Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt habang tinatanaw si Tyrell ngayon dito sa aking tabi. Payapa lang ang paligid dito sa open field ng eskwelahan.
May mga pasa siya ilang parte ng kaniyang mukha. May nakadikit na band aid sa gilid ng kaniyang kilay.
Ako lang mag-isa kanina rito ngunit bigla siyang sumulpot. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya binubuksan ang usapin tungkol sa nangyari kagabi. Mula kaninang umupo siya ay wala akong narinig tungkol doon. Nagdala pa siya ng ilang snacks at inumin.
"Uh, t-tungkol sa nangyari kagabi..."
Mabilis siyang lumingon sa akin galing sa malalim na pag-iisip. Tulala lang siya kanina at malayo ang tinitignan.
Tinitigan niya lamang ako, nag-aabang sa susunod kong sasabihin.
Kinagat ko ang labi ko. "Sorry dahil... hindi ko ginusto ang nangyari. Dahil sa akin, n-nasaktan ka."
Seryoso niya lang
"Bakit ang aga mo pala?" wika ko.Niyakap niya ang baywang ko patagilid. Ipinahinga niya ang kaniyang ulo sa aking tagiliran. Ang dalawang braso niya ang nakapalupot sa akin. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko tuloy alam kung ibubuhos ko na ba ang mainit na tubig sa tasa ko.Nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa yakap niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Shit. Hindi ko na kinakaya."I want to eat breakfast with you." napapaos at malambing ang kaniyang boses.Dahan-dahan akong lumanghap ng hangin. Hindi ko namalayan na napigil ko na pala ang pag-hinga ko.Tumikhim ako habang binubuhos ang tubig sa tasa. Hanggang sa mahalo ko ang kape ay nanatili lang siyang nakayakap sa akin."Sit on my lap, baby." he said.Binaklas niya ang kaniyang yakap sa akin. Nagbaba ako ng tingin sakaniya at
At bakit ba ako pumayag? Siguro dahil umaasa akong kahit papaano ay magiging maayos kaming dalawa? "Ang kaunti naman ng ininom mo. Masarap naman, hindi ba? It's a Consigna Merlot wine. Kung nagustuhan mo ang lasa, I could give you a bottle of it." aniya bago ulit sumimsim. Inubos ko ang wine dahil totoo namang masarap iyon. Ngumiti siya nang nilapag ko ang wine glass. Ngumuso siya habang nakatitig sa akin. Payapa kaming kumain nang dumating ang mga pagkain. Magarbo ang bawat plato. Maliit at mabagal ang naging pagsubo ko. Habang siya naman ay mukhang nasisiyahan sa kinakain. Hindi ko alam kung paano kami umabot ng isang oras sa restaurant. Hindi ko na namalayan dahil sa bagal ng pagkain ko. Maging siya rin ay tila ninanamnam ang bawat pagsubo niya. Siya lang din ang may baon na kwento. Tipid lang ang mga naging sagot ko sa mga tanong niya tungkol sa pag-aaral ko, sa bahay at
Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Pumikit ako ng mariin habang ang mga luha ay patuloy na bumubuhos. Paulit-ulit akong umiling."P-please! Huwag... ayoko. Neal, please." hindi ko na maipaliwanag ang pagiging miserable ng nararamdaman ko ngayon.Alam kong kayang-kaya niya iyong gawin. Pwedeng-pwede niya iyong gawin. Wala na akong ibang maramdaman ngayon kundi matinding takot. Takot sa maaaring gawin ni Neal.Diretso ang tingin niya sa akin nang dinampot ang kaniyang cellphone sa gilid at pinindot iyon bago iharap sa akin ang screen nito. Halos hindi ko magawang tignan ang naka-play na video. Tinutok niya iyon sa mga mata ko ngunit mariing akong umiiwas."Look at it! Tignan mo kung anong mayroon sa video na ito." nakakapanindig balahibo niyang sinabi. Isang beses ko iyong nalingunan at halos sumabog ang ulo ko sa matinding galit.It was me wearing onl
Hindi ko alam kung saan ako dapat magpunta habang bitbit ang dalawang bag na naglalaman ng ilang mga damit namin ng tiyahin ko. Wala na akong pakealam kung saan ako mapadpad sa paglalakad kong ito. Gusto ko lang makapag-isip.Nasa trabaho si tita Margaret at walang ideya na wala na kaming bahay ngayon. Hindi ko pa siya natatawagan at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakaniya ang tungkol sa lahat ng ito. Wala akong tinanggap sa perang inalok ni Zanila. Kahit kailan ay hindi ako tatanggap ng perang galing sa pamilyang iyon. Sila ang puno't dulo ng lahat ng ito.Tahimik sana ang buhay ko kung hindi ko nakilala ang aking ama. Kung sana ay hindi nalang siya dumating. Kung sana ay hindi nalang hinayaan ng Diyos na pagtagpuin ang mga landas namin. Kung sana ay habang-buhay ko nalang pinaniwalaan na wala na ang ama ko.Ito ba ang kabayaran ko? Dahil bunga ako ng kasalanan? Bunga ako ng pagkakamali ng aking
Hindi na ako makapaghintay pa kahit ilang minuto. Gusto ko ngayon na! Bakit ba ang hirap para sakanilang intindihan ako? Hindi ba nila makita sa akin ang desperasyon? Ano bang maaari kong gawin upang mapapayag sila? Wala na akong pakealam kung may benda ako sa ulo! Kung naka-hospital gown man ako! Kailangan kong makausap si Hayes ngayon. Hindi pwedeng bukas. Hindi pwedeng sa makalawa. At lalong hindi pwedeng sa susunod na araw!"Hindi niyo ba naiintindihan? Nagmamakaawa na ako sainyo! Gusto niyong lumuhod ako? Huh? Luluhod ako!" binagsak ko ang aking mga tuhod sa malamig na sahig.The muffled sobs wracked against my chest. The world turned into a blur. My noisy sobs echoed through the cold room."Marwa, don't do that. Tumayo ka na..." marahang sambit sa akin ni Tyrell na lumuhod din upang harapin ako. He bit his lower lip while softly brushing my cheek with his thumb."Dalhin mo na ako kay Haye
Wala na akong hinintay pa na pipigil sa pag-alis ko. Kung siya man o ibang tao ang tinutukoy ng babaeng ito, hindi ko na inalam pa. Hindi ko siya nilingon. Iyon lang ang nagtulak sa akin upang tuluyang umalis sa lugar na iyon. Mabilis ang mga hakbang ko palayo. Wala na. Ayoko nang kausapin pa siya. Sapat na ang nakita ko kanina. Sapat na iyon upang maintindihan ko kung hanggang saan nalang kami. Ano pa bang hindi malinaw doon? Sobrang tanga ko upang paniwalaan siya. Laro lang ang gusto niya sa simula pa lamang. Bakit ako pa ang napili niyang paglaruan? Bakit hindi nalang niya ako hinayaan? Dapat ay hindi ko nalang hinayaan ang sarili kong mapalapit sakaniya. Dapat noon pa lamang ay umiwas na ako sa dala niyang mapanganib na apoy. Nagsisisi ako. Sobrang pinagsisisihan ko na minahal ko ang isang tulad niya. Marahas na paghablot sa aking braso ang nagpatigil sa paglalakad ko, ilang hakbang patungo sa parking lot. Pwersahan akong napah
"I love this Anodyne painting..."Ngumiti ako habang pinapanood ang dalawang matandang mag-asawa na tinatanaw ang aking mga nakasabit na painting. We are in a exhibit. I was invited by Tyrell to be part of this art gallery. Lima ang isinali ko sa mga obra ko at ang tatlo sa mga ito ay nabili na kanina ng isang businessman at ng isang celebrity."Marwa Ismael?!" napabaling ako sa isang babaeng sumulpot sa aking gilid. Malapad ang kaniyang ngiti habang pinapasadahan ng tingin ang aking suot. May bahid ng pagkagulat ang kaniyang mukha.I smiled sweetly at her. "Yes. How are you?"Sumulyap ako sa kasama niya. Tingin ko ay boyfriend niya iyon. Tipid lang itong nakangiti sa akin."You look really stunning! Lalo na pala sa personal! Narito ka na pala sa New York? Hindi ba't nasa Greece ka noong nakaraang buwan for the fashion week?" she looked very pleased
Ngumiti si Tyrell at nilahad sa akin ang isang wine glass. Tinanggap ko iyon."No. You're talented that's why you've got that project. They believe in your skills. It has nothing to do with me at all."Kinagat ko ang labi ko at tumitig sakaniya. I softly brushed my lips against his. Mabilis lamang iyon ngumit kitang-kita ko ang sindak sakaniyang mukha."Thank you." I said sincerely.Hinatid niya ako sa condo nang mapagpasiyahan na naming umuwi. Alas dies na rin ng gabi at siya na rin ang nagpumilit na umuwi kami dahil nakikita niyang pagod na ako. Inimbitahan ko siyang pumasok ngunit tumanggi siya. Aniya ay kailangan ko nang magpahinga.Tinanggal ko ang aking stilettos at binagsak ang sarili sa kama. Natulala ako sa kisame. Naramdaman ko na unti-unti akong dinadalaw ng antok kaya mabilis akong bumangon at hinubad ang suot ko.