Mag-log in-Ava-Inilagay nila ako sa isang maliit at madilim na kuwarto bago ako itinali nang mahigpit sa isang lumang papag. Halos walang laman ang silid. Isang maliit na bintana lamang ang naroon, ngunit natatakpan iyon ng makapal na kurtina kaya halos walang pumapasok na liwanag.Ilang sandali pa silang nanatili roon bago tuluyang lumabas at iniwan akong mag-isa.Magdamag akong nakahiga sa papag, hindi alam kung ano ang mangyayari sa akin. Paulit-ulit kong sinubukang kalagan ang mga kamay ko, pero lalo lamang sumakit ang mga pulso ko dahil sa higpit ng pagkakatali ng mga ito.Hindi ako makatulog. Sa bawat tunog na naririnig ko sa labas, napapalingon ako sa pinto. Umaasa akong may darating. Umaasa akong si Daniel iyon.Ngunit walang dumating at bawat sgundo ay pinanghihinaan ako ng loob at nawawala ang tapang ko sa katawan.Maliwanag na sa labas nang muling bumukas ang pinto. Agad akong napatingin dito at nakita ko si Alvin na pumasok.May malapad na ngiti sa labi habang hawak ang isang sigar
-Ava-“Magkano ang ibibigay mo sa akin?” tanong ng lalaki na napag-alaman kong Rolly ang pangalan matapos niya akong kalagan.Dahan-dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko at ilang sandali munang nag-inat upang maibsan ang pananakit ng mga kamay at balikat ko. Ilang oras din akong nakatali, kaya halos manhid na ang katawan ko. “Wala na tayong oras,” mabilis kong saad at muling sumilip sa pintuan. “Kailangan ko nang makaalis dito. Ibigay mo na lang sa akin ang account number mo para maideposito ko ang pera mo. Halika na!”Tumango siya at tila nag-iisip pa kung sasabihin ba niya sa akin ang detalye ng account niya, pero hindi ko na siya hinintay pa. Kailangan ko nang makaalis.Agad akong tumakbo patungo sa pinto, pero bago ko pa man mahawakan ang doorknob, bigla itong bumukas sa isang malakas na pagsipa.Napaatras ako sa gulat. At nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumungad si Alvin.Nakatayo siya sa bungad ng pinto habang mahigpit na hawak ang baril. Matalim ang mga mata niya at ma
-Ava-Alas-otso na ng gabi nang sa wakas ay umalis si Alvin kasama ang ilan sa mga kasamahan niya. Mayroon daw silang kailangang asikasuhin, pero hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko na rin alam kung saan sila pupunta o kung gaano sila katagal mawawala.Ang alam ko lang, naiwan akong mag-isa sa loob ng bodega kasama ang isang matandang lalaki na inatasang magbantay sa akin.Kanina, narinig ko ang pag-uusap nila ni Alvin. Siya pala ang may-ari ng bodega na ito. Kailangan niya ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng asawa niyang may cancer, kaya pumayag siyang ipagamit ang lugar kina Alvin kapalit ng malaking halaga ng pera.Hindi ko maiwasang maalala ang Inay. Kung paano ko ginawa ang lahat kapalit ng pera. Kung paano ako nagsakripisyo para lang mailigtas ko siya.At ngayon, naiintindihan ko kung bakit pumayag ang matandang ito na makisangkot sa isang bagay na alam kong mali. Kailangan niya ng pera at kailangan niyang iligtas ang asawa niya.“Kumain ka na!” Lumapit siya sa akin at
-Daniel-“Nasaan ang asawa ko?!” mariin kong sigaw nang hindi ko pa rin binibitawan ang leeg ni Ada.Hindi ko siya pakakawalan hangga’t hindi niya sinasabi ang katotohanan. Hangga’t hindi niya inaamin kung nasaan si Ava.Pero kahit ilang beses ko siyang tanungin, nananatili siyang tahimik. Tanging mga luha lamang ang patuloy na umaagos sa kanyang mga pisngi habang nakatitig siya sa akin ang sagot niya.Akala niya maloloko niya ako. Akala niya maiisahan niya ako sa pagpapanggap niyang siya si Ava!Kilalang-kilala ko ang asawa ko. Alam na alam ko kung paano siya magsalita, kung paano siya tumingin sa akin, at kung paano siya ngumiti. Alam ko maging ang maliliit na bagay tungkol sa kanya na hindi kailanman kayang gayahin ng kahit na sino.At higit sa lahat, alam ko kung ano ang nararamdaman ko kapag siya ang kaharap ko.“Hindi ka pa rin magsasalita?” mariin kong tanong. Nang wala pa rin siyang sagot, itinaas ko ang kamao ko.“Daniel, huwag!” Malakas na sigaw ni Ada, pero hindi sa kanya t
-Ada-Pagmulat ko ng mga mata ko, ang puting kisame agad ang sumalubong sa akin. Ilang segundo akong nakatitig doon habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.Dahan-dahan akong gumulong sa kabilang bahagi ng kama, umaasang makikita ko si Daniel na nakahiga sa tabi ko. