“ANONG GINAGAWA MO?” galit na tanong ni Drake nang makitang nag-iimpake siya.
“Hindi ko bahay ito. Ipinahiram lang sa akin ng lola mo. Seryoso ako, puputulin ko na ang koneksyon sa ‘yo at sa pamilya mo, Drake.”
“Magmamalaki ka talaga? Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan! Bumalik ka na sa loob. Papasok ka bukas—”
“Ipapaalala ko lang ang posisyon mo,” heto na naman ang walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa binata. “Hindi mo na ako empleyado at mas lalong hindi na ako ang fiancé mo!”
Matinding gulat ang makikita kay Drake nang sabihin niya iyon.
“Wala ka ng titirhan, wala ka ng babalikan!”
“Hanapin mo ang pake ko, hindi dahil sa ‘yo at sa pera mo kaya pumayag ako sa engagement na ito.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
Pagngisi ang unang naging sagot niya rito. “Mag-iingat ka, Drake.”
Iyon lamang ang sinabi ng dalaga nang talikuran ito at sumakay ng taxi.
“Maeve, magsisisi ka! Magsisisi ka!”
Ngayon niya napagtanto, hindi siya masyadong nasaktan nang hiwalayan niya ito dahil mas nanaig sa kanya ang pagmamahal sa sarili. Mas magiging impyerno ang buhay niya kapag tinanggap niya na ayos lang ang maging miserable sa piling nito.
Hindi muna ang relasyon niya kay Drake ang kailangan niyang isipin. Ang pagpunta sa pagtitipon kinabukasan ang kailangan niyang paghandaan dahil alam niyang magiging tampulan na naman siya ng usapan.
“Kailangan talagang pumunta ka sa party?”
“Hindi pa tinatanggap ang resignation letter ko. Kailangan ko pang i-train ang bagong sekretarya, Xyriel.”
Nakatitig lamang sa kanya ang kaibigan. Matagal iyon hanggang siya na lang ang mailang.
“Nasaan ka sa mga plano mo?” seryosong tanong nito sa kanya. “Sinusubukan mong makawala kay Mr. Revera pero sa kanya ka pa rin bumabalik.”
“Alam ko ang ginagawa ko, Xyriel. Huwag kang mag-alala.”
“Kailangan mong mag-ingat.”
“Bakit?”
“Sa tingin ko may sumasabotahe sa ‘yo. Alam mo ba na kalat na ang nangyari sa rooftop kaagad? Pinagmukhang tinatakot mo si Mr. Revera para hindi ka niya hiwalayan.”
“Pero dahil lang sa kwintas—”
“Sa tingin mo mahalaga para sa kanila ang totoo? May mga tao na mas masayang pag-usapan ang iba dahil sa tingin nila ay mas angat sila.”
Hindi niya alam kung anong sasabihin sa kaibigan.
Laking pasasalamat niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Ngunit, ganoon din paglalaho ng kanyang ngiti nang makita kung sino ng tumatawag.
“T-tita?”
“Nakipaghiwalay ka raw kay Drake?”
“O-opo…”
“Ipapaalala ko lang sa ‘yo, ang mga pagkakautang ng nanay mo! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakulong, nakalimutan mo? Hindi ka pwedeng mag-resign! Huwag mong pairalin ang kardamahan mo. Kahit magmakaawa ka, o akitin siya, huwag ka lang niyang hiwalayan, gawin mo!” sabi nito at ibinaba kaagad ang tawag.
Pilit na pinapakalma ng dalaga ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng bumigay. Kailangan niyang lumaban para sa kanyang kasiyahan.
“Kailangan nating um-attend ng party ng mga Revera. Alam mo na siguro ang ibig sabihin niyon?” tanong sa kanya ni Xyriel na biglaang sumulpot na lang sa kung saan.
Ganoon na lamang ang kanyang paglunok.
“Hindi pwedeng putso-putso ang damit mo. Napilian na kita ng isusuot!”
Hindi nga nagbibiro ang kaibigan niya. Handang-handa ito para sa kanya. Hindi tuloy siya mapakali nang magtungo sila sa party.
