Share

Kabanata 6

Author: Miss Luxy
Hindi namamalayan na nakasandal na siya sa dibdib ni Thaleon, tila napaka komportable ni Agatha sa pwestong ito, na para bang nakalimutan niyang kasama niya ang isang katulong.

Dahan-dahang hinaplos ni Thaleon ang braso ng babae, binibigyan ito ng pakikiramay niya dahil alam niyang si Agatha ay katulad niya. Napilitang gawin ang bagay na ito para sa kanya kanyang pinahahalagahan.

Nang malaman niyang nasa yakap siya ng katulong, agad na itinaas ni Agatha ang kanyang mukha at lumayo nang kaunti kay Thaleon.

"S-sorry, teka, I… I didn't mean to hug you like that!"

"Ayos lang yun Ma'am. Teka, paano kung uminom muna tayo? Pagkatapos ay magsisimula na tayo sa dapat nating gawin. Maikli lang ang oras natin at sabi ni Sir Oscar dalawang oras lang ang meron tayo at hindi na hihigit pa!" putol ni Thaleon habang nagbubuhos ng beer sa isang baso.

"Sorry… pero kasi hindi ako umiinom ng alak!" tanggi ni Agatha.

"Subukan niyo lang po kahit konti, Ma'am. Hindi naman po kasing sama ng iniisip niyo ang lasa ng alak. Hindi rin po ako masyadong mahilig rito, siguro ay dalawang baso lang po para pampainit ng katawan. Pero, kung hindi po kayo iinom, ayos lang din po, ako naman po ang magpapainit sa inyo!" sabi ni Thaleon nang walang bahid ng kasalanan.

Inikot ni Agatha ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ng katulong.

Tiningnan ng babae ang orasan sa dingding na nagpapakitang alas siyete y medya pa lamang.

Ang binigay na oras ni Oscar sa kanila ay hanggang alas nuwebe ng gabi.

Syempre, mayroon pa silang isa’t kalahating oras para makapag adapt bago gawin ang pangunahing dapat nila gawin.

Sandaling tiningnan ni Agatha ang mukha ni Thaleon na sa pagkakataong ito ay kitang-kita ang kanyang matikas na aura.

Lumalabas na hindi naman pala pangit ang katulong nila na karaniwang simple ang porma tuwing nagtatrabaho sa kanilang bahay.

Nakita niya ang lalaki na umiinom ng isang baso ng beer nang kaswal na para bang ang lasa ng inumin nito ay ordinaryo lang tulad ng tubig.

"Gusto niyo po ba, Ma'am Agatha? Huwag po kayong tumulala habang nakatitig sa akin, ah nahihiya po ako. Kung gusto niyo po, ipagsasalin ko po kayo!" alok ni Thaleon nang makita niyang nakatingin sa kanya si Agatha.

Pagkatapos pag-isipang mabuti, walang namang masama kung susubukan ni Agatha ang kaunting inuming may alkohol, hindi ba?

Sinong nakakaalam, baka ito pala ang makatulong na mag-relax ang kanyang isip bago niya "i-execute" ng kailangan nilang gawin ng katulong nila.

"Sige, pero kaunti lang ha, huwag masyadong marami!" sagot ni Agatha.

Ngumiti si Thaleon nang masaya, maya maya ay ibinuhos ng lalaki ang beer sa baso, hindi madami at saktong sakto lang para sa mga beginners.

Pagkatapos nito, tinanggap ito ni Agatha at sinubukang inumin kahit nag-aalangan siya.

Sandali niyang naamoy ang medyo malakas na amoy ng alkohol, pagkatapos ay inalis ang kanyang mukha dahil hindi siya sanay sa ganoong inumin.

"Ang baho naman nito, parang amoy nang ihi ng kabayo!" bulong ni Agatha.

Bahagyang natawa si Thaleon nang marinig ang sinabi ng kanyang amo. "Ganyan po talaga, Ma'am. Subukan niyo lang po ng dahan-dahan, masasanay din po kayo!"

Muling inilapit ni Agatha ang labi ng baso sa kanyang labi. Talagang matapang ang amoy ng alkohol. Pinigilan ni Agatha ang kanyang hininga nang inumin niya ito.

Samantala, si Thaleon, tila nakangiti habang pinapanood kung paano natutong uminom ng beer ang kanyang amo.

Nagtataka rin si Thaleon kung paanong ang isang sosyal na babae na tulad niya ay hindi mahilig sa ganoong inumin.

Dahan-dahan ngunit sigurado, sinubukan ni Agatha na inumin ang beer. Habang nakapikit ang kanyang mga mata at pinipigilan ang kanyang hininga, sinimulan ng babae na ipasok ang inuming sa kanyang bibig.

Isang lagok pa lang, naramdaman ni Agatha na napaka pait na lasa sa kanyang bibig. Agad itong ibinuga ng babae sa harap mismo ni Thaleon. Kaya nabasa ang damit ng lalaki dahil sa beer na iniluwa ni Agatha.

"Hala wait, sorry! Hindi ko sinasadya, ang pangit kasi talaga ng lasa, sorry talaga!" Agad na tiningnan ni Agatha ang basang damit ni Thaleon dahil sa kanyang ginawa matapos ay sinimulang pagpupunasan ang kanyang bibig ng tissue.

"Ayos lang po yun, Ma'am. Naiintindihan ko po!" Tiningnan ni Thaleon ang kanyang damit na kalahating basa na ng alak. Napilitan ang lalaki na hubarin ang kanyang basang polo shirt.

