Share

Chapter 5

Penulis: Picky Flower
Unang instinct ni Chancellor ang tawagan agad si Francesca at komprontahin ito.

Pero nang mahawakan niya ang cellphone, bigla rin siyang natigilan. Ano pa bang saysay? Malinaw na ang lahat.

Kahit ayaw nitong makipag-divorce, aalis na rin naman siya. At sa mission na pupuntahan niya, hindi pa sigurado kung mabubuhay pa siyang makabalik.

Napabuntong-hininga siya at dahan-dahang ibinaba ang cellphone.

Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit bago siya umalis. Balak na sana niyang i-shutdown ang laptop at kunin ang maleta niya.

Pero biglang may panibagong notification. Mula ulit kay Leonard.

Video naman ngayon. Saglit na natigilan si Chancellor nang makita ang thumbnail.

Magkatabi sina Francesca at Leonard sa stage. Sobrang sweet ng aura nilang dalawa, halos umaapaw palabas ng screen.

Mukhang kakakuha lang ng video. Nanginig nang bahagya ang kamay ni Chancellor pero pinindot niya pa rin ang play.

Sa video, may teacher na nakatayo sa stage habang iniimbitahan ang mga magulang ni Dylan para ikuwento kung paano sila nagkakilala.

Pagkatapos noon, magkahawak-kamay na umakyat sina Francesca at Leonard.

Natigilan si Chancellor. Ang diyosang walang emosyon at walang interes sa romance…

Ngayon, mukhang mahiyain at puno ng lambing. Si Francesca pa mismo ang unang nagsalita.

“Si Leonard ang first love ko.”

Mahina pero puno ng lambing ang boses ni Francesca. “Magkaklase kami simula elementary hanggang college. Sa college lang siya nag-confess sa akin…”

Ngumiti ito habang nakatingin kay Leonard. “Pagkatapos naming grumaduate, masaya kaming nagpakasal.”

“Pinakamalaking swerte ko sa buhay ang makilala ang lalaking sobrang mahal ako at halos perfect na.”

Parang may sumabog sa utak ni Chancellor.

Nanlaki ang mga mata niya.

…First love? Si Leonard?

Pero noong nanliligaw pa lang siya kay Francesca, malinaw nitong sinabi na siya ang first love nito.

Sinabi pa nitong parang blank paper ito dahil wala pang karanasan at sana raw alagaan niya nang mabuti ang puso nito.

At buong puso siyang naniwala roon. Noong mag-boyfriend pa lang sila, halos sundin niya lahat ng gusto nito.

Pagkatapos nilang ikasal, halos ibigay na niya pati mga bituin sa langit kung kaya lang. Ni minsan hindi niya sinuway ang mga paniniwala nito.

Pero sa huli…

Ganito lang pala matatapos.

Parang pinunit ang puso niya at saka tinapak-tapakan hanggang madurog.

Hindi siya makahinga sa sakit. Napaupo siya sa sahig habang nanginginig ang katawan niya.

Unti-unting lumabo ang paningin niya dahil sa luha.

“Francesca…” Halos walang lumabas na boses sa bibig niya. “Matagal mo na pala akong niloloko…”

Sa sandaling iyon, saka niya tuluyang naintindihan. Hindi nagsimula sa kasal nila ang kasinungalingan.

Mula pa lang noong nililigawan niya ito… Wala nang kahit isang totoong salita si Francesca para sa kanya.

Patuloy pa rin ang video. May maririnig na mga magulang na kinikilig at nagtatawanan sa background.

May ilan pang sumigaw.

“Tell us more!”

“Anong pinaka-romantic na ginawa ni Mr. Castro?”

Napangiti si Chancellor nang mapait.

Noong una silang naging magkasintahan, sinubukan din niyang maging romantic. Marami siyang inihandang surprises para kay Francesca noon.

Pero habang tumatagal, palamig nang palamig ang reactions nito. Diretsahan pa nga nitong sinabi minsan...

“Pinaka-ayaw ko ang romance.”

Para raw sa mga taong nagpa-practice ng faith, walang silbi ang mga romantic gestures. Mas importante raw ang sincerity at naniwala ulit si Chancellor sa mga salita nito.

Pinigilan niya ang sarili niyang pagiging sweet. Sinubukan niyang maging simple at tahimik para lang mapatunayan ang sincerity niya.

Pero ang pusong iniingatan niya… Matagal nang winasak ni Francesca.

Muling nagsalita si Francesca sa video. Mahinhin at malambing ang boses nito. “Marami talagang romantic moments between me and Mr. Castro. Napaka-romantic niyang tao. Ang dami niyang surprise para sa akin noon.”

