Idinilat ni Agatha ang kanyang mga mata at agad na inalis ang kamay ni Thaleon mula sa kanyang balikat. Natural, nagulat si Thaleon sa biglaang pag-alis ni Agatha.
"That's enough! Thank you sa pagmasahe mo sakin, medyo gumaan na ang pakiramdam ko!" sabi ng babae habang umuupo nang medyo malayo kay Thaleon.
Hindi rin nagpumilit si Thaleon sa kanyang among babae. Umupo rin ang lalaki sa parehong kama ngunit malayo sila sa isa't isa.
"Pasensya na po kung hindi kayo naging komportable sa presensya ko, ma'am Agatha," sabi ni Thaleon na nakaramdam ng pagkahiya.
"No… It's fine, relax lang muna tayo!" sagot naman ni Agatha na sa totoo lang ay kinakabahan din.
"Sige, susubukan kong maging relaks, tapos...ano ang gagawin natin pagkatapos non, ma'am? Pupunta ba tayo agad sa main goal natin? ang gumawa ng baby?"
Ang mga salita ni Thaleon ay agad na nagpatindig ng balahibo ni Agatha, hindi dahil sa takot sa multo, kundi ang mga salita iyon ay tila bumabagabag sa kanyang isipan nang higit pa sa isang multo.
"Erm… ano ba, paano ba 'yan! Sa totoo lang, hindi ako makaramdam ng pagnanasa sa ibang lalaki maliban sa sarili kong asawa. Kaya naman pasensya agad kung hindi ko maiisip ang presensya mo sa gagawin natin, dahil ang asawa ko lang ang laging nasa isip ko!" diretsahang sabi ni Agatha.
Tumawa si Thaleon at naunawaan ang sinabi ng kanyang among babae.
"Ayos lang po yun, ma'am Agatha, naiintindihan ko po ang point nyo. Pero wag po kayong mag aalala, sisikapin kong gawin komportable hangga't maaari, hindi ko rin po kayo sasaktan. Gagawin ko ito ayon sa kahilingan nyo ma'am, kung gusto ninyo ng mabagal, sige kaya ko. Kung gusto ninyo ng katamtamang bilis, wala rin akong problema. Kahit na gusto n'yo ng buong lakas, wala rin akong problema!"
Ang mga salita ni Thaleon ay nagpatawa nang bahagya kay Agatha.
Nakakapanibago lang, ang topic na pinag-uusap nila ay ang mga bagay na hindi normal pag-usapan pero kung makapagsalita ang lalaki ay parang umorder lang siya nang chicken sa jollibee.
Nakita ni Thaleon na bahagyang tumawa si Agatha, kinamot ng lalaki ang kanyang batok, ano ang mali sa kanyang sinabi?
Hindi ba’t binayaran siya ng mga ito para buntisin ang asawa ng ibang tao?
Dapat ay maibigay niya ang pinaka komportableng serbisyo para kay Agatha. Upang hindi magkaroon ng trauma ang babae kung sakaling magkaroon sila ng muling pakikipagtalik kung hindi pa nagtagumpay ang pagbubuntis.
"Bakit ka po tumatawa, Ma'am? May nakakatawa po ba?" tanong ni Thaleon habang pinipigilan ang kanyang ngiti.
Itinuwid ni Agatha ang kanyang ulo, sandaling ngumiti ang babae hanggang sa ipakita ang kanyang malinis na puting ngipin.
Iba sa ngipin ni Thaleon na maputi at malabo, at may pagka-dilaw pa dahil sa sobrang pag-inom ng kape at paninigarilyo.
"Hay nako, ano bang nangyayari sa atin, Thaleon? Hindi ito makatuwiran, hindi diba? Nakakatawa na lang talaga ang sitwasyong ito!" sabi ni Agatha habang umiiling.
Tumawa rin si Thaleon, "Ewan ko ba, ma'am. Hindi ko rin inakala na makakakuha ako ng ganitong trabaho mula kay sir Oscar. Ang pagbubuntis sa inyo ay isang bagay na napakabawal at imoral tingnan. Ngunit, tila pareho nating kailangan ang bagay na ito eh. Gusto niyo ma'am Agatha ng anak, habang ako naman ay gusto kong tustusan ang mga pangangailangan aking mga anak!" sabi ni Thaleon na agad na nakakuha ng pansin ni Agatha upang pag-usapan ang mga anak ng lalaki.
"Ang mga anak mo ay nakatira sa lola nila ngayon, hindi ba?" tanong ni Agatha. Mahinang tumango si Thaleon.
"Ahh, kung gayon, ayaw mo bang magpakasal muli? Bata ka pa at malakas, for sure ay maraming babae ang gustong maging asawa mo!" sabi muli ni Agatha.
Ibinaba ni Thaleon ang kanyang mukha habang umiiling. "Nangako akong hindi na magpapakasal muli, ma'am. Ang aking yumaong asawa ang huling babae sa buhay na’to, nakatuon lang ako sa pagpapalaki sa mga anak namin ngayon, kaya nga ako lumuwas rito sa maynila para sa kanila at nagkataon lang na nakilala si sir Oscar nang hinahabol siya ng mga magnanakaw noon."
Huminto sandali si Thaleon bago ipagpatuloy ang kanyang mga salita. "Dinala niya ako sa inyong bahay at pinagkatiwalaan bilang punong tagapamahala nyo. Sa totoo lang, ito ay isang karangalan para sa akin. Hanggang sa hindi ko ineexpect na aalukin ako ni sir ng ganong trabaho... Isang lalaking binayaran para buntisin ang kanyang asawa!"
"Hindi ito ayon sa aking kalooban, pero kasi ang pagmamakaawa ng pangalawang anak ko noon para bilhan ko siya ng bisikleta ang nagtulak sakin at nagpatinag sa aking puso para tanggapin ang alok ni sir Oscar. Pasensya na po talaga, ma'am!" sabi ni Thaleon na agad nakapag paawa kay Agatha.
"Oo, ganoon din naman ako. Pakiramdam ko ay sobrang imposible nito, hindi ba? Pero, patuloy akong pinipilit ni Daddy na magkaanak agad. Kung hindi ay sisisantehin ni Daddy ang asawa ko sa kanyang posisyon sa kumpanya at ayaw kong mangyari iyon, mahal na mahal ko ang asawa ko. Naiintindihan mo ang nararamdaman ko, hindi ba, Thaleon?" sagot ni Agatha na hindi namamalayan na umiiyak na pala siya.
Nang makita ang babaeng umiiyak, lumambot ang malambing na puso ni Thaleon.
Hindi matiis ng maskuladong lalaki na makita si Agatha na malungkot, agad siyang lumapit at umupo sa tabi ni Agatha.
"Natatakot ako, Thaleon, sobra! Takot ako na mawala ang lahat!" lalong humihikbi si Agatha. Agad namang niyakap ni Thaleon ang babae upang pakalmahin ito.
Ewan kung bakit, ngunit agad isinandal ni Agatha ang kanyang ulo sa malaking dibdib ng tagapaglingkod nila. Tila nakaramdam siya ng kapayapaan habang nasa yakap siya ng lalaki.