Share

CHAPTER 02

Author: Rigel Star
last update Huling Na-update: 2025-04-05 11:31:32

MATINDING LIWANAG ANG bumungad kay Maeve nang magising sa hospital. Ang pribadong kwarto kaagad na kanyang inuukupa ang napansin niya. May nakakabit din sa kanyang dextrose at mukhang bagong lagay pa lamang ang IV fluid niya.

Hindi pa man nagtatagal, may pumasok na roon na doktor at nurse.

“Ilang oras na po akong narito?” bungad na tanong niya sa dalawa.

“Isang araw, Ms. Patel—”

“A-ano? Isang araw na akong absent sa trabaho! Kailangan ko pong pumasok. Pwede na po bang tanggalin ang dextrose ko?”

“Ms. Patel, muntik ka ng mamatay! Uminom ka ng wine. May ubas iyon na alam mong bawal sa ‘yo. Are you trying to kill yourself?”

Hindi siya kaagad nakasagot sa doktor. Bakit sa tuwing may nangyayaring hindi maganda, ang sarili ang ginagantihan niya?

“Kung hindi ka kaagad naisugod dito, maaaring wala ka na ngayon.”

Saka lamang nagawang kumalma ni Maeve dahil sa sinabi ng doktor. Hindi dapat ang trabaho ang inaalala niya ngayong muntik na siyang mamatay.

“I hope this will not happen again, Ms. Patel. Be responsible with your life. Iyang trabaho mo, pwede ka nilang palitan anumang oras na gustuhin nila pero ang buhay mo, iisa lang iyan. Hindi nakakabili ng reserba.

Nahihiyang tumango siya sa doktor. 

“Pasensya na po, Doc.”

“Rest, Ms. Patel

“Ah… nurse. Matanong ko lang, sino ang nagdala sa akin dito?”

“Hindi niya pinapasabi ang pangalan niya pero sa tingin ko kilala mo dahil siya ang nag-fill up ng form mo.”

Kaagad na tumabang ang ekspresyon niya. Ang ex-fiancé niya ang pumasok sa kanyang isipan. Isusugod din pala siya nito sa hospital. Ang akala niya’y gusto talaga siya nitong patayin.

Nang ma-discharge noong hapon, hindi tiningnan ni Maeve ang mga mensahe at tawag na pumasok sa kanyang cellphone. Hinayaan niya ang sarili na makapagpahinga dahil kailangan niya iyon.

Kinabukasan, pagpasok pa lamang niya ng opisina, hindi na kaagad nakaligtas sa dalaga ang mapanghusgang tingin ng mga empleyadong nadadaanan niya. Hindi siya maaaring magkamali, siya ang pulutan ng tsismis.

“Nakita mo ang fiancé ni Sir Drake? Top model daw siya sa bansa! Matagal na raw sila. Ngayon lang na-reveal dahil sa kontrata ng girlfriend niya.”

“Akala ko may relasyon siya kay Ms. Patel? Ibig sabihin, kirida ang sekretarya!”

“May ahas pala sa kumpanya!”

Lalong naging mabilis ang paglalakad ni Maeve. Hindi niya alam kung bakit siya naging usapan ng kanyang mga katrabaho at kung paano kumalat ang tungkol sa kanila ni Drake pagkatapos ng pagtatago nila ng mahabang panahon.

Nang papaliko na siya sa pasilyo, ganoon na lamang ang gulat ni Maeve matapos siyang hilahin ng kaibigan.

“Bakit ngayon ka lang pumasok?” problemadong bungad ni Karen. “Totoo ba ang mga naririnig ko? Medyo naloloka na ako!”

“A-anong naririnig?”

“Wala ka pang alam?” nasapo nito ang noo bago siya tingnan nang nag-aalala. “Kalat na kalat ang mga larawan niyo kumpanya bilang kabit ni Sir Drake at may secret fiancé ito, Maeve!”

Parang umikot ang mundo niya dahil sa narinig. Papaanong ganoon kabilis nagbago ang totoo? Ito ang iniiwasan niyang mangyari. Natatakot siyang makalakadkad ang pangalan niya sa problema. 

