MITSUKI’S POV
Nangunot ang noo ko dahil wala namang maglalakas loob na pumasok ng mag-isa sa opisina ko. Maayos na rin kasi ito at p’wede na akong magpa-welcome bukas. Pumunta ako ro’n saka ko binuksan ang pinto at sa hindi inaasahan ay may humila sa ‘king kamay at hinila ako papasok. Sinara nito ang pinto at agad na sinunggaban ang labi ko ng halik. Hindi na rin ako nakapalag dahil na rin sa lakas nito at inaamin kong na-miss ko ang mga labi na iyon. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang kamay nya sa may bewang ko at mas hinapit pa ako papalapit sa kanya. Nalaglag ang gamit na dala ko at binuhat niya ako at saka pinatong sa may lamesa.
“A-Ashton…” banggit ko sa pangalan nito.
“I miss your lips baby,” bulong na sabi nito na tila napapaos pa.
“A-anong…” Napakagat ako ng labi ko ng bigla nyang hawakan ang binti ko at ipinuwesto iyon sa kanyang bewang. “Fvck sh*t!” inis kong sabi.
“Babalik ka sa ‘kin, Mistuki.”
“I will never do that,” pigil ko.
“Alam kong mahal mo pa ako. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka bumabalik sa ‘kin.” Muli na naman ako nitong sinunggaban ng halik na kalaunan ay tinugunan ko rin.
Hindi dapat ito ang nangyayare at hindi dapat ito mangyare. Binuhat niya akong muli at pumunta kami sa kabilang k’warto. Pinagawa ko ‘yon dahil sa kung sakaling ayaw kong umuwi ay dito ako matutulog. Kumpleto na ang gamit, may kama, kusina, ref, lamesa at isang upuan. Mga kagamitan na tanging ako lang ang gagamit. Hiniga nya ako sa kama at saka ako nagkaroon ng pagkakataon na tumakas pero malakas nya akong hinatak muli.
Bakit ba ako magtataka sa isang Ashton? Sya ang lalakeng kayang gawin ang lahat makuha ka lang. Pero hindi ko hahayaan na muli na naman akong mawasak ng dahil sa iisang dahilan. Hindi ko na hahayaan ang sarili kong muling magbigay ng pagkakataon at magpatawad sa pagkakamaling ilang beses ko ng pinaglaban. Tinaas niya ang dalawang kamay ko at saka ako napatingin sa mga mata niya. Ang pungay no’n at may kakaiba akong lungkot na nababasa.
Akala ko’y itutuloy nya ang balak nya pero nagkamali ako. Napasinghap ako sa sunod nyang ginawa. Bigla syang humiga sa ibabaw ko na para bang kami pa rin kahit na wala na. Niyakap nya ako at hindi naman ako nakagalaw. Sa pagkakataon na ito’y ako pa rin ang talo at ako pa rin ang mahina. Ang makita ang mga mata nya kanina ang syang naging dahilan bakit tila napawi ang lahat ng sakit sa dibdib ko at napalitan ng awa. Gusto kong mainis sa sarili ko at sisihin ang sarili ko dahil naging makasarili ako.
“Hindi ko alam paanong hihingi ng tawad sa ‘yo. Gusto kong bumalik ka na sa ‘kin pero alam kong hindi iyon gano’n kadali. I’m a fvcking idiot because I believe in the wrong person. I didn’t listen to your explanation, and I didn’t believe in you at that point. I’m sorry, Mitsuki. I’m really sorry.”
Nang sabihin nya ‘yon ay narinig ko kung paanong gumaralgal ang boses ni Ashton. Hindi man ito ang unang pagkakataon na narinig ko syang humingi ng sorry pero ito ang unang pagkakataon na makikita ko syang umiiyak nang dahil sa ‘kin. Ayaw kong nakakasakit ako dahil mas pipiliin kong ako ang masaktan. Wala akong maisagot. Unti-unti ko syang niyakap at naramdaman ko ang basa sa damit ko ng dahil sa luha nya. Bakit ba sya umiiyak? Bakit kailangan nyang maging ganito sa ‘kin. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa gano’ng pusisyon pero naramdaman kong nakatulog na sya.
