Naabutan ko si Tita Margaret na nagkakape sa aming kusina. Hindi ko na pinatuloy si Hayes dahil alam kong may trabaho pa siya.
Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng tiyahin ko nang lumapit ako sa kaniya upang magmano.
"Kailan mo makukuha ang mana?" Iyon ang kaniyang unang bungad sa akin.
Kinunotan ko siya ng noo.
Paulit-ulit ang tiyahin ko sa bagay na ito. Halos araw-araw yata ay ganito ang sinasabi niya sa akin. Hindi niya man lang tinanong kung saan ako nanggaling. Kung bakit hindi ako rito natulog. Kung bakit ngayon lang ako nakauwi.
Humugot ako ng malalim na hininga at mabagal na umupo sa kaniyang tabi.
"Hindi ko po alam. Hindi na po iyon mahalaga, Tita."
Kitang-kita ko ang mabilis na pagsiklab ng iritasyon niya.
Nag-iwas ako ng tingin. Alam ko na ganito ang magiging r
Kahit sa gitna ng kaniyang pagmamaneho ay hindi pa rin maalis ang pagiging suplado niya. Kunot ang kaniyang noo habang tutok sa tahimik na kalsada.Ala una na ng madaling araw. Maluwag na ang kalsada at halos wala na akong makitang sasakyan sa daan.Ngumuso ako habang pinagmamasdan siya."Itsura mo?" Humalakhak ako. Mas lalo yata siyang nagsungit sa ginawa kong pagtawa. Sumulyap lang siya sa akin at hindi ako pinansin. Kinagat ko ang labi ko, natatawa pa rin. Lumingon na lamang ako sa bintana."How did you even end up in that club? That place is not safe for you. Don't you know that?" may diin niyang sinabi.Napabaling ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pananatili ng kaniyang iritasyon. Diretso lamang ang tingin niya at hindi ko siya makitaan ng anumang reaksiyon. Tanging pagka-irita lamang talaga."Hayes naman. Ano bang pro
Kinagat ko ang labi ko at marahas na pinalis ang luha na kanina pa nagbabadya.Hindi ko alam ngunit sobrang apektado ako sa mga narinig mula kay Zanila. Bawat salita ay tagos sa puso ko na nagsilbing bala para makaramdam ako ng pagdurugo.Dala-dala ko ang pag-uusap namin ni Zanila hanggang sa mga sumunod na araw. Kahit anong gawin ko ay hindi iyon mabura sa utak ko."Ba't hindi mo ibenta 'yang mga painting mo nang mapakinabangan naman natin. Sayang naman kung 'tong kwarto mo lang ang nakakakita!" si Tita Margaret.Binaba ko ang kamay ko mula sa canvas. Sumulyap ako sa kaniya at ngumuso."Ayaw ko naman pong ibenta kung hindi ako satisfied sa mga ito. Tsaka may kulang pa." Nagkibit-balikat ako at tinuloy ang pagdampi ng paint brush sa canvas."Ano ka ba! Ang galing mo kayang magpinta. Kahit ako na hindi mahilig sa ganiyan ay namamangha pa rin
"Bakit ka may singsing?"Nag-angat ako ng tingin kay Tita Margaret. Titig na titig siya sa kamay kong may hawak ng tasa ng kape. Binaba niya ang kaniyang kubyertos at tinaasan ako ng kilay.Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi. Magdamag lang akong tulala sa kisame at pakiramdam ko, panaginip lang ang lahat.O isang masaklap na bangungot. Hindi ko alam. Napakasarap sa pakiramdam, sa puntong kinukurot na ang puso ko. Hindi ko akalain na posible pala iyon. Na maging masaya ngunit masakit sa puso.Akmang ibababa ko ang aking kamay nang mabilis niya iyong hinablot.Kinagat ko ang labi ko. Pinagmasdan ko siyang kinikilatis ang singsing. Kunot ang kaniyang noo habang sinusuri iyon."Tangina... ang ganda. Bigay ba 'yan ni Hayes?" Halos bulong lamang iyon. Pinakawalan niya ang kamay ko at tinitigan ako nang mabuti. Hindi ko siya halo
Kitang-kita ko ang matalim niyang titig sa akin bago bumaling kay Hayes. Napakurap-kurap ako at lumunok.Nilingon ko si Hayes na nanatiling nakatingin sa akin, ni hindi naapektuhan sa pagdating ni Zanila. Umigting ang kaniyang panga bago sumulyap dito."I wouldn't know that you're here kung hindi lang sinabi sa akin ng maid ninyo. Lola Herenia is waiting for us in the dining. Shall we go now?" malambing ang kaniyang tono.Tumaas ang altapresyon ko sa narinig. Nanginig ang kalamnan ko sa galit. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na kinalma ang sarili."I'm sorry, Zanila. I still have to drive Marwa home. I might ditch the dinner. Just tell Lola about it," pormal na sinabi ni Hayes.Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang at hinapit ako palapit sa kaniya."Baby, let's go?" bulong niya.Umawang ang mga labi ko at nilingon si Zanil
Nalaglag ang panga ni Zanila at nanatili sa kaliwa ang mukha niya matapos ng aking sampal."Zanila! Oh my god!" Dinig ko ang singhap ni Minerva at mabilis na dinaluhan ang kaniyang anak.Nanginginig ang kamay ko habang tinatanaw siya. Sukdulan na ang galit ko sa bibig niyang puro kasiraan ang lumalabas.Hawak niya ang kaniyang pisngi at mas lalong tumalim ang mga mata niya nang bumaling sa akin."Bitch!" sigaw niya at akmang susugurin ako nang tinulak siya ni Tita Margaret.Nanatili lamang akong nakatayo, matalim ang titig sa mag-ina dahil sa matinding galit at pagkasuklam sa kanila."Huwag mong ma-bitch bitch ang pamangkin ko, bruha ka! Umalis na nga kayo rito! Gulo lang palagi ang dala niyong mag-ina! Mga salot!" Nanlalaking mga matang sigaw ng aking tiyahin.Kinagat ko ang labi ko at humugot ng malalim na hining
Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siyang kausap ang nasa kabilang linya. Umo-order ng kung anu-ano. Paulit-ulit niyang hinaplos ang kaniyang buhok at tumingin sa kawalan habang nakikinig sa sinasabi siguro ng kausap niya.Pinanood ko lamang siya hanggang sa ibaba niya ang telepono."Neal, kumain ka na muna," wika ko.Hinagis niya ang telepono sa kama habang naglalakad palapit sa akin."A-Are you going to leave now? I ordered a lot of foods. Paano iyon?" He looked so worried.Ang mga mata niya ay punung-puno ng lumbay habang tinatanaw ako. Na tila ba sa oras na iwan ko siya rito ay mas masasaktan siya.Kinagat ko ang labi ko at umiling."I'll stay, Neal." Ngumiti ako.Tinitigan niya ako nang ilang sandali bago siya tumango."Umupo ka na muna, Marwa. I'l
Tumakbo ako hanggang sa makalabas ako ng bahay nina Neal. Hindi ako lumingon dahil sa takot. Pakiramdam ko ay anumang oras ay masusundan niya ako ngunit hindi iyon nangyari. Nakasalubong ko ang isang kasambahay. Nilagpasan ko lamang siya, hindi pinansin ang kaniyang sinabi at hindi ko rin naman naintindihan kung ano iyon dahil gulung-gulo ang isip ko.Hanggang sa makasakay ako ng taxi ay nanatiling naglalaro sa aking isipan ang ginawa niya sa akin.Walang humpay ang mga luha ko. Nanginginig ang aking mga labi pati na ang balikat ko. Tulala ako at hindi sigurado kung nasabi ko ba sa driver ang aking pupuntahan. Wala na akong pakialam kung saan man niya ako dalhin. Tuliro ang utak ko dahil sa nangyari."Miss, tissue?" Dinig kong sinabi ni manong kaya sumulyap ako sa kaniya.Ngumiti ako at nagpasalamat nang kinuha ko ang inalok niyang tissue. Siguro ay nagtataka na ito kung bakit ako umiiyak. Wala siyan
Naging normal ang mga sumunod na araw. Isang linggo na lang ay pasukan na. Nag-apply ako ng scholarship sa isang unibersidad. Kahapon lumabas ang resulta at salamat sa Diyos dahil naipasa ko iyon.Naglalaro na ang mga bata sa feeding program. Kanina pa nagsimula ang programa at mag-aalas sais na ng hapon. Noong Biyernes ay tumulak si Hayes patungong Manila dahil may kailangan siyang asikasuhin doon."Sino rito si Marwa?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang kasambahay.Sumulyap sa akin ang mga kasama ko sa mesa na sina Sania. Nagtataka ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Maging ako man ay nagtataka rin."A-Ako po," sagot ko.Ngumiti sa akin ang kasambahay. Pumalakpak pa ito na para bang may nagawang maganda."Naku! Oo nga! Ikaw! Pinapatawag ka ni Donya Herenia. Nasa dining room siya ngayon, nagkakape."