Nang makita si Thaleon na nakahubad na nang kanyang pang-itaas, namangha ang babae nang makita ang halos perpektong katawan ng lalaki na para bang isa siyang diyos ng Griyego.

"Oh my god! Katulong lang siya, pero ang ganda ng katawan niya. Hindi tulad ng katawan ni Oscar… na malaki na ang tiyan dahil sa stress eating. Ang tikas ng katawan ni Thaleon, sigurado matibay din ang kanyang lakas!" bulong ni Agatha na halos mahipnotismo na sa alindog ng katulong. "No… No, hindi to tama! Hay naku, bakit ko pa iisipin ang katulong na iyon. Ang katulong ay mananatiling katulong, walang makakatalo kay Oscar! Diyos ko, paano ako mabubuntis ng lalaking ito at ano ang magiging hitsura ng aking anak kung siya ang ama? malas kung ang mukha at balat niya ay katulad ng lalaking nasa harap ko!" Sinisi ni Agatha ang kanyang sarili na muntik nang matukso sa kagandahan ni Thaleon.

Matapos hubarin ni Thaleon ang kanyang damit, hinubad din niya ang kanyang pantalon, dahil maikli lang ang oras.

Sa biglaang aksyon ng lalaki, ikinagulat ito ni Agatha.

"Thaleon, bakit mo rin hinubad ang pantalon mo?" sabi ng babae habang iniiwas ang kanyang paningin.

Paano hindi iiwas, ngayon ay nakasuot na lang si Thaleon ng simpleng brief.

Parang isang bodybuilder na nakatayo at nagpapakita ng kanyang matipunong muscles ang lalaki ngayon. Nahirapan si Agatha na lumunok ng makita niya ang atletikong katawan ng nakatayo sa harap niya. Ang six-pack abs na parang tinapay at ang mga kalamnan sa kanyang katawan na napaka seksi. Nagpapakita ng kagandahan ni Thaleon na matipuno at napaka-sensual.

Kalmado namang sinagot ni Thaleon ang tanong ni Agatha. "Wala tayong gaanong oras, Ma'am, hassle pag may damit pa rin. Hindi pa tayo nagpapainit, paano kung bigla na lang natin ipasok tong akin, baka sumigaw ka ma'am sa sakit, ayaw kong mangyari iyon. Gagawin ko ang lahat para maging komportable at masarap ang pakiramdam mo sa gagawin natin, Ma'am Agatha!"

Ang seryoso at nakakatawang sagot ni Thaleon ay muling nagpalaki ng mga mata ni Agatha.

"Heh, anong masarap masarap dami mong dada...!" Nagsimulang kabahan si Agatha matapos magsalita si Thaleon. Muling ngumiti si Thaleon, pagkatapos ay lumapit ang lalaki sa asawa ng kanyang amo.

"Hindi lang masarap, Ma'am Agatha, maaari kang humiling ng anumang uri ng kasiyahan, gusto mong sumigaw sa sarap? manginig sa sarap, o paulit-ulit na mag-climax? Lahat kaya ko, promise!" Ang alok ni Thaleon ay napaka nakakaakit at lalong nagpatibok ng puso ni Agatha ng mas mabilis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 90

    Nang may lakas at katatagan, sinagot ni Thaleon ang tanong ni Irina. "Oo, katulong nga ako ni Ma'am Agatha, ako nga iyon, bakit naman kung binabantayan ko si Ma'am Agatha? Amo ko siya!""What's? Ibig sabihin, ang lalaki noong gabing iyon ay totoo ngang ikaw! Diyos ko por santo...!" hindi na itinuloy

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 89

    "Manahimik ka nga!" gulat ni Thaleon kay Tasyong na kasalukuyang humahagikhik sa kabilang linya. Agad na pinatulan ni Thaleon ang telepono. Sandali siyang napatawa nang bahagya nang maalala ang mga salita ng kanyang katulong."Sadyang may saltik si Tasyong! Eh, aling damo ba ang ipinagugupit ni Agat

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 88

    May katotohanan naman ang mga sinabi ni Tasyong. Maaari ngang pabagsakin ni Thaleon si Arnold Loriano sa pamamagitan ni Agatha. Subalít hindi, nangako na siya sa sarili na hindi isasama si Agatha sa problemang ito. Hindi dahil sa katunayang mayroon silang napakalalim na ugnayan ni Agatha…"Ah, tama

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 87

    Matapos iyon, mabilis na bumaba si Thaleon mula sa kama ng kanyang amo. Ayaw niya rin kasing abalahin ang pagpapahinga ni Agatha."Sige na, aalis na muna ako, magpahinga ka nang mabuti!" ani Thaleon bago lumabas ng silid ni Agatha. Pagkatapos ay tuluyan na nga siyang lumabas ng silid, na iniwan si A

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 86

    Humigit-kumulang labinlimang minuto, nakarating na sina Thaleon at Agatha sa bahay. Mabilis na binuksan ng lalaki ang pinto ng sasakyan para sa kanyang amo. Bakas kay Thaleon ang pag-aalala at patuloy niyang binabantayan ang kalagayan ni Agatha na tila ba lalong nanghihina."Okay ka lang ba talaga?"

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 85

    "Ahm, okay, I'm always ready for you!" sagot ni Maureen habang mapaglarong pinipisil ang mahalagang pag-aari ni Oscar.Nagkulay berde na ang ilaw, nagsimula nang umandar ang kanilang sasakyan patungo sa parehong direksyon. Sino ang mag-aakala na si Agatha na noong una ay nakapikit ang mga mata, ay b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status