Share

Chapter 2

Author: reyvonn
last update Huling Na-update: 2021-07-27 21:17:12

"Tama na po. Please…” Kumikirot ang puso ko at nahihirapan huminga. Pinipigilan ko ang paghikbi ngunit hindi ako nagtatagumpay.

"Anak sa labas ang babaeng 'yan! She's nothing but a piece of trash! Wala kang lugar sa mundong 'to! Tandaan mo 'yan! Anak ka ng pokpok! Bastarda!" Pinapaulanan niya ako ng mga salitang kailanman ay hindi ko gugustuhing marinig. Sigurado akong pinagtitinginan na ako ng mga ilang taong dumadaan kahit hindi ko sila lingunin.

Nanlalabo ang paningin ko habang isa-isa kong sinisikap pulutin ang mga walang muwang na damit. Walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang kagustuhang makawala sa sitwasyong ito.

"What the hell are you doing, Minerva?!" Ang boses na iyon ay tila pag-asa sa akin.

Naramdaman ko ang kamay sa aking braso. Sinikap kong makatayo. Naaninag ko ang nag-aalalang mukha ni Denver habang tinatanaw ako.

"Anong ginagawa niyo? Ano ito, Minerva? Anong ginagawa niyo sa anak ko?" Tila kulog ang boses ni Mr. Albarenzo.

Pinahid ko ang mga luha at unti-unting kinalma ang sarili, hindi malaman ang sasabihin.

"I'm just giving her what she deserves, Richard! Hindi ang babaeng 'yan ang sisira sa pamilya natin! Why did you have to find her?! May anak tayo! We have Zanila! Bakit mo pa kailangang hanapin ang anak mo sa babaeng patay na?!"

Sa pagkakahawak ko sa braso ni Denver ay doon ako kumukuha ng lakas. Malaki ang pasasalamat ko dahil dumating sila. Kahit papaano, naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Denver, ilayo mo si Marwa rito. Ngayon na." Dinig kong boses ni Mr. Alabarenzo. Kinausap niya rin ang dalawang bodyguard na kasama ng kaniyang asawa. Tila pinapagalitan ang mga ito dahil sa pagsama sa ginang.

"We immediately came here when we received a call na nagsasabing humingi raw si Ma'am Minerva ng susi sa condo mo. Alam agad ni Sir Richard ang pakay ng asawa niya and he was right. Hindi ka ba niya sinaktan? Ng mga bodyguards niya?" Si Denver nang nasa loob kami ng kotse niya.

Bumuga ako ng hangin at umiling. Wala akong lakas para sa kahit na ano. Gusto ko na lang magpahinga.

"The condo is still yours. Walang magagawa si Ma'am Minerva. Your father will handle everything, Marwa. Don't worry."

Wala akong pakialam. Kung ang condo ang problema ng asawa ni Mr. Alabrenzo, kaniya na 'yon. At huwag na niya akong guluhin pa.

"Ayos lang ako. B-Babalik na lang ako kay Tita Margaret."

Nagdadalawang-isip pa ako sa sinabi. Hindi ako sigurado kung tatanggapin ulit ako roon. Kilala ko si Tita.

"Marwa, alam mong hindi ka gusto ng tiyahin mong iyon. Kung babalik ka man, sigurado akong hahayaan ka na lang niya. Ni hindi ka kinakamusta, 'di ba? And I heard she's out of the town, wasting your father's money."

Natahimik ako. May punto siya. Napilitan lamang iyon na patuluyin ako sa pamamahay niya. Ni hindi ko alam na nagbabakasyon na pala ito.

"Just don't think about it. Hindi ka hahayaan ng ama mo."

Hindi ko alam kung magagalak ako dahil hindi ako pinaalis sa condo. Mag-iisang linggo na matapos ang nangyari. Hindi na muli pang nanggulo si Minerva. Sana lang ay huwag na talaga. Sana lang ay tigilan niya na ako. Gusto ko na lang matahimik ang buhay ko. Inabala ko na lang ang sarili tuwing walang pasok sa pagpipinta, panonood ng cooking show at paggawa ng mga schoolwork kung mayroon man. Ngunit sa Linggong ito, magkakaroon ng feeding program sa mansiyon ng mga Verulendez tulad ng nakagawian. Iyon ang ginagawa ko tuwing Linggo. Puting t-shirt, jeans at white sneakers ang suot ko para presko at kumportableng gumalaw dahil wala naman kaming gagawin doon kundi ang tumulong.

