Home / Romance / Broken Promise / Chapter Six - Mr. Playboy

Share

Chapter Six - Mr. Playboy

Author: Ms. JN
last update publish date: 2026-02-13 03:57:49

CHAPTER SIX - Mr. Playboy

PUMASOK na rin siya sa office kinabukasan. Gusto pa sana niyang bantayan si Ali ngunit mapilit ito na kaya na nito ang sarili. Medyo okey na rin kasi ang pakiramdam nito kaya hinayaan na lang niya. Mahigpit din naman niyang binilin ito sa mga kasama nila sa bahay kaya hindi na siya gaanong nag-aalala.

Papalabas na nang gate ang kotse niya ng mapansin niyang may nakaparadang sasakyan sa tapat nang bahay nila. Napakunot-noo siya ng makita niya si Yasser na ngayon ay nakasandal sa kotse nito.

Ano na naman kaya ang kailangan ng isang ito?

Inihinto muna niya ang kotse sa tapat nito bago niya binuksan ang bintana.

"Anong masamang kaluluwa ang nagdala sayo dito, Yasser?"

Narinig niya ang pagtawa nito sa sinabi niya. Napakagwapo nito ng mga oras na yun. Hindi mapagkakailang habulin talaga ito ng mga girls. Lutang na lutang kasi ang appeal nito sa suot na longsleeve.

"Good morning, Ms. Beautiful."

He smiled at her na naging dahilan upang lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito. Lumapit ito sa kotse niya at sinilip din siya sa bintana.

"What's good in the morning? Eh ang aga mo kayang nambulahaw."

He smirked at her. "Ikaw naman. Napakasungit mo talaga sakin kahit kailan. Sige ka, hindi na kita ilalakad kay DJ."

Napakamot siya ng baba. Hanggang kailan ba siya nito tutuksuhin kay DJ?

"Hay naku, kung yung abnormal na yun lang ang pag-uusapan natin kaya maaga kang nang-istorbo, I better go na lang. Marami pa kong gagawin sa office."

"Kailan mo ba marerealize na mahal niyo pa ang isa't-isa?"

"Siguro kapag nagseryoso ka na sa isang babae baka ako pa ang manligaw kay Didrey."

Nahintakutang tinignan siya nito. Knowing Yasser, alam niyang hindi nito magagawang magseryoso sa babae. Hobby na yatang talaga nito ang pagiging playboy.

"Nagbago na pala ang isip ko, Jullie. Kahit huwag na lang pala kayo magbalikan. Forget it na lang." nakangiwing saad nito.

"Hay naku, Yasser. Wala ka pa ding pinagbago. What are you doing here ba?"

"Have you heard about Travis' Party?"

"Yes. Sinabi na sakin yan ni Paul nang magkita kami sa salon ko. Saka sino ba naman ang hindi nakakaalam pa nun? Talk of the town eh."

"Since alam mo na pala. May date ka na ba sa party niya?"

"Ha? Kailangan pa ba nun?"

Nagtaka siya ng biglang itong tumawa ng malakas. Okey, anong nakakatawa sa sinabi niya? Nagjoke ba siya? Parang hindi naman.

"What's funny?"

Umiling lang ito. "Kaparehong-kapareho kayo nang sagot ng taong kakilala ko."

"At sino naman yun?"

Nginitian lang siya nito. "I guess na wala kang ka-date sa party ni Travis. Can I be your date?"

Magrereact na sana siya sa sinabi nito ng magkarinig sila ng sunod-sunod at malakas na busina ng sasakyan mula sa likuran nila. Noon lang niya narealize na nakaharang pala ang kotse niya sa daanan. Pinarada niya sa gilid ang kotse niya.

Napakunot-noo siya ng makilala ang kotseng malakas na bumusina sa kanila ni Yasser. Kung hindi siya nagkakamali kay DJ na sasakyan na yun.

Nagtaka siya. Masyado kasing out of way ang pagdaan nito sa street nila kung papalabas ito ng subdivision.

"Mukhang may nagseselos ha." nakangising sabi ni Yasser na nakadungaw na ulit sa bintana ng kotse niya.

"Shut up. Back to business, bakit ako ang inaaya mo na maging date? Naubusan ka na ba ng chicks?"

He just smiled at her pero hindi nito sinagot ang tanong niya.

"Next week na ang party. Sunduin kita before 7pm. Is it okey with you, Jullie?"

