“Nagkaroon ng blood clott sa ulo ang nanay mo. She needs to undergo prompt
medical evaluation and treatment. You will need a big sum of money for it. Please prepare.” Iyon agad ang bungad ng doctor kay Solene.Pasuko na siya talaga. Malapit na siyang masiraan ng bait. Sunod-sunod naman yata. Hindi na niya alam kung paano niya itong lalampasan.
Pera na naman. Ni wala na siyang ipon, kailangan pa ng nanay niyang maipagamot. Hindi na niya alam ang gagawin niya.
“S-Sige po. G-Gagawan ko po ng p-paraan.” Walang buhay niyang sagot. Pagod na pagod na siya. Bagsak ang balikat niyang naglakad na tila hindi niya alam saan siya dadalhin ng mga paa niya.
Ilang oras na rin siyang umiiyak. Tila wala na siyang pag-asa.
Pero bigla niyang naalala ang asawa niya. Mukhang ito na lang ang natatanging paraan. Kailangan niyang kapalan ang mukha niya. Makapal na kung makapal. Hindi naman iyon makakabawas ng yaman nila 'di ba? Kaunting tulong lang ang kailangan niya.
“M-Ma, aalis lang ho ako. B-Babalik ho ako agad. Huwag po kayong bibitiw ha?
Huwag kayong mag-alala. Hahanap ako ng pera.”Nagmamadali siyang sumakay ng taxi. Alam niya ang address ng tinutuluyan ng asawa niya. Malakas siya kay Grandma, e. Balak niya nga itong puntahan. Napag-
alaman niya na isa isang condo ito nakalagi ngayon matapos nitong umuwi mula sa ibang bansa. Sobrang hiyang-hiya siya sa gagawin niya pero wala na siyang iba pang malalapitan.Pag-aari nina Holden ang buong gusali. Isa ito sa mga negosyo nila. Ang condominium mismo kung saan ito nakatira ay milyon milyon na ang halaga isang unit pa lang. Lalo pat may sampung floors ito at bawat isang floor ay may apat na kwarto.
Sumakay siya ng elevator at pagkalabas na pagkalabas niya ay hindi niya inaasahan ang makikita niya. Pag minamalas ka nga naman. Bakit ba lagi na lang siyang sinusubok?
“Oh, babe. Anong ginagawa mo rito? Are you looking for me? Ready ka na ba na
isuko sa ‘kin ‘yang little p*ssy mo? Sinadya mo pa talaga ako rito, ah.” Mayabang na bungad ni Wilhelm. Siguro ay nakatira rin siya rito. Iba talaga ang mga mayayaman.Naikuyom ni Solene ang palad niya sa inis.
Umiling-iling siya. “Tabi! H-Hindi ikaw ang hinahanap ko.” Pagmamatigas nito.
Hinawi ng binata ang buhok niya saka ito hinila dahilan para mapaangat ang ulo ng dalaga. “A-Aray, a-ano ba?! N-Nasasaktan ako!”
“Don’t act innocent, Solene. Kunwari ka pa na hindi ka pa nakakatikim ng lalaki, e.
V*rgin ka pa ba? Ha? H-Hindi naman na, hindi ba?” bulong nito sa kanyang tenga.Diring-diri si Solene sa ginagawa nito. Feeling his breath on her skin is disgusting
her.Pilit na nagpumiglas ito. “Sinabi nang bitawan mo ‘ko!”
“’Yan ang gusto ko sa ‘yo, e. Lumalaban ka. Hindi ka easy. Mas lalo tuloy akong
natu-turn on sa ‘yo—”“What is happening here?”
Nagkatitigan ang tatlo. It was Holden. Tila naguguluhan ito habang nagpapalipat-
lipat ang tingin kina Solene at Wilhelm.“Cous!”
“What are you doing to her, Wilhelm?” nagtataka nitong tanong saka niya pinasadahan ng tingin si Solene. Tila ba pamilyar ito sa kanya. Parang nagkita na sila.
Agad na napabitaw si Wilhelm. “Oh, cous, ang babaeng ‘to kasi. Manloloko! She
took my money! Huwag kang maniwala sa sasabihin niya. Gusto niya lang akong takasan!”“H-Hindi ko ‘yon ginawa! Hina-harass niya ako! S-Sir, h-hinahanap ko lang ang asawa ko rito. K-Kailangan ko lang siyang m-makausap.” Paliwanag niya.
Tila naubo si Wilhelm sa mga narinig. “At pinaninindigan mo talaga na may asawa ka? You're such a crazy little b*tch. Alam mo ba, cous' itong babaeng ito pinagkakalat na isang Anderson ang asawa niya? Which is very impossible. How come? Paano kang makakapangasawa ng isang Anderson? Tingnan mo nga iyang sarili mo!”
Muling nagsalubong ang mga kilay ni Holden. "Y-You married an Anderson? D-Do you have a proof?"
"I-I do! P-Pero hindi ko d-dala." Bagsak ang balikat na sagot ni Solene.
"Alright. Kung Anderson nga ang asawa mo, what's his name?" Paghahamon naman ni Wilhelm.
Humugot muna ng buong lakas niya ang dalaga. Sinusubukan talaga siya ng mga ito. "Holden. Holden ang pangalan niya. Holden Anderson."
Napahagalpak ng tawa si Wilhelm. “Kita mo na, cous kung gaano siya kamanloloko? Sinong asawa mo? Si Holden? Holden my ass! Kaharap mo na ang sinasabi mong asawa mo, stupid!"
Halos manlamig ang buong katawan ni Solene sa mga narinig niya. I-Itong makisig at guwapong lalaki sa harapan niya ang pinakasalan niya isang taon na ang nakalilipas? Hindi niya akalain na ganito itong kagwapo. Napakakisig ng katawan nito at tila ba isa itong anghel na ibinaba sa lupa. Palagay niya nang mga oras na iyon ay humawi ang ulap sa kalangitana at nagkaroon siya bigla ng pag-asa.
Unti-unti siyang humakbang papalapit kay Holden. Bawat hakbang niya ay naging maingat siya. "H-Holden? I-Ikaw si Holden? A-Ang apo ni Grandma Lustria?" Pagkukumpirma niya pa habang nanginginig ang kanyang mga palad. "A-Ako ang asawa mo." Dagdag niya pa while she's almost gasping for air.
The secret marriage. The marriage on paper. Siya nga ba iyon? Ito ang naglalaro
sa kanyang isipan."Kita mo na? You're claiming that he is your husband e ni hindi mo nga kilala. Nababaliw ka na. Ang mabuti pa ay sumama ka na lang sa 'kin at paliligayahin kita higit pa sa inaakala mo--"
Hindi pa natatapos ni Wilhelm ang sinasabi niya nang biglang magsalita si Holden.
“Come with me.” Malamig na utos na lamang ng binata kay Solene.
Bago umalis ay huminto muna ito sa tapat ng pinsan niyang si Wilhelm. "And shut your mouth," aniya rito while gritting his teeth.
Sumunod naman sa kanya si Solene hanggang sa unit nito.
Pagpasok na pagpasok nila doon sa unit ay sobrang laki ng space. Halos malula siya sa mga kagamitan na naroon. Para bang hindi niya iyon kayang hawakan dahil baka madumihan at mawalan ng kinang. Ganon! Sala pa lang ay parang buong bahay na nila.
May kausap pa si Holden sa phone nito kaya hindi na muna nagsalita pa si Solene.
She waited patiently and roamed her eyes around the unit. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking kasama niya ngayon sa iisang bahay ay ang asawa niya.Higit-higit ni Holden ang kamay ni Solene habang nagmamadali itong naglakad papuntang parking lot. He’s on serious mode at the moment. The thought of Vlad being with Solene makes him mad. Bakit tila lumiliit ang mundo? Now that Vlad knows he knows Solene, mas maghihinala iyon. Knowing, he knows that he’s been with Valerie last night. And they’re siblings for pete’s sake!“How did you know that man?” he asked nang tumigil sila sa tapat ng sasakyan nito.Napakagat-labi tuloy si Solene. Bakit parang nakakatakot naman ito ngayon? Ang daming tanong sa isipan niya lalo pa nung gabing hindi ito nakauwi pero pinili niya munang huwag magtanong.“Magkakilala sila ng best friend ko, Holden.” Matapat at diretso niyang sagot kahit na medyo kabado siya.“Then how come magkatabi na kayo agad? Don’t be so close with him. I am warning you.” Tiim-bagang na banta nito. Seryoso siya sa bawat salitang binitawan niya.“Bakit naman hindi? Mukha naman siyang mabait at saka, wala rin naman akong ibang kaibigan
Napahilot si Holden sa sumasakit niyang ulo habang nakasandal siya sa kanyang swivel chair. Wala siyang sapat na tulog. Madaling araw na siyang nakauwi mula nang puntahan niya ang ex niya. Hindi niya magawang humindi dito. He’s always been like that simula’t sapul. Noong maayos pa ang lahat. Noong mga panahong okay pa silang dalawa. He was a dedicated lover boy. Until she turned him to be a wicked monster.“Sir, you have a visitor.” Wika ni Elson, sekretarya niya.“I am not expecting any visitors today, Elson. Masakit ang ulo ko. Who the f*ck is--”“Si Miss Valerie Rayford daw po.”Napatigil sa pagsasalita niya si Holden. Tila nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. He doesn’t know what to react. Napatulala siya at natahimik. Until Elson snapped his fingers in front of him.“Sir? Shall I let her in?” tanong nito.He gulped. “Y-Yes. Let her in.”Ewan niya ba. He can’t compose himself. Tila nawawala siya sa sarili niya now that she’s back. Yes. His ex is back--Valerie Rayford is back.Lu
