NATAWA ITO SA SINABI NIYA. Makikita sa ekspresyon ni Drake na hindi siya sineryoso.
“Ikaw magre-resign? Huwag kang magpatawa, Maeve. Sa tingin mo bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon kapag umalis ka sa kumpanya?”
Mas iniurong ni Maeve ang sobre kung saan nakalagay ang resignation letter niya.
“Paano ang mga utang na kailangan mong bayaran? Baka nakakalimutan mong nakakulong pa ang nanay mo—”
“Problema ko na iyon Mr. Revera. Alam ko ang sinasabi ko. Huwag ka ring mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang utang ko sa pamilya mo.”
“Hindi ko tatanggapin ang resignation na iyan. Tapos ang usapan!” sabi nito bago nagmadaling tumayo upang lumabas ng opisina.
“Hindi pa ako tapos magsalita, Mr. Revera!”
“Do I care? Bumalik ka sa trabaho mo. I will not allow you to resign! Crucial ang oras ko ngayon sa investor! Sino ang aasahan kong sekretarya?”
Hindi magawang makatingin ni Maeve sa paligid. Alam niyang siya na naman ang tampulan ng usapan ng mga katrabaho.
“Ginagawa mo ba ito para tumaas ang posisyon mo dahil akala mo magmamakaawa ako? Huwag mong gawing katawa-tawa ang sarili mo, Maeve. Ipagpatuloy mo lang ang pagsunod mo, wala tayong magiging problema—”
Mas tumindi ang pagkuyom ng kamao ni Maeve dahil sa narinig. Hindi lang siya basta sinabihan nito ng masasakit na salita, mas inilubog pa siya sa kahihiyan sa harap ng kanyang mga katrabaho.
Hindi niya inakala na sa ganito siya hahantong. Na pagkatapos niyang igapang ang pag-aaral upang hindi maliitin ng kahit na sino ay babaliktad kaagad ang tingin sa kanya ng lahat dahil lamang sa lalaking naging abusado sa kabaitan niya.
“Kung gusto mong makaalis, kailangan mo munang bayaran ang lahat ng pagkakautang mo. Pinal ang usapan!”
Pigil ni Maeve ang pagsabog ng kanyang emosyon. Hindi siya pwedeng mag-eskandalo.
“Ayos ka lang—”
“I’m fine!”
Hindi siya iiyak sa harap ng mga katrabaho. Magmumukha lamang siyang katawa-tawa.
Dali-dali ang pagtakbo niya patungo sa rooftop ng kumpanya…
Pag-akyat sa itaas, ganoon na ang malakas niyang pagsigaw dahil sa prustrasyon na nararamdaman.
Makikita sa dalaga ang matinding galit na pinipigil magsimula pa kanina. Masyadong matigas si Maeve para ipakita sa ibang nasasaktan na siya. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya. Ilang ulit din ang naging paghampas niya sa kanyang dibdib dahil sa pagbabakasakaling mawawala ang sakit ng tila milyong palaso na tumusok doon.
Dali-dali ang paghubad niya sa kanyang kwintas upang tingnan ang larawan ng kanyang nanay.
Ngunit, hindi iyon nakatulong sa bigat ng kanyang nararamdaman. Lalo niya lamang naramdaman kung gaano siya kababa ngayon.
“Gusto ko ng sumuko, Nay. Napapagod na ho ako… pero… kung gagawin ko iyon, hindi ka makakalabas ng bilangguan. Hindi natin mapapatunayan na wala kang kasalanan…”
Awtomatikong nabaling ang tingin niya sa kalangitan nang marinig ang malakas na pagkulog.
“Anong gagawin—”
“Sumuko ka na lang! Ikaw lang ang gumugulo sa relasyon namin ni Drake,” maarteng turan ni Ethel na biglaang sumulpot galing sa kung saan. “What a weird taste! Suot mo pa rin ang cheap na kwintas na ‘to?”
“I-ibalik mo sa akin ‘yan!”
Kaba ang kanyang nararamdaman nang maalala kung paano nito sinira ang pangalan niya noong nasa kolehiyo sila. Dahil sa paggawa nito ng kwento, lumabas na magnanakaw siya. Madali nitong napaniwala ang lahat dahil na rin sa pagiging mahirap niya.