Napailing siya. Mukhang wala naman siyang magagawa dito kung tumanggi man siya. Hindi ito tumatanggap ng salitang 'ayaw' at 'hindi'.

"Fine. Seven pm then."

Napangiti ito ng maluwag na para bang tuwang-tuwa na pumayag siya.

"Good to hear that. See you."

Muli siyang napailing habang tinatanaw ang palayong sasakyan ni Yasser. Wala siyang idea kung anong plano ang binabalak nito.

MALUWAG ang pagkakangiti niya habang nagmamaneho palayo kay Jullie. Sa ngayon, nagtagumpay siya sa unang plano niya para sa dalawa.

Sa totoo lang, ayaw na sana niyang makialam pa sa kung anuman ang namamagitan sa dalawa. Pero masyado na siyang nababagalan kay DJ. Matagal ng alam ng barkada na mahal pa rin nito si Jullie. Nagtataka nga sila kung bakit hindi ito gumagawa ng way para magkabalikan ulit ito kay Jullie.

Matalino at wais si DJ pagdating sa maraming bagay lalo na sa business. Pero napakaduwag pala nito kapag pag-ibig na ang pag-uusapan.

Titiyakin niyang magkakabalikan ang dalawa after ng party ni Travis. Aba, wala pa yata siyang ginusto na hindi nakuha. Lahat ng pinaplano niya natutupad.

Dahil sa malalim na pag-iisip hindi niya agad napansin na may biglang tumawid sa kung saan. Agad niyang inapakan ang preno ng sasakyan. Medyo napasubsob pa nga siya sa manibela sa lakas ng impact ng pagpreno niyang bigla. Buti na lang nakaseatbelt siya.

Nang makabawi siya sa pagkabigla ay dali-dali siyang umibis ng sasakyan.

"What the.. May idea ka ba na muntik na kitang madisgrasya, Miss?" naiiritang sabi niya habang nakatingin sa babae na nakatulala pa din sa kotse niya.

Malamang sa malamang, maski ito'y nashocked sa kaalamang muntik na niya itong masagasaan.

"Next time, mag-iingat ka naman sa pagtawid." sabi pa niya.

Hindi ito nagreact sa kanya bagkus ay tinignan lang siya nito.

Napansin niya agad ang magagandang mga mata nito na para bang sa tuwing lalo niyang tinititigan, nawawala agad siya sa katinuan.

Bakit napakaganda ng mga nito?

Nagulat siya ng bigla na lang itong umiyak ng malakas. Nataranta siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Broken Promise   Special chapter 3

    The evening sky was painted in shades of pink and gold, reflecting off the city streets like a living painting. Ali walked beside Vaughn, their hands intertwined, each step in perfect rhythm. The simple act of holding hands had become her anchor, a reminder that despite the worries and the shadows that lingered over her health, she was not alone. They had decided on a quiet evening, just the two of them, away from the noise and the judgments of the world. Vaughn had insisted they try a new little café tucked in a corner of the city, a place with soft lighting, cozy couches, and desserts that seemed almost too beautiful to eat. Ali couldn’t stop smiling, partly because of the sweetness of the place, and partly because of the warmth of Vaughn’s presence. “You know,” Vaughn said, breaking the comfortable silence, “I was thinking… we don’t say it enough. How much we mean to each other.” Ali glanced at him, heart fluttering. “We… don’t?” He chuckled softly, his thumb brushing over the

  • Broken Promise   Special chapter 2

    Ali woke up to the faint morning light filtering through the curtains. For a moment, she allowed herself to just breathe, listening to the quiet hum of the city outside. Vaughn was still asleep beside her, his steady breathing a comfort she had never realized she needed so much. She looked at him, at the peaceful expression on his face, and a smile tugged at her lips despite the ache in her chest. He had no idea how fragile she sometimes felt, how much fear and pain she carried hidden beneath her laughter and sweet words. And yet, here he was, loving her so completely, so fiercely, without conditions. Ali gently slid out of bed, careful not to wake him. She wanted to get some fresh air, to clear her mind before the day began. The sun warmed her skin as she stepped onto the balcony, the early morning breeze carrying a hint of flowers and city life. Her thoughts drifted to Ate Jullie again. She still worried about her sister. The quiet tension, the occasional distant gaze—it all tol