Ngumiti ito habang mas humigpit ang hawak sa kamay ni Leonard.

“Noong bagong kami pa lang, tatlong gabing hindi natulog si Leonard para gumawa ng handmade bag para sa akin.”

“Tapos nahihiya pa siyang ibigay nang diretsahan, kaya sinabi niyang prize lang daw iyon.”

“Tandang-tanda ko pa. Antok na antok siya noon at sobrang lalim ng eyebags niya.”

Mahina itong tumawa.

“At doon ko naisip… siya na talaga.”

Parang tumigil ang paghinga ni Chancellor.

Dahil…

Siya ang gumawa ng bag na iyon.

Tatlong gabi siyang halos hindi natulog para matapos iyon.

At noong ibinigay niya iyon kay Francesca, simpleng “thank you” lang ang natanggap niya.

Hindi man lang niya nakitang ginamit iyon kahit minsan. Kapag tinatanong niya, lagi lang nitong sinasabing hindi nito gusto ang style.

Matagal pa siyang nagsisi noon. Akala niya mali ang napili niyang design.

Pero ngayon…

Ibinigay na pala ni Francesca ang memory na iyon sa ibang lalaki. Patuloy pa rin ito sa video.

“May time din na sinabi kong hindi masarap ang pagkain sa company cafeteria.”

“Pag-uwi ko, naghanda si Mr. Castro ng sobrang daming pagkain para sa akin.”

“Lahat ng paborito ko.” Mahinang tumawa si Francesca habang nakatingin kay Leonard.

“Later ko na lang nalaman na kalahating araw siyang naghanap ng best ingredients sa buong city.”

“Tapos napaso pa raw nang todo habang nagluluto.”

Habang nagsasalita ito, dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay ni Leonard at hinalikan iyon sa harap ng lahat.

“Hindi ko talaga makakalimutan ’yon.”

“Tinawag ko pa siyang tanga noon, pero sabi niya worth it daw lahat basta mapangiti lang ako.”

Parang hinihiwa nang paulit-ulit ang puso ni Chancellor. Dahil siya rin ang gumawa noon.

Pero ang totoo? Ni isang subo, hindi ginalaw ni Francesca ang pagkain.

Sa halip, pinagalitan pa siya nito. Sinabi nitong ang mga taong religious ay ayaw sa luho at aksayang pagkain.

At ang ginawa niya raw ay patunay na hindi niya talaga naiintindihan o nirerespeto ang faith nito.

Noon, todo paliwanag pa si Chancellor.

“Gusto ko lang naman mapasaya ka…”

Pero hindi siya pinansin ni Francesca. Diretso pa itong tumira sa isang chapel nang isang linggo. At tungkol sa mga paso niya noon…

Akala niya hindi man lang iyon napansin ni Francesca. Pero ngayon alam na niya. Napansin nito. Wala lang talaga itong pakialam.

Nagpatuloy ang video.

“Noong nagka-high fever ako…”

Mas lalong lumambing ang tingin ni Francesca kay Leonard. “Tatlong araw at tatlong gabi akong binantayan ni Mr. Castro.”

“Hindi siya natulog hanggang sa siya mismo ang maospital.”

“Sinabi pa niyang mas importante raw ang buhay ko kaysa sa kanya.”

Sunod-sunod ang kilig at inggit ng ibang magulang sa paligid. Pero para kay Chancellor…

Parang bawat tunog ay kutsilyong tumatama sa puso niya. Dahil siya rin ang gumawa noon.

Noong nilagnat si Francesca, siya ang nag-leave sa trabaho para alagaan ito araw-gabi. Pero ang kapalit?

Pagtataboy sa kanya.

Sinabi pa ni Francesca noon na ang lagnat ay “pagsubok” at “blessing” para sa faith nito.

Pinagbawalan pa siyang pumasok sa kwarto dahil marumi at ignorante raw siya.

Sa sobrang guilt niya noon, halos hindi siya makatulog kakabasa tungkol sa Catholicism at kung may ganoon ba talagang bagay na sinasabi nito.

Pero kahit anong hanap niya… Wala naman siyang makitang aral na nagsasabing blessing ang magkasakit.

Ngayon lang niya na-realize. Dahilan lang pala iyon para itulak siya palayo.

Napahawak si Chancellor sa dibdib niya habang umiiyak nang tahimik. Hindi pala walang emosyon si Francesca. Hindi pala ito walang pagmamahal. Sa kanya lang pala ito malamig.

Lahat ng kabutihang ginawa niya, naalala nito. Pero ibinigay nito ang credit sa ibang lalaki.

Sa wakas, pinatay niya ang video. Hindi na niya kayang panoorin pa.

