Share

Chapter 4

Author: Picky Flower
Ngayon lang nakita ni Chancellor na ganoon nagpa-panic si Francesca. Mukha itong halos maiiyak. At dahil iyon sa kanya.

Saglit siyang natulala. Parang… mahal pa rin siya nito.

Pero sa sumunod na segundo, narinig nila ang malakas na iyak ni Dylan.

“Mommy… may dugo rin si Daddy… natatakot ako…”

Napalingon si Francesca. Nakita nitong hawak ni Leonard ang braso nito habang namimilipit sa sakit.

Kanina, nang bumagsak ang chandelier, may ilang piraso ng salamin na tumalsik at tumama sa braso nito.

Dalawang maliit na sugat lang iyon pero agad na nagdesisyon si Francesca.

“Leonard, dadalhin kita sa ospital.”

Wala man lang pag-aalinlangan nitong iniwan si Chancellor habang hinihila si Leonard paalis.

Nabigla si Chancellor. Pero si Leonard pa ang unang nagsalita.

“France, isama natin si Mr. Gonzales. Mas malala ang sugat niya.”

Kasabay noon ang tuloy-tuloy na iyak ni Dylan.

“No! Daddy!”

Mahigpit na yumakap ang bata kay Francesca.

“Takot ako sa dugo… ayoko sa kanya…”

Punong-puno ng pagtanggi ang mukha ng bata habang nakatingin kay Chancellor. Tumahimik si Leonard at tumingin kay Francesca.

Ilang segundo lang…

Nagdesisyon agad ito.

“No.”

Diretso ang sagot nito.

“Madaling mahilo si Dylan kapag nakakakita ng dugo. Hindi pwedeng sumabay si Chancellor.”

Pagkatapos ay malamig nitong dinagdagan, “Hayaan mo siya. Firefighter naman siya kaya marunong siyang mag-first aid. Kaya niya sarili niya.”

“Let’s go.”

Karga nito si Dylan habang hawak ang kamay ni Leonard at ni hindi na ito lumingon pabalik.

Unti-unting lumabo ang paningin ni Chancellor dahil sa dugo. Kasabay ng dugo ang mga luha na dumadaloy sa mukha niya.

Sa huli, ang may-ari pa ng restaurant ang nagpadala ng tao para dalhin siya sa ospital. Mabuti na lang at hindi seryoso ang sugat niya.

Ilang tahi at benda lang, okay na. Pero kumpara sa sakit ng katawan…

Mas wala na siyang maramdaman sa puso niya.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksenang iniwan siya ni Francesca nang walang pagdadalawang-isip.

Parang libo-libong karayom ang tumusok sa puso niya hanggang sa maubos ang dugo roon.

Tahimik siyang nakahiga sa hospital bed. Wala na siyang inaasahan pa kay Francesca.

Ang iniisip na lang niya, sana hindi makaapekto ang sugat niya sa rescue mission kinabukasan.

Buong gabi siyang paikot-ikot sa sakit at bangungot. Pero nanatiling tahimik ang cellphone niya.

Ni isang message o tawag, walang dumating mula kay Francesca.

Parang sina Leonard at Dylan lang ang mundo nito.

At siya?

Isa lang siyang estranghero.

*

Kinabukasan, nagising siya dahil sa tawag ng team leader niya.

“Hello, Captain.”

“Chancellor, ready ka na ba?”

“Hmm. Pwede na akong bumalik sa team anytime.”

Hindi na ganoon kasakit ang ulo niya kumpara kagabi. Dahan-dahan siyang bumangon at ginalaw ang katawan. Mukhang kaya pa naman.

Tungkol naman kay Francesca…

Bahala na ito. Isa lang siyang ordinaryong tao habang si Francesca, parang diyosang hindi niya kayang abutin.

“Good.” Huminga nang mabigat ang team leader. “Huwag ka munang pumunta rito agad. Malala talaga ang forest fire ngayon.”

“May hinihintay pang fire equipment ang team. Kapag dumating iyon, saka tayo aalis.”

“Ang latest notice, mamayang hapon pa. Sasabihan kita ulit.”

Pagkababa ng tawag, tulala lang na nakaupo si Chancellor. May kalahating araw pa siya pero wala naman siyang mapuntahan.

Uuwi ba siya? Napailing siya. Ayaw na niyang ipahiya ulit ang sarili niya. Sakto namang tumawag si Francesca.

“Chancellor.”

Malamig pa rin ang boses nito.

“Pansamantala, huwag ka munang umuwi.”

