"Twenty million, kulang pa ba yon para sa iyo?"
Isang lalaki ang nakikipag-negosasyon sa isang katulong na nagtatrabaho sa kanilang bahay.
Si Thaleon Angeles, isang lalaking nasa tatlumpu't limang taong gulang. Ngayon ay tila nag-iisip ng malalim bago magpasya sa inaalok ng kayang amo. Siya ay isa lamang katulong sa bahay nina Oscar Echaves at asawa nitong si Agatha Echaves.
Mag-asawa sila at naghahanap ng paraan upang magkaroon ng anak sa lalong madaling panahon.
"Isa lang ang trabaho mo, you need to make my wife pregnant!" dagdag pa ng amo niyang si Oscar, asawa ni Agatha.
Habang ang asawa ni Oscar na si Agatha ay nakatayo lang sa tabi nito na may hindi komportable na ekspresyon.
Paano niya magagawang makipagtalik sa isang lalaking katulong lamang sa kanilang bahay?
Ngunit, muling iginiit ni Oscar ang kanyang layunin na makipag tulungan kay Thaleon para magkaanak sila. Dahil alam niyang kailangan na kailangan ni Thaleon ng pera para sa kanyang tatlong anak sa probinsya.
"Ito ay para sa down payment, pagkatapos na mabuntis si Agatha, gagawin kong isang daang milyon ang offer ko sayo. Sa tingin ko, sapat na ito para sa mga gastusin ng iyong mga anak sa probinsya, higit pa nga ito sa sapat. How about it, interesado ka ba? Huwag kang mag-alala, hindi kita idedemanda, pagkatapos na mabuntis si Agatha ay maaari kang mamuhay nang normal ngunit sa isang kondisyon—kailangan mong itago ang ating kasunduan. Huwag mong ipaalam sa sinuman ang deal natin!" sabi ni Oscar nang walang kahirap-hirap.
Si Thaleon, isang lalaking may matikas na mukha at medyo simpleng dating, may matatalim na mata, kulot na itim na buhok at halos perpektong pangangatawan. Isang atletikong katawan na para itong bodybuilder sa kadahilanang ang lalaki ay dating tagapagbantay ng gym sa kanilang probinsya. Hindi nakakagulat ang pisikal nitong katawan, mayroon siyang proporsyonal na tikas at malakas na katawan.
"Pero Sir... Hindi ba ito masamang plano? Si Ma'am Agatha ang asawa mo. Papayag ka ba kung ang asawa mo ay hahawakan ng isang lalaking tulad ko? Sa tingin ko kasi sir, hindi ito makatwiran!" sagot ni Thaleon, sinusubukang panatilihin ang dignidad ng kanyang amo.
"Hays, bahala na sa mga bagay na yon. Gusto lang namin ng anak. Kung hindi kami magkakaanak eh ang kasal namin ang sakripisyo at mawawala sa akin ang lahat, pati na rin ang lahat ng itinayo ko ay mawawalan ng saysay. Ayaw kong mangyari iyon!" sabi ni Oscar nang may matigas na tono.
Ibinaba ni Agatha ang kanyang mukha, sa totoo lang, hindi sumasang-ayon ang babae sa planong iminungkahi ng kanyang asawa. Dahil, kailangan nilang dumaan ni Thaleon sa napaka-intimate na gawain at alam niyang hindi nila dapat gawin ang bagay na iyon.
"Honey, sigurado ka bang gusto mong gawin ko ito? Nag-aalangan ako!" nag aalangan sabi ni Agatha kay Oscar.
Si Agatha ay isang magandang babae na anak ng isang pinakamayamang businessmen sa Maynila.
"Wala tayong ibang pagpipilian, Honey. Alam mo namang gusto na ng Papa mo na magkaroon tayo ng anak sa lalong madaling panahon. However, alam mo naman ang nangyari sakin diba? pagkatapos ng aksidente na iyon, sinabi ng doktor na baog na ako kaya imposible na mabigyan kita ng anak. Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka, Agatha! Napipilitan rin naman ako pero kailangan nating gawin ang paraang ito para matuwa ang daddy mo!" sabi ni Oscar habang kinukumbinsi ang kanyang asawa na pumayag sa plano.
Sinubukan ni Agatha na intindihin ang punto ng kanyang asawa at ang problema nito sa kanyang reproductive system.
Pagkatapos ng aksidente dalawang taon na ang nakalipas, si Oscar ay na-diagnose na hindi maaaring magkaroon ng anak dahil ang kanyang testicles ay may problema marahil ay sa pagkakalantad sa mga kemikal noon.
Bukod pa rito, ang mga demand ng kanyang magulang at ang pagnanais ng mga ito na magkaroon na sila ng anak ni Oscar sa lalong madaling panahon.
Dahil siguro ay halos limang taon na silang kasal ni Oscar. Sa katunayan, hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuntis si Agatha.
Mahal na mahal ni Agatha ang kanyang asawa at ayaw niyang makita ang karera ni Oscar na masira dahil ang asawa niya ay nagtatrabaho sa kumpanya ng kanyang magulang.
Kahit napipilitan, sinunod ni Agatha ang kahilingan ng kanyang asawa. Sa labis na pagpipilit sa sarili, kailangan niyang tanggapin na si Thaleon ang magpupuno sa kanyang sinapupunan ng mga binhing magbibigay sa kanila ni Oscar ng anak. Bagaman nag-aalangan pa rin ang babae na gawin ito dahil si Thaleon ay isang katulong lamang sa bahay.
