LOGINSi Maya Santos 26, isang hamak na sekretarya .kailangan niya ng dalawang milyon para sa operasayon ng nanay niya Si Drake Montenegro 31,ang bilyonaryong CEO na kinakatakutan ng lahat .kailangan niya ng pekeng asawa sa loob ng isang buwan para sa hiling ng lola niyang may taning na ang buhay. Isang gabi,nag-alok sa Drake."Isang buwan lang bilang asawa ko,limang milyon ang kapalit." Pumayag si Maya.pumirma sa kotrata.Pero may isang kondisyon na hindi nya kayang tuparin :BAWAL SIYANG MA-INLOVE . Paano kung sa gitna ng pag papanggap,matutunan nilangmahalin ang isa't isa? At paano kung ang isang buwang kasunduan ay maging habang buhay na pag-ibig?
View MoreMaaga pa lang ay gising na si Maya, pero hindi siya makagalaw.Hindi dahil pagod siya. Hindi dahil masakit ang katawan niya mula sa buong gabing pag-aalaga kay Drake.Gising siya dahil sa bigat ng braso na nakayakap sa bewang niya.Mainit. Mabigat. Pamilyar.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Ang unang bumungad sa kanya ay ang puting kisame ng penthouse ni Drake. Hindi ito ang maliit niyang apartment sa Tondo. Hindi ito ang maingay niyang kwarto na may tumutulong bubong.Nasa Forbes Park siya.At nasa kama siya ni Drake.Lumingon siya nang dahan-dahan. At halos mapahinto ang paghinga niya.Si Drake Villanueva. Ang CEO na kilala sa pagiging malamig, sa pagiging strikto, sa pagiging walang puso.Mahimbing na natutulog sa tabi niya. Ang buhok nito ay magulo. Ang labi nito ay bahagyang nakabuka. Ang mahahabang pilik-mata nito ay nakapikit nang mahimbing. Wala ang matalim nitong tingin. Wala ang nakakunot nitong noo.Sa unang pagkakataon, nakita ni Maya si Drake na payapa.At ang br
Huwebes ng gabi. Alas diyes na ng gabi sa Forbes Park. Malakas ang ulan sa labas ng condo ni Drake Montenegro at kumikidlat ng malakas. Yung tipong ulan na parang galit ang langit at ayaw tumigil. Nasa sala si Maya Santos na nakaupo sa dulo ng sofa at nakayakap sa unan na binigay ni Drake. Nasa kabilang sofa naman si Drake na nakaupo at may laptop sa harap at kunwari nagtatrabaho pero panay sulyap kay Maya.Isang linggo na simula nung lumipat si Maya sa condo ni Drake dahil sa kontrata nilang 5 million pesos na pekeng kasal. Isang linggo na pero hindi pa rin sila sanay na magkasama. Hindi pa rin sila sanay na tawaging asawa ang isa't isa. Si Drake, sanay na mag-isa sa condo na tahimik at malamig at walang amoy ng pritong tuyo. Si Maya, sanay sa Tondo na maingay at mainit at maraming tao at amoy sinigang lagi ang bahay. Ngayon pareho silang naninibago."Maya, bakit gising ka pa? Alas diyes na. Matulog ka na sa kwarto. Malamig na dito sa sala," sabi ni Drake na hindi tumitingin kay Maya
Maaga pa lang ay gising na si Maya. Alas sais pa lang ng umaga pero hindi na siya mapakali sa higaan. Nasa guest room siya ng condo ni Drake Montenegro sa Forbes Park. Ito ang unang umaga niya bilang pekeng asawa ng isang CEO.Bumangon siya dahan-dahan. Suot niya ang lumang pajama na binili niya pa sa palengke ng Quiapo. Hindi siya sanay sa ganitong kalaking bahay. Lahat ay puti, lahat ay mamahalin, at lahat ay malamig dahil sa aircon. Ang tahimik ng buong condo.Lumabas siya ng kwarto at balak niya sanang magtimpla ng kape. Pero pagdating niya sa kusina, napatigil siya.Nandoon si Drake.Nakatayo si Drake sa kusina at nagtitimpla ng kape. Shirtless. Tangning boxer shorts lang ang suot niya. Ang kumot na ginamit niya kagabi ay nalaglag na sa sahig ng sofa. Kita na kita ang malapad niyang likod, ang matipunong braso, at ang abs niya na parang pandesal na mainit pa. Basa pa ang buhok niya na parang bagong ligo.Natulala si Maya. Hindi siya makagalaw. Napalunok siya nang malakas."Lord,
Pagkatapos ng birthday ni Lola Amelia sa Tagaytay, hindi pa rin makapaniwala si Maya Santos na nasa daliri pa rin niya ang sing-sing na pamana ng pamilya Villanueva. Gold, may maliit na diamante sa gitna, at sobrang bigat ng meaning.Habang nasa van pabalik ng Manila, tahimik lang si Maya sa tabi ni Drake Villanueva. Hawak niya pa rin ang kamay ni Drake, pero hindi dahil sa kontrata. Hawak niya kasi gusto niya."Maya, pagod ka ba?" tanong ni Drake, mahina boses niya, hindi na suplado tulad dati."Hindi, Drake. Masaya lang ako. First time kasi na may pamilya na nag-welcome sa akin ng ganun. Lola Amelia, hinawakan pa kamay ko tapos sabi niya, ikaw na raw ang bagong pag-asa ng pamilya niyo."Ngumiti si Drake, yung ngiting bihira lang makita ng mga tao. "Alam mo ba, 10 years na hindi ngumiti ng ganun si Lola simula nung namatay si Lolo. Pero kanina, dahil sayo, tumawa siya ng malakas."Napatingin si Maya kay Drake. "Talaga?""Oo. Kaya Maya, thank you."Pagdating sa penthouse ni Drake sa B






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.