Share

CHAPTER 46

last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-17 12:08:04

BROKEN LOVE C46

3RD POV

Akmang susugurin sana nito si Jona, pero mabilis na humarang ang mga tauhan nito.

“Wala kang karapatan na ikumpara ako sa babaeng ‘yon dahil matagal na siyang wala, at kahit ano pa ang gagawin niyo, hindi na siya babalik pa.” Ngiting wika nito.

“Isa pa, hindi niyo ba alam na isa ‘yong talunan? At Bobo..” Wika nitong muli habang malawak na napangiti.

“Pero nakalimutan mo bang siya ang nagbibigay sa ‘yo ng pera, para mabili ang lahat ng gusto mo?”

“Manahimik ka!!” Malakas nitong sigaw.

“Alam mo, matagal kana sanang wala, pasalamat ka at may mga kasama ka laging tauhan.” Wika nito kay Jona.

“Bakit, ano ang gagawin mo sa akin? Ipapatay mo rin ba ako katulad sa ginawa mo sa kapatid mo?” Gulat itong napatingin kay Jona, dahil sa sinabi nito.

“Hindi totoo ‘yang sinasabi mo! Wala kang alam, dahil ang totoong pumatay kay Mia at walang iba kun’di ‘yang anak mo!” Sigaw nito, habang itinuturo siya.

“Kaya kung may dapat man kayong hulihin dito, siya ang hulihin ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Broken Love   CHAPTER 15

    BROKEN LOVE C15 3RD POV Matapos ang kanyang meeting ay muli na siyang bumalik sa kanyang opisina. Nang makapasok sa loob ay hindi niya naiwasan na magtaka, dahil hindi pa dumating si Vanz at ang yaya nito. Nang nakaupo siya sa kanyang upuan ay kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang driver. “Nasa’n na kayo?” Tanong niya, matapos nitong sagutin ang tawag niya. “Hindi po sila pinayagan ni Madam na umalis Ma’am.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito. “Hindi pinayagan? Pero bakit?” Taka na tanong niya rito. “’Yon po ang sabi ni Madam Ma’am, bawal daw pong umalis ng bahay si Sir Vanz.” Napa-kuyom ang kanyang kamao, dahil sa narinig niya mula sa kanyang tauhan. “Bumalik kana rito, dahil ako ang pupunta sa bahay.” Wika niya sa kanyang driver at mabilis na pinutol ang tawag. Tinawagan niya naman ang yaya ni Vanz, para tanungin ito kung ano ang nangyari. “Ma’am Violet.” Lalong napa-kunot ang kanyang noo, nang marinig ang boses nito. Naririnig ni

  • Broken Love   CHAPTER 14

    BROKEN LOVE 14 3RD POV “Wala Lola, wala akong ibang boyfriend.” Sagot niya sa kanyang lola. “Baka ayaw mo lang na malaman ng crush mo Ate.” Ngiting wika sa kanya ni Addison. Masama niya naman itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Tama na ‘yan. Kung ayaw ko sa lalaking ‘yan, mas ayaw ko naman sa crush mong ‘yon.” Wika ng kuya Lukas niya, kaya lalo niyang sinamaan ng tingin ang kapatid niya. Nang matapos silang kumain ay mabilis na silang nagpa-alam, dahil may gagawin pa siya sa kanyang opisina at ganun din si Bon. “Dito kana sumakay sa kotse.” Wika sa kanya ni Bon, habang nasa parking lot sila. “Mas matatagalan ka kung ihahatid mo ako.” “Sumunod ka sa akin pwede ba, at wala rin akong pakialam kung mala-late ako, dahil ako naman ang boss.” Inis niya itong tiningnan, dahil hindi niya maiwasan na mayabangan dito. Nang makapasok sa kotse ay galit niya itong tiningnan. “Bakit ba ganun ang sinabi mo sa kanila kanina?” Galit na wika niya. “Ang alin?” “Ang tungkol sa ka

  • Broken Love   CHAPTER 13

    BROKEN LOVE C13 3RD POV “Hindi ko lang matanggap na ganun ang nangyari Anak, alam mo kung gaano kita ka-mahal at iniingatan..” Hikbing wika ng kanyang ama, kaya niyakap niya ito habang hindi niya rin napigilan ang sarili niya na maiyak. “Patawarin mo ako Anak, kung nasaktan kita.” Muling wika sa kanya ng kanyang ama. “’Wag kang mag-alala Dad, wala po ‘yon sa akin Dad..” Sagot niya, habang pinunasan ng kanyang ama ang kanyang mga luha. “Alam kung hindi mo gusto ang ginawa kung pagpapakasal sa ‘yo, pero sana maintindihan mo ako.” Napangiti siya sa kanyang ama at pinunasan din ang luha sa mga mata nito. “Ayos lang po Dad, naintindihan ko po ang ginawa niyo, alam ko rin po na ako ang may mali Dad..” Sagot niya rito.Matapos silang mag-usap ng kanyang ama ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Violet, dahil sa bigat na nararamdaman niya. Hindi kasi siya sanay na magalit sa kanya ang kanyang ama, lalo na at mahal na mahal siya nito. “Bakit?” Tanong niya sa kanyang secretary, haba

