Share

Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery
Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery
Penulis: Author Rain

Chapter 01

Penulis: Author Rain
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-31 01:39:52

Series #1 I Love You, Sister

Series #2 My Brother's Bestfriend

Series #3 Breaking the Law with my Stepbrother, Atty. Justin Avery

-Hariette-

“Order in the court!” The judge’s voice thundered across the courtroom, making my whole body freeze in place. Lahat ay natahimik sa umalingawngaw na pinaghalong tunog ng pinupukpok na martilyong kahoy at ng malaking boses ni Judge Policarpio. 

Kasalakuyan kaming nasa loob ng korte at nililitis ang kaso kong murder na isinampa laban sa akin ni Aling Iska, ang kapatid ni Tiyo Arnulfo. 

Ang mga kamay kong nakaposas ay nanginginig na naman nang magpatuloy sa pagbabangayan ang abogado kong sina Attorney Mercado at abogado ng kabilang panig na si Attorney Garcia. 

Pilit silang pinahihinto, ngunit ayaw nilang makinig sa judge, kaya naman nakisali na rin ang mga pulis at pumagitna sa kanila habang inaawat sila sa pagsasagutan.

Kumalma naman sila saglit at muling bumalik sa pwesto nila ang mga pulis sa tabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa korte at tinatanong ng isang abogado sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Napagbintangan akong sumaksak sa asawa ng Tiya Gilda ko, sa kadahilanang ako ang nadatnan nilang may hawak ng kutsilyo nang mangyari ang krimen.

Kakatapos ko lang maligo noon at nakatapis lamang ako ng maliit na tuwalya nang lumabas ako mula sa banyo. Hindi ko inaasahan na nandoon pala si Tiyo Arnulfo, at tahimik na nakatayo sa may kusina na tila ba may hinihintay. 

Napatigil ako at agad kong naramdaman ang malamig na hangin at ang kakaibang kaba na gumapang sa aking dibdib nang masulyapan siya, dahil ilang beses ko na ring napapansin na kakaiba sya tumingin sa akin, pero sa tuwina ay ipinagsasawalang-bahala ko lang ito, kahit na sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Mabuti na lamang at may lock ang pinto ng kuwarto ko, kaya naman hindi ako kailanman nangambang baka pasukin niya ako sa disoras ng gabi.

Palagi ko na lamang itinatanim sa aking isipan na tiyuhin ko sya at walang malisya ang tinging ipinupukol nya sa akin. Dahil parang anak na rin nya ako kung tutuusin.

Lalampasan ko na sana siya para pumasok sa kuwarto ko, nang bigla na lang niya akong sunggaban at paghahalikan sa leeg. “Tiyo Arnulfo! Bitawan mo ako!” nanghihilakbot na sigaw ko habang itinutulak sya palayo sa akin. “Ano ba! Bitawan mo ako! Hayup ka! Manyak!” 

“Napakabango mo talaga at napakakinis! Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito!” hayok na hayok na hinawakan nya ako sa iba’t ibang parte ng aking katawan, at pilit akong hinahalikan sa mga labi. “Sa wakas, mapapasaakin ka na din. Sigurado akong wala nang mang-iistorbo sa atin.”

“Tulong! Tulungan nyo ako!” halos mamaos na ang boses ko sa lakas ng pagsigaw ko, at pilit pa ring itinutulak ang demonyong ito palayo sa akin, pero dahil sa sobrang lakas at laki nya ay wala akong magawa. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan niyo ako! Mga kapitbahay! Tulong! Bitawan mo ako! Hayup ka!” 

Ang asawa ni Tiyo Arnulfo na si Tiya Gilda ay kasalukuyang nakaratay sa kama dahil may sakit itong kanser sa matris. Ang lumang wheelchair na lamang nito ang tanging gabay upang makalakad siya, at hindi ko inaasahan na bigla na lamang siyang lilitaw sa harap ko, dala-dala ang nangingintab at matulis na kutsilyo.

“Tiya Gilda!” bago ko pa siya mapigilan sa kanyang gagawin, nanlalaki ang mga matang pinanood ko siya habang inuundayan ng saksak ang kanyang asawa sa likod ng paulit-ulit. 

Hindi niya ito tinigilan hangga’t hindi ito bumibitaw sa akin, hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak sa sahig ang duguan nitong katawan.

Mas nangilabot pa ako nang bigla na lamang magpatihulog si Tiya Gilda mula sa wheelchair, at akmang uundayan ulit nito ng saksak ang katawan ng asawa, ngunit mabilis kong naagaw mula sa kanya ang patalim.

“Tiya Gilda, tama na po!” umiiyak na sigaw ko habang nanginginig ang kamay kong hawak ang kutsilyo at pigil-pigil siya. “Patay na po yata ang tiyo! Napatay niyo po yata siya!”

At iyon ang nabungaran ng mga kapitbahay nang pabalibag nilang buksan ang pinto ng bahay na may kasama nang mga pulis. 

Ang akala ng lahat, ako ang pumatay sa tiyuhin ko. Hindi rin kasi makapagsalita si Tiya Gilda dahil naapektuhan ang kanyang dila nang mastroke ito noong nakaraang buwan. Medyo nakangiwi ang kanyang bibig, at hindi maintindihan ang kanyang mga sinasabi sa tuwing magsasalita sya. 

Pinipilit niyang sumigaw at itinuturo ang kanyang sarili na sya ang pumatay habang pinoposasan ako, pero walang ibang makaintindi sa kanya kung hindi ako lamang, kaya hindi siya pinapansin ng mga tao.

Umiiyak na sumama ako sa mga pulis kahit na alam kong wala akong kasalanan. Awang-awa naman ang tiyahin ko sa akin, at wala nang nagawa pa kung hindi ang panoorin ako palayo habang patuloy pa rin siya sa malakas na pag-iyak at pagsigaw.

Paano ko sasabihin ngayon sa mga pulis na hindi ako ang pumatay sa tiyuhin ko? Makakaya ba ng konsensya ko na makulong si Tiya Gilda gayong tatlong buwan na lang ang ibinigay na taning sa kanya ng mga doctor?

Sobrang hirap ng kalagayan ko ngayon. Hindi ko alam kung aamin ba ako upang pagtakpan ang kasalanan ni Tiya Gilda, o isusuplong ko na sya ang may gawa nito, at pabayaan na lang siyang makulong, at doon na lang sa kulungan hintayin ang kanyang huling hininga.

Napakawalang-puso ko naman kung iyon ang gagawin ko. Sobrang bait sa akin ng Tiya, kaya hindi ko sya magagawang ipagkanulo.

Wala akong nagawa nang dalhin ako ng mga pulis sa presinto at ikulong. Wala akong kakayahang magbayad ng isang private lawyer, kaya naman binigyan ako ng PAO ng libreng abogado, at iyon ay si Attorney Riza Mercado.

Idinemanda ako ng kapatid ni Tiyo Arnulfo na si Aling Iska, at kumuha din sila ng libreng abogado na bigay din ng PAO, na si Attorney Gideon Garcia para masigurado nilang mapagbabayaran ko ang kasalanang hindi ko naman ginawa. 

At ngayon nga ay nagpatuloy na naman sa pagbabangayan ang magkalabang abogado sa loob ng korte.

“Walang kasalanan si Miss Santos! Siguradong ang asawa ng biktima ang sumaksak sa kanya!” malakas na singhal ni Atty. Mercado kay Atty. Garcia.

“Paano mo nasabing ang asawa niya ang pumatay sa kanya, gayong stroke patient na ito!” ganting sigaw naman ni Atty. Garcia. Parang hindi na nila iginagalang ang hukom sa pagkakataong ito. “Sino ba ang nabungaran ng mga pulis na may hawak na patalim? Hindi ba’t itong kliyente mo?”

“Hindi porke’t siya ang may hawak ng patalim ay siya na agad ang pumatay sa biktima!” mariing sagot ni Atty. Mercado na ayaw magpatalo. Kapagkuway muli nitong hinarap si Judge Policarpio. “Your Honor, the wife is clearly capable of moving around the house despite her condition. The medical records show that she can maneuver a wheelchair on her own, which means she is not paralyzed as previously claimed. Therefore, it only proves one thing. She was the one who killed her husband, and not my client!”

“Objection, Your Honor! Pawang haka-haka lamang ang sinasabi ng kabilang abogado. Ang kakayahan ng asawa ng biktima na igalaw ang kanyang wheelchair ay hindi patunay na kaya niyang pumatay. Ayon sa medical report, limitado pa rin ang kanyang lakas at koordinasyon, kaya imposibleng siya ang gumawa ng krimen.”

“Objection overruled. Proceed, Counselor.” sagot ni Judge Policarpio na tinignan si Atty. Mercado para magpatuloy, pero bigla na lamang sumingit si Atty. Garcia.

“Tell me, Attorney Mercado. Why is your client can’t even defend herself? Ayaw niyang magsalita! Ayaw niyang magsabi ng totoo, which means she’s guilty! Siya ang pumatay sa biktima. Palibhasa kasi, may dugo din siyang kriminal kaya kayang-kaya niya ang pumatay!” muling sigaw nito at doon na ako parang itinulos sa aking kinauupuan.

Natulala ako sa sinabi ni Atty. Garcia. Pati ba ang parte na iyon ng aking buhay ay kinalkal na din nila?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 010

    -Hariette-When Mommy Bianca told us that she hated incest, parang napapahiyang nagbaba ako ng tingin. Siguro ay nahahalata na din nya na iba na ang tingin ko kay Justin. Na may iba na akong nararamdaman sa kanya.Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi nila mahalata ang nararamdaman ko. What if kausapin ko yung gwapo kong kaklase para maging escort ko sa debut ko? Nang sa ganon, hindi na nila ako pagdudahan pa na may gusto ako kay Justin.It was only a week before my eighteenth birthday when I finally decided to talk to Bryan, the captain of our school’s basketball team, and probably one of the most popular guys on campus. Ilang araw ko nang pinag-iisipan kung paano ko ito sasabihin, pero nang makita ko siyang nakasimangot habang nakaupo sa isang bench sa loob ng court, parang biglang nawala lahat ng mga planado kong linya. Guwapo si Bryan, pero wala pa ring makakatalo sa kaguwapuhan ni Justin. Kung hindi ko lang talaga siya naging kapatid, ang sarap sanang pangarapin na maging

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 09

    -Justin-“Hariette, wala ka pa bang boyfriend, anak?” mommy asked, at natigilan siya sa tanong ni mommy. “O kaya manliligaw? Gusto mo bang ang kuya Justin mo ang maging first dance mo?”“Mommy, wala pa akong boyfriend.” namumula ang mukhang saad ni Hariette. “Okay lang po sa akin na si kuya na lang. May mga nanliligaw po, pero ayoko po sa kanila.” “Ayaw mo sa kanila? Siguro may crush kang iba ano, ate?” biglang nang-asar si Kaden, at mas lalong pinamulahan ng mukha itong katabi ko.“Kaden, stop it. Ang bata-bata mo pa marunong ka na sa crush-crush ha?” agad na sinuway ito ni mommy. “Eh si ate Celine nga, may crush na! Si Liam, yung anak nina tito Norman at tita Savanna! Nakita ko yung picture nya sa kwarto ni ate Celine!” parang batang nagsumbong si Kaden. “What? Celine, Liam is your cousin!” galit na saad ni mommy. “That is not true! Wala akong crush kay Liam!” malakas na tumili si Celine. “He’s lying! I hate you, Kaden!” At bigla na lang itong tumayo mula sa upuan at nagwalk-ou

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 08

    -Justin-Natatawang ipinaghila ko si Hariette ng upuan, at saktong pag-upo namin ay dumating si daddy.“Good evening, guys! Sorry, muntik na akong ma-late sa dinner natin.” he kissed our heads one by one, and when he reached mommy, hinalikan nya ito sa lips.“It’s okay, Vaughn.” mom smiled sweetly at him. “Umupo ka na para makakain na tayo. Justin, please lead the prayer.”I almost rolled my eyes. Palagi na lang ako ang pinagpepray ni mommy. With a soft sigh, I closed my eyes and said a short prayer, loud enough for everyone to hear. “Dear Lord, thank you for this food. Sana mabusog kaming lahat, pati na ang mga maid at ang mga alaga naming mga aso at pusa. Amen.”Pigil-pigil sa pagtawa ang mga kapatid ko, at pinanlakihan naman ako ng mga mata ni mommy, pero hindi na nagkomento pa.Naramdaman ko ang pagkurot ni Hariette sa hita ko, at mabilis kong hinuli ang kanyang kamay. I intertwined our fingers, and she froze, staring at me in disbelief.I just remembered what Scarlet did to me e

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 07

    -Justin-“Scarlet…” I groaned, removing her hand from my thigh. Hanggat maaari, I wanted to behave. Pero napakaimposible ata nun. Lahat ng tropa ko, bad influence. Because that was my way of getting revenge on my parents, who were liars. Ang maging bad boy sa paningin nila.“What? Don’t tell me you’re still a virgin.” She smiled, and without warning, she grabbed that thing between my thighs.“Fuck!” Napamura na lang ako at hindi tinatanggal ang focus sa daan at baka maaksidente kami.Her hand sliding up and down my shaft, and I just let her do it. She was right, though. I’m still a virgin. Isang babae lang naman ang isinisigaw ng puso ko, and that was Hariette.Pero hindi pwede. Hindi pwedeng maging kami dahil sa mata ng mga magulang namin at ng mga tao, magkapatid kami. So I think it was okay to hook up with Scarlet and even make her my girlfriend. “You like it?” Scarlet asked, and I bit my lower lip, nodding hesitantly.Dumating kaming magkakaibigan sa isang bar and restaurant, at

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 06

    -Justin-“Hariette!” tuwang-tuwa ako noong inampon na nina mommy si Hariette. Siya ang dati kong kalaro noon sa bahay-ampunan. She was only four back then and I was five years old. Hariette was so sweet and nice, and very bubbly.Her long brown hair and grey eyes made her look like a doll. Ang chubby din ng kanyang mga pisngi at ang sarap lapirutin, pero mas gusto kong hinahalikan ang mga ito. Tuwang-tuwa naman lagi siya na parang kinikiliti kapag dumadampi na ang mga labi ko sa kanyang pisngi.Minsan, gaganti din siya ng halik sa akin, pero bigla akong lilingon at mapapahagikgik na naman siya dahil palagi nang muntikang maglapat ang mga labi namin. “Kuya, you’re bad. Sabi ni mommy we should not kiss each other’s lips. We’re sisters and brothers.” naka-pout pa ang makikipot at mapupula niyang mga labi habang nagsasalita.“Hindi naman tayo magkadugo. So, I am not your brother. At saka don’t call ma kuya kapag tayong dalawa lang, please?”Again, she pouted her lips and I really wanted t

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 05

    -Justin-“No!” nang marinig ko ang sinabi ni daddy na hawakan ko daw ang kaso ni Hariette at tulungan siya, I immediately objected. Bakit ko ipagtatanggol ang babaeng nagpaiyak sa mga magulang ko? Bakit ko ipagtatanggol ang babaeng iniwan kami pagkatapos namin siyang alagaan at mahalin? And worst of all, bakit ko ipagtatanggol ang isang kriminal?“Justin, anak. She’s your sister! Kailangan niya ang tulong natin!” naluluhang sambit ni mommy at hinawakan pa ang mga kamay ko. "Hindi natin sya pwedeng pabayaan anak. Alam mo naman kung gaano namin sya kamahal ng daddy mo. You also love your sister, right?"Sister, my ass! I scoffed, pulling my hands away from her hold. “Wala akong kapatid na nang-iwan sa ere, mommy. Mahal nyo siya, pero siya, mahal nya ba tayo? Hindi, di ba? Ginamit nya lang tayo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa natin sa kanya, iniwan niya pa rin tayo. Tapos ngayon babalik siya because she needs us again? No fucking way!”Mom’s eyes flickered with hurt, but I didn’t care.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status