The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-11-04
Oleh:  AbbeyPenOngoing
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
11Bab
288Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: The Contract

Sa sobrang laki ng utang ng kanyang pamilya ay hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Kung anu-anong trabaho na ang kanyang pinasok bukod sa pagiging freelance artist ngunit kulang pa din. Ang totoo ay hindi nya na maalala kung paano siya nakarating sa kanyang kinaroroonan ngayon. 

Tinititigan ni Alia ang itim at gintong kontrata na nakalatag sa malaking mahogany table. Sa tapat niya ay nakaupo si Elias Valiente na tila gawa sa yelo at marmol ang buong pagkatao. Isang bilyonaryong hindi nagpapakita ng anumang emosyon. Ang kanyang opisina ay isang pormal at malamig na templo ng kapangyarihan.

Ang opisina ni Elias ay matatagpuan sa pinakamataas na palapag ng Valiente Tower sa Makati, isang tanggapan na tila simbolo ng kanyang kalakasan at kapangyarihan. Mula sa bintanang salamin ay makikita ang paglubog ng araw sa siyudad, ngunit ang loob ay nananatiling madilim. Tanging ang mga soft lights ng table lamps ang nagbibigay-liwanag sa buong opisina. Bawat silya at bawat dekorasyon ay nagpapahiwatig ng kontrol at hindi masusukat na yaman nito. Ito ang lugar kung saan ang mga pangarap ay binibili at ang mga buhay ay kinokontrata.

Ramdam ni Alia ang lamig, hindi lamang dahil sa aircon, kundi dahil sa presensya ni Elias. Ilang oras na siyang naroon at pakiramdam niya na ang bawat minuto ay tila isang dekada na lumipas. Ang kanyang suot na simpleng damit ay tila isang costume lamang sa entablado ng yaman nito. Nagbuhos siya ng dugo at luha sa kanyang art studio na ngayon ay aagawin na dahil wala na siyang pambayad. At ngayon ay heto siya at nakikipagkasundo sa walang emosyon na diyos ng mga negosyo.

Ang bigat ng utang ng kanyang yumaong ama ang invisible chain na nagtali sa kanya. Ang 80-Milyong piso ay isang bilang na hindi niya kailanman mababayaran. Ang pag-aalay ng kanyang sarili sa kontratang ito ay hindi isang sakripisyo, kundi isang pagpaparaya. Ito ay pagpaparaya sa kanyang kalayaan at sa anumang pag-asa na magkaroon ng ordinaryong pag-ibig. 

Si Elias Valiente ay perpekto sa bawat detalye. Ang kanyang tailored suit ay walang guhit, walang bahid, at napakalinis tignan. Ang kanyang itim na buhok ay perpektong hinubog, at ang kanyang mga mata ay dark at malalim na walang laman. Walang emosyon. Walang awa. Tanging ang pagiging kalkulado at analytical ang mababasa sa kanya. Siya ay mas matanda sa kanya ng tatlong taon, ngunit ang agwat na iyon sa pagitan nila ay parang isang dekada. Isang bilyonaryo at isang nagbebenta ng kaluluwa.

“Hindi ito kasal, Ms. Alia. Ito ay isang transaksiyon,” malamig na sambit ni Elias. Ang tinig niya ay malalim at walang emosyon. Ang kanyang mga kamay ay magkadikit sa ibabaw ng kontrata na ang posisyon ay tila isang hukom na naghihintay na magpasya.

“Nauunawaan ko, Mr. Valiente,” sagot ni Alia, ang kanyang boses ay mahina ngunit matatag. Ayaw niyang ipakita ang kanyang pighati kahit na anong mangyari. Ang pagpapakita ng damdamin ay ang magiging unang pagkatalo niya laban sa lalaking ito. 

“Mabuti kung ganun. Ang iyong role ay simple lamang ngunit mahirap. Magiging perpekto kang asawa sa mata ng publiko sa loob ng isang taon,” paliwanag ni Elias. 

Hindi niya tinitingnan si Alia, Ang kanyang mga mata ay nakatuon lamang sa mga bullet points sa screen sa kanyang harapan. 

