Share

CHAPTER 14

MITSUKI’S POV

Para akong giniginaw na hindi ko alam ang kung anong gagawin at para akong maiihi na hindi mapakali sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko tinitignan si Sir Ashton at baka kung ano ang isipin nya. Nang makarating kami sa labas ng bahay ay agad kong inalis ang seatbelt ko pagkatapos no’n ay saka ako lumabas ng kotse. Akmang papasok na sana ako sa gate pero bigla nitong tinawag ang pangalan ko na sya namang ikinapikit ko ng mariin.

“Yes, Sir?” tanong ko at hindi lumilingon sa kanya.

“Face me,” saad nito at hindi ko alam kung susundin ko ba o hindi.

“Ahh… gusto ko na kasi magpahinga kung ano man po ang napag-usapan natin ngayon tingin ko sa susunod na lang natin pag-usapan ulit,” sabi ko at isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng muli nyang tawagin ang pangalan ko.

“Ms Mistuki I said face me,” ani nito at saka ako napakuyom ng kamay ko.

Humarap ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang hindi mailang. “Ano po ba ‘yon, Sir?” tanong ko at saka sya lumakad pahakbang papunta sa
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status