Sa isang iglap, nasira ang reputasyong iniingatan niya…
“Aww… ito ba iyong nanay mong nakulong? Kamukha mo!”
“Ibalik mo sa akin ‘yan—”
Ganoon na lamang ang paglaki ng kanyang mga mata nang itapon nito ang kwintas niya.
Tila huminto ang mundo ni Maeve nang mga sandaling nahulog iyon.
Ang kwintas na suot lamang ang dahilan kung bakit hindi pa siya nasisiraan ng bait ngayon. Ang bigay ng nanay niya ang kinakapitan niya upang makapagpatuloy sa buhay.
Walang pagdadalawang-isip, dali-dali ang pag-akyat ng dalaga sa pasamano ng rooftop ng building upang hanapin ang kanyang kwintas. Maaaring sumabit lang iyon sa bakal na estante sa ibaba.
“Are you trying to kill yourself?” natatarantang tanong ni Ethel. “Bumaba ka riyan! Tinatakot lang naman kita…”
“Nasaan na ang kwintas ko?” puno na ng luha ang kanyang mga mata habang natataranta sa paghahanap. “N-nay, ang kwintas ko, nawawala.”
“She’s crazy, Drake. Gustong magpakamatay ng fiancé mo!” paghahabi ni Ethel ng kwento nang tawagan ang ex-fiancée niya. “Pumunta ka kaagad dito!”
Patuloy ang naging paghahanap niya.
Hindi bumababa si Maeve kahit makailang ulit ng tinawag ni Ethel ang pangalan niya.
“What the fvck are you doing?” iyon naman ang naging tanong ni Drake nang makarating din sa rooftop ng building. “Akala ko tinanggap mo na ang pakikipaghiwalay ko sa ‘yo. Ito pala ang plano mo? Ganito ka na ba kadesperada, Maeve? Bumaba ka riyan!”
“P-pinapunta niya ako rito, Drake. Akala ko tatanggapin niya na ang mayroon tayo. Nagulat na lang ako nang takutin niya ako na magpapakamatay kapag hindi kita hiniwalayan!”
Hindi ipinagtanggol ng dalaga ang kanyang sarili. Wala siyang pakialam sa mga kasinungalingan sasabihin pa nito.
“Hindi na magbabago ang isip ko, Maeve! Kung gusto mong magpakamatay, pumili ka ng tahimik na lugar. Hindi iyong ikaw ang magiging dahilan ng pagkasira ng pangalan ko!”
“A-anong gagawin natin, Babe?” mas matindi pa kung umiyak na tanong ni Ethel. “Kung alam ko lang na tatakutin niya ako, hindi na sana ako nakipagkita sa kanya!”
“Don’t worry, tumawag na ako ng security!”
Dali-dali ang paghahanap ng dalaga nang may pag-iingat sa pagtulay. Magkamali lang siya ng tapak, alam niyang iyon na ang katapusan niya.
“Get down here, Maeve!”
Ganoon na lamang ang tuwa ni Maeve nang makuha ang kwintas. Ngunit kasabay niyon ay nawalan naman siya ng balanse!
Akala niya’y katapusan niya na… na doon na matatapos ang lahat sa kanya.
Nang may humila sa dalaga paakyat.
Ang malakas na tili ni Ethel ang nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan na naging dahilan upang idilat niya ang mga mata.
“Ma’am, ayos lang kayo?”
“T-thank you…” may panginginig pa ang kanyang boses dahil sa takot nang magpasalamat sa dalawang security na nagligtas sa kanya.
“Are you trying to kill yourself?”
“Hindi kayo ganoon kaespesyal para sayangin ko ang buhay ko, Drake.”
“Mahilig ka talagang gumawa ng eksena!”
“Pwede kang maging author, Ethel. Magaling kang humabi ng kwento. Bagay kayo. Parehas na delusyonal…”
Katulad ng inaasahan niya, mabilis na kumalat ang tsismis sa kanilang mga katrabaho ang kwentong magpapakamatay raw siya kung hindi babalikan ni Drake. Lumabas na hinahabol niya ang lalaki kahit hindi naman siya nito gusto.