“May problema ba sa suot ko?”
“Wala syempre!” nakangiting sagot nito. “Inggit lang ang mga iyan! Ito ang tatandaan mo, Maeve; maganda ka, makinis, matangkad, pangrampa sa mga pageant at higit sa lahat, may mabuting puso! Ang problema lang talaga kase ay manang kang pumorma.”
Hindi napigilang tingnan ni Maeve ang sariling repleksyon sa salamin. Bumagay sa itim na itim niya buhok ang hapit na pulang gown. Mataas ang stiletto na suot niya kaya mas lalo siyang tumangkad. Wala na rin ang salamin niyang gamit sa trabaho. Contact lens na ang nakakabit sa kanyang mga mata.
“Hindi ba masyadong mahal itong mga suot ko?”
“Wala pa iyan sa mga naitulong mo sa akin,” nakangiting sambit ni Xyriel sa kanya. “Maiwan na muna kita ha, Maeve? May kailangan lang akong asikasuhin. Huwag kang aatras. Ipakita mo kung sino ka. Lalo na sa dalawang ahas na hindi na mapaghiwalay!”
Patukoy nito kay Drake at Ethel na magkalingkis pa rin sa isa’t isa habang umiikot sa mga bisita sa pagtitipon.
Heto na naman ang matinding pagkailang ni Maeve. Pakiramdam niya, nasa kanya na naman ang atensyon ng lahat at pinag-uusapan siya dahil sa nangyari sa kumpanya.
Ganoon na lamang ang pagpapalit niya ng emosyon nang makita ang paglapit ni Ethel patungo sa kanyang direksyon. Nakangiti pa ito na parang normal na lang dito ang pagtatago ng totoong kulay.
“Maeve… Maeve… anong ginagawa ng katulad mo sa lugar na ito?
Kaagad na naging mabilis ang hakbang ng dalaga at balak ng bumaba ng hagdan nang hilahin ni Ethel ang kamay niya.
“I'm not done talking to you!”
“Ano pa ba?!” mas malakas ang boses niyang tanong dito. “Kulang pa ba ang ginawa mo?”
“Because of you…” makikita ang pagpipigil sa pagbulusok ng matinding galit. “Gusto kong humingi ka ng tawad sa akin sa matagal na pagkuha ng boyfriend ko!”
Natawa na lamang si Maeve sa sinabi nito.
“You've got to be kidding me,” bulalas niya. “Anong akala mo sa nangyayari ngayon? Teleserye na kailangan mong gumawa ng ganitong eksena?”
“Kinakausap kita kaya huwag mo akong talikuran—”
“Sabi ng bitawan mo ako!” mas malakas ang boses na bulalas ni Maeve bago ito talikuran.
Ngunit hindi sa tagpo na iyon siya nagulat. Ganoon na lamang ang pag-awang ng bibig niya matapos na makita kung paano ito nahulog nang tuloy-tuloy sa hagdan nang makatalikod siya rito!
Ang malakas na kalabog na iyon ang nakakuha ng atensyon ng na nasa ibaba.
“What happened here” bakas ang matinding galit sa boses ni Drake.
“Tinulak niya si Ethel!” biglaang pang-aakusa ng isa sa kanya.
Mas tumindi ang pagkabog ng kanyang dibdib. Alam niyang wala siyang laban nang mga sandaling iyon. Mahahabi ng mga ito ang kwento hanggang siya ang maging salarin. Ganoon ang gustong mangyari ni Ethel.
“How could you?” hindi makapaniwalang sambit ni Drake. “Hanggang dito ba naman, Maeve?”
“Ouch… may pilay yata ako, Drake…”
Ganoon na lamang ang masamang pagtitig sa kanya ng dating fiancee. Hindi rin nagdalawang-isip si Drake na hilahin siya nang mahigpit sa braso na naging dahilan ng kanyang pagdaing.
Nasa kanila na ang atensyon ng lahat na iniiwasan niyang mangyari kanina.
“Nasasaktan ako!”