“Ang merger na pinaplano ko ay nangangailangan ng stability. Ang mga shareholders ay nangangailangan ng panatag na Valiente Empire, at ang image ng isang pamilyadong tao ay kailangan,” dugtong pa nito.Uminom siya ng tubig at nanatiling kalmado. 

“Higit pa dito ay kailangan ko ng tagapagmana. Hindi na ako bumabata, at ang legacy ay hindi maaaring maantala. Sa oras na ipanganak ang bata ay executed na ang kontrata, at magiging malaya ka na kasama ang pondo mo. Wala na din ang utang ng buong pamilya mo.”

Tila bumaliktad ang kanyang sikmura ng marinig ang tungkol sa kanyang pagdadalangtao na anak ng isang estranghero. Gayunpaman ay mas mahalaga at matimbang ang kaligtasan ng kanyang buong pamilya. 

Ipinatong ni Elias ang kanyang daliri sa isang partikular na probisyon. Ang font sa bahaging ito ay mas bold kaysa sa iba. Sinadyang bigyang-diin ang bahaging ito na nagpapahiwatig ng pinaka-importanteng sulat.

“Marital duties! Ang intimate na aspeto ay kinakailangan upang mapanatili ang pagiging lehitimo ng ating pagsasama,” litanya ni Elias. Ang delivery niya ng mga salitang ito ay tila nagbabasa lamang siya ng isang stock report. Walang seduction at walang halong pagnanasa. Tanging ang kalkuladong pangangailangan lamang.

“Ang mga tabloid ay masusundan ang bawat galaw natin kaya kailangan nilang maniwala na tayo ay isang tunay na mag-asawa sa lahat ng aspeto. Walang tanong at walang alinlangan,” patuloy niya. Huminga siya nang malalim, at ang kanyang mga mata ay sa wakas tumingin kay Alia. Ang lamig sa mga ito ay mas matindi kaysa sa ice na nanggaling sa fridge.

“Pero tandaan mo, Ms. Alia dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng damdamin. Walang pag-ibig na mararamdaman sa isa’t-isa. Ang anumang emotional attachment ay isang paglabag sa kontrata, at may katapat itong malaking penalty,” banta niya. Ang bawat salita niya ay tila martilyo na pumupukpok sa kanyang puso. 

“Ikaw ay aking asset lamang. Gamitin mo ang iyong artistic flair para gumanap, ngunit huwag mong subukang gamitin ang iyong puso.”

Hindi na niya kayang magsalita at tila naririndi na siya sa kanyang mga naririnig dito. Kinuha niya ang ballpen at tiningnan ang kanyang pirma sa waiver na ginawa nito para sa kanyang art studio. Sold. Ngayon ay ang kanyang sarili naman ang kailangan markahan nito. 

Sa ilalim ng pirma ni Elias ay inilagay ni Alia ang kanyang pangalan. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang pumirma. Ang pirma ni Alia ay ang kanyang kalayaan, ngunit ito rin ang kanyang sentensiya. Ang bigat ng kanyang kaluluwa ay tila makikita sa makapal na tinta ng ballpen na nasa papel.

Tumayo na si Elias sa kanyang kinauupuan. Isang simpleng pag-angat ng kamay ang ginawa nito at nag-aalok ng isang handshake. Ang kanyang palad ay malaki at malamig. Ang grip niya ay matibay, at ang sandaling iyon ay mas malamig pa sa bakal. Walang "Congratulations," walang "Welcome." Tanging ang finalization lamang ng kanilang deal ang sinabi nito.

“Aayusin ng aking secretary ang iyong paglipat. Bukas ng umaga, magsisimula na ang iyong buhay bilang Mrs. Valiente.”

Pagkatapos ng handshake na iyon ay umalis si Alia dala ang selyo ng kanyang pagpapakasal sa isang estranghero. Hindi siya lumingon. Hindi siya naglabas ng luha. Ngunit habang naglalakad siya papalayo sa templo ng kapangyarihan ni Elias ay alam niyang hindi lang ang kanyang katawan ang ibinenta niya sa kontrata. Sa madaling salita ay ibinenta niya din ang kanyang kinabukasan.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
11 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status