Nakayuko at wala pa rin sa sarili nang lumabas si Maeve ng building nila. Alam niyang nasa kanya ang tingin ng lahat kaya ganoon na lamang ang matinding paghawak niya sa kwintas upang kumuha ng lakas.
“What was that, Maeve—”
“Huwag mo sabihing naniniwala ka sa sinabi ng babae mo?” natawa siya. “Uulitin ko, hindi ka espesyal, Drake. Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan. Pagod na ako.”
“Sa susunod na may gawin ka kay Ethel, ako ang makakalaban mo—”
“Sa tingin mo, natatakot pa ako?”
Sa unang pagkakataon, nakita siya nitong sumabog sa galit na kailanman ay hindi niya ginawa sa lalaki.
“Ito ang tatandaan mo, ito na ang huling beses na magpapakatanga ako ng dahil sa ‘yo, Drake! Sa susunod na ako naman ang habulin mo, kahit magmukha ka ring aso, hindi na ako maaawa para balikan ka…”
“SIGURADO NA PO na isang buwan lang,” sagot ni Maeve sa bagong bahay na kanyang uupahan. Dahil kailangan niya munang lumayo ay naghanap siya ng bahay na malayo nang bahagya sa syudad. Pinili niya rin ang lugar na walang nakakakilala sa kanya maliban sa isang taong hiningian niya ng tulong upang mas makagalaw siya nang malaya.“Magiging serbidora ka naman diyan sa baba bakit hindi mo pa habaan ang buwan ng pag-upa?” usoserang tanong sa kanya ng landlady.Katulad kanina, ngiti lamang ang unang naging sagot ng dalaga. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magbigay ng kahit na anong impormasyon na magiging dahilan upang malaman kung sino siya.Malaking bagay din na nakatagpo siya kaagad ng trabaho. Serbidora iyon sa kantina sa ibaba na pinapaupahan din ng landlady. “Swerte ko ho na nakakuha kaagad ako ng bahay na malapit sa trabaho,” ulit niya pa sa landlady upang kunin ang loob nito.Heto na naman ang malapad nitong pagkakangiti na tila kinikilig sa kanyang sinabi.“Salamat na talaga at baba
UMUWI SI DRAKE ng bahay na lasing na lasing. Kinailangan din siyang sundin ng driver para lang magawa iyon. “Ingat ho kayo, Sir,” paalala pa ng driver nang muntik na naman siyang matumba.“Salamat, Kuya. Atin-atin na lang ‘to,” paalala niya pang muli.“Opo. Pasok na ho kayo. Tulog na ho ang lola ninyo.Tumango lamang siya sa driver habang susuray-suray na siya nang makapasok sa pinto ng kanilang mansyon. Dahil madaling-araw na rin ay patay na ang ibang ilaw sa parte ng kanilang bahay maliban sa kwarto ng kanyang ina. Hindi pa ito natutulog. Maaaring hinihintay na naman ang pagdating niya. Nakangising umakyat ng hagdan ang binata patungo sa kanyang kwarto. Muntik-muntik pa ang pagkatumba niya dahil sa kalangisan. Kalaunan ay nagtagumpay din naman siyang makaakyat nang hindi nakakakuha ng atensyon.Ngunit, hindi pa man nakakapasok sa kwarto ay sermon na ng ina ang bumungad sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay at nag-abang lang na makapasok sa kwarto upang hindi sila makapa
MALAKI ANG KINAHAHARAP na problema ni Maeve. Ilang araw na naman siyang hindi nilulubayan ng mga pinagkakautangan ng kanyang pamilya. Dahil siya ang may trabaho sa mga ito at may pinakamalaking sinasahod kaya siya ang naging human collateral ng mga ito. Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng low profile. Umalis din siya sa kanilang lugar at tinanggap ang bahay na ipinahiram sa kanya ng mga Revera para lamang makalayo sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka kung paano nakuha ng mga ito ang kanyang numero matapos niyang makapagpalit.Kinailangan niyang patayin ang kanyang cellphone dahil sa pag-aalala. Hindi niya na rin maalala kung kailan siya huling beses na sumaya dahil sa matinding pangamba na baka singilin siyang muli isang araw dahil sa atrasong wala siyang ginagawa.“They were the loan shark…” mahina niyang sambit na hindi siya maaaring magkamali. Sila lamang ang maaring magbanta ng ganito sa kanya. “Kailangan kong makalipat ng tirahan. Hindi pwedeng madamay si