Nanigas ang katawan niya. Nagpatuloy naman ito.

“Hindi ka gusto ni Dylan. Sinasabi niyang tuwing nagpapakita ka, may nangyayaring masama sa daddy niya.”

“Bata pa siya. Hayaan mo muna siyang masanay.”

Tahimik lang si Chancellor habang nakikinig. “Ipinag-book na kita ng hotel. Pinadala ko na rin doon ang gamit mo through the butler. At habang wala ka, dito muna titira si Leonard.”

Saglit itong tumigil bago dagdagan ng, “Sa kwarto mo siya matutulog. Pero don’t worry, wala kaming ginagawa.”

Parang kutsilyong dahan-dahang umiikot sa dibdib ni Chancellor ang bawat salita. Hindi man lang ito nagtatanong. Laging notification lang. Laging desisyon nito ang nangingibabaw.

“Okay, iyon lang.” Malamig pa rin ang tono ni Francesca. “May meeting pa ako. Babaan ko na.”

Pagkatapos noon, busy tone na lang ang narinig niya. Napapikit si Chancellor habang kumikirot ang dibdib niya.

‘Francesca… Sobra ka na.’

Mula nang mahuli niya itong may tinatagong relasyon kay Leonard… Hanggang sa pag-ampon kay Dylan… Pagpapatira kay Leonard sa villa…

At ngayon, siya na mismo ang pinalalayas sa bahay.

Kaunting-kaunti na lang at diretsahan na nitong aaminin ang relasyon nila.

Pero syempre, masyadong mataas ang tingin ng diyosa sa sarili nito para magpaliwanag sa isang ordinaryong tao tulad niya.

Napangiti siya nang mapait. Ituring na lang niyang nasayang ang limang taon niya.

Malapit na siyang pumunta sa pinakaunang linya ng forest fire rescue. Sa puntong iyon, parang wala na siyang energy isipin pa ang love at pamilya.

Pagkatapos ma-discharge, dumiretso siya sa hotel. Doon niya kinuha ang maleta niya. Pero nagulat siya nang makitang kasama roon ang laptop ni Francesca.

Mukhang napagkamalan ng butler na gamit niya iyon. Ang laptop na iyon kasi, siya mismo ang nagbigay rito bilang anniversary gift noon.

Nagkamali pa nga siya noon dahil black ang nabili niyang kulay.

Pero hindi naman nagreklamo si Francesca at hanggang ngayon ginagamit pa rin iyon. Work laptop nito iyon.

Sa una, wala siyang balak pakialaman.

Pero bigla niyang naalala…

Nandoon pa ang mga lumang pictures at videos nila noong nagde-date pa sila.

Noong hindi pa obsessed si Francesca sa religion at faith. Noong masaya pa sila. At dahil aalis na rin naman siya…

Mas mabuti nang burahin lahat. Para wala nang matira.

Binuksan niya ang laptop at pag-open nito, automatic na nag-login ang Vîber account ni Francesca. Agad siyang natigilan. Ang pinaka-top sa chats nito…

Si Leonard.

Hindi lang naka-pin. May special nickname pa.

“Leo.”

Isang simpleng word lang pero sobrang intimate. At siya?

Araw-araw siyang nagpapadala ng sandamakmak na messages kay Francesca pero wala man lang bakas niya sa taas ng chats.

Parang pinisil ang puso niya. Hindi niya napigilang mag-scroll pababa.

Si Leonard lang ang naka-pin na personal contact. Kasunod noon ang company group chats, executives, at clients.

Pagkatapos ay mga religious groups, temple members, at mga kasama ni Francesca sa spiritual discipline.

At sa pinakadulo…

Nandoon siya.

Lampas sandaang contacts bago niya nakita ang sarili niyang account. Nakita niya ang sariling pangalan, Chancellor.

Limang taon silang kasal…

Pero kahit anumang nickname bilang contact name, hindi niya nakuha. At mas masakit pa roon...

Siya lang ang naka-mute.

Kaya pala sa dose-dosenang messages niya araw-araw, paminsan-minsan lang ito magreply ng isang salita.

Doon niya tuluyang naintindihan. Ni minsan, hindi talaga siya naging mahalaga kay Francesca. At iyon ang marriage na akala niyang masaya.

Napatawa siya nang mapait. Pakiramdam niya nilalamon siya ng simpleng pangalang “Leo.”

Parang halimaw iyong sumugod at pinunit ang puso niya bago siya tuluyang lunurin.

Sobrang sakit. At sobrang nanlalamig siya. Halos hindi siya makahinga. Ayaw na sana niyang magbasa pa.

Pero biglang tumunog ang Vîber notification. Message mula kay Leonard. Sunod-sunod na pictures ang dumating.

Mahigit sampu. Lahat iyon ay pictures nina Francesca at Leonard habang kasama si Dylan sa school fun event.

Sa unang picture, naka-family outfit silang tatlo habang magkahawak-kamay at nakangiti. Mukha silang totoong pamilya.

Sa pangalawang picture, magkadikit ang katawan nina Francesca at Leonard habang sabay nilang binubuhat si Dylan para tusukin ang lobo sa game booth.

Sa pangatlo, may hawak na biscuit si Dylan habang sabay iyong kinakain nina Francesca at Leonard.

Halos dalawang pulgada na lang ang pagitan ng labi nilang dalawa. At bawat sumunod na picture…

Mas intimate pa kaysa sa nauna.

Napapikit si Chancellor sa sobrang sakit. Hindi pa niya kailanman nakita ang malamig na diyosang iyon na ngumiti nang ganoon kasaya.

Sa lower right corner ng pictures, may watermark ng oras. Ten minutes ago lang kuha ang mga iyon.

Napatawa siya nang mapait. Kaya pala ayaw siyang pauwiin ni Francesca. Takot pala itong may makita siya.

‘Francesca, sinabi mong nasa company meeting ka. Hindi ba’t sabi mo, hindi nagsisinungaling ang mga taong may spiritual connection sa Panginoon? Kung ganoon…

Bakit puro kasinungalingan ang laman ng kasal natin?’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 50

    Napakunot-noo si Chancellor habang hawak ang divorce agreement.Dahil sa mga naunang kalokohan ni Francesca, hindi na siya basta-basta nagtitiwala rito.Kaya imbes na umalis agad, maingat niyang binasa ulit ang buong kasunduan. Lalo na ang parte tungkol sa hatian ng ari-arian.Akala niya, dahil pumirma na si Francesca, wala na itong balak gumawa ng panibagong problema.Pero nang mas mabasa niya nang mabuti ang laman ng kontrata, agad niyang napansin ang kakaibang detalye.“Sandali. Ano ibig sabihin nitong fifty percent ng current market value ng villa?”Pagkarinig n’yon, malamig lang na sumulyap si Francesca sa kanya.Pagod ang tono ng boses nito habang sumasagot.“Walang problema ro’n. Actually, ikaw pa nga ang lugi… este, mas may pakinabang. Compared five years ago, doble na halaga ng villa ngayon. Mas malaki pa makukuha mo kaysa sa inilabas mong pera noon.”Umiling agad si Chancellor.“Hindi ko kailangan ng sobra. Hindi ko gustong makinabang sa 'yo. Kunin ko lang ’yung par

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 49

    “Francesca, kung may natitira ka pang konsensya, alam mong mas malaki ang isinakripisyo ko sa kasal na ’to kaysa sa 'yo.”“At kahit usapang pera lang… May kalahati ako sa lahat ng ’yon. Lalo na sa villa na tinitirhan natin. Huwag mong kalimutan ’yon.”Limang taon na ang nakalipas nang magdesisyon silang magpakasal ni Francesca.Noong panahong iyon, may ipon naman si Chancellor. Pero kumpara sa yaman ng Peralta family, maliit lang talaga iyon.Kahit gano’n, pinilit pa rin niyang mag-contribute sa magiging bahay nilang mag-asawa.Ginamit niya lahat ng savings niya. Pati bahay ng mga magulang niya sa probinsya ay isinangla.At sapat ang lahat ng iyon para mabayaran ang kalahati ng villa nila noon.Sa huli, ang bahay ng mga magulang niya ay ipinangalan bilang collateral kay Francesca, habang ang buong ipon niya ay ibinigay din dito.Pagkatapos noon, saka binili ni Francesca ang villa.Noong ibinigay ni Chancellor ang lahat ng meron siya para mabuo ang pamilya nila, sobrang naantig

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 48

    “Chancellor… may puso ka pa ba? Ako ’yung asawa mong limang taon mong nakasama…”Habang nagsasalita si Francesca, halatang pilit nitong pinipigilan ang emosyon niya.“Kalilimutan mo na ang divorce. Hindi ako papayag. Kahit habambuhay pa kitang pigilan, gagawin ko.”Pagkatapos sabihin iyon, parang saka lang nailabas ni Francesca ang lahat ng sama ng loob niya.Dahan-dahan siyang muling umupo sa swivel chair niya bago pilit na kumalma.“Basta huwag lang tayong maghiwalay… Papayag ako sa kahit anong gusto mo.”Bahagyang nanginig ang boses niya bago niya itinuloy, “Kahit ’yung rule tungkol sa every 16th of the month… Pwede ko nang alisin.”Sa limang taon nilang pagsasama, iyon na ang pinakamalaking compromise na kaya niyang ibigay.Dahil sa isip ni Francesca, imposibleng wala nang natitirang feelings si Chancellor para sa kanya.Limang taon silang mag-asawa. Kilala niya si Chancellor. At alam niyang noon pa man, pinakahinihintay nito ang araw na iyon kada buwan.Pero ang naging s

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 47

    Pagkakita ni Quiro sa sobrang dilim ng mukha ni Chancellor, agad itong kinabahan.“Mr. Gonzales… bakit po kayo nandito?”Hindi na siya pinansin ni Chancellor at diretsahan agad nagtanong sa malamig na tono.“Nasa office ba si Francesca?”“N-Nandoon po…”“Okay. Wala ka nang kailangang gawin. Umuwi ka na.”Pagkasabi noon, diretso nang lumabas si Chancellor ng elevator.Hindi na niya nilingon si Quiro habang mabilis na naglalakad papunta sa opisina ni Francesca.Sa loob ng limang taon nilang kasal, bilang lang sa daliri ang beses na pumunta siya sa kumpanya nito.Pero dahil sa kakaunting pagkakataong iyon, kabisado pa rin niya kung nasaan ang opisina ni Francesca.Ilang hakbang lang, nakarating agad siya sa harap ng pinto.Wala nang katok-katok. Diretso niya itong sinipa pabukas.Bang!Napakalakas ng tunog kaya napatalon sa gulat si Francesca.Pag-angat nito ng ulo, agad nitong nakita si Chancellor na papasok.“Chancellor, hindi ka ba marunong kumatok nang maayos?”Malamig

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 46

    “Sabi ko naman, hindi kita guguluhin. Pero valid pa rin ’yung sinabi ko kagabi.”“Kung okay naman para sa 'yo at willing kang magpanggap na boyfriend ko kahit pansamantala lang, magiging masaya talaga ako. At least… masasabi kong may naging magandang alaala ako kasama ka.”Pagkatapos no’n, may isa pang nakasulat sa note.“At syempre babayaran din kita.”“Para sa pag-arte bilang boyfriend ko for some time… At dagdag na rin sa sobrang galing mong performance kagabi…”“Hmm… fifty million total. Pag-isipan mo?”Sa pinakailalim ng sulat, may dagdag pa itong pahabol.“PS: Kapag ayaw mo, magpanggap ka na lang na wala akong sinabi.”“Goodbye, Mr. Gonzales.”May kasama ring personal number ni Anishka sa dulo ng note.At sa tabi no’n, may maliit pa itong doodle ng cute na cartoon character na parang nangangarap habang may nakasulat:“Sana tawagan mo ako~”Habang binabasa iyon ni Chancellor, kusa niyang na-imagine ang pilya at makulit na expression ni Anishka habang sinusulat ang note

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 45

    Pagkasabi ni Anishka noon, tuluyan na lang natahimik si Chancellor habang nakatitig sa mga matang parang anumang oras ay mababasag sa sobrang lungkot.Doon niya tuluyang naintindihan. Hindi talaga lasing si Anishka. At alam nito ang lahat mula pa kanina.“Ngayon nga hindi na inaamin ni Liam na may marriage agreement kayo.”“Baka nagbago na isip ng pamilya mo. Maybe may chance pang maayos ’to.”Mahinang ngumiti si Anishka habang may luha pa rin sa mga mata.“So what? Kahit hindi si Liam…”“Sooner or later, may iba ring Mendes, Cruz, Chua o kung sino mang rich guy na ipapakasal sa akin. Anak ako ng Alcantara family. Mula pagkabata, alam ko nang magiging tool lang ako para sa arranged marriage.”Habang nagsasalita, lalo siyang yumakap kay Chancellor. Mahina siyang bumulong malapit sa tenga nito.“Kaya desperado akong makahanap ng lalaking gusto ko talaga.”“Chancellor… ano pa bang iniisip mo?”Huminga siya nang mabigat bago marahang tumingin dito.“Hindi ba ako maganda? Hindi b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status