  • Broken Love   CHAPTER 12

    BROKEN LOVE C12 3RD POV “Mama, mabuti at hindi ka natatakot kay Lola.” Wika sa kanya ni Vanz, matapos silang makapasok sa silid nito. “Bakit ako matatakot sa kanya, hindi naman siya nakakatakot.” Ngiting wika niya rito. “Ako Mama, natatakot ako kay Lola, lagi niya akong pinapagalitan.” Niyakap niya si Vanz, dahil sa narinig niya mula rito. “Ngayon, ‘wag ka nang matakot sa kanya, dahil nandito na ako at ipagtatanggol kita sa kanya.” Ngiting wika niya rito. “At ‘wag kang mag-alala, dahil hindi ako natatakot sa lola mo.” Muling wika niya rito. Nang makarinig ng katok sa pinto ay agad siyang napatingin dito. “Maayos na ang mga gamit mo.” Wika sa kanya ni Bon, habang papalapit ito sa kanila. “Nasa’n ang mga gamit ko?” Tanong niya rito. “Naroon sa silid ko.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa narinig niya mula kay Bon. “Anong nasa silid mo? Bakit doon mo nilagay?” Galit na tanong niya rito. “At saan mo gustong ilagay ‘yon?” “Wala ba kayong guest room? Bakit kailangan pa sa

  • Broken Love   CHAPTER 11

    BROKEN LOVE C11 3RD POV “Pumapayag na kami sa gusto niyo Dad…” Kabado na wika niya rito. “Pero ang gusto ko po sana ay isang simple lang na kasal, at walang makakaalam kun’di tayo lang.” Muling wika niya, habang napa-kunot ang noo ng kanyang ama. “Ano ang ibig mong sabihin?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya. “Kami na po ang bahala sa kasal namin Dad.” Sagot niya sa kanyang ama. “Hindi, mas mabut-.” Na-tigilan ang kanyang ama, nang hawakan ito ng kanyang ina.“Hayaan mo na sila Matteo, mukhang kaya naman nila.” Wika ng kanyang ina. “Sige, kung ‘yan ang gusto niyo. Pero gusto kung ngayon niyo na gawin ang kasal, dahil hindi ako papayag na matapos ang araw na ‘to na hindi kayo maikasal.” Wika sa kanya ng kanyang ama, kaya napatingin siya kay Bon. “’Wag kang mag-alala, tinawagan ko na ang kilala kung judge.” Wika niya kay Bon. “Baka ako na naman ang maging masama sa kanila.” “Hindi nila ‘to malalaman.” Sagot niya rito. Matapos maikasal ni Violet at Bon ay masama pa rin ang loo

  • Broken Love   CHAPTER 10

    BROKEN LOVE C10 3RD POV “Matteo, ako na ang bahala sa kanya.” Wika ng kanyang lolo. “Ikaw Piamonte, kailangan mong panagutan ang Apo ko.” Lalo siyang napa-iyak sa kanyang narinig. “Lolo..”“Tama na Violet, hindi mo kami mapipigilan sa gusto namin, dahil ayaw namin na basta ka nalang sisirain ng taong ‘yan.” Wika sa kanya ng kanyang ama. Hindi sila pinalabas sa kanyang silid habang umalis ang kanyang lolo at ang kanyang ama, kasama ng kanyang kapatid. Sa narinig niya sa kanila ay asikasuhin nila ang kanilang kasal ni Bon. “Ang galing niyo pala mag-frame-up ng tao.” Wika sa kanya ni Bon, habang hindi maipinta ang mukha nito. “Hindi ko ginusto ‘to! At kahit kailan wala akong balak na pakasalan ang isang tulad mo.” Galit na wika niya rito. Naisip niya na mabuti nalang at nasa labas na si Vanz, dahil hindi nito maririnig ang sinasabi ng kanyang kapatid. Nang bumukas ang pinto ay gulat siyang napatingin sa lola ni Bon. May kasama itong isang matandang lalaki at sa tingin niya ay asa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status