Inalis ko sya sa ibabaw ko at saka ako nakahinga ng maluwag. Tumayo ako at saka ko sya inayos ng higa ay inalis ang sapatos nya. Tinitigan ko ang g’wapo nitong mukha at do’n ko lang napagtanto kung gaano kong kamahal ang taong ito.
“Matagal na rin ng huli kitang matitigan ng ganito,” sabi ko sa sarili ko at saka ko hinawi ang buhok nya. “Bakit ba kasi ang hirap mong kalimutan? Ang hirap mong ipagtabuyan at ang hirap mong paliwanagan. Nakakainis ka at naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong mahal pa kita. Hindi ko naman kayang makita kang ganito at hindi ko kakayanin kung ako ang magiging dahilan ng lungkot sa mga mata mo.” Huminga ako ng malalim at saka ako himiga sa tabi nito.
Nagising akong may humahawak sa mukha ko. Nang imulat ko ang mata ko’y do’n ko nakita ang mukha ni Ashton na maaliwalas at do’n ko nakita ang totoong ngiti nito. Ang ngiting walang halong lungkot. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ako gumagalaw. Ang sarap nyang titigan at ang sarap nyang pagmasdan. Hinawakan nito ang kamay ko saka nya ito hinalikan. Pero tila may kuryente ang labi nya at naramdaman ko ang unti-unting pagdaloy no’n hanggang sa puso ko. Pusang gala bakit ako kinikilig? Agad akong bumangon at inayos ang sarili ko.
“Ah… a-ano… nakatulog pala ako?” sabi ko at saka ako napakamot ng ulo ko.
He didn't say anything, and he didn't take his eyes off of me as if I were the most beautiful thing he had ever seen. Actually, I was surprised by what he was doing, and I felt the heat in the room even though there was an air conditioner. Napalingon ako sa may pinto ng marinig kong may kumakatok. Tumakbo ako papalapit sa pinto at saka ko iyon binuksan. Nang makita ko kung sino ay agad akong lumabas at saka sinarado ang k’warto. Baka mamaya ay kung anong isipin ng sekretarya ko.
Umalis na rin si Ashton at nag-text pa talaga sa ‘kin na mero’n lang daw syang aasikasuhin. Hindi ko naman sya tinatanong at isa pa ay wala rin naman akong pakialam sa kung anong inaasikaso nya. Nakipagkita na lang ako kay Angelique. Ikukuwento ko sa kanya ang mga nangyare at ikukuwento ko rin ang katangahan ko.
When I got to the restaurant where Angelique and I were going to meet, I saw her there drinking juice while eating. I don’t know why every time we meet, she is always hungry, and in the end, I also pay for what she eats.
“Oh, you’re already here!” Baling nya sa ‘kin at saka sya tumayo at hinawakan ang braso ko at saka ako hinila papunta sa may p’westo nya.
“You know you’re always ahead as long as there’s food?” Nakangiwing sabi ko at saka sya ngumuso sa ‘kin.
“Probably what? Well, food is life, so I am,” she answered, then I held my breath. “What’s the news?” she asked me, and then I adjusted my seat.
“Ashton is here,” saad ko at saka nanlaki ang mga mata nya.
“What the heck?” Napatakip bibig nyang saad. “Hindi nga?” paninigurado nya.
“Hindi naman ako makikipag-meet kung hindi totoo ano.”
“How? I mean, how did he know that you’re here?”
“Janne saw me at a restaurant, and then I saw Ashton outside the house. I don’t know what to do, instead of forgetting him, I still can’t do it because he’s here again to persuade me to go back to him,” sagot ko at saka naman sya tumingin sa labas.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat akong mainis dahil sa nangyayare sa buhay ko. Ang tahimik na nga ng mundo ko nagulo na naman. Pero sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang kung anong gagawin ko sa ngayon.