Natatarantang napabalikwas ng bangon si Solene. Muntik na niyang makalimutang mag-isa ang nanay niya sa hospital. Kailangan na niya itong dalawin. Masyado siyang na-busy nung family dinner. Alam naman niya na bumubuti na ang lagay ng nanay niya pero kailangan pa rin nitong matutukan. Iyon pa nga ang kailangan niyang ipag-alam kay Grandma Lustria.Inilibot niya ang tingin sa paligid. Alas syete na ng umaga. Wala si Holden. Nasaan kaya siya? Tanong niya sa kanyang isipan. Iniisip niya na baka hindi na ito nakauwi. Pero saan naman kaya ito nagpunta at hindi na ito nakauwi pa? Buong gabi siyang pinaghintay nito.Inayos niya ang kanyang sarili para magmukhang disente siya sa paglabas ng kwarto. Bumungad sa kanya si Grandma Lustria sa may labas ng kwarto niya. Bahagya siyang nagulat.“Grandma!” aniya habang nakangiti. Niyakap niya ito.“Ano? Kumusta ang gabi ninyo ng aking apo? Magkaka-apo na ba ako sa tuhod, Solene?” tila excited nitong tanong. Bakas ang tuwa sa mga mata nito.Simpleng nap
Inis na tiningnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Nandito siya ngayon sa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Basang-basa ang dress na suot niya. She wiped her make-up dahil sira na rin naman ito. Naiinis siya kay Isabel. Pero mas naiinis siya kay Holden. Hindi man lang siya nito pinakinggan.“Bwiset ka talaga kahit kailan, Holden Anderson! Ni hindi mo man lang ako pinagsalita muna.” Banas niyang wika habang pilit na tinatanggal ang make-up niya.Pagkatapos niyon ay sunod niyang hinubad ang dress na suot niya. Gusto pa sana niya itong isuot ng matagal pero wala na, madumi na. Hindi niya naman magawang umiyak pa dahil inis ang nararamdaman niya. She walked around naked trying to look for her clothes pero hindi niya ito makita.Asan na ba ‘yun? Aniya sa isipan.Nang walang anu-anoy bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.Gulat na napatitig si Solene sa imahe ng lalaking nakatayo sa may pintuan. Si Holden. Nakatitig sa kanya at tila hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.Hindi nagawang
Tila maingat ang bawat hakbang ni Solene. Lalo na nang papalapit sila nang papalapit sa pamilya ni Holden. Hindi naman sobrang dami ng tao sa garden kung saan ini-held ang dinner. Parang apat o limang pamilya lang ang naririto pero lahat sila ay nakasuot ng magagarang damit. May iba rin mga bisita bukod sa pamilya ng mga Anderson. Naroon din daw ang ilan sa mga kaibigan at kaanak ng mga ito. Mukang gusto talaga ni Grandma Lustria na ipakilala si Solene sa angkan nila.Nang makapunta sa gitna ang dalawa ay nagsitinginan ang mga bisita sa kanila sabay ngiti. Ang iba’y nagbubulungan pa. Hindi maulinigan ni Solene kung anong pinag-uusapan o sinasabi ng mga ito pero sa tingin niya ay hindi naman siya pinag-iisipan ng masama.Maya-maya pa ay umakyat si Holden sa stage hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Solene at tila inaalalayan ito. Inabot sa kanya ng secretary niya ang mic. At that moment, naguluhan siya bigla. Akala niya ba, ayaw ni Holden na malaman ng lahat na siya ang asawa? E bakit
“Perfect!” tanging naibulalas ng make-up artis na binayaran ni Holden para ayusan ang kanyang asawa sa dinner na ‘to. Hindi naman na-inform si Solene na may pa-ganito pa pala kahit simpleng dinner lang. Siguro ganon na lamang talaga ang takot ni Holden na humarap itong hindi presentable sa harap ng pamilya niya lalo pa at hindi lang si Grandma Lustria ang makakasama nila ngayong gabi kundi pati na rin ang uba pa nitong mga angkan. Nag-aalangan pang tingnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Perfect ba talaga ang pagkakaayos sa kanya? Baka naman hindi maganda at mapagtawanan lang siya. Ni hindi naman kasi siya nagmi-make-up. “Maam, tingnan niyo na ang sarili niyo sa salamin. H’wag kayong matakot.” natatawa pang bulong ng babaeng make-up artist. Naiilang na ngumiti si Solene. Saka niya dahan-dahang sinulyapan ang sarili. Napahawak siya sa mukha niya. Ang maputla niyang balat ay tila nagkaroon ng buhay. Her lips were plummed. Her cheeks were rosy. The make-up is light pero buhay n