comment for more po!
Natatarantang napabalikwas ng bangon si Solene. Muntik na niyang makalimutang mag-isa ang nanay niya sa hospital. Kailangan na niya itong dalawin. Masyado siyang na-busy nung family dinner. Alam naman niya na bumubuti na ang lagay ng nanay niya pero kailangan pa rin nitong matutukan. Iyon pa nga ang kailangan niyang ipag-alam kay Grandma Lustria.Inilibot niya ang tingin sa paligid. Alas syete na ng umaga. Wala si Holden. Nasaan kaya siya? Tanong niya sa kanyang isipan. Iniisip niya na baka hindi na ito nakauwi. Pero saan naman kaya ito nagpunta at hindi na ito nakauwi pa? Buong gabi siyang pinaghintay nito.Inayos niya ang kanyang sarili para magmukhang disente siya sa paglabas ng kwarto. Bumungad sa kanya si Grandma Lustria sa may labas ng kwarto niya. Bahagya siyang nagulat.“Grandma!” aniya habang nakangiti. Niyakap niya ito.“Ano? Kumusta ang gabi ninyo ng aking apo? Magkaka-apo na ba ako sa tuhod, Solene?” tila excited nitong tanong. Bakas ang tuwa sa mga mata nito.Simpleng nap
Inis na tiningnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Nandito siya ngayon sa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Basang-basa ang dress na suot niya. She wiped her make-up dahil sira na rin naman ito. Naiinis siya kay Isabel. Pero mas naiinis siya kay Holden. Hindi man lang siya nito pinakinggan.“Bwiset ka talaga kahit kailan, Holden Anderson! Ni hindi mo man lang ako pinagsalita muna.” Banas niyang wika habang pilit na tinatanggal ang make-up niya.Pagkatapos niyon ay sunod niyang hinubad ang dress na suot niya. Gusto pa sana niya itong isuot ng matagal pero wala na, madumi na. Hindi niya naman magawang umiyak pa dahil inis ang nararamdaman niya. She walked around naked trying to look for her clothes pero hindi niya ito makita.Asan na ba ‘yun? Aniya sa isipan.Nang walang anu-anoy bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.Gulat na napatitig si Solene sa imahe ng lalaking nakatayo sa may pintuan. Si Holden. Nakatitig sa kanya at tila hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.Hindi nagawang
Tila maingat ang bawat hakbang ni Solene. Lalo na nang papalapit sila nang papalapit sa pamilya ni Holden. Hindi naman sobrang dami ng tao sa garden kung saan ini-held ang dinner. Parang apat o limang pamilya lang ang naririto pero lahat sila ay nakasuot ng magagarang damit. May iba rin mga bisita bukod sa pamilya ng mga Anderson. Naroon din daw ang ilan sa mga kaibigan at kaanak ng mga ito. Mukang gusto talaga ni Grandma Lustria na ipakilala si Solene sa angkan nila.Nang makapunta sa gitna ang dalawa ay nagsitinginan ang mga bisita sa kanila sabay ngiti. Ang iba’y nagbubulungan pa. Hindi maulinigan ni Solene kung anong pinag-uusapan o sinasabi ng mga ito pero sa tingin niya ay hindi naman siya pinag-iisipan ng masama.Maya-maya pa ay umakyat si Holden sa stage hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Solene at tila inaalalayan ito. Inabot sa kanya ng secretary niya ang mic. At that moment, naguluhan siya bigla. Akala niya ba, ayaw ni Holden na malaman ng lahat na siya ang asawa? E bakit
“Perfect!” tanging naibulalas ng make-up artis na binayaran ni Holden para ayusan ang kanyang asawa sa dinner na ‘to. Hindi naman na-inform si Solene na may pa-ganito pa pala kahit simpleng dinner lang. Siguro ganon na lamang talaga ang takot ni Holden na humarap itong hindi presentable sa harap ng pamilya niya lalo pa at hindi lang si Grandma Lustria ang makakasama nila ngayong gabi kundi pati na rin ang uba pa nitong mga angkan. Nag-aalangan pang tingnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Perfect ba talaga ang pagkakaayos sa kanya? Baka naman hindi maganda at mapagtawanan lang siya. Ni hindi naman kasi siya nagmi-make-up. “Maam, tingnan niyo na ang sarili niyo sa salamin. H’wag kayong matakot.” natatawa pang bulong ng babaeng make-up artist. Naiilang na ngumiti si Solene. Saka niya dahan-dahang sinulyapan ang sarili. Napahawak siya sa mukha niya. Ang maputla niyang balat ay tila nagkaroon ng buhay. Her lips were plummed. Her cheeks were rosy. The make-up is light pero buhay n
Hindi makapaniwala si Solene na iniligtas siyang muli ni Holden sa mga supladong security ng mansiyon nila. Hindi naman siya judgemental pagdating sa mga security pero pakiramdam niya talaga ay feeling tagapagmana ang mga iyon. "You haven't been formally introduced to the whole family yet. Kaya hindi ka nakilala ng mga security."Hindi siya nakapagsalita. Bakit pakiramdam niya mali niya pa rin? "Aren't you going to say anything?" Napatingin sa kanya si Solene nang may pagtataka. Sa dami ng nangyayari sa buhay niya, nasi-speechless na lang talaga siya at madalas na tulala. "Tapos na 'yon. Sa tingin ko ay hindi mo na rin naman ako dapat pang ipakilala sa buo mong angkan dahil hindi naman na tatagal ang kasal natin." Walang kabuhay-buhay na sagot ng dalaga.Tila napaangat ng kanyang kilay si Holden. "At sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan? Well, can't you atleast savor the days na asawa mo pa ako? Tsk."Tila uminit ang ulo ni Solene sa narinig. Savor? Paano niya lalasapin ang ganitong bu
SARIWA pa rin sa isipan ni Solene ang mga katagang binitawan ni Holden kanina nung nasa sasakyan pa sila. Habang paulit-ulit iyon na nagpi-play sa utak niya ay naninindig ang balahibo niya. She can still feel his soft hands laying on her chest. Mariin siyang napapikit. Kasabay non ay ang pag-iling iling niya.Hindi ito maaari. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinasabi niya? Iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan habang nagbibihis siya. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa harapan ng salamin at doon nakita niya ang sugat sa kanyang mukha at katawan. Buti na lang ay maari pang matakpan ng concealer ang sugat sa mukha niya. Ang sa katawan naman, kinakailangan na niyang magsuot ng jacket nang hindi iyon makita ng Mama niya. Sobrang tahimik ng bahay simula nang mamalagi sa hospital ang mama niya. Siya na lang ang nananatili rito at kailan man, hindi na bumalik ang Papa niya. Hindi na rin naman niya hinahangad na bumalik pa ito kung puro pasakit at paghihirap lan