Share

Chapter 02

Author: Author Rain
last update Last Updated: 2025-10-31 01:50:14

-Hariette-

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga mata habang dahan-dahang namumuo ang mga luha, ngunit pinipigilan kong tuluyang pumatak ang mga ito.

“Order in the court!” Muling sigaw ng judge, pero ayaw pa rin talagang magpatinag ng dalawang abogado, at doon na nawalan ng pasensya ang judge. “Counselors, if you cannot maintain decorum in this court, I will hold both of you in contempt! Do I make myself clear?”

Biglang nanahimik ang mga abogado nang marinig ang sinabi ni Judge Policarpio at saka sabay sinambit ang mga katagang, “Yes, Your Honor.”

Napatingin ako sa kabilang panig at nakita ko si Aling Iska. Nang magtama ang aming mga paningin, bigla niya akong pinandilatan ng mga mata. Isang titig na puno ng paninisi at galit na hindi niya kailangan pang bigkasin. Agad akong umiwas ng tingin, at pilit na itinago ang panginginig ng aking mga daliri sa ilalim ng mesa.

Wala akong kasalanan kaya hindi ako dapat kabahan o mabahala. Hindi ako dapat matakot sa kanila. Pero hindi ako dapat umaasta ng ganito sa harapan nila. Na para bang takot na takot ako.

Pero hindi ko pa talaga sila kayang tingnan sa mga mata. Lalo na’t lahat sila, ang tingin sa akin ay isang mamamatay-tao. Pero kahit kailan ay hindi ko magagawa ang ibinibintang nila sa akin. Kahit nga ipis ay takot na takot akong hampasin ng tsinelas. Ang patayin pa kaya ang tiyuhin ko?

Tulad nga ng sinabi ni Atty. Garcia, may dugo akong kriminal. Dahil ang lolo ko ay si Julio Santos. Ang dating CEO ng Santos Group na ngayon ay nakakulong na dahil sa iba’t ibang kasong isinampa sa kanya. 

Isa sa mga kaso ni lolo ay ang pagpatay sa tatay ng CEO ng Avery Group na si Vaughn Avery, ang dating asawa ng mommy ko na si Beatrice Santos. Ito ay nangyari dalawampung taon na ang nakararaan. Nasa bahay ampunan na ako nang mga panahong ito.

Si mommy ay hindi rin sinasadyang nabaril ni lolo nang iharang nito ang katawan para protektahan si Daddy Vaughn. Mahal na mahal ng mommy ko si Daddy Vaughn kaya pati ang kanyang buhay ay inialay nya dito.

Hanggang ngayon, nakakulong pa rin si Lolo Julio dahil  nahatulan siya ng habang-buhay na pagkakabilanggo. Hindi ako dumalaw sa kanya kahit minsan, dahil hindi naman niya alam na apo nya ako. Hindi rin kasi ako matanggap ni mommy na anak nya, at iniwan lang ako basta-basta sa may gate ng kumbento.

Si Tiya Gilda ang kumuha sa akin mula sa ampunan, na malayong kamag-anak na nila mommy. Maganda pa ang buhay nya noon kaya pumayag ang mga madre na ipaampon ako sa kanya, pero nang mamatay ang una niyang asawa, ikinasal siyang muli kay Tiyo Arnulfo.

Isang taon lamang akong namalagi sa kanila dahil kinuha ako nina Daddy Vaughn at Mommy Bianca sa kanila. Iyon daw ang ipinangako ni Daddy Vaughn sa mommy ko sa ibabaw ng kanyang bangkay, ang ampunin ako at ituring na parang tunay na anak. Kaya naman walang nagawa si Tiya Gilda kung hindi ang ipaampon ako sa mga Avery dahil mas mapapabuti daw ang buhay ko sa kanila, na totoo namang nangyari.

Namalagi ako sa bahay ng mga Avery mula kinder hanggang second year college lang, dahil tumakas na ako sa bahay nila nang may hindi magandang nangyari.

Ang dahilan ay ang aking stepbrother na si Justin Avery. Naging malapit kami sa isa’t isa, at hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. Hindi na isang kuya lamang ang tingin ko sa kanya, kung hindi ang lalaking pangarap kong makasama habang-buhay.

Kabilin-bilinan ni Mommy Bianca na bawal kaming mahulog sa isa’t isa dahil sa mata ng mga tao at batas, magkapatid daw kami. And mommy Bianca hates incest. Pilit ko mang itinanim iyon sa aking isipan, hindi ko mapigilan ang puso ko na mahulog kay Justin, na ipinilit ni mommy na tawagin kong kuya.