"Okay, papayag akong gawin ito, pero honey, hindi ako sigurado kung si Thaleon ay makapagbibigay ng magandang genes para sa baby natin. Alam mo naman na isa lang siyang lalaki mula sa probinsya. Mukha pa lang niya, mukhang probinsyano na!" sabi ni Agatha habang tinitingnan ang napaka simpleng itsura ni Thaleon.
Nakaramdan naman si Thaleon na pinag-uusapan siya ng kanyang amo. Tiningnan ng lalaki ang kanyang sarili. Sandali niyang naamoy ang sarili niyang katawan na sa tingin niya ay hindi maganda, amoy asim at pawis.
Dagdag pa ang suot niyang lumang pantalon habang naglilinis ng bahay. Kitang-kita na ang itsura ng lalaki ay hindi kaakit-akit sa mata ng mga babae, lalo na sa kanyang amo.
"Naisip ko tuloy kung si Ma’am Agatha ay nanaising lumapit sa isang lalaking tulad ko? Maganda si Ma’am Agatha, pero ako... Eto amoy kambing pa ata ang katawan ko, paano ko siya lalapitan o di kaya’y mabubuntis?" bulong ni Thaleon na may naguguluhan na ekspresyon.
Hindi nakapagtataka na nairita si Agatha kay Thaleon. Ang babae ay isang socialite na sanay makisalamuha sa mga mayayamang mga tao, ano kaya ang mangyayari kung siya ay mabuntis ng isang lalaki na isang katulong lamang sa kanyang bahay?
Muling hinikayat ni Oscar ang kanyang asawa na sundin ang kanyang plano, "Huwag ka nang mag-alala, Honey. Hindi ito kasing sama ng iniisip mo, okay? Si Thaleon ay isang katulong mula sa probinsya, I know pero hindi ko pinagdududahan ang kanyang kakayahan. Alam mo naman kung hindi dahil sa kanya, paano ako makakaligtas mula sa mga magnanakaw at tambay na iyon noon? Sigurado ako na matutulungan tayo ni Thaleon sa bagay na ito. Bukod pa rito, napatunayan na ang fertility niya, mayroon siyang tatlong anak. Malamang isa o dalawang gabi lang ay makakabuo na kayo!" sabi ni Oscar nang hindi iniisip ang iba pang kahihinatnan ng plano niya. Ang nasa isip niya lamang ay ang kanyang karera, kailangan niyang iligtas ang kanyang karera lalo pa’t nasa tuktok na siya sa kumpanya.
Dahil sa pagpupumilit ng asawa, sumuko si Agatha, dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang asawa, hindi rin niya ito matanggihan.
"Bahala ka, pero huwag mo akong sisihin kung ang baby na ipapanganak ko ay hindi mo kamukha, kundi kamukha ni Thaleon!" sagot ni Agatha na may malungkot na mukha. Ngumiti naman si Oscar habang hinahalikan ang noo ng kanyang asawa.
"Huwag kang mag-alala tungkol doon. Ang mahalaga ay mabuntis ka at magkaanak na tayo. Ito ang pinaka goals natin, hindi ba?" sabi ni Oscar.
Pagkatapos amuhin ang asawa, muling nilapitan ni Oscar si Thaleon na nakatayo at nakayuko sa mga oras na ito. Mukhang nagpapanic ang lalaki dahil sa pagkakataong ito, ang kanyang trabaho ay hindi ordinaryong trabaho lamang, kundi isang trabaho na kahit madali tingan ngunit may kaakibat itong panganib.
Pero kasi… nangako na siya sa kanyang pangalawang anak na bibilhan niya ito ng bagong bisikleta.
"Thaleon, what do you think of my offer kanina? Pumayag na ang asawa ko na gawin ito. Ngayon eh, hinihintay ko na lang ang desisyon mo. Tandaan mo, kailangan mo ng maraming pera para makapag aral ang iyong mga anak, hindi ba’t gusto mong pasayahin ang iyong mga magulang? Sa perang inaalok ko, maaari mong ayusin ang bahay niyo upang may komportableng tahanan ang pamilya mo, hindi na tumutulo kapag umuulan at pinapasok ng baha. Pag-isipan mong mabuti ang offer na ito, Thaleon. Nagbibigay ako ng espesyal na offer para sayo dahil alam kong matutulungan mo ako sa bagay na ito" sabi ni Oscar nang may diin.
Siyempre, bilang isang katulong lamang, paano niya mahahawakan ang asawa ng kanyang amo? ito ay isang bagay na napaka imoral at ipinagbabawal, alam niya iyon. Ngunit, kung iisipin ang kalagayan ng kasal nina Agatha at Oscar, sa huli ay pumayag si Thaleon sa plano ng amo niya.
Bukod pa rito, madalas marinig ni Thaleon na mag-aaway sina Agatha at ang kanyang asawa dahil lamang sa anak, kaya naman naawa ang lalaki kay Agatha na umiiyak pagkatapos ng away nilang mag asawa.
Pagkatapos mag-isip ng libo libong beses, sa wakas ay pumayag si Thaleon sa plano upang tulungan ang mag-asawa.
"Sige po, Sir. Handa po akong tulungan kayo. Sabihin niyo lang po kung paano po ang gagawin natin sa plano na to?" sabi ng lalaki nang walang kaalam-alam sa haharapin. Tumawa si Oscar nang marinig ang napakapuro na sinabi ni Thaleon.
"Nako naman Thaleon, paano mo naitanong ang bagay na iyan? Tatlo na ang anak mo’t lahat lahat tapos tatanungin mo pa rin kung paano gumawa ng bata?" sabi ni Oscar na hindi sinasadya ay bahagyang tumawa rin si Agatha.