Share

Chapter 30

ELI

"Oh, heto at uminom muna kayong dalawa ng kape."

Ibinaba ni mama ang dalawang tasa ng kape sa ibabaw ng mini-table namin sa sala. Umuusok pa ang laman nito, saktong-sakto para mainitan ang nilalamig ko pa ri'ng katawan.

"Maiwan ko muna kayo diyan ni Theo ha. May liligpitin lang ako sa kusina." Paalam nito at pagkatapos ay lumingon siya kay Theo. Nginitian niya lang ito saka siya tumalikod at naglakad pabalik sa kusina dala ang tray na pinaglagyan niya ng mga tasa ng kape.

Muli ko'ng pinunasan ang medyo basa ko pang buhok gamit ang towel na nakasabit sa aking batok.

Kinuha ko 'yung isang tasang kape nang hindi nililingon ang lalaking nakaupo sa may bandang kaliwa ko. Nahihiya kasi ako sa kanya.

Nakaupo ako ngayon sa mahaba naming couch habang si Theo naman ay nasa pang-isahang upuan na halos isang metro lang ang layo sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status