Iilang mga kaklase at kaeskwela rin ang nandito. Napapalibutan ng malaking tent ang malawak na hardin ng mansiyon kung saan gaganapin ang programa kaya kahit panaka-naka ang pag-ulan dito sa Aurora ay hindi iyon naging problema. Hinahanda na ang mga lamesa at ang mga pagkain para sa mga bata o matanda. Ceasar salad, roast beef, fried chicken, beef salpikaw at ilang mga fresh fruits ang nasa long table. May umaagos din na tsokolate sa tabing mesa kasama ang mga biscuits at candy. Malayo sa sopas o lugaw na karaniwang inihahanda sa mga ganitong feeding program.

Mag-aalas kuwatro na ng hapon at dumadagsa na ang mga bata.

Napangiti ako dahil alam kong tiyak na mabubusog ang mga bata sa mga pagkain. Mayroon pang magician at host kaya naman mukhang children's party ang programa. Hinaplos ang puso ko sa kaisipang naglalaan ang mga Verulendez ng oras at pera para sa ganitong bagay.

"Oh, ano, Marwa? Tatanga ka na lang diyan? Ganoon?" Singhal ni Gwy na naglalagay ng upuan sa mga mesa sa hindi kalayunan. Para bang pinaparinig pa ito sa Donya.

Tapos na akong maglagay ng mga paa ng mga mesa. Siya nga itong halos ngayon lang kumikilos dahil sa pagdating ng Donya. Huminto lang ako para pagmasdan ang paligid. Hindi ko na lang siya kinibo at inabala na lang ulit ang sarili.

"Is everything settled? Edna, bakit hindi niyo pa inilalabas ang letson? Naghihintay ang mga bata." Tinig iyon ni Donya Herenia. Isang puting fedora hat ang kaniyang suot na terno sakaniyang puting bestida at puting pamaypay.

"Ate, gusto ko ng chocolate!" Ngumiti ang batang lalaki. Ang sando nito na may naka-imprintang super hero ay halatang luma na.

Ngumiti ako at yumuko. "Sige, ikukuha kita. Umupo muna kayo at magsisimula na ang party," masigla kong sinabi at sinamahan siya sa isang mesa.

Halos dalawang oras ang itinagal ng programa. Inililigpit na namin ang mga upuan at mesa. Mabilis lang ang trabaho lalo pa't marami kaming narito.

"Kukuha ko kayo ng tubig." Narinig kong sambit ng isang matandang unipormadong kasambahay.

"Ah! Samahan ko na po kayo." Sabi ko nang makitang ako na lang ang walang ginagawa dahil tapos na ako sa pagpapatong ng mga upuan. Ang ilang mga kasamahan ko ay nagtatanggal pa ng table cloth.

"Oh, sige. Mabuti pa nga."

Sumunod ako sakaniya at nagtungo kami sa loob ng mansiyon. Hindi ko mapigilang mamangha sa kabuuan nito. The massive geometric structure of an ultra-modern chandelier sprouts beams of light. The hefty piece saunters low over the lounge, soaking up all the attention it deserves. Napakagandang kombinasyon ng makaluma at makabagong disenyo.

Sa aking paglinga sa paligid, nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaking marahan ang hakbang na pababa sa engrandeng hagdanan.

Bumagal ang paglalakad ko. Itim na t-shirt at gray shorts ang suot niya. Diretso ang malamig na titig nito sa akin. Nakapamulsa at ilang sandaling huminto bago ulit nagpatuloy habang pinapanood ako.

Ngumuso siya. Napakurap ako at inalis ang tingin sakaniya. Hindi ko alam pero may kung ano sa paraan ng kaniyang paninitig na dating sa akin ay negatibo.

Binilisan ko ang paglalakad at bumuntot sa kasambahay. Nagtungo kami sa dining kung saan mayroong long glass table. Napakagarbo ng disenyo. The contents of a luminous wine storage cabinet were highlighted. At maging ang mga bote ng alak ay hindi basta-basta. The bottles become works of art in the dining area which has been expertly arranged for the highlight.

"Sandali lang, naiihi ako, e." Nilingon ko ang kasambahay at tumango na lamang. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin dito.

Agad kong nilingon ang imahe na biglang sumulpot. Nagtama agad ang tingin namin at ngayon ay nasisiguro kong delikado nga siya. Hindi ko gusto ang paraan ng titig niya. Ganito ba talaga tumitig ang mga nakatira rito?

Tahimik lang siya habang kumukuha ng kung ano sa dalawang pintuang fridge. Pinanatili niyang nakabukas ang pintuan at sumulyap sa akin. Nasa kamay niya na ang isang lata ng isang inumin. Pinihit niya iyon nang 'di pinuputol ang titig.

"You want anything?" Aniya sa mababang boses.

May kakaiba sakaniyang boses. Tila ba hinaharana ka nito sa ibang paraan. Kumunot ang noo ko sa naisip. Ako lang yata ang nakakapansin niyon. Masyado ko yatang pinapalaki ang kahit na maliit na detalye sakaniya.

"Uhm. Kukuha lang kami ng tubig para sa mga tao sa labas," marahan kong sinabi.

Kumurap ako nang matantong titig na titig nga siya sa akin kahit pa na sumisimsim sa lata.

He licked his lower lip. Halos manuyo ang lalamunan ko sa tanawin na iyon. Hindi ko alam pero iba ang dating niyon sa akin! Ewan!

"Sa tuwing anong araw ka nagpupunta rito?" Aniya bago ulit sumimsim.

"Kapag uhm, may feeding program," sagot ko sa maliit na tinig.

Sinarado niya ang pintuan ng fridge. Tutok na tutok siya ngayon sa akin. Nasa kamay pa rin ang lata.

Halos mapaso ako sa nagbabaga niyang titig.

Bakit ba ganito ito makatingin? Hindi ba niya alam na sobra ang epekto ng mga mata niya?

"Kapag lang may mga ganitong feeding program? Isang beses lang iyon sa isang buwan," aniya na hindi ko maintindihan.

"Uhm, oo."

Binalot kami ng matinding katahimikan. Gusto kong magpaalam bigla at lumabas na lang! Ang hirap naman nito. Para tuloy akong tanga rito.

"Minsan lang 'yon."

Nagtagal ang mga mata ko sakaniya, hindi nakuha ang kaniyang sinabi. Ano naman kung minsan lang?

Nilapag niya ang lata ng kaniyang inumin sa counter. Nakita kong binuksan niya ulit ang fridge at ako nama'y nakatayo lang habang pinapanood siya. Inilabas niya ang isang boteng tubig at mabilis niya iyong binuksan. Lumingon siya sa akin at mas lalo akong kinabahan nang nakitang humakbang siya palapit.

Tila isa akong kuting sa harapan ng isang tigre. Hindi man lang ako umabot sa lebel ng kaniyang ilong. Inaatake ako ng kaniyang mabangong amoy. Nakakaliyo. Gusto ko tuloy siyang singhutin!

"Drink it. You look tired," malamig niyang sinabi habang inaabot iyon sa akin.

The image of him screams so much power and something was telling me that being too close to him was dangerous. He's slim, muscular with a perfect symmetrical face. His face is strong and defined as if his features molded from granite.

Ang kaniyang makapal na kilay ay nagsasabing hindi siya nasisiyahan sa kung ano mang nakikita niya ngayon. Seryoso at walang bahid ng pagkakatuwa. Muscles rippled across every part of his body. His rugged features were alluring.

Hindi ko na siya magawang tanggihan. Hindi na ako nakapag-isip pa at agad na tinanggap ang tubig.

"S-Salamat," bulong ko.

Binulsa niya ang kamay na nakalahad kanina. Parang kinakapos ako ng hininga. Tahimik ang paligid at ilang hakbang lang ang pagitan namin. Ilang sandali siyang tumitig ngunit kalaunan ay bumagsak ang tingin niya sa sahig. Nag-angat siya ng tingin at bumungad sa akin ang mapupungay niyang mga mata.