Para hindi na tuluyang lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya, nagpasya akong umalis sa poder ng mga Avery. Mabigat man sa dibdib, alam kong iyon lang ang tamang gawin. Bawat araw na nakikita ko siya ay parang hindi ko na alam kung ano ang tama at mali, at ayokong dumating sa puntong kamuhian ako ng mga taong minahal ako at itinuring akong kapamilya.

Kaya isang gabi, habang tahimik ang buong kabahayan, isinulat ko ang aking liham ng pamamaalam. Sinabi kong gusto kong maging independent at hindi umasa sa yaman nila. Sinabi ko din sa sulat ko na huwag na nila akong hanapin dahil hindi rin naman ako sasama kahit pilitin pa nila ako. 

Sa sandaling iyon, alam kong may parte ng puso kong mananatili sa bahay ng mga Avery. Dito na ako lumaki. Dito ako nakaramdam ng tunay na pagmamahal ng isang buong pamilya. Dito ko naramdaman ang unang pagtibok ng aking puso, at tamis ng unang halik, na galing lahat kay Justin Avery, na stepbrother ko. 

Ngunit sa kabilang banda, mas pinili kong umalis dahil iyon ang unang hakbang para makalaya ako sa isang damdaming hindi dapat tumubo.

Bumalik ako sa bahay nina Tiya Gilda, at masaya ako dahil malugod pa rin niya akong tinanggap. Pero hindi na masaya ang bahay niya. Hindi na ito katulad ng dati na puno ng pagmamahal at walang maririnig kung hindi puro tawanan lamang.

Sa limang taon kong paninirahan sa bahay niya mula nang umalis ako sa mga Avery, nagkanda-letse-letse ang buhay namin dahil unti-unting nalulong sa alak at sugal si Tiyo Arnulfo, at halos gabi-gabi na lang ay nasa sabungan at beerhouse siya. 

Dahil sa kanyang bisyo, unti-unti ring nalugi ang aming mga negosyo. Ang maliit naming grocery store at bigasan na siya sanang inaasahan ng aming pamilya ay napilitang isara ni Tiya Gilda.

Habang unti-unting gumuho ang aming kabuhayan, mas lalo pang bumigat ang sitwasyon dahil sa kanyang pagkakasakit. Kinailangang gastusan ang mga gamot at pagpapa-ospital sa kanya, kaya’t pati ang kaunting ipon na kanyang naitatabi ay nauwi sa wala.

Napilitan akong huminto sa pag-aaral at maghanap ng trabaho para matulungan ang Tiya Gilda sa gastusin sa bahay at sa pagpapagamot niya.

Nang matapos ang hearing, kinausap ako ni Attorney Mercado sa isang pribadong silid. “I’m sorry, Hariette. But I don’t want to be your lawyer anymore.”  mariing saad nya, at hindi pa ako nakakasagot ay bigla na lamang siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “I quit. I’m really sorry.”

“Po? Bakit po?” nagtatakang tanong ko. “May ginawa po ba akong hindi maganda at gusto niyo nang umatras bilang abogado ko?” kapagkuwa’y naisip ko na baka iniisip niyang wala akong pambayad sa kanya kaya ayaw niya na akong ipagtanggol. “Hindi ba’t bayad kayo ng gobyerno sa trabaho niyong ito?”

“That is not the point!” galit na ipinalo nya ang palad sa ibabaw ng mesa na nagpatuwid sa akin ng upo. “The thing is, ayaw mong magsalita! Ayaw mong magsabi ng totoo. How can I defend you when you can’t even stand for yourself?”

Napapapitlag ako sa bawat salitang binibitawan niya, hindi dahil natatakot ako, kung hindi dahil totoo ang lahat ng sinasabi niya.

“Ang sabi mo, wala kang kasalanan, pero bakit ayaw mong sabihin kung sino ang pumatay sa tiyuhin mo? Nandoon ka noong mangyari ang krimen! Alam kong nakita mo kung sino ang pumatay, Miss Santos! Pero bakit ayaw mong sabihin kung sino? May pinagtatakpan ka ba? May pinoprotektahan? Mas gusto mo na ikaw ang magdusa kahit alam mo sa sarili mong wala kang kasalanan?” Hinintay niya akong magsalita, ngunit isang yuko lamang ang itinugon ko.