“Alam mo girl, si Audrey lang naman ang problema nyo hindi ba? Ashton doesn’t care about Audrey either, and he knows in himself that he made a mistake trusting her, so why don’t you give him one last chance?” tanong nito at masama ko naman syang tinignan.
“Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit ang nangyare noon kaya ang hirap mong intindihin ang sitwasyon ngayon,” sagot ko naman.
“Tanga ka? Sa totoo lang ay sarado lang ang puso at isip mo ngayon pero alam ko rin naman na mahal mo pa ex mo kahit na dalawang taon na ang lumipas. Pustahan pa tayo na naghanap ‘yan sa ‘yo noong nawala ka.”
“Naghanap nga---”
“Kita mo na? Bobo ka kasi,” sabi nito at saka nya pinitik ang noo ko.
Hindi na ako nakaangal pa at nilagay nya ang kamay nya sa bibig ko indikasyon na manahimik na lang din ako. Napatingin ako sa labas at saka ako napabuntong hininga. Totoo naman ang sinabi nyang bobo ako at totoo naman na sarado ang puso at isip ko. Sinabi ko rin sa kanya ang mga nangyare at mga sinabi ni Ashton sa ‘kin at wala akong dinagdag na salita.
Matapos naming magkuwentuhan ni Angelique ay saka namin napagpasyahan na mag-bar muna since malapit lang din naman ang bar sa pinagkainan namin kanina. Nang makarating kami doon ay bumungad na ang maingay na paligid at ang mga taong nagsasayawan at nag-iinuman. Med’yo sanay na rin ako sa ganito pero lagi lang akong nasa may bartender dahil gusto ko ang mga ginagawa nito.
Nang makaupo na ay saka ako nag-order ng girl drinks para sa aming dalawa ni Angelique. Sinama na niya sila Zett at pati na rin ang kapatid nila na si Gladys. Maganda silang magkakapatid at ang tawag ko nga sa kanilang tatlo ay tres marias dahil puro’s babae lang sila.
Nang makarating na ang dalawa ay saka kami nagsaya at sa bawat imbayo ng tugtog ay nakikisayaw sila. Hindi ko namalayan na wala na rin pala sa tabi ko at nandoon na rin sila sa dance floor at nagpapakitang gilas. Pero si Zett ay hindi dahil med’yo may pagkaboyish sya at gusto ko ang matangos nitong ilong at maliit pero bilog na mukha.
Habang umiinom ako ay may lumapit na lalake sa may gawi ko at doon sya umupo at hindi ko lang pinansin dahil nakatingin ako sa dalawang nasa dance floor. Naamoy ko ang pabango ni Ashton at hindi ko alam kung lilingunin ko ba ang lalakeng nasa likuran ko o hindi. Nakakakaba na baka iba ang bumungad sa ‘kin at maging tama ang hinala ko.
“What are you doing here?” malamig na tanong nito na syang nakapagpatayo sa balahibo ko.
Hindi ko sya sinagot at nakita kong papalapit si Angelique sa gawi ko at saka sya napatingin sa lalakeng nasa likuran ko at nanlaki ang mata nya dahil doon. “Hala?”
“What are you doing here?” tanong ni Zett sa lalakeng nasa likuran ko at napalunok ako dahil sa hindi ko alam ang kung anong isasagot ko sa kanya.
“I’m here for her,” sagot lang nito at saka ako napalunok at napapikit ng mariin bago ako lumingon sa kanya.
“Nagkayayaan lang kami. Ikaw anong ginagawa mo dito?” tanong ko at saka sya napangisi.
“Do I need to repeat what just I’ve said?” tila inis nitong sabi.
“Ito naman nagtatanong lang masyado ka namang high blood,” biglang singit naman ni Angelique “Bakit boyfriend ka ba nya?” tanong pa nito at saka kinuha ni Gladys ang drinks nya.
“No.”
“Hindi naman pala makaasta ka parang may kayo kahit na wala naman,” sabi naman ni Zett.
“Hindi mo kailangan mangialam sa buhay ni Mitsuki at isa pa ay bumalik na ang totoong mahal nya kaya kung ako sa ‘yo ay tumigil ka na sa pag-aligid sa kanya,” sabi ni Angelique at mas napapikit ako ng mariin.
