Share

Chapter 63

May girlfriend na siya tapos ganito pa siya makaasta? Dinala niya pa ako rito sa lungga niya! Shit! Kung hindi niya ako dinala rito, hindi mangyayari ang lahat ng ito! 

Hindi ko pinagsisisihan iyon. Wala akong pinagsisisihan! Ginusto ko ang lahat! Kahit pa na nakainom ako, may parte pa rin sa aking aware sa mga ginagawa ko kagabi. Ako mismo ang nagsimula non at wala akong karapatang magsisi. Mahal na mahal ko ang bwisit na ito! 

Hindi ko siya nilingon at mabibigat ang mga hakbang nagtungo sa sofa. Hinablot ko ang sling bag ko at pinulot ang wedge ko sa tabi nito. Mabilis kong sinuot ang mga iyon. 

Wala na akong pakealam pa sa suot ko. Wala akong bra at tanging panty lang ang mayroon ako sa loob! Hindi bale na. Tatakpan ko nalang sa buhok ko ang dibdib ko. Mahaba naman ang damit niya sa akin kaya hindi na rin siguro mabobosohan? 

Halos umungol ako sa inis! Bwisit talaga. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status