  • Broken Promise   Special chapter 1

    Ali sat quietly on the sofa at home, her fingers absently tracing the rim of her mug. The warmth of the tea did little to calm the whirlwind of thoughts in her mind. She couldn’t shake the feeling that something was wrong with Ate Jullie. The usually cheerful and protective elder sister had been unusually silent these past few days, a shadow of her normal self. Ali knew her well enough to see it—the subtle tension in her shoulders, the distant look in her eyes, the way she forced a smile that didn’t reach her heart. She sighed. “What’s going on with her?” she whispered to herself. Vaughn, sitting beside her on the couch, noticed the concern in her eyes. He leaned closer, his hand brushing hers. “Hey… what’s wrong, Ali? You’ve been quiet all night.” Ali shook her head, trying to dismiss the worry. “It’s nothing… I just remembered something.” She didn’t want to tell him just yet; she needed to sort through her feelings first. Vaughn’s gaze softened. “You know you can tell me anythi

  • Broken Promise   Finale Epilogue

    Finale "CHOCOLATE OR COOKIES AND CREAM?"tanong ni Vaughn sa kanya. "I want strawberry."sa halip ay sabi niya. Pumunta sila sa isang ice cream store pagkatapos nilang manood ng sine. Kahit na isang simpleng date lang ang nangyari sa kanila, masaya pa din siya sapagkat magkasama sila ni Vaughn. Walang minuto na hindi siya ngumingiti kapag kasama niya ito. Lalo pa't hindi talaga nito binibitawan ang kamay niya. "Ahh. Chocolate flavor." Kunot-noong tinapunan niya ito ng tingin. "No. I said strawberry ang gusto ko." "Baby, hindi ka ba nagsasawa sa flavor na yan? You should try different flavors naman,"suhestyon pa nito. Napalabi siya."But I want strawberry eh." He smirked at her. "Sure, why not? Ibibili kitang strawberry ice cream but in one condition." Binigyan niya ito ng isang nagdududang tingin. Sinasabi na nga ba niya't may pakulo na naman ang isang isang ito. "At ano naman iyon, aber?" Lalong lumapad ang pagkakangisi nito sa kanya. Itinaas nito ang kamay nila na magkaha

  • Broken Promise   Chapter 21

    Chapter 21 - A date to remember(1)“GOOD MORNING, MANANG!”Masayang bati niya pagkabukas ng gate sa kanya ng isa sa mga katulong nina Aliza.“Magandang umaga din po, Sir Vaughn.” sagot sa kanya nito.Excited siya ngayong araw sapagkat special day nila iyon ni Aliza. It was their monthsary. At nakagawian na rin nilang gawing espesyal ang bawal monthsary nila. They will always make sure na maraming masasayang alaala ang araw na iyon.“Si Ali po?”“Naku, nasa kwarto po niya. Siguro nagpapaganda pa.” natatawang sagot sa kanya nito.He smiled at the thought. Hindi na nito kailangan magpaganda para sa kanya. Dahil anuman ang ayos ni Ali ay napakaganda parin nito sa paningin niya. Siguro ganoon talaga ang nagmamahal, lahat ng mga bagay na may kaugnayan ditto ay maganda sa paningin mo.“Hey, Vaughn. An gaga mo yata ha?”narinig niyang bungad sa kanya agad ni Ate Jullie pagapasok niya sa loob ng bahay. Humalik muna siya sa pisngi nito bago sumagot.“Good morning, Ate Jullie.” masayang bati niy

  • Broken Promise   Chapter 20

    CHAPTER 20 HALOS isubsob na niya ang mukha sa likod ni Didrey. Sa sobrang bilis kasi ng pagpapatakbo nito ay parang hinahabol na nila si Kamatayan. Gustuhin man niyang ipahinto ang motor dito ngunit hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang baka mahulog siya sa motor sa kaunting kilos kaya mahigpit dhn ang pagkakahawak niya sa beywang nito. Nanggigigil man siya sa lalaking ito ngunit pilit niya pinipigilian ang sarili. Pero once na huminto ito sa pagpapatakbo ay humanda ito sa kanya! Talagang masusubukan nito ang galit niya. Ilang minuto din silang tumatakbo nang walamjg kaabog-abog na inihinto nito ang motor. Ilang segundo din niyang hinamig ang sarili. Nang makahuma ay inis na bumaba siya ng motor at timanggal ang suot na helmet. "It's not, Jullie." "Anong hindi? This is kidnapping! At pwede kitang kasuhan dahil dyan!" "I just wanted to talk to you.." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula dito. "Talk to me? Shit, Didrey! Halos parang mamamatay na ko dyan sa bilis ng pagp

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status