Hindi ko alam kung paano akong titingin sa kanya at hindi ko alam kung bakit nga ba ako nakayuko. Hinawakan nito ang braso ko at nakita ko kung paanong tumiim ang panga nito sa ‘kin at batid ko rin ang inis nito. Nagulat naman ang tatlo sa nangyare at saka nila hinawakan ang braso ko.
“You shouldn’t go back to him because he just hurt you, Mitsuki,” mariing sabi nito.
Hindi alam ng tatlo ang kung ano ang kanilang gagawin habang ako nama ay nakatingin lang sa kanya na may takot rin. “I don’t need you to dictate what I need to do, Dylan,” mariing sabi ko at saka ko binawi ang braso ko sa kanya.
“When you were hurt, I was always there for you.”
“I never even asked for help from you, so don’t criticize the thing you did on your own; I never even asked for it.”
Kinuha ko ang bag ko at saka ako umalis roon at sumunod naman din sa ‘kin ang tatlo. Agad naman kaming kumuha ng taxi at umalis na kami sa bar na ‘yon habang ako naman ay napahawak sa ulo ko dahil sa nangyare kanina. Hinawakan ni Zett at Gladys ang kamay ko at saka nila hinagod ang likuran ko. Nang makarating sa bahay ay saka ko sila pinapasok pero napahinto ako ng makita ko na naman si Ashton.
~Present; The chapter 31’s continuation~MITSUKI’S POVHindi ako nagdalawang isip na gamitin ang card ni Ashton at sa totoo lang ay ang dami ko rin nabili para sa akin at para sa magiging baby namin. Habang nakatingin ako sa mga pinamili ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti at mapahawak sa tyan ko. Parang nagkaroon ng craving satisfaction sa akin nang mga sandali na ‘yon.“Ang gaganda naman ng mga pinamili mo,” sabi ni Janne.“Kuya mo bumili niyan,” sagot ko at saka siya tumingin sa akin.“Hindi ako magtataka. Kahit naman yata ako ibibigay ko ang mga gusto mo. Mahirap daw magtampo ang mga buntis,” sabi naman ni Janne at saka ako natawa sa kaniya. “Malapit na ang kasal niyo ni Kuya may napili ka na ba na venue?” tanong nito sa akin at saka ako tumango sa kaniya.“Gusto kong ikasala sa garden ng mansion niyo,” sabi ko at saka siya tumingin sa akin na may pagkunot ng noo.“Why?”“Nakita ko na ang garden niyo at ang ganda ng paligid no’n. Gusto ko ang amoy ng mga bulaklak,” sagot ko
~Past; The chapter 37’s continuation~MITSUKI’S POVLumipas ang mga taon at naging maayos ang relasyon namin ni Ashton. Pero nitong mga nakaraan ay tila naging cold siya sa akin at pakiramam ko ay hindi na niya ako mahal. Gano’n pa man ay hindi ako nag-isip ng kahit na ano at baka na-i-stress lang siya sa trabaho. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Audrey. Ilang beses na niya akong binabangga at ilang beses na rin niya akong pinagbabantaan na paghihiwalayin kami ni Ashton.“Oh~ Hi, Mitsuki,” malanding bati nito sa akin na may kasamang pang-aasar.“Wala akong balak na makipagsabunutan sa ‘yo ngayon,” walang ganang sabi ko sa kaniya.Nilagpasan ko siya at bigla na lang niya akong hinila dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Marami ang nakakita sa amin kaya naman agad akong tinulungan ng mga tao at s’ya naman ay inilayo sa akin. Nagwawala si Audrey at ako ay nakatingin lang sa kaniya.Hindi ko talaga siya ma-gets. Umuwi na lang ako sa bahay at saka napagpasyahan na magpahinga.