Ramdam ko na rin ang matinding pressure sa panig ng abogado ko, kaya naiintindihan ko ang biglang pagtaas niya ng boses. Tumaas-bumaba ang dibdib niya habang nakikipaglaban ng titigan sa akin nang muli akong mag-angat ng tingin, at muli ay una akong nagbaba ng mga mata. Hindi ko naman kayang sabihin ang totoo. Hindi ko kayang aminin na si Tiya Gilda ang pumatay sa asawa niya.

“Ayaw mo pa ring magsalita? Fine. Humanap ka na lang ng magaling na abogado na kaya kang intindihin, at kaya kang ipagtanggol.” pagkatapos sabihin iyon ay iniwan akong mag-isa sa maliit na silid.

Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na lamang. Paano na ako ngayon? Sino na ang magtatanggol sa akin? Pano ako makakabayad ng isang private lawyer? Yung naitabi kong pera na naipon ko noong nasa mga Avery pa ako, ninakaw ng tiyo Arnulfo. 

Ang passbook na may lamang savings ko na nilalagyan monthly ni mommy Bianca ng allowance ko ay iniwan ko din sa kuwarto kasama ng sulat at ang cellphone na regalo sa akin ni Justin noong 18th birthday ko.

Nang pumasok ang mga pulis para ibalik ako sa kulungan, agad akong nagpahid ng mga luha, at isang desisyon ang agad na nabuo sa aking isipan “Pwede po bang makitawag saglit?”

“Sinong tatawagan mo?” tanong ng lady police na nakataas ang kilay habang nakatingin ng masama sa akin.

Wala na akong choice kung hindi tawagan ang pamilya Avery. Sila na lang ang pag-asa ko. Alam kong sila lang ang makakatulong sa akin sa problema kong ito. “Ang bagong abogado ko. Umatras na po kasi si Atty. Mercado bilang lawyer ko.” sagot ko sa pulis, at pinayagan naman niya ako. “Salamat po.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 123

    -Justin-Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi ko naman talaga siya minahal eh. She was just a fling. An experience.” And then I kissed her lips. “Ikaw lang minahal ko buong buhay ko Hariette, at mamahalin pa hanggang sa mamatay ako.”“Ehem!” nagulat kami nang biglang bumungad sa harap namin si Daddy. Nasa likod naman niya si Tito Josh na ngiting-ngiti habang nakatingin sa amin. “Ano itong narinig ko? Pakiulit nga.”“Dad!” Agad kaming tumayo ni Hariette mula sa kinauupuan namin, at binalewala ang sinabi niya. “Hariette has something to tell you. Tito, ‘yung pinakita ni Harold na DNA test sa’yo, hindi totoo! It was all fake.”“What?” hindi makapaniwalang bulalas ni Tito Josh. “Harold lied to me? That fcking bastard!”I nodded my head. “Sumama si Hariette sa bahay ng mga Vergara, hindi ba? Narinig niyang nag-uusap sila about the project. I think mom didn’t want to sign it.”“Yeah.” tumango-tango si daddy. “Masyadong risky yung proposal nila sa amin. Gusto nilang ipagiba ang mga kabahayan sa

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 122

    -Justin-“Dad, sasabihin ko na lang sa’yong personal. Nakaalis na ba kayo ng hospital?” naiirita na ako sa kanya. Ayaw na lang kasing sabihin kung nasaan sila.“Hindi pa. Palabas pa lang kami ng laboratory room.”“What? Anong ginagawa mo diyan?” My brows furrowed as I opened the door again. Sinenyasan ko si Hariette na lumabas ulit mula sa kotse.“What happened?” nagtatakang tanong ng asawa ko.“Nasa loob pa sina daddy.” inilayo ko ng bahagya ang phone nang sagutin ko siya.“Let’s meet in the lobby.” iyon ang sinabi ni daddy bago niya ibinaba ang tawag.“Let’s go!” hinila ko naman sa kamay si Hariette at pumasok ulit kami sa loob ng hospital. Habang hinihintay sina daddy sa lobby, umupo muna kami sa waiting area. Nakasandal ang ulo ni Hariette sa dibd!b ko, habang nakayakap ang isang kamay niya sa bewang ko. “Justin, can you please tell me why you’re helping Scarlet? Hindi mo ba talaga anak si Raprap?” she asked as she looked up at me.I smiled, kissing her hair beforeI began to tell