“Dalawang taon na kaming engage ni Drake…”

“Ha?” gulat na tanong ni Karen. “Eh bakit ganoon ang kwento at naging kabit ka? Sorry friend...”

“N-narinig mo?” nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. “Pakiusap, huwag mong sasabihin sa kahit na sino—”

“Nagmumukha kang masama sa kanila! Para ka raw aso na laging nakabuntot kay Sir Drake. Eh, normal lang iyon dahil sekretarya ka niya. Naiinis ako sa kwento nila!” 

“Ano pang sinabi nila?”

“Pinagtatawanan ka rin ng mga pinsan ni Sir Drake. Mabilis ka raw mapasunod. Walang magiging problema sa ‘yo kahit nalaman mo na ang balita. Bakit kase iisa lang ang ekspresyon mo, Friend? Hindi pa kita nakitang sumagot o nagalit kahit sila ang nagkamali sa trabaho.”

Bahagya siyang natawa. Alam niya naman na hindi siya gusto ng pamilya nito. Kung hindi lamang dahil sa lola niya na kababata rin ng lola ni Drake na ipinagkasundo sila ay hindi matutuloy ang pakikipagrelasyon niya rito. Alam nito na maraming pagkakautang ang pamilya niya kaya tinutulungan sila.

“Bakit mo ba siya nagustuhan? Kahit boss natin siya, naiinis ako sa mga lalaking manloloko!”

“Hindi ko rin alam kung bakit siya nagbago…”

Kasalanan niya rin. Maayos ang pagkakaibigan na mayroon sila ni Drake. Kung hindi niya tinanggap ang engagement ay hindi iyon mangyayari. 

“Naitago niyo nga ng two years, bakit ngayon lang lumabas?”

May punto ito. Bukod sa pamilya nila, wala ng ibang nakakaalam ng engagement nila. 

“Saan ka pupunta?!”

Hindi niya sinagot si Karen. 

Nagdire-diretso ang dalaga papasok sa opisina ni Drake. Kalmadong nakatingin lamang ito sa kanya na parang walang pakialam sa ginawa.

“Stop it, Maeve! Parang aso ka pa rin kung maghahabol sa akin. Narinig mo naman na siguro ang balita—”

“Bakit?” iyon ang unang lumabas sa kanyang bibig.

“Tinatanong mo pa kung bakit?” Natawa ito. “Alam mong wala akong gusto sa ‘yo! Pera lang din naman ang habol mo sa akin. Isa pa, ang lola lang naman ang may amor sa ‘yo. Wala ng ibang dahilan—”

“Bakit kailangan mo pang sirain ang pangalan ko? Iyon ang gusto kong malaman!” 

“Hindi ako ang nagsabi—”

“That’s bvllshit, Drake!”

“Watch your language, Ms. Patel!”

 “Wala pa akong pakialam sa iba mong rason, Drake. Ayos nga lang sa akin na hindi na kumalat ang relasyon natin para tahimik lang ang buhay ko. Pero sa ginawa mo? Hindi lang ako ang sinira mo! Pati iyang reputasyon mo. Proud ka pang cheater ka?”

Kahit ito ay nagulat din sa sinabi niya.

“Huwag mo sabihing hindi mo naisip iyon bago ka gumawa ng ganitong eksena? Anak ng isa sa mga board of directors natin si Ethel. Anong iisipin ng tatay niya sa ‘yo?”

Hindi siya galit sa lalaki. Mas namumuhi siya sa sarili niya dahil pinili niyang magpakababa ng ganito. Hinayaan niyang apak-apakan siya ng tao na parang isang trapo dahil lang sa kailangan niya ng pera. Sa matagal niyang pagsunod na parang isang tuta kay Drake, napagod na siya. 

Akmang tatalikod na si Maeve nang masalubong si Ethel na papasok sa opisina nito.

“Hi, Babe!” bati ng modelo matapos na lagpasan siya.

Ganoon na lamang din ang paglapad ng ngiti ni Drake na kailanman ay hindi niya nakita na ibigay sa kanya.

“You surprised me! Anong ginagawa mo rito?”

“Dumaan lang ako para ibigay ang lunch mo. I need to go! May shoot akong hinahabol. Late na ako!” 

“Ganoon kabilis?” 

“Yes, Babe. Kita na lang tayo mamaya sa condo,” matagal na hinalikan nito ang lalaki na parang wala siya roon.

“See you later.”

Nang makatapat sa kanya ang babae, ganoon na lamang ang pagtingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. “Cheap…” panghahamak nito na lalong nagpakulo sa dugo ni Maeve.

Matapos na ilabas ni Maeve ang lahat ng luha para sa lalaki, isang desisyon din ang nabuo niya para sa sarili. Hindi na siya papayag na maging basahan ng kahit na sino. Tapos na ang pang-aapi niya sa sarili.

“May kailangan ka pa? Bakit bumalik ka pa—” 

Blangko ang ekspresyon na ipinatong ni Maeve ang resignation letter.

“Oras na para piliin ko ang sarili ko. Tapos na tayo, Drake. Maghiwalay na tayo…”

“Sinong nagsabing pumapayag ako?”

“Hindi mo ako pagmamay-ari. Wala ng tayo ‘di ba?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 16

    “SIGURADO NA PO na isang buwan lang,” sagot ni Maeve sa bagong bahay na kanyang uupahan. Dahil kailangan niya munang lumayo ay naghanap siya ng bahay na malayo nang bahagya sa syudad. Pinili niya rin ang lugar na walang nakakakilala sa kanya maliban sa isang taong hiningian niya ng tulong upang mas makagalaw siya nang malaya.“Magiging serbidora ka naman diyan sa baba bakit hindi mo pa habaan ang buwan ng pag-upa?” usoserang tanong sa kanya ng landlady.Katulad kanina, ngiti lamang ang unang naging sagot ng dalaga. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magbigay ng kahit na anong impormasyon na magiging dahilan upang malaman kung sino siya.Malaking bagay din na nakatagpo siya kaagad ng trabaho. Serbidora iyon sa kantina sa ibaba na pinapaupahan din ng landlady. “Swerte ko ho na nakakuha kaagad ako ng bahay na malapit sa trabaho,” ulit niya pa sa landlady upang kunin ang loob nito.Heto na naman ang malapad nitong pagkakangiti na tila kinikilig sa kanyang sinabi.“Salamat na talaga at baba

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 15

    UMUWI SI DRAKE ng bahay na lasing na lasing. Kinailangan din siyang sundin ng driver para lang magawa iyon. “Ingat ho kayo, Sir,” paalala pa ng driver nang muntik na naman siyang matumba.“Salamat, Kuya. Atin-atin na lang ‘to,” paalala niya pang muli.“Opo. Pasok na ho kayo. Tulog na ho ang lola ninyo.Tumango lamang siya sa driver habang susuray-suray na siya nang makapasok sa pinto ng kanilang mansyon. Dahil madaling-araw na rin ay patay na ang ibang ilaw sa parte ng kanilang bahay maliban sa kwarto ng kanyang ina. Hindi pa ito natutulog. Maaaring hinihintay na naman ang pagdating niya. Nakangising umakyat ng hagdan ang binata patungo sa kanyang kwarto. Muntik-muntik pa ang pagkatumba niya dahil sa kalangisan. Kalaunan ay nagtagumpay din naman siyang makaakyat nang hindi nakakakuha ng atensyon.Ngunit, hindi pa man nakakapasok sa kwarto ay sermon na ng ina ang bumungad sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay at nag-abang lang na makapasok sa kwarto upang hindi sila makapa

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 14

    MALAKI ANG KINAHAHARAP na problema ni Maeve. Ilang araw na naman siyang hindi nilulubayan ng mga pinagkakautangan ng kanyang pamilya. Dahil siya ang may trabaho sa mga ito at may pinakamalaking sinasahod kaya siya ang naging human collateral ng mga ito. Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng low profile. Umalis din siya sa kanilang lugar at tinanggap ang bahay na ipinahiram sa kanya ng mga Revera para lamang makalayo sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka kung paano nakuha ng mga ito ang kanyang numero matapos niyang makapagpalit.Kinailangan niyang patayin ang kanyang cellphone dahil sa pag-aalala. Hindi niya na rin maalala kung kailan siya huling beses na sumaya dahil sa matinding pangamba na baka singilin siyang muli isang araw dahil sa atrasong wala siyang ginagawa.“They were the loan shark…” mahina niyang sambit na hindi siya maaaring magkamali. Sila lamang ang maaring magbanta ng ganito sa kanya. “Kailangan kong makalipat ng tirahan. Hindi pwedeng madamay si

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 13

    HINDI ALAM NI Drake kung paano kauusapin ang kasintahang si Ethel. Alam niya na labis itong masasaktan kapag nalaman ang plano niyang pakikipaghiwalay dito. Mahal na mahal niya ito. Sigurado siya doon ngunit hindi niya pwedeng suwayin ang kagustuhan ng kanyang Mamita. Ang mga katulad ng lola Gloria niya ang uri ng tao na hindi niya pepwedeng tuulan. Ang bawat salitang sasabihin nito ay ang batas na hindi niya maaaring baliin. Kalabananin niya na ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya huwag lamang ang matanda.“She will understand, Son,” mariing pagsasabi pa rin ng kanyang mommy. “I hope she will understand…”“And if she wouldn’t?” tanong niya rito nang may pag-aalala. “Ayaw kong saktan si Ethel, Mama. Mahal na mahal ko siya…”May bahid ng kalungkutan sa boses ni Drake nang sabihin iyon sa mama niya. Matagal na panahon ang hinintay niya. Ginawa niya ang lahat upang maipaglaban niya ang relasyon nila ni Ethel. Nagpalakas siya sa kumpanya hanggang sa magkaroon ng posisyon doon. Sini

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 12

    SUNOD-SUNOD ANG PAGKABASAG ng mga mamahaling pigurin sa bahay ni Ethel. Hindi siya nagdalawang-isip na pagbabasagin iyon dahil sa matinding pagkainis. “Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko, iiwan mo ako sa ere?” galit na galit niyang turan sa kawalan. “Mga walang kwenta!” sigaw niyang muli kasabay ng pagkabasag ng iba pang mamahaling mwebles.“Ma’am, baka masugatan ho kayo! Magagalit ang mommy—”“Like the hell do I care, Manang!” galit niyang sigaw sa katulong. “Get out you bitches!” tila mapatid ang ugat niya sa leeg dahil sa mas malakas pang sigaw.Hindi pwedeng matupad ang gusto ng mga Revera. Hindi siya pwedeng iwan ni Drake! Ibinigay niya ang lahat sa lalaki at matagal na nagtiis para lamang bitawan nito sa huli.“Ma’am, nandyan na po ang mommy—”“Subukan niyong pumasok, magpapakam@tay ako!” pagbabanta niya na ikinatakot naman ng mga ito. “Magsilayas kayo!”“Anak, ang mom ito. What happened?”Nang marinig niya ang tinig ng ina na nag-aalala, mas bumuhos ang luha niya. Ayaw niyang

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 11

    KATULAD NG MGA routine ni Xavier bago umuwi sa kanyang penthouse ay naliligo muna siya sa loob ng arena. Kinakausap niya rin ang mga ibang dapat kausapin lalo na kung may susunod na laban na kailangan niyang paghandaan. Kung maluwag sa schedule niya ay si Chase naman ang nagpipinalisa ng lahat sa kanya. “Boss, may gustong kumausap sa ‘yo,” imporma ng isang sekyu na naghihintay sa paglabas niya sa banyo. Gano’n na lamang ang labis na pagtataka ng binata. Bakit kung makikipag-usap ay hindi sa lugar na ginaganap parati ang meeting? Nagtataka man, pinili pa rin tumuloy ni Xavier. Salubong ang kilay niya nang bumungad sa kanya ang matinding kadiliman. Alam niya na ang susunod na mangyayari sa oras na magpatuloy siya. Isa siyang tupa ngayon sa pugad ng mga leon na naghihintay sa kanyang pagdating. “Alam mo ba ang ginawa mo?” galit na tanong sa kanya ng nakalaban niya kanina. Imbes na sumagot pagngisi ang unang ginawa ng binata habang inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status