~Past; The chapter 36’s continuation~MITSUKI’S POVDinala ako ni Ashton sa isang restaurant at doon kami kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang hindi isipin ang babaing nakasagupa namin kanina. Ex ni Ashton ‘yon at hindi ko maiwasan ang hindi makaramdama ng selos. Maganda ang babae at mukhang model kaso lang ay kulang siya sa kabaitan kaya hindi ako magtataka kung ayaw sa kaniya ni Janne.“Ang lalim naman ng iniisip mo.” Napatingin ako kay Ashton at saka ako bumuntong hininga.“S-Sorry,” sabi ko at saka siya tumawa.“What are you thinking about?” tanong nito sa akin at saka niya ako sinubuan ng pagkain.Umiling ako sa kaniya at saka natawa. “Bakit naman kailangan mo pa akong subuan?” tanong ko at ngumiti siya.“Because you are my Baby,” sagot niya sa malambing na tono.“Tanga,” sabi ko at napatakip ako ng bibig ko. “Ayy sorry.”Tumingin siya sa paligid at saka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos maduling ako sa sobrang lapit niya sa akin. Habang tinitignan ang m
~Past; The chapter 35’s continuation~MITSUKI’S POVNatawa na lang kami sa ginawa ni Janne at sweet naman siya pero hindi nga lang gano’n ka-sweet pagdating kay Rylon. Umupo sa tabi niya si Rylon at saka nila pinakin ang mga aso at pusa na lumalapit sa kanila at nakakatuwa silang tignan dalawa.“I want to baby too,” sabi naman ni Ashton at napalingon ako sa kaniya.“Hindi po ba kayo nabe-baby noon?” tanong ko at tumingin si Janne sa akin.Tumawa ito ng malakas kasabay no’n ay tumawa rin sila Angelique, Zett at Gladys. Napakamot naman sa ulo niya si Sir Ashton at ako naman ay napangiwi at hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. Hindi ko na lang sila pinansin at magapos ang gabing ‘yon ay bumalik na kami sa manila.Ilang araw ang lumipas at nanatiling abala ang lahat. Hindi ko na naman nakikita si Ashton at sa totoo lang ay nami-miss ko siya. Gusto kong intindihin ang pagiging abala niya pero minsan nanghihina ako kapag wala s’yang update sa akin.“Ate Mitsuki!”“Pusa!”“Mwe
~Past; The chapter 34’s continuation~MITSUKI’S POVMasaya ako sa pag-iikot naming dalawa ni Ashton na magkasama. Hindi nito binitawan ang kamay ko at napapatingin ako doon. Nang makalabas na kami ng museum ay nag-unat ng braso si Angelique at saka siya tumingin sa amin ni Ashton.“Nakakainggit,” sabi nito at saka siya ngumuso.“Tanga ka kasi pumili ng lalaki ayan tuloy single ka pa rin,” sabi naman ni Gladys.Naiiling naman si Zett sa dalawa at natawa naman ako. Napagpasyahan na naming kumain kasi medyo nagutomna kaming dalawa. Dinala ako ni Ashton sa kotse niya at pinagbuksan ako nito ng pinto. Sumakay na ako at iniharang pa niya ang kamay niya sa ulunan ko para hindi ako mauntog. Nang makasakay na ako ay saka na niya sinara ang pinto at saka siya umikot papunta ng driver seat.Habang nakaupo ako ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan at masiyahan. Nang makaupo ito ay pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami. Mula sa likuran ay sinusundan naman kami ng kotse kung saan nakasakay