“Mas masasaktan ka sa akin kapag hindi ka umamin! Itinulak mo ba si Ethel?”
“Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin?”
“Sabi kong umamin ka—”
“How can you become a CEO if you don't know the difference between lies?”
Nahinto ang bulungan sa paligid.
Awtomatikong nabaling ang tingin ng mga naroon sa bagong dating na dominanteng lalaki. Wala pa man itong ginagawa ngunit mararamdaman na kaagad ang impluwensya nito sa lahat.
Tila huminto ang mundo ni Maeve nang mas makalapit ito sa kanila. Ganoon na lamang ang pagbilis na pagtibok ng kanyang puso nang mapagtanto kung sino ito.
Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nagdala sa kanya sa hospital. Ang binatang tumulong sa kanya na magkaroon ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.
“Hi, Mahal. Miss me? Napatagal ba ang pagpapakilala ko?”
Umawang ang bibig niya sa itinawag ng lalaki. Tama ba ang kanyang narinig?
May sapi din ito!
“SIGURADO NA PO na isang buwan lang,” sagot ni Maeve sa bagong bahay na kanyang uupahan. Dahil kailangan niya munang lumayo ay naghanap siya ng bahay na malayo nang bahagya sa syudad. Pinili niya rin ang lugar na walang nakakakilala sa kanya maliban sa isang taong hiningian niya ng tulong upang mas makagalaw siya nang malaya.“Magiging serbidora ka naman diyan sa baba bakit hindi mo pa habaan ang buwan ng pag-upa?” usoserang tanong sa kanya ng landlady.Katulad kanina, ngiti lamang ang unang naging sagot ng dalaga. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magbigay ng kahit na anong impormasyon na magiging dahilan upang malaman kung sino siya.Malaking bagay din na nakatagpo siya kaagad ng trabaho. Serbidora iyon sa kantina sa ibaba na pinapaupahan din ng landlady. “Swerte ko ho na nakakuha kaagad ako ng bahay na malapit sa trabaho,” ulit niya pa sa landlady upang kunin ang loob nito.Heto na naman ang malapad nitong pagkakangiti na tila kinikilig sa kanyang sinabi.“Salamat na talaga at baba
UMUWI SI DRAKE ng bahay na lasing na lasing. Kinailangan din siyang sundin ng driver para lang magawa iyon. “Ingat ho kayo, Sir,” paalala pa ng driver nang muntik na naman siyang matumba.“Salamat, Kuya. Atin-atin na lang ‘to,” paalala niya pang muli.“Opo. Pasok na ho kayo. Tulog na ho ang lola ninyo.Tumango lamang siya sa driver habang susuray-suray na siya nang makapasok sa pinto ng kanilang mansyon. Dahil madaling-araw na rin ay patay na ang ibang ilaw sa parte ng kanilang bahay maliban sa kwarto ng kanyang ina. Hindi pa ito natutulog. Maaaring hinihintay na naman ang pagdating niya. Nakangising umakyat ng hagdan ang binata patungo sa kanyang kwarto. Muntik-muntik pa ang pagkatumba niya dahil sa kalangisan. Kalaunan ay nagtagumpay din naman siyang makaakyat nang hindi nakakakuha ng atensyon.Ngunit, hindi pa man nakakapasok sa kwarto ay sermon na ng ina ang bumungad sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay at nag-abang lang na makapasok sa kwarto upang hindi sila makapa
MALAKI ANG KINAHAHARAP na problema ni Maeve. Ilang araw na naman siyang hindi nilulubayan ng mga pinagkakautangan ng kanyang pamilya. Dahil siya ang may trabaho sa mga ito at may pinakamalaking sinasahod kaya siya ang naging human collateral ng mga ito. Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng low profile. Umalis din siya sa kanilang lugar at tinanggap ang bahay na ipinahiram sa kanya ng mga Revera para lamang makalayo sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka kung paano nakuha ng mga ito ang kanyang numero matapos niyang makapagpalit.Kinailangan niyang patayin ang kanyang cellphone dahil sa pag-aalala. Hindi niya na rin maalala kung kailan siya huling beses na sumaya dahil sa matinding pangamba na baka singilin siyang muli isang araw dahil sa atrasong wala siyang ginagawa.“They were the loan shark…” mahina niyang sambit na hindi siya maaaring magkamali. Sila lamang ang maaring magbanta ng ganito sa kanya. “Kailangan kong makalipat ng tirahan. Hindi pwedeng madamay si
