Share

CHAPTER 3 (Sakit at Galit)

Author: Your Sunshine
last update Last Updated: 2024-07-05 20:02:53

Napabalik sa huwisyo niya si Solene dahil ayaw pa rin siyang bitawan ni Wilhelm. “Bitawan mo ‘ko sabi! Tulong!” sigaw ng dalaga pero walang nakakarinig sa kanya.

“Sorry pero tayo lang dalawa ang nandito ngayon.”

Napaatras ang dalaga. “A-Ano?” nauutal nitong tanong na tila hindi makapaniwala.

Napangisi si Wilhem na tila ba ngiting tagumpay ito. “You heard it right, my lady.” Kumindat pa ito at ngumisi na parang demonyong may masamang binabalak.

“K-Kasal ako! H-Hindi ako pwedeng ibenta ng tatay ko! H-Hindi mo gugustohing malaman ang pangalan ng asawa ko dahil malalagot ka!” Pagbabanta pa ni Solene kahit na nauutal na ito.

“Kasal? Sinong asawa mo? H’wag ka ngang magpatawa, Solene. Akin ka na

ngayon.”

“Isang Anderson ang asawa ko! S-Si Holden A-Anderson! Siya ang asawa ko!” sigaw naman ng dalaga na pilit ipinapakitang hindi siya natatakot.

“Pwe! Magpapasagasa ako sa tren kung totoo ‘yang sinasabi mo! Baliw!” Natatawa pa nitong sagot.

“Hindi ako nagsisinungaling—”

Hindi pa man natatapos ni Solene ang sasabihin niya nang itulak siya ni Wilhem. Tumama ang tiyan niya sa lamesa malapit sa kanya. Sa sobrang sakit niyon ay agad siyang namilipit.

“You are such a b*tch. Hindi pa ako tapos sa ‘yo!” banas na sigaw ng binata saka niya iniwan si Solene na nakaupo sa sahig hawak-hawak ang nananakit nitong tiyan. Kusa na lang pumatak ang luha sa mga mata niya.

Nagsidatingan na ang ibang estudyante. Kaya siguro bigla na lang siyang tinulak ni

Wilhelm para makatakas ito.

Hindi naman na magawang manlaban ni Solene. Pwede niyang ipagtanggol ang sarili niya pero sa paraang hindi siya dapat makasakit ng iba dahil kapag nangyari iyon ay baka hindi na siya makalabas pa ng buhay. Sa uniberisad kasing ‘to, isa lang siyang tuldok na pwedeng mabura. Kung hindi nga lang dahil sa scholarship niya ay hindi siya makakapag-aral dito.

Nagpasya siyang magpunta na lang ng hospital para magpareseta dahil hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang sakit.

In-assist naman siya ng mga nurse doon.

“Dr. Lim, may pasyente po tayo,” wika ng nurse saka nito inakay si Solene paupo sa harapan ng Doktor na si Stefano.

Pag-aari nina Stefano ang Lim Medical Hospital. Isa itong private hospital. Half Chinese Half Filipino ito pero dito na siya sinilang at nanirahan sa Pilipinas.

“Good morning, Miss. What can I help you?” nakangiting tanong pa ng binata. He is just twenty-seven years old.

Nung una ay nahihiya pa si Solene na sabihin pero kalaunan ay nasabi niya rin kung anong dahilan bakit nandito siya ngayon sa hospital.

“S-Sumasakit ho k-kasi ang a-ano ko.”

Napakunot-noo naman si Stefano. “Ang ano, Miss?” tila ba takang-takang tanong ng doctor.

Napangiwi si Solene. Paano niya nga ba sasabihin? Tila kakapusin na siya ng hangin.Namula ang kanyang pisngi sa hiya. “Yung sa baba k-ko po. M-Masakit.”

Namilog naman ang mga mat ani Stefano sa mga sinabi nito. “Wait, d-down

there? Ilang taon ka na ba? May I have your ID?” nagtatatakang wika ng binata.

Agad naman na dinukot ni Solene ang ID mula sa bag niya saka iyon iniabot. “T-Twenty years old."