HINDI ALAM NI Drake kung paano kauusapin ang kasintahang si Ethel. Alam niya na labis itong masasaktan kapag nalaman ang plano niyang pakikipaghiwalay dito. Mahal na mahal niya ito. Sigurado siya doon ngunit hindi niya pwedeng suwayin ang kagustuhan ng kanyang Mamita. Ang mga katulad ng lola Gloria niya ang uri ng tao na hindi niya pepwedeng tuulan. Ang bawat salitang sasabihin nito ay ang batas na hindi niya maaaring baliin. Kalabananin niya na ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya huwag lamang ang matanda.“She will understand, Son,” mariing pagsasabi pa rin ng kanyang mommy. “I hope she will understand…”“And if she wouldn’t?” tanong niya rito nang may pag-aalala. “Ayaw kong saktan si Ethel, Mama. Mahal na mahal ko siya…”May bahid ng kalungkutan sa boses ni Drake nang sabihin iyon sa mama niya. Matagal na panahon ang hinintay niya. Ginawa niya ang lahat upang maipaglaban niya ang relasyon nila ni Ethel. Nagpalakas siya sa kumpanya hanggang sa magkaroon ng posisyon doon. Sini
SUNOD-SUNOD ANG PAGKABASAG ng mga mamahaling pigurin sa bahay ni Ethel. Hindi siya nagdalawang-isip na pagbabasagin iyon dahil sa matinding pagkainis. “Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko, iiwan mo ako sa ere?” galit na galit niyang turan sa kawalan. “Mga walang kwenta!” sigaw niyang muli kasabay ng pagkabasag ng iba pang mamahaling mwebles.“Ma’am, baka masugatan ho kayo! Magagalit ang mommy—”“Like the hell do I care, Manang!” galit niyang sigaw sa katulong. “Get out you bitches!” tila mapatid ang ugat niya sa leeg dahil sa mas malakas pang sigaw.Hindi pwedeng matupad ang gusto ng mga Revera. Hindi siya pwedeng iwan ni Drake! Ibinigay niya ang lahat sa lalaki at matagal na nagtiis para lamang bitawan nito sa huli.“Ma’am, nandyan na po ang mommy—”“Subukan niyong pumasok, magpapakam@tay ako!” pagbabanta niya na ikinatakot naman ng mga ito. “Magsilayas kayo!”“Anak, ang mom ito. What happened?”Nang marinig niya ang tinig ng ina na nag-aalala, mas bumuhos ang luha niya. Ayaw niyang
KATULAD NG MGA routine ni Xavier bago umuwi sa kanyang penthouse ay naliligo muna siya sa loob ng arena. Kinakausap niya rin ang mga ibang dapat kausapin lalo na kung may susunod na laban na kailangan niyang paghandaan. Kung maluwag sa schedule niya ay si Chase naman ang nagpipinalisa ng lahat sa kanya. “Boss, may gustong kumausap sa ‘yo,” imporma ng isang sekyu na naghihintay sa paglabas niya sa banyo. Gano’n na lamang ang labis na pagtataka ng binata. Bakit kung makikipag-usap ay hindi sa lugar na ginaganap parati ang meeting? Nagtataka man, pinili pa rin tumuloy ni Xavier. Salubong ang kilay niya nang bumungad sa kanya ang matinding kadiliman. Alam niya na ang susunod na mangyayari sa oras na magpatuloy siya. Isa siyang tupa ngayon sa pugad ng mga leon na naghihintay sa kanyang pagdating. “Alam mo ba ang ginawa mo?” galit na tanong sa kanya ng nakalaban niya kanina. Imbes na sumagot pagngisi ang unang ginawa ng binata habang inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang