Share

CHAPTER 2 ( Langit at Lupa)

Author: Your Sunshine
last update Last Updated: 2024-07-05 19:40:48

Mayaman ang mga Anderson. Sila ang may-ari ng Anderson’s Group of Companies. May ari ng pinakasikat at naglalakihang villas, resort, subdivision, at condominium sa Manila. Bukod don ay napakarami pa nilang business. May hotels, malls, at naglalakihang resort pa sila sa iba't ibang panig ng bansa. Even out of the country.

Si Holden Anderson ang kaisa-isang tagapagmana. He is an only child. Kaisa-isang taong gusto nilang makitang maikasal sa babaeng dapat lang para sa kanya. But here's his grandmother who wants him to marry a very special girl-- si Solene. Kaibigan nito na nakilala lamang niya matapos siya nitong tulungan years ago. Mula noon ay sobra nang maging malapit sila sa isa't isa. 

Sobrang buti ng Lola ni Holden kay Solene. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap na lamang siya ng

Marriage certificate na nagpapatunay na kasal na nga silang dalawa. Pero noong araw din na iyon ay umalis ang binata para may trabahuhin sa ibang bansa kaya’t hindi na sila nagkita pang muli. 

Makalipas ang halos tatlumpong minuto na paliligo ng lalaki ay lumabas siya na nakatapis lamang ng tuwalya sa may baywang nito. Iyong tela lamang ang bumabalot sa kanyang pan-ibaba. Tagaktak pa ang tubig na mula sa basa nitong busog. He is fit and slim. Maganda ang tikas ng

pangangatawan nito. Napakakisig. Talaga naming isa siyang magandang lalaki. Pagkalabas niya ay napangisi siya nang mapansing wala na si Solene. Ang babaeng nakasiping niya kagabi.

“Just another typical one-night stand story. Kasalanan ko bang virgin pa

siya?” aroganteng wika pa niya habang nakadapo ang tingin sa puting kumot na iyon na may mantsa na ng dugo.

Nag-ring muli ang cellphone niya kaya naman agad niya itong sinagot. Galing kasi ito sa kanang-kamay niya.

“Any news?” Bungad niya sa kabilang linya.

“Ayos na ho ang pinapatrabaho niyo sa ‘kin kagabi, Boss. May iba pa ba

kayong utos?” tanong pa nito.

“Yes. Please find the information of the girl na pinakasal sa ‘kin ni

Grandma. I need everything. Have her checked.”

“Masusunod, Boss. Meron pa bang iba?”

Agad na napaisip ito ‘yung babae kagabi. He bit his lips and thought about her face for a span of seconds. Umiling-iling siya. Hindi niya talaga maalala ang mukha nito. Siguro kapag nakita niya ito ulit ay mamumukhaan niya ito. But now, he really couldn't recall how this girl looks like. 

“Wait. . ." Pagpigil niya sa kausap sa kabilang linya. "please check the information of the girl who I was with last night. She just flew like a bird without a trace. Hanapin mo.” Dagdag niya pa na tila ba desperado na.

Napangisi sa kabilang linya ang kanang-kamay nito. “Himala at naging interisado ka yata sa babae, Boss?” Pag-uusisa pa nito na tila ba may dalang panunukso.

“Shut up and just do as I say.” He firmly stated saka niya binabaan ito ng

tawag.

Him? Interested? No. He shrugged to himself.

Isang college student si Solene sa isa sa pinakasikat na unibersidad sa Manila. Ang Bright Quest University. Twenty-years old pa lamang siya at ang dami na niyang kailangang tustusan sa pang-araw-araw. She is a working student. Nagpa-part- time pa siya sa isang high end cafe sa gabi para may sarili siyang pera. Pandagdag na rin sa pambili ng mga pangangailangan ng Mama niya habang ang Papa niya ay palamunin na walang ginawa kundi ang mag-inom at magsigarilyo.

May klase pa siya ngayon at late na nga siya dahil sa nangyari. Ramdam niya pa rin

ang sakit ng pagkababae niya.

Pagkadating na pagkadating niya sa first class niya ay agad siyang sinalubong ng

best friend niyang si Eloise.

“Girl! Ikaw ha, bakit ka late? Anong oras ka na bang nauwi kagabi from the

party?” Pag-uusisa naman nito.

Napatulala na lang si Solene. Kasalanan talaga to ni Eloise, e. Kung sana hindi siya

nito niyaya-yaya hindi sana siya late ngayon. Hindi sana siya napunta kung saang kwarto. Hindi sana masakit ang puso niya dahil sa nangyari kagabi. 

“A-Ano, m-maaga naman akong nauwi, ah. Ikaw kasi, hindi na kita nahanap. S-

Saan ka ba nagsusuot kagabi?” nauutal na sagot ni Solene.

“Anong ako ang hindi mo nahanap? E halos nalibot ko nga ang buong Belmort

Hotel kakahanap sa ‘yo.”

Hindi na nakapagsalita pa si Solene. Hindi niya kasi ma-explain ang nararamdaman

niyang sakit down there kahit na nakaligo na siya ay tila nanunuot pa rin ang

sakit.

Pagkatapos ng klase ay agad na humiwalay ng daan sa kanya ang kaibigan dahil may pupuntahan pa ito. Nagpunta muna si Solene sa computer laboratory para makigamit ng laptop doon para magresearch ng pain reliever para sa nananakit niyang ibaba.

Kakapasok niya pa lang nang may biglang humatak sa kanya. Napasigaw siya sa

gulat.

“Hi, babe. Sexy mo ngayon ah?” nakakalokong wika ni Wilhelm.

Hindi sila magkaklase pero kilala si Wilhem na babaero. Nakukuha nito ang lahat

ng gusto niya. Palibhasa, galing sa marangyang pamilya.

“Bastos! Huwag mo nga akong hawakan!” tila nandidiring sagot ni Solene rito.

Nagnginitngit ito sa galit. Naalala niya kasi ang nangyari kagabi. Hindi niya maiwasang hindi ma-depress. Duming-dumi siya sa sarili niya pero parang wala siyang karapatang umiyak at magmukmok dahil imbes na gawin niya iyon ay kailangan niyang mag-aral. kailangan niya ring magtrabaho. Wala siyang oras para mag-break down.

“Anong h’wag hawakan? Akin ka na ngayon, Babe. Binenta ka na sa ‘kin ng Tatay

mong lasenggo, ah? Hindi ka ba niya nasabihan?” Paliwanag pa nito saka ito

napakagat ng labi. 

Tila ba nabingi si Solene sa mga narinig niya. Hindi siya isang bagay para ibenta. Inisip niya na nababaliw na siguro si Wilhelm para sabihin iyon hindi por que mayaman siya ay mabibili na nila ang lahat. 

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Solene ng mga oras na ‘yon. Pakiramdam niya

ay lalayasan siya ng bait. Binenta siya ng Tatay niya? Paano iyong nangyari?

“Wala akong alam sa sinasabi mo! Ni hindi mo nga kilala ang Papa ko! Bitawan moa ko!” sigaw pa niya habang nagpupumiglas. Pilit na gusting kumawala sa mga mahigpit na hawak sa kanya ni Wilhem.

Mayaman rin ang angkan nina Wilhelm. Para sa kanya ay disposable lang ang mga babae. Kapag tapos na siya sa paggamit ay saka niya itatapon. Pero umpisa pa lamang na makita niya si Solene ay natipuhan na niya agad ito. Kapag tipo niya ang isang babae, hindi siya titigil hangga’t hindi niya ito nakukuha. At napadali nga iyon dahil sa tatay ni Solene na mukhang pera.

“Hindi ka pa rin naniniwala? Why don’t you ask your Father? Binenta ka niya sa ‘kin sa halagang three hundred thousand pesos lang. Buti na lang galante ako, I gave him half million pesos para naman mas makatulong sa inyo.” May halong pang-iinsultong paliwanag nito. Mga titig pa lang nito ay tila dinuduraan na ang buong pagkatao niya. 

Ganito na ba talaga sila kahirap? Habang ang mga Anderson ay nag-uumapaw ang yaman. Tila langit ang mga ito. Samantalang ang pamilya niya, isang kahig isang tuka sa lupa. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 22 (Welcome Party)

    Higit-higit ni Holden ang kamay ni Solene habang nagmamadali itong naglakad papuntang parking lot. He’s on serious mode at the moment. The thought of Vlad being with Solene makes him mad. Bakit tila lumiliit ang mundo? Now that Vlad knows he knows Solene, mas maghihinala iyon. Knowing, he knows that he’s been with Valerie last night. And they’re siblings for pete’s sake!“How did you know that man?” he asked nang tumigil sila sa tapat ng sasakyan nito.Napakagat-labi tuloy si Solene. Bakit parang nakakatakot naman ito ngayon? Ang daming tanong sa isipan niya lalo pa nung gabing hindi ito nakauwi pero pinili niya munang huwag magtanong.“Magkakilala sila ng best friend ko, Holden.” Matapat at diretso niyang sagot kahit na medyo kabado siya.“Then how come magkatabi na kayo agad? Don’t be so close with him. I am warning you.” Tiim-bagang na banta nito. Seryoso siya sa bawat salitang binitawan niya.“Bakit naman hindi? Mukha naman siyang mabait at saka, wala rin naman akong ibang kaibiga

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 21 (Hello, Ex)

    Napahilot si Holden sa sumasakit niyang ulo habang nakasandal siya sa kanyang swivel chair. Wala siyang sapat na tulog. Madaling araw na siyang nakauwi mula nang puntahan niya ang ex niya. Hindi niya magawang humindi dito. He’s always been like that simula’t sapul. Noong maayos pa ang lahat. Noong mga panahong okay pa silang dalawa. He was a dedicated lover boy. Until she turned him to be a wicked monster.“Sir, you have a visitor.” Wika ni Elson, sekretarya niya.“I am not expecting any visitors today, Elson. Masakit ang ulo ko. Who the f*ck is--”“Si Miss Valerie Rayford daw po.”Napatigil sa pagsasalita niya si Holden. Tila nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. He doesn’t know what to react. Napatulala siya at natahimik. Until Elson snapped his fingers in front of him.“Sir? Shall I let her in?” tanong nito.He gulped. “Y-Yes. Let her in.”Ewan niya ba. He can’t compose himself. Tila nawawala siya sa sarili niya now that she’s back. Yes. His ex is back--Valerie Rayford is back.Lu

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 20 ( New Face)

    Natatarantang napabalikwas ng bangon si Solene. Muntik na niyang makalimutang mag-isa ang nanay niya sa hospital. Kailangan na niya itong dalawin. Masyado siyang na-busy nung family dinner. Alam naman niya na bumubuti na ang lagay ng nanay niya pero kailangan pa rin nitong matutukan. Iyon pa nga ang kailangan niyang ipag-alam kay Grandma Lustria.Inilibot niya ang tingin sa paligid. Alas syete na ng umaga. Wala si Holden. Nasaan kaya siya? Tanong niya sa kanyang isipan. Iniisip niya na baka hindi na ito nakauwi. Pero saan naman kaya ito nagpunta at hindi na ito nakauwi pa? Buong gabi siyang pinaghintay nito.Inayos niya ang kanyang sarili para magmukhang disente siya sa paglabas ng kwarto. Bumungad sa kanya si Grandma Lustria sa may labas ng kwarto niya. Bahagya siyang nagulat.“Grandma!” aniya habang nakangiti. Niyakap niya ito.“Ano? Kumusta ang gabi ninyo ng aking apo? Magkaka-apo na ba ako sa tuhod, Solene?” tila excited nitong tanong. Bakas ang tuwa sa mga mata nito.Simpleng nap

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 19 (The Ex Is Back)

    Inis na tiningnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Nandito siya ngayon sa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Basang-basa ang dress na suot niya. She wiped her make-up dahil sira na rin naman ito. Naiinis siya kay Isabel. Pero mas naiinis siya kay Holden. Hindi man lang siya nito pinakinggan.“Bwiset ka talaga kahit kailan, Holden Anderson! Ni hindi mo man lang ako pinagsalita muna.” Banas niyang wika habang pilit na tinatanggal ang make-up niya.Pagkatapos niyon ay sunod niyang hinubad ang dress na suot niya. Gusto pa sana niya itong isuot ng matagal pero wala na, madumi na. Hindi niya naman magawang umiyak pa dahil inis ang nararamdaman niya. She walked around naked trying to look for her clothes pero hindi niya ito makita.Asan na ba ‘yun? Aniya sa isipan.Nang walang anu-anoy bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.Gulat na napatitig si Solene sa imahe ng lalaking nakatayo sa may pintuan. Si Holden. Nakatitig sa kanya at tila hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.Hindi nagawang

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 18 ( Welcome to the Family)

    Tila maingat ang bawat hakbang ni Solene. Lalo na nang papalapit sila nang papalapit sa pamilya ni Holden. Hindi naman sobrang dami ng tao sa garden kung saan ini-held ang dinner. Parang apat o limang pamilya lang ang naririto pero lahat sila ay nakasuot ng magagarang damit. May iba rin mga bisita bukod sa pamilya ng mga Anderson. Naroon din daw ang ilan sa mga kaibigan at kaanak ng mga ito. Mukang gusto talaga ni Grandma Lustria na ipakilala si Solene sa angkan nila.Nang makapunta sa gitna ang dalawa ay nagsitinginan ang mga bisita sa kanila sabay ngiti. Ang iba’y nagbubulungan pa. Hindi maulinigan ni Solene kung anong pinag-uusapan o sinasabi ng mga ito pero sa tingin niya ay hindi naman siya pinag-iisipan ng masama.Maya-maya pa ay umakyat si Holden sa stage hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Solene at tila inaalalayan ito. Inabot sa kanya ng secretary niya ang mic. At that moment, naguluhan siya bigla. Akala niya ba, ayaw ni Holden na malaman ng lahat na siya ang asawa? E bakit

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 17 (FAMILY DINNER PART 2)

    “Perfect!” tanging naibulalas ng make-up artis na binayaran ni Holden para ayusan ang kanyang asawa sa dinner na ‘to. Hindi naman na-inform si Solene na may pa-ganito pa pala kahit simpleng dinner lang. Siguro ganon na lamang talaga ang takot ni Holden na humarap itong hindi presentable sa harap ng pamilya niya lalo pa at hindi lang si Grandma Lustria ang makakasama nila ngayong gabi kundi pati na rin ang uba pa nitong mga angkan. Nag-aalangan pang tingnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Perfect ba talaga ang pagkakaayos sa kanya? Baka naman hindi maganda at mapagtawanan lang siya. Ni hindi naman kasi siya nagmi-make-up. “Maam, tingnan niyo na ang sarili niyo sa salamin. H’wag kayong matakot.” natatawa pang bulong ng babaeng make-up artist. Naiilang na ngumiti si Solene. Saka niya dahan-dahang sinulyapan ang sarili. Napahawak siya sa mukha niya. Ang maputla niyang balat ay tila nagkaroon ng buhay. Her lips were plummed. Her cheeks were rosy. The make-up is light pero buhay n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status