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 121

    -Justin-I had no idea that my father went to find Raprap’s room. At doon, kumuha siya ng sample para ipa-DNA ang bata, pero hindi sa akin kung hindi sa kanya mismo. He wanted to make sure if Raprap was his grandson.“Where’s your dad?” nagtatakang tanong ni Tito Josh nang makitang mag-isa lang akong bumalik sa loob ng kuwarto.“I don’t know. Iniwan ko siya sa labas, tito.” sagot ko sa kanya, at dali-dali siyang lumabas. Nilapitan ko naman si Hariette na tahimik lang na nakaupo at niyakap siya ng mahigpit. “Let’s go home, baby. Gusto ko nang magpahinga.”“Okay.” My wife kissed my lips, and as she held my hand, she gently pulled me out of the room and led me outside.“Justin!” pero napahinto kami nang tawagin ako ni Scarlet. Lumingon ako sa kanya, at kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa amin ni Hariette. “Susunduin mo ba kami paglabas ni Raprap? Saan kami titira?”Nagkatinginan kami ni Hariette. “Kami na lang ng asawa ko ang maghahanap ng apartmen

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 120

    -Justin-“Daddy, she’s not my real sister!” I said, my voice shaking as I defended myself. “I’m in love with her! Walang masama doon dahil hindi naman kami magkadugo. I’ve loved her since the day you brought her into the house! Since the day she became a part of our lives. We both grew together, and I protected her. Without realizing it, my heart chose her.”Tinitigan ko si daddy. Ipinakita ko sa kanya na sincere ako sa mga sinasabi ko. Na totoo ang pagmamahal ko sa kapatid ko.Naramdaman ko ang pagpisil ni Hariette sa kamay ko, at kahit papaano ay mas nagkaroon pa ako ng lakas ng loob na sabihin kung ano talaga itong nararamdaman ko.“And now I’m already grown. I can make my own decisions. I know what I feel, and I’m not confused about it.” My eyes met dad’s, filled with quiet pleading. “So please, just let me be. Let me love her. She’s now my wife, kaya wala na kayong magagawa pa.”“Justin, you…” dinuro ako ni Daddy. “When did you get married? Paano mo ito ieexplain sa mommy mo? Sa

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 119

    -Justin-As soon as I arrived at the house, iniwan ko lang ang mga gamit ko at dumiretso na ako sa hospital. Pagdating dito, agad akong sinalubong ni Scarlet na hilam ang mukha sa luha.“Justin! Kailangan ni Raprap masalinan ng dugo. Walang available na dugo ang hospital.” hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa laboratory room. “Pwede bang magpatest ka? Baka sakaling mag-match kayo ng dugo ni Raprap.”And I did. But I didn’t expect na magmamatch kami ng dugo ng bata. He wasn’t my son. How did this even happen?Pagkatapos masalinan ng dugo si Raprap, pinagpahinga muna ako ng doctor sa isang kuwarto, and Scarlet walked in.“Thank you, Justin.” umiiyak na niyakap niya ako. “Iniligtas mo ang buhay ng anak ko. Hindi ko alam kung paano pa makakabayad sa’yo sa lahat ng mga kabutihang ginawa mo sa amin ni Raprap.”“Don’t mention it, Scarlet.” I said, gently pushing her away from me. “Iniligtas mo ang buhay ko noon, kaya nararapat lang itong ginawa ko. Pero sana, maintindihan mo din

  • Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery   Chapter 118

    -Hariette-“Severe anemia ang sakit ng bata. Kawawa naman. Sana makaligtas.” dagdag pa ni Nanay Jane na napa-sign of the cross. “Mabait pa namang bata. Ang nanay lang ang hindi.”“Pupunta po ako sa hospital. Dito muna po kayo.” at nagmamadali na akong lumabas ng bahay.“Magpahatid ka na lang kay Pilo, iha.” pahabol nito na narinig naman ni Mang Pilo na kasalukuyang papasok sa loob ng bahay.“Saan po ang punta nyo ma’am?” tanong niya nang makitang nagmamadali ako.“Sa hospital po kung saan dinala ang anak ni Scarlet.” sagot ko sa kanya bago ako sumakay sa kotse.Agad namang sumakay si Mang Pilo at pinaandar ang sasakyan patungo sa hospital. Habang biyahe, hindi ako mapakali. Galit sa akin si Justin bago siya umalis ng Coron. Sana kapag nagpakita ako sa kanya, mawala na ang galit niya sa akin. Sana mapatawad niya ako sa ginawa kong pagtalikod sa kanya.“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ni Mang Pilo sa akin anng huminto ito sa intersection dahil sa red light. Napansin niyang nangingi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status