Pakiramdam niya unti-unti siyang pinapatay ng bawat segundo. “Lahat ng ’yon… ako ang gumawa para sa 'yo…”

Halos mawalan siya ng boses sa sakit.

“Pero sa iba ka nagpapasalamat…”

Sa puntong iyon, parang may biglang kumalas sa loob niya.

Wala nang natirang pag-asa. Wala na ring luha.

Sa halip…

Parang gumaan pa ang pakiramdam niya.

Mabuti na lang at bago siya umalis, nalaman niya ang buong katotohanan. Talagang panahon na para tapusin ito. Ang katawa-tawang kasal na ito.

Walang puso ang diyosang minahal niya.

At panahon na ring sumuko ang isang ordinaryong tao tulad niya. Humingi siya ng papel at ballpen sa hotel front desk.

Pagkatapos, tahimik siyang nagsulat ng huling sulat para kay Francesca.

“Francesca.

Kahit pumayag ka o hindi, kahit nasa religious commitment ka pa ng faith mo, tapos na tayo. Pinalalaya na kita para makasama ang first love mo na si Leonard.

“Si Dylan… anak niyo talaga, hindi ba?

“Hindi ko maintindihan. Kung sobrang hirap mong itago lahat at sobrang pagod kang pakisamahan ako, bakit mo pa ako pinakasalan? Sa loob ng limang taon, ipinamukha mo sa akin kung gaano ako kaawa-awa.

“Hindi ko itatago, umiyak ako hanggang sa maubos ang luha ko pero hindi dahil mahal pa kita kundi dahil naaawa ako sa sarili ko.

“Bilang asawa mo, galit na galit ako sa 'yo pero bilang firefighter, hindi ko pinagsisisihang iniligtas ko kayong tatlo sa hotel.

“Ngayon, aalis na ulit ako para sa mission. Isipin mo na lang na namatay ako sa rescue operation na ’to. Hindi na tayo magkikita ulit.

“Paalam.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 50

    Napakunot-noo si Chancellor habang hawak ang divorce agreement.Dahil sa mga naunang kalokohan ni Francesca, hindi na siya basta-basta nagtitiwala rito.Kaya imbes na umalis agad, maingat niyang binasa ulit ang buong kasunduan. Lalo na ang parte tungkol sa hatian ng ari-arian.Akala niya, dahil pumirma na si Francesca, wala na itong balak gumawa ng panibagong problema.Pero nang mas mabasa niya nang mabuti ang laman ng kontrata, agad niyang napansin ang kakaibang detalye.“Sandali. Ano ibig sabihin nitong fifty percent ng current market value ng villa?”Pagkarinig n’yon, malamig lang na sumulyap si Francesca sa kanya.Pagod ang tono ng boses nito habang sumasagot.“Walang problema ro’n. Actually, ikaw pa nga ang lugi… este, mas may pakinabang. Compared five years ago, doble na halaga ng villa ngayon. Mas malaki pa makukuha mo kaysa sa inilabas mong pera noon.”Umiling agad si Chancellor.“Hindi ko kailangan ng sobra. Hindi ko gustong makinabang sa 'yo. Kunin ko lang ’yung par

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 49

    “Francesca, kung may natitira ka pang konsensya, alam mong mas malaki ang isinakripisyo ko sa kasal na ’to kaysa sa 'yo.”“At kahit usapang pera lang… May kalahati ako sa lahat ng ’yon. Lalo na sa villa na tinitirhan natin. Huwag mong kalimutan ’yon.”Limang taon na ang nakalipas nang magdesisyon silang magpakasal ni Francesca.Noong panahong iyon, may ipon naman si Chancellor. Pero kumpara sa yaman ng Peralta family, maliit lang talaga iyon.Kahit gano’n, pinilit pa rin niyang mag-contribute sa magiging bahay nilang mag-asawa.Ginamit niya lahat ng savings niya. Pati bahay ng mga magulang niya sa probinsya ay isinangla.At sapat ang lahat ng iyon para mabayaran ang kalahati ng villa nila noon.Sa huli, ang bahay ng mga magulang niya ay ipinangalan bilang collateral kay Francesca, habang ang buong ipon niya ay ibinigay din dito.Pagkatapos noon, saka binili ni Francesca ang villa.Noong ibinigay ni Chancellor ang lahat ng meron siya para mabuo ang pamilya nila, sobrang naantig

