ang mga yakap nito, ang pag-aalaga, at ang sakit ng pagkakatuklas niya sa lihim nitong tinatago.Napalunok siya at hindi mapakali. Pakiramdam niya ay naiinitan siya kahit hindi naman ganoon kainit sa loob ng bahay."Mainit," mahina niyang sabi sabay tayo. Kinuha niya ang unan sa gilid at niyakap iyon, saka lumipat ng upuan sa malapit sa bentilador.Hindi ito pinansin ni Nathan noong una, pero nang mapansing medyo tahimik si Thalia, iniligay nito ang plato at tinapik ang braso niya. "

  • Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)   Chapter 58: Think of Your Decisions

    Pagkatapos ng tawag, nanatiling nakaupo si Thalia sa gilid ng kama. Nakapikit siya, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili mula sa biglaang rebelasyon. Gusto niyang isipin na baka isang panibagong problema na naman ito, pero sa ngayon... hindi pa niya kayang harapin ang katotohanan.Huminga siya nang malalim at pumikit. "Kalma lang, Thalia," bulong niya sa sarili. "Pwede namang hindi mo muna isipin ‘yon, ‘di ba? Kahit ngayon lang… kahit sandali lang, magpahinga ka muna."Naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib, pero naalala rin niya ang ekspresyon ni Nathan kanina—ang lungkot sa mata nito nang makitang labis siyang nasasaktan. Kahit papaano, may isang taong handang samahan siya ngayon.Dahil doon, pinilit niyang itulak ang mga alalahanin sa likod ng kanyang isipan. Gusto niya munang bigyan ng pansin ang kasalukuyan at hindi ang mga bagay na maaaring masaktan siya ulit.Tumayo siya at lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa kusina, naamoy agad niya ang pamilyar na amoy ng nilulutong

  • Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)   Chapter 57: Just Company

    Sa bigat ng kanyang damdamin, hindi namalayan ni Thalia na nakatulog siya. Isang oras ang lumipas, at nagising siya sa mahinang katok sa kanyang pinto. Mabilis niyang pinahid ang mga natuyong luha sa pisngi at pilit na inayos ang sarili.Hindi niya alam kung sino ang nasa labas, pero wala siyang lakas para makipag-usap pa. Nang muling kumatok, napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang binuksan ang pinto."Nathan?" gulat niyang bulong nang makita kung sino ang nasa labas.Nakahawak si Nathan sa isang paper bag ng pagkain, may bahagyang pag-aalala sa kanyang mukha. "Thalia, kumain ka na ba?" tanong nito, dahan-dahang inaabot ang dala niya.Napakagat-labi si Thalia at umiwas ng tingin. Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling kay Nathan. "Hindi pa," mahina niyang sagot."Alam ko namang hindi," mahinang sagot ni Nathan habang pumapasok sa loob nang walang pag-aalinlangan. "Pinuntahan kita kasi alam kong hindi mo kayang mag-isa sa ganitong sitwasyon."Pinanood lang ni Thalia ang paggal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status