HINDI ALAM NI Drake kung paano kauusapin ang kasintahang si Ethel. Alam niya na labis itong masasaktan kapag nalaman ang plano niyang pakikipaghiwalay dito. Mahal na mahal niya ito. Sigurado siya doon ngunit hindi niya pwedeng suwayin ang kagustuhan ng kanyang Mamita. Ang mga katulad ng lola Gloria niya ang uri ng tao na hindi niya pepwedeng tuulan. Ang bawat salitang sasabihin nito ay ang batas na hindi niya maaaring baliin. Kalabananin niya na ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya huwag lamang ang matanda.“She will understand, Son,” mariing pagsasabi pa rin ng kanyang mommy. “I hope she will understand…”“And if she wouldn’t?” tanong niya rito nang may pag-aalala. “Ayaw kong saktan si Ethel, Mama. Mahal na mahal ko siya…”May bahid ng kalungkutan sa boses ni Drake nang sabihin iyon sa mama niya. Matagal na panahon ang hinintay niya. Ginawa niya ang lahat upang maipaglaban niya ang relasyon nila ni Ethel. Nagpalakas siya sa kumpanya hanggang sa magkaroon ng posisyon doon. Sini
SUNOD-SUNOD ANG PAGKABASAG ng mga mamahaling pigurin sa bahay ni Ethel. Hindi siya nagdalawang-isip na pagbabasagin iyon dahil sa matinding pagkainis. “Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko, iiwan mo ako sa ere?” galit na galit niyang turan sa kawalan. “Mga walang kwenta!” sigaw niyang muli kasabay ng pagkabasag ng iba pang mamahaling mwebles.“Ma’am, baka masugatan ho kayo! Magagalit ang mommy—”“Like the hell do I care, Manang!” galit niyang sigaw sa katulong. “Get out you bitches!” tila mapatid ang ugat niya sa leeg dahil sa mas malakas pang sigaw.Hindi pwedeng matupad ang gusto ng mga Revera. Hindi siya pwedeng iwan ni Drake! Ibinigay niya ang lahat sa lalaki at matagal na nagtiis para lamang bitawan nito sa huli.“Ma’am, nandyan na po ang mommy—”“Subukan niyong pumasok, magpapakam@tay ako!” pagbabanta niya na ikinatakot naman ng mga ito. “Magsilayas kayo!”“Anak, ang mom ito. What happened?”Nang marinig niya ang tinig ng ina na nag-aalala, mas bumuhos ang luha niya. Ayaw niyang
KATULAD NG MGA routine ni Xavier bago umuwi sa kanyang penthouse ay naliligo muna siya sa loob ng arena. Kinakausap niya rin ang mga ibang dapat kausapin lalo na kung may susunod na laban na kailangan niyang paghandaan. Kung maluwag sa schedule niya ay si Chase naman ang nagpipinalisa ng lahat sa kanya. “Boss, may gustong kumausap sa ‘yo,” imporma ng isang sekyu na naghihintay sa paglabas niya sa banyo. Gano’n na lamang ang labis na pagtataka ng binata. Bakit kung makikipag-usap ay hindi sa lugar na ginaganap parati ang meeting? Nagtataka man, pinili pa rin tumuloy ni Xavier. Salubong ang kilay niya nang bumungad sa kanya ang matinding kadiliman. Alam niya na ang susunod na mangyayari sa oras na magpatuloy siya. Isa siyang tupa ngayon sa pugad ng mga leon na naghihintay sa kanyang pagdating. “Alam mo ba ang ginawa mo?” galit na tanong sa kanya ng nakalaban niya kanina. Imbes na sumagot pagngisi ang unang ginawa ng binata habang inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang