Share

Chapter 75

Alas singko ng umaga nang magising ako dahil sa matinding sakit ng ulo. Nanginig ang buong katawan ko. Pumikit ako ng mariin. Anong nangyayari? Dahil ba ito sa pagod? Sa stress? 

Sinapo ko ang ulo ko nang maramdamang tila binibiyak ito. Hinablot ko ang isang unan at dumapa sa kama. I covered my head with it. 

I don't even know how I fell asleep with the throbbing pain. Paggising ko ay hindi na matindi tulad ng kanina. Naghanda ako para sa meeting namin ni Niccolo. Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng hilo. Hininto ko ang sasakyan sa tabi. 

Pinagpapawisan ako ng malamig at sobrang nanginginig ang mga kamay ko na nasa manibela. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago muling tumulak nang medyo umayos ang pakiramdam ko. Nalate pa ako ng kalahating oras sa napag-usapan namin ni Niccolo. Humingi ako ng tawad at sinabing natraffic lang. He doesn't seem to mind it though. Aniya ay wala naman iyon

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status