Share

Kabanata 5

Kumakain ako ng tanghalian ng makita kong pumasok din ang amo kong nagmumukha ng aso sa kakasunod.

"Pinahatid ko na po yung tanghalian niyo kanina sa office niyo, dapat doon nalang kayo kumain." ani ko habang nginunguya ang tirang pagkain sa bibig ko.

"Why? Can't I eat here?" halos mapairap na ako ng umupo pa ito sa mismong tabi ng upuan ko.

"Sir, sabi ko naman na po sainyo. Hindi ako papayag sa gusto niyo. Masiyadong komplikado ang gusto niyong mangyari at..sagrado." ang nakaloloko niyang mukha ay napalitan ng seryoso.

"I really need it Ramina. I need to get it before it's too late. I made a promise to my grandparents that I will make sure the company's growth and I can't afford to just watch our business be bankrupt or anything. Maraming trabahante ang maaapektuhan kung sa kabilang parte ng pamilya mapupunta ang kompanya. Just for 2 years Ramina and I won't bother you again."

Kumirot ang dibdib ko sa mga sinabi niya, alam kong sinusubukan niyang kunin ang simpatya ko para sa gusto niya pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mapaisip. Oo nga. Maraming tao ang mawawalan ng trabaho, maraming bata ang maaring kumulo ang tiyan, maraming pamilya ang mahihirapan at kung sakaling sa akin at sa mga kapatid ko mangyari yun, tiyak na mahihirapan din kami lalo na't pareho pa silang nag aaral.

Natapos ang lunch break na hindi maalis sa isip ko ang mga katagang binitawan niya, sabagay sa mga lumipas na taon ko dito, nasilayan ko kung gaano siya kalapit sa mga lolo at lola niya. Makikitang kahit napakasungit niya sa ibang tao ay pinalaki pa rin siyang maayos at inuuna ang kalagayan ng nalararami kaysa sa sarili niya. Pero paano naman ako? Hindi ba at magiging unfair naman sa akin ang sitwasyon? Sa mga lumipas na taon ng buhay ko ay wala pa akong lalakeng nakarelasyon. Maaring merong mga sumubok pero takot akong doon mabaling ang atensyon ko kung kaya't pinuputol ko agad ang bagay na nagbibigay ng koneksyon sa amin.

Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang mesa niya, wala siya dahil may meeting siya kasama ang mga investors ng kompanya. Dahan dahan akong tumayo at nagtungo sa mesa niya, nakita ko ang malinis na lamesa niya, may iilang mga papeles na kailangan pang pirmahan pero nakaayos itonsa gilid ng mesa niya, nakaorganize din ang pagkakaiba ng tatlong kulay na ballpen. Tumungo ang tingin ko sa dalawang picture frames na nasa gilid ng vase.

Family Picture at isang picture ng batang..lalake at babae na malabo. Hahawakan ko sana ito ng bumukas ang pinto ng opisina, bumungad dito ang amo ko. Kunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay, marahas ang pagpapaluwag nito ng necktie na suot, napalunok ako. Tila ba natuyuan ako ng lalamunan dahil sa senaryong nakikita ko. Hindi ko alam. Bakit ganito?

Tumikhim ako at nagkunwaring naglagay ng panibagong papeles sa mesa niya, aalis na sana ako ng hawakan nito ang palapulsuhan ko. I look at him and saw him, looking down with his bloodshot eyes. Hindi ko alam ang gagawin ko, natagpuan ko nalang ang sarili kong niyayakap siya, halos tumingkayad ako sa taas niya pero hindi ako nahirapang yakapin siya dahil sa mga braso niyang nakasuporta sa bewang ko. Hindi masakit ang yakap niya pero nararamdaman ko ang higpit nito.

Hindi siya nagsasalita pero dama ko ang bigat ng nararamdaman nito. Ano kayang nangyari? I've worked here for almost 4 years pero ngayon ko lang siya nakitang ganito, marahil siguro sa mga nagdaang taon ay talagang amo at trabahante lang ang namamagitan samin, pero ngayon? Ewan ko. Hindi ko siya maintindihan.

Matapos ang halos labing limang minutong yakap ay humiwalag na siya, tumingin siya sakin na parang walang nangyari at pumunta na sa mesa niya at sinimulang pirmahan ang mga papeles. Bumalik na ako sa upuan ko at hinayaan siya. Siguro may pinagdadaanan. Lahat naman ng tao may mga araw na hindi okay, kahit ako o kahit na sino, kaya valid ang nararamdaman niya at sana naman alam niya yun sa sarili niya dahil sa pagkatao niya, masasabi kong siguro ay minsan lang siya maglabas ng loob kaya siguro hindi siya sanay.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makita kong nagtext si Cheska. Oo nga pala. Yung perang kailangan niya, yung apartment ko pa..

Napapikit at napahilamos sa mukha, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tiningnan ko si Sir Ismael. Dalawang taon. Mabilis lang. Isang daan hanggang dalawang daang libo kada linggo. Makakaipon ako at matutulungan ko ang mga kapatid ko. Magiging parte ako sa malaking pagtalubo ng mga kompaniya nila dahil kung papayag ako sa alok niya..mas maraming tao siyang matutulungan sa mga susunod pang taon at henerasyon.

Pero paano ako? 25 na ako ngayon at pag dumaan ang dalawang taon ay 27 na ako. Makakabuo pa ba ako ng pamilya pakatapos ng kontrata? Magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na makakilala ng isang lalake na gugustuhin kong makasama sa habang buhay?

Ngunit pag pinili ko naman ang kontrata, mas malaki ang oportunidad na mapagtapos ko sila Cheska at Austin. Kahit naman siguro hindi ako magkapamilya, ay sigurado naman akong tatanggapin ako ng nga kapatid ko.

Tumayo ako tahimik na naglakad palapit kay Sir Ismael. Tumingin siya sakin at seryosong pinagmamasdan ako. Nagtataka ata dahil sa paglapit ko. Nakapag isip na ako. Sila muna..bago ako. Yan ang ipinangako ko sa aking sarili simula ng mawala ang nga magulang namin.

"What do you need? May mga papeles pa ba? Brungt it here."

Tinitigan ko siya. Gwapo, matalino, marami ng nakamit sa buhay sa murang edad. Hindi na din masama.

Pinagmasdan ko ang mata niya, madilim itong tumingin pero masasabi mong maraming itinatagong misteryosong bagay sa likod ng masungit nitong aura. Hindi siya palangiti pero kung ako ang tatanungin, mas magaan at presko siyang tingnan kung ngingiti siya.

Sana lang, hindi ko pagsisihan ang desisyon kong ito. Sana lang din maging maayos ang takbo ng kontrata.

"What do you need Ramina, you're staring too much and I do have a lot of-"

Pumikit ako at huminga ng malalim bago muling salubungin ang tingin niya.

"Pumapayag na ako Sir. Pumapayag na ako sa offer niyo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status