"Do you even know my name?" Marahan niyang tanong.

Umawang ang labi ko.

Hindi ko maalala. Wala akong maalalang pangalan niya. Hindi naman kami kailanman nagkakilala. Maliban lang doon sa party ngunit sobrang bilis lang niyon. Nasisiguro kong kamag-anak siya ng mga Verulendez. Maaaring pamangkin o apo. Hindi kaya anak ito ni Hedrus Verulendez?

Pumasok ang kasambahay at kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata nito nang makita ang kausap ko.

Siguro ay nagtataka ito kung bakit nakikipag-usap ang kataas-taasan niyang amo sa isang tulad ko.

Ako ang nagdala ng container ng tubig. Hindi ko na siya nilingon pa ngunit alam kong nakatingin siya sa akin magdamag. Nakahilig lang siya sa counter at nakahalukipkip.

Ilang minuto lang nang maihatid ko ang tubig sa labas, nalingunan ko ang pagsunod niya. Nakapamulsa itong naglalakad. Nang magtama ang tingin namin ay seryoso lang ito.

Kung makatingin siya ay para bang bawat kilos mo dapit pulido, walang labis, walang kulang dahil kapag nagkamali ka, pakiramdam ko ay huhusgahan ka niya. Ganoon ang kabang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya.

"Hello, Sir Hayes!" Walang hiyang bati ng isang kasamahan.

Palihim itong hinampas ng katabi niya at bumulong.

Nakita ko kung paano nagbulungan ang mga nagtutupi ng table cloth habang ang mga mata ay nasa kaniya.

Hayes?

Hindi man lang magawang ngumiti ng supladong ito. Hinahayaan niya lang ang mga boses na bumabati sakaniya. Tipid lang siyang tumango at agad lumingon sa banda ko.

Nakatayo lang siya doon habang pinapanood akong nagtutupi ng table cloth.

Kumunot ang noo ko nang maramdaman siya sa tabi ko. Mabilis ko siyang nilingon at halos tumingala ako para lang makita siya nang maayos. May ilan pang hindi natutuping table cloth at kumuha siya ng isa mula roon.

"I'll help you," mahina ang kaniyang boses. Ni hindi niya ako tinitignan habang ginagawa iyon. Pinilit kong buuin ang konsentrasyon ko ngunit tila napakahirap gawin iyon sa sitwasyong ganito.

Naramdaman ko ang paghaplos ng aking braso sakaniya. Mabilis akong lumayo ng kaunti at hindi siya sinulyapan. Nagpatuloy akong nagtutupi nang walang sinasabi. Ganoon din naman siya. Tahimik lang at mukhang walang balak magsalita.

Napapansin ko ang panonood ng mga kasamahan ko sa banda namin. Para bang may interesente sa amin at ganoon sila makatingin. Kitang-kita ko pa ang pag-irap ng ilan. Habang nagtutupi ako ay pasimple kong tinitignan ang ginagawa niya. Nakita kong marami na siyang natapos.

Isang beses ko siyang nilingon. Kinunotan ko siya ng noo nang dumungaw din siya sa akin. Nagtaas ako ng kilay ngunit nag-iwas lang siya ng tingin nang walang sinasabi.

Ngumuso ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 11

    "Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.Lumunok ako habang pinagmamasdan siya."Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay."Hmm?""When... when can I get a kiss?" I whispered softly.Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya."H-Huh?"Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya."I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina."Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.I glanced at her. "No. It'

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 10

    "Do not fucking tell me na hindi ka na naman sasama sa amin!" Sigaw ni Harris habang pinapanood akong nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa aking bag."Bro? What the fuck? When was the last time na sumama ka sa amin? Two fucking months ago!" This time, it was Dylan.I ignored them. Mabilis kong dinampot ang bag ko at sinampay sa aking balikat."I gotta go," saad ko at lumabas na ng silid. Dinig ko pa ang pagmumura ni Harris at Dylan sa akin ngunit binalewala ko lang sila.I texted Nataschia as I walked down the corridor. Yes. I got her number. Ilang linggo ko rin siyang kinulit para makuha ang number niya. Doon ko talaga napatunayang dapat ay maging makulit lang ako para tuluyan siyang bumigay sa akin.- Baby, my classes are done.Hindi niya naman mababasa 'yon dahil abala na siya sa karenderya.And I know that she doesn't care about it but