~Past; The chapter 33’s continuation~MITSUKI’S POVPaglabas ko ng k’warto ay sinalubong ako ni Janne. Tumingin ito sa paligid at saka tumingin sa akin. “Kuya left early in the morning, he said that he was going to do something in Manila. So that means, dalawa na naman tayo ang magkasama, Ate,” paliwanag niya at napatango ako.Sobrang sandali niya lang kahapon. Pero sana nakatulog siya ng maayos kagabi. “Do you want to call, Ate Haruka and your other friends to join us?” tanong ni Janne at napaisip ako.“Hindi ko alam kung abala sila ngayon o hindi. Pero hindi naman masama kung tatanungin natin,” sabi ko at ngumiti siya.Katulad ng sinabi niya ay tinawagan namin sina Gladys at tinanong kung abala ba sila o hindi. Buti na lang at sabado ngayon kaya naman kaya daw nilang mag-half day sa trabaho. Habang nasa sala ay hinihintay kong matapos si Janne sa ginagawa niya. Iniisip ko ang nangyari kagabi kasi sobrang saglit lang ng bonding naming dalawa. Alam ko naman na masyado siyang abala sa
~Past; The chapter 32’s continuation~MITSUKI’S POV“Mali po kayo ng iniisip, Sir,” sabi ko at saka tinaas ang parehong kamay.“I heard what that little b*tch said to you, Mitsuki,” seryosong sabi niya at saka naman ako sumeryoso.Bumuntong hininga ako at saka ko hinawakan ang kamay ni Janne at iniwan namin si Sir Ashton. Nilagpasan ko lang din siya at umakting na para bang hindi ko siya nakita. Habang naglilibot ay kami ay nakasunod lang sa amin si Sir Ashton. Marami ang babaing tumitingin sa kaniya at ang iba ay gustong kumiha ng litrato kasama niya.Natatawa ako sa expresyon ng mukha niya kasi ayaw niya na pinagkakaguluhan siya. Kahit ang ibang foreign girl ay gusto siya. Sino ba naman hindi gugustuhin ang isang Xivion Ashton Miller Turner—the son of a billionaire and the CEO of their own company. He was the man that woman ever dreamed of.“Ayaw ni Kuya Ashton ang kinukuhaan siya ng litrato nang kahit na sino. Hindi rin siya umaalis na wala ang nga tauhang nakapaligid sa kaniya.” N
~Past; The chapter 30’s continuation~MITSUKI’S POVKatulad ng sinabi ni Janne ay tinulungan ako ng bulter nila na makarating sa silid kung nasaan ang aklatan na sinasabi niya. Sabi rin kasi ng butler niya ay hanggang doon lang siya at bawal na pumasok. This is a private room that only a family member can only use. Napaisip tuloy ako kasi hindi naman ako kabilang sa pamilya nila. Hinanap ko ang libro na sinasabi ni Janne at nang makita ko ‘yon ay napangiti ako. “Grabe, sino kaya ang author nito at ganito kakapal ang libro?” tanong ko sa sarili ko. Sobrang kapal kasi talaga ‘nong libro.I hesitated to pull it because it appeared to be the most expensive book they had. The shelves moved, and I was shocked when they twisted. Unti-unti akong pumasok at saka namangha kasi bukod sa kulay ng buong paligid ay pakiramdam ko nasa isa akong palasyo. “Waw,” hindi makapaniwalang usal ko. Agad na bumalik ako sa ulirat nang maalala ang sinabi ni Janne. Hinanap ko ang pangsampung pinto at napapaku
~Present; The chapter 29’s continuation~MITSUKI’S POVDahil sa pananakit ng tyan ko ay hindi na ako hinayaan ni Ate na pumunta sa burol nila Mommy at Daddy. Pumunta sa bahay ang private doctor namin at saka ako chineck up. I was so stress because of what happened and I can’t even control myself. Matapos akong tignan ng doctor ay nakita ko ang dismaya sa mukha niya.“Hindi ka p’wedeng ma-stress, Mitsuki. Alam mo na nagdadalang tao ka. Kapag nagtuloy-tuloy ‘yan ay—” hindi niya matuloy ang sasabihin niya nang biglang sumingit si Janne.“You can go now, Doc,” sabi nito at saka lumapit sa akin. “You have to rest, Ate Mitsuki,” ani niya at saka ako ngumiti at tumango.Napahawak ako sa tyan ko nang umalis sina Ate Haruka. “I’m so sorry my little one, I can’t help it,” ani ko. “Hindi ko hahayaan na mapahamak ka kaya naman hindi ko na muna iisipin ang pagkamatay ni Mommy.”Kahit na masakit sa dibdib ay kailangan ko rin isipin ang nasa sinapupunan ko. Nagpahinga ako katulad ng sabi nila. Nanoo