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 48

    “Chancellor… may puso ka pa ba? Ako ’yung asawa mong limang taon mong nakasama…”Habang nagsasalita si Francesca, halatang pilit nitong pinipigilan ang emosyon niya.“Kalilimutan mo na ang divorce. Hindi ako papayag. Kahit habambuhay pa kitang pigilan, gagawin ko.”Pagkatapos sabihin iyon, parang saka lang nailabas ni Francesca ang lahat ng sama ng loob niya.Dahan-dahan siyang muling umupo sa swivel chair niya bago pilit na kumalma.“Basta huwag lang tayong maghiwalay… Papayag ako sa kahit anong gusto mo.”Bahagyang nanginig ang boses niya bago niya itinuloy, “Kahit ’yung rule tungkol sa every 16th of the month… Pwede ko nang alisin.”Sa limang taon nilang pagsasama, iyon na ang pinakamalaking compromise na kaya niyang ibigay.Dahil sa isip ni Francesca, imposibleng wala nang natitirang feelings si Chancellor para sa kanya.Limang taon silang mag-asawa. Kilala niya si Chancellor. At alam niyang noon pa man, pinakahinihintay nito ang araw na iyon kada buwan.Pero ang naging s

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 47

    Pagkakita ni Quiro sa sobrang dilim ng mukha ni Chancellor, agad itong kinabahan.“Mr. Gonzales… bakit po kayo nandito?”Hindi na siya pinansin ni Chancellor at diretsahan agad nagtanong sa malamig na tono.“Nasa office ba si Francesca?”“N-Nandoon po…”“Okay. Wala ka nang kailangang gawin. Umuwi ka na.”Pagkasabi noon, diretso nang lumabas si Chancellor ng elevator.Hindi na niya nilingon si Quiro habang mabilis na naglalakad papunta sa opisina ni Francesca.Sa loob ng limang taon nilang kasal, bilang lang sa daliri ang beses na pumunta siya sa kumpanya nito.Pero dahil sa kakaunting pagkakataong iyon, kabisado pa rin niya kung nasaan ang opisina ni Francesca.Ilang hakbang lang, nakarating agad siya sa harap ng pinto.Wala nang katok-katok. Diretso niya itong sinipa pabukas.Bang!Napakalakas ng tunog kaya napatalon sa gulat si Francesca.Pag-angat nito ng ulo, agad nitong nakita si Chancellor na papasok.“Chancellor, hindi ka ba marunong kumatok nang maayos?”Malamig

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 46

    “Sabi ko naman, hindi kita guguluhin. Pero valid pa rin ’yung sinabi ko kagabi.”“Kung okay naman para sa 'yo at willing kang magpanggap na boyfriend ko kahit pansamantala lang, magiging masaya talaga ako. At least… masasabi kong may naging magandang alaala ako kasama ka.”Pagkatapos no’n, may isa pang nakasulat sa note.“At syempre babayaran din kita.”“Para sa pag-arte bilang boyfriend ko for some time… At dagdag na rin sa sobrang galing mong performance kagabi…”“Hmm… fifty million total. Pag-isipan mo?”Sa pinakailalim ng sulat, may dagdag pa itong pahabol.“PS: Kapag ayaw mo, magpanggap ka na lang na wala akong sinabi.”“Goodbye, Mr. Gonzales.”May kasama ring personal number ni Anishka sa dulo ng note.At sa tabi no’n, may maliit pa itong doodle ng cute na cartoon character na parang nangangarap habang may nakasulat:“Sana tawagan mo ako~”Habang binabasa iyon ni Chancellor, kusa niyang na-imagine ang pilya at makulit na expression ni Anishka habang sinusulat ang note

  • Broken Marriage: My Wife Still Loves Her First Love   Chapter 45

    Pagkasabi ni Anishka noon, tuluyan na lang natahimik si Chancellor habang nakatitig sa mga matang parang anumang oras ay mababasag sa sobrang lungkot.Doon niya tuluyang naintindihan. Hindi talaga lasing si Anishka. At alam nito ang lahat mula pa kanina.“Ngayon nga hindi na inaamin ni Liam na may marriage agreement kayo.”“Baka nagbago na isip ng pamilya mo. Maybe may chance pang maayos ’to.”Mahinang ngumiti si Anishka habang may luha pa rin sa mga mata.“So what? Kahit hindi si Liam…”“Sooner or later, may iba ring Mendes, Cruz, Chua o kung sino mang rich guy na ipapakasal sa akin. Anak ako ng Alcantara family. Mula pagkabata, alam ko nang magiging tool lang ako para sa arranged marriage.”Habang nagsasalita, lalo siyang yumakap kay Chancellor. Mahina siyang bumulong malapit sa tenga nito.“Kaya desperado akong makahanap ng lalaking gusto ko talaga.”“Chancellor… ano pa bang iniisip mo?”Huminga siya nang mabigat bago marahang tumingin dito.“Hindi ba ako maganda? Hindi b

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status