Nagsalubong ang kilay ni Stefano habang tinititigan ang ID ng dalaga. He's like examining it. “Twenty ka

na? Sigurado ka? E mukha kang minor. Nagsasabi ka ba ng totoo?”

“Doc, hawak niyo na po ang ID ko, e.”

“Well, let me check. Did you have an intercourse? O, may iba pang dahilan sa

tingin mo kung bakit sumasakit iyan?” Pag-uusisa ni Stefano.

“’Y-Yung nauna niyo pong sinabi.” Nahihiyang sagot ni Solene. "I-It was my first

time." Paliwanag niya pa.

Napabuntong-hininga na lang si Stefano saka niya binigyan ng prescription ang

dalaga nang hindi na ito magtagal at matanggal na ang sakit. Isa pa,

nararamdaman niyang nahihiya na rin ito.

“Here, take this. Nakasulat na rin diyan kung anong oras mo iinumin para mawala

na ang sakit.”

“T -Thank you po. H-Hindi ho ba ko mamamatay dahil dito?” inosenteng tanong

ng dalaga.

Stefano chuckled. “Hindi. ‘Wag kang mag-alala.” Umiiling-iling nitong sagot.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng hospital ay pumara siya ng taxi para umuwi.

Hindi niya maipaliwanag pero kinakabahan siya nang mga oras na iyon. Siguro,

dahil lang sa poging at batang doctor na umasikaso sa kanya. Mukha naman itong

mabait.

Pagdating na pagdating niya sa bahay nila ay nakarinig siya ng matinding

pagtatalo. Nagmamadali siyang pumasok sa loob at naabutan nga niya ang nanay

niya na nakasalampak sa sahig.

“Wala kang kwentang ama! Ultimo anak mo, ibebenta mo para sa bisyo at sugal?!

Walang hiya ka!” sigaw ng Mama niya.

Nag-aaway na naman sila. Palagi naman. Dahil sa pera, bisyo, at sugal.

“Mama? Papa? Anong nangyayari?! Pa! A-Ano na namang ginawa mo?”

natatarantang tanong ng dalaga nang makita niya ang bawat galos at pasa sa

mukha ng Mama niya.

“Huwag kang makialam dito, Solene! Kung ako sa ‘yo, sundin mo na lang ako kung

ayaw mong magaya sa nanay momg walang kwenta! Sakitin na nga, wala pang

kwenta! Isang pasanin! Pabigat!” bulyaw ng Papa niya na lasing na lasing na

naman.

Parang dinudurog si Solene na makitang ganoon ang pamilya niya. Ang Mama niya

na may sakit ay nagawa pang bugbugin ng Papa niyang wala nang ginawa kundi

ang uminom at magpakalasing. Magpakasaya kasama ng barkada at umuwing

susuroy-suroy at wala nang pera.

“I-Ibalik mo ang ipon ng anak mo, Rico! H-Hindi ‘yan sa ‘yo! Ipon ng anak mo ‘yan

dahil gusting-gusto niyang mag-aral. M-Maawa ka naman!” Pagmamakaawa ng

Mama niya pero tila ba walang naririnig ang Papa niyang kahit munting tinig.

“P-Pa? T-Totoo bang binenta mo ako? K-Kay W-Wilhelm? B-Bakit? S-Saka, ‘yung

ipon ko pa. P-Para ‘yan sa skwela saka sa gamot ni Mama. P-Please, h’wag niyo

naman hong g-galawin ‘yon.” Pagmamakaawa pa nito.

Matigas na umiwas ng tingin si Mang Rico. “P-Pasensya ka na, anak. T-Talo ako sa

sugal. Papatayin nila ako kapag hindi ako nakapagbayad. K-Kaya naibenta kita. A-

At itong i-ipon mo, h-hiram lang naman, e. I-Ibabalik ko ‘to. K-Kailangan ko lang

talagang makabawi.” Paliwanag pa nito na para bang desperadong desperado na talaga siya.