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 9

    Dagsa ang mga tao ngayon sa karenderya. Kahit tapos na akong kumain, ayaw ko pang umalis. I was hoping that I could drive her home, but she never let me. Sa isang buwan kong palaging pagpunta rito, hinihintay ko ang pag-uwi niya. Kahit alam kong hindi siya papayag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.I watched her as she smiled at their customers while taking their orders. Kahit kita ang pagod sa kaniya, hindi nabubura ang ngiti niya sa mga tao.I heard that her parents are both dead while her brother is in jail because of rape. Ngunit ang sabi ay na-frame up lang daw ang kuya niya. Tatlong taon na raw itong nasa kulungan. Gumagawa na ako ng paraan upang matulungan ang kuya niya na makalabas. May nakausap na akong abogado. I promise that I'll do everything to get her brother out of prison.Napag-alaman ko ring nasa pangangalaga ng kaniyang lola si Nataschia na siyang nagmamay-ari ng karenderyang ito.

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 8

    "Ang kapal ng mukha mo!" Nanginginig ang boses niyang sigaw. I squeezed my eyes tightly as I felt the pain from the slap slowly subsiding. Girls are crazy. Ngayon ko lang talaga napatunayan. Baliw sila.She threw punches on my chest while crying. Wala akong magawa kundi ang pigilan siya. Paano ko siya aamuhin kung sarili niya mismo ang niloloko niya? She fucking knew that we were just fucking around! We are not kids anymore!Hindi ko talaga maintaindihan kung bakit pinagpipilitan niyang girlfriend ko siya. Malinaw na malinaw sa amin na walang kahulugan ang lahat bago namin napagdesisyunang pasukin ang ganitong setup. Hindi ko siya pinilit na pumayag! Hell! I would never force a woman to enter this kind of arrangement with me. We are both consenting adults. Alam niya ang pinasok niya kaya wala siyang karapatang mag-demand ng kung ano mula sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kaniya ang lahat.Be

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 7

    A hard slap across my face made my world shook. I did not even notice the woman who suddenly appeared in front of me. Sa gulat ko ay naalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nikola at nilingon ang babaeng sumampal sa akin.A woman wearing a black tight dress, looking very irresistible, was throwing daggers at me. Her brown hair was slightly disheveled but still, she fucking looked so hot.She looked like an innocent little devil wearing that dress. Napakurap ako at natulala sa kaniyang namumulang pisngi dahil sa galit."You are so disgusting, Verulendez! Napakarumi mo! My best friend is crying right now pero ikaw nandito lang at nakikipaglandian sa babae mo!" Matalim niyang tinapunan ng tingin ang katabi kong si Nikola.I swear, her voice was so sweet. Tila ba hindi siya sanay magtaas ng boses. Ngunit naguguluhan ako. What was she talking about? Sinong best friend ang tinutukoy niya?A

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 6

    I heaved a deep sigh as I prepared myself. Kinakabahan ako at... natatakot. Pero wala akong balak umatras pa. I prayed countless times before I went here. Alam kong nasa tabi ko lang ang Diyos at gumagabay sa akin.Kinuha ko ang bulaklak na pulang mga rosas sa tabi bago ako muling nagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko ang sarili sa rearview mirror. I looked like shit. Kitang-kita ang matinding kaba sa mga mata ko ngunit wala na akong pakialam pa.Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng sasakyan. I was wearing a semi formal attire. Ayaw kong isipin ng mga magulang ni Sienna na hindi ko pinaghandaan ang pagpunta rito. I already texted Sienna saying that I was on my way. Kahapon ay sinabi ko sa kaniyang haharapin ko ang mga magulang niya upang pormal na magpaalam na ligawan siya.And that woman did not even want to believe me that I was serious about it. Buong akala niya ay walang katotohanan sa mga sinab

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status