His Disguise Secretary (BL STORY)

His Disguise Secretary (BL STORY)

last updateLast Updated : 2022-12-01
By:  PseudonymOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
2.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Lucas is the CEO of the most successful company, he’s a cold-hearted womanizer. He loves to play with women’s feelings. Nikolai is a womanizer too, but after what happened to his sister, he changed himself. He plans to take revenge on the man who broke his only sister’s heart. He decided to disguise himself as a woman. His goal is to make Lucas fall in love with him and then break his heart, but what happens is the opposite, he’s slowly falling in love with Lucas and he can’t believe that he likes Lucas even though they’re both men? Will he choose those feelings arising in his heart for Lucas over his revenge? Or is there something else in his destiny?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

"Kuya, gising na!"

"Kuya!" Nagising ako sa boses na 'yon at dahil na rin sa yumuyugyog sa binti ko.

“Hmm...” Nakita ko si Nadya sa harapan ko nakatayo. 

"Kuya gising na umagang-umaga na oh."

Saad nito habang naka crossed arm.

"Bakit ba? May kailangan ka?” Bumangon ako sa kama at tinignan ko siya.

“Pwede bang samahan mo ako sa mall? May kailangan lang akong bilhin." Pagsusumamo niya.

"Ano naman ang bibilhin mo? Kailangan mo pa talaga akong isama dyan?" Tanong ko.

"Bibili ako ng regalo sa boss ko. Birthday niya kase bukas kuya hehe." Saad nito.

“Okay, fine! Magbihis ka na para makaalis na tayo. May gagawin pa ako--“

"May gagawin na ano? Babae na naman! Tsk, hindi mo na talaga ako mahal kuya! Nagtatampo na ako sayo, mas mahal mo pa yang mga babae mo kaysa sa nag-iisang kapatid mo."

“Wag mong sabihin yan! Mas mahal kita, Nadya my princess. Sige na maligo ka na at magbihis sa kwarto mo para makaalis na tayo.”

"Nakabihis na ako kuya, ikaw na lang ang hinihintay ko." Nanlaki ang mata ko, at tinignan ko siya ng mabuti. 

Oh, nakabihis na nga talaga siya at mukhang handa nang umalis. Ba't di ko napansin kagad 'yun? Dibale dahil siguro bagong gising ako kaya ganon.

“Bilisan mo kuya! May trabaho pa ako sa hapon."

“Required bang bigyan siya ng birthday gift? Pwede namang batiin mo nalang siya ng happy birthday, di ba pwede yon?" Tanong ko pa.

Ano bang klaseng boss yan, napaka demanding.

“Kuya!” Naka-pout siya. Napangiti naman ako.

“Sige po, maliligo na ako mahal na prinsesa." Sabay nag bow pa sakanya kaya natawa ito.

Lumabas na siya ng kwarto kaya nag tungo na ako sa banyo pero lumabaa ulit ako kase naalala kong hindi ko pala dala ang tuwalya ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto ko.

"Magandang umaga ma."

“Magandang umaga din, anak. Halika na kayong dalawa dito, kain na tayo." Umupo ako sa upuan ko.

"Salamat sa pagkain ma." Sabay naming sabi ni Nadya.

"Walang anuman.." Ngumiti si mama saka nagsimulang kumain.

"Oh, saan nga pala kayong dalawa pupunta?" Tanong niya at uminom ng isang basong tubig.

"Sa mall ma, gusto ni Nadya na bumili ng regalo para sa kaarawan ng boss niya po." Tumingin sa akin si Nadya at ngumiti.

“Oh! Kung ganoon, mag-ingat kayong dalawa. At Nikolai bantayan mo yang kapatid mo, siguraduhin mong palagi siyang nasa tabi mo." Bilin nito.

"Of course ma." Sagot ko.

"Ma hindi na ako maliit na bata!"

“You’re acting like a kid now, Nadya, don’t pout, mukha kang pato.” sabi ko. 

Nagtawanan kaming dalawa ni mama.

Kinurot ni Nadya ang pisngi ko. “Aray! Ang sakit ah!” She chuckled.

_

"Aalis na kami ma paalam. I love you!"

"Bye ma. I love you!" Hinalikan siya ni Nadya sa pisngi at hinalikan ko rin siya.

Pumasok na kami sa kotse at nag drive papuntang mall.

Nandito na kami sa mall. Kasalukuyang pumipili ng necktie si Nadya. "Kuya ano ang mas magandang necktie ito o ito?"

"Mas maganda ang itim, para sa akin ba yan?" Ngiting tanong ako. Natawa ako nang tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi! Nandito tayo para bumili ng regalo para sa kaarawan ng boss ko hindi para sa iyo kuya."

"Wala ka rin bang regalo para sa akin?"

"Kuya hindi mo birthday. Yong birthday mo next year pa remember?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinalikuran. “Sis! Hindi mo ba ako mahal?” Tanong ko habang naka-pout ang labi ko.

"Heto na naman tayo." She murmured at huminga ng malalim.

"Okay, ano gusto mong bilhin ko para sayo?"

“Hmm, gusto ko lang ng ice cream little Sis." Sabi ko, saka ngumiti sa kanya.

"Pagkatapos nito, bibili tayo ng ice cream."

Pareho kaming mahilig sa ice cream, paborito namin ito.

“Bro, hintayin mo ako dito ha! Kailangan kong pumunta sa banyo saglit. Dito ka lang! Okay?!” she's looking at me, para bang binabasa niya ang nasa isip ko.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Sige, huwag kang mag-alala hihintayin kita dito, Lil Sis."

“Hmph! Pagbalik ko dito, siguraduhin mong wala ka nang kasamang babae tulad ng dati kuya kundi lagot ka sakin!"

“Oo, pangako! Hindi ako sasama sa mga babae sa ngayon." Sabi ko sabay nag cross sign.

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo.

Napataas ang kilay ko nang may nakita akong isang seksing babae na dumaan sa harapan ko. "Damn, ngayon lang ako nakakita ng sexy angel." bulong ko.

I was about to approach that girl but then I heard my phone ring, kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

Unknown number? Sino to?

Ah, tama! Siya ang nagte-text sa akin. Kailan ba siya titigil sa pagte-text sa akin? Dapat iblock ko na lang number niya kasi nakakainis na siya.

I was kinda shocked nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. "Nikolai, babe, miss na miss na kita!"

Tiningnan ko ito at nakita ko...

Sandali. Sino siya??

Oh, parang pamilyar siya! Tama, baka siya ang babaeng na-date ko noong nakaraang linggo o noong nakaraang buwan, hulaan ko.

Ano nga ulit pangalan niya? I'm sure nagsisimula sa letter R... naku! Mali ako, I guess it's B? Ughh damn, hindi ko alam! wala akong maalala!

“Na-miss din kita, babe!” Pinilit kong ngumiti at niyakap siya pabalik.

I remember now, she’s the girl I met last Friday sa bar. we both go to the hotel and something to us, then I leave her after that. Damn, hindi ko inaasahan na makikilala ko ulit ang babaeng ito.

“I’ve been texting you these few days, but I haven't receive a single text back from you, tapos hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko, babe! Pagkatapos ng nangyari sa atin, pakiramdam ko iniiwasan mo na ako!"

Dahil ayaw na kitang makita at makausap. Hindi ba halata? Sadyang slow headed lang talaga ang babaeng 'to.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Vincent Christiana
I love this story
2024-04-03 11:44:27
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status