Hindi lubos akalain ni Solene na aabot sa ganoong punto ang tatay niya. Lason ito

sa pamilya. Nanghina na lamang siya bigla.

Pilit na tumayo ang nanay niya para agawin ang pera. “Akin na ‘yan sabi!” anito

nang buong lakas.

“Sinabi nang hihiramin ko lang!” sigaw ng tatay niya saka nito tinulak ang nanay

niyang hindi na nga halos makatayo dahil sa pananakit na natamo nito.

Sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ay tumama ang ulo nito sa isang matigas na

bagay sa loob ng bahay saka ito nawalan ng malay. Hanggang sa nandilim na lang

ang paningin ni Solene nang makita ang napakaraming dugo na nagkalat sa sahig.

Habang ang tatay niya ay nagtatakbo palayo.

 

Hindi na malaman ni Solene kung anong mararamdaman niya nang mga oras na iyon. Sakit ba o galit? Tila kasi nag-aagawan ang mga iyon ng espasyo sa dibdib niya. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 22 (Welcome Party)

    Higit-higit ni Holden ang kamay ni Solene habang nagmamadali itong naglakad papuntang parking lot. He’s on serious mode at the moment. The thought of Vlad being with Solene makes him mad. Bakit tila lumiliit ang mundo? Now that Vlad knows he knows Solene, mas maghihinala iyon. Knowing, he knows that he’s been with Valerie last night. And they’re siblings for pete’s sake!“How did you know that man?” he asked nang tumigil sila sa tapat ng sasakyan nito.Napakagat-labi tuloy si Solene. Bakit parang nakakatakot naman ito ngayon? Ang daming tanong sa isipan niya lalo pa nung gabing hindi ito nakauwi pero pinili niya munang huwag magtanong.“Magkakilala sila ng best friend ko, Holden.” Matapat at diretso niyang sagot kahit na medyo kabado siya.“Then how come magkatabi na kayo agad? Don’t be so close with him. I am warning you.” Tiim-bagang na banta nito. Seryoso siya sa bawat salitang binitawan niya.“Bakit naman hindi? Mukha naman siyang mabait at saka, wala rin naman akong ibang kaibigan

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 21 (Hello, Ex)

    Napahilot si Holden sa sumasakit niyang ulo habang nakasandal siya sa kanyang swivel chair. Wala siyang sapat na tulog. Madaling araw na siyang nakauwi mula nang puntahan niya ang ex niya. Hindi niya magawang humindi dito. He’s always been like that simula’t sapul. Noong maayos pa ang lahat. Noong mga panahong okay pa silang dalawa. He was a dedicated lover boy. Until she turned him to be a wicked monster.“Sir, you have a visitor.” Wika ni Elson, sekretarya niya.“I am not expecting any visitors today, Elson. Masakit ang ulo ko. Who the f*ck is--”“Si Miss Valerie Rayford daw po.”Napatigil sa pagsasalita niya si Holden. Tila nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. He doesn’t know what to react. Napatulala siya at natahimik. Until Elson snapped his fingers in front of him.“Sir? Shall I let her in?” tanong nito.He gulped. “Y-Yes. Let her in.”Ewan niya ba. He can’t compose himself. Tila nawawala siya sa sarili niya now that she’s back. Yes. His ex is back--Valerie Rayford is back.Lu

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 20 ( New Face)

    Natatarantang napabalikwas ng bangon si Solene. Muntik na niyang makalimutang mag-isa ang nanay niya sa hospital. Kailangan na niya itong dalawin. Masyado siyang na-busy nung family dinner. Alam naman niya na bumubuti na ang lagay ng nanay niya pero kailangan pa rin nitong matutukan. Iyon pa nga ang kailangan niyang ipag-alam kay Grandma Lustria.Inilibot niya ang tingin sa paligid. Alas syete na ng umaga. Wala si Holden. Nasaan kaya siya? Tanong niya sa kanyang isipan. Iniisip niya na baka hindi na ito nakauwi. Pero saan naman kaya ito nagpunta at hindi na ito nakauwi pa? Buong gabi siyang pinaghintay nito.Inayos niya ang kanyang sarili para magmukhang disente siya sa paglabas ng kwarto. Bumungad sa kanya si Grandma Lustria sa may labas ng kwarto niya. Bahagya siyang nagulat.“Grandma!” aniya habang nakangiti. Niyakap niya ito.“Ano? Kumusta ang gabi ninyo ng aking apo? Magkaka-apo na ba ako sa tuhod, Solene?” tila excited nitong tanong. Bakas ang tuwa sa mga mata nito.Simpleng nap

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 19 (The Ex Is Back)

    Inis na tiningnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Nandito siya ngayon sa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Basang-basa ang dress na suot niya. She wiped her make-up dahil sira na rin naman ito. Naiinis siya kay Isabel. Pero mas naiinis siya kay Holden. Hindi man lang siya nito pinakinggan.“Bwiset ka talaga kahit kailan, Holden Anderson! Ni hindi mo man lang ako pinagsalita muna.” Banas niyang wika habang pilit na tinatanggal ang make-up niya.Pagkatapos niyon ay sunod niyang hinubad ang dress na suot niya. Gusto pa sana niya itong isuot ng matagal pero wala na, madumi na. Hindi niya naman magawang umiyak pa dahil inis ang nararamdaman niya. She walked around naked trying to look for her clothes pero hindi niya ito makita.Asan na ba ‘yun? Aniya sa isipan.Nang walang anu-anoy bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.Gulat na napatitig si Solene sa imahe ng lalaking nakatayo sa may pintuan. Si Holden. Nakatitig sa kanya at tila hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.Hindi nagawang

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 18 ( Welcome to the Family)

    Tila maingat ang bawat hakbang ni Solene. Lalo na nang papalapit sila nang papalapit sa pamilya ni Holden. Hindi naman sobrang dami ng tao sa garden kung saan ini-held ang dinner. Parang apat o limang pamilya lang ang naririto pero lahat sila ay nakasuot ng magagarang damit. May iba rin mga bisita bukod sa pamilya ng mga Anderson. Naroon din daw ang ilan sa mga kaibigan at kaanak ng mga ito. Mukang gusto talaga ni Grandma Lustria na ipakilala si Solene sa angkan nila.Nang makapunta sa gitna ang dalawa ay nagsitinginan ang mga bisita sa kanila sabay ngiti. Ang iba’y nagbubulungan pa. Hindi maulinigan ni Solene kung anong pinag-uusapan o sinasabi ng mga ito pero sa tingin niya ay hindi naman siya pinag-iisipan ng masama.Maya-maya pa ay umakyat si Holden sa stage hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Solene at tila inaalalayan ito. Inabot sa kanya ng secretary niya ang mic. At that moment, naguluhan siya bigla. Akala niya ba, ayaw ni Holden na malaman ng lahat na siya ang asawa? E bakit

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 17 (FAMILY DINNER PART 2)

    “Perfect!” tanging naibulalas ng make-up artis na binayaran ni Holden para ayusan ang kanyang asawa sa dinner na ‘to. Hindi naman na-inform si Solene na may pa-ganito pa pala kahit simpleng dinner lang. Siguro ganon na lamang talaga ang takot ni Holden na humarap itong hindi presentable sa harap ng pamilya niya lalo pa at hindi lang si Grandma Lustria ang makakasama nila ngayong gabi kundi pati na rin ang uba pa nitong mga angkan. Nag-aalangan pang tingnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Perfect ba talaga ang pagkakaayos sa kanya? Baka naman hindi maganda at mapagtawanan lang siya. Ni hindi naman kasi siya nagmi-make-up. “Maam, tingnan niyo na ang sarili niyo sa salamin. H’wag kayong matakot.” natatawa pang bulong ng babaeng make-up artist. Naiilang na ngumiti si Solene. Saka niya dahan-dahang sinulyapan ang sarili. Napahawak siya sa mukha niya. Ang maputla niyang balat ay tila nagkaroon ng buhay. Her lips were plummed. Her cheeks were rosy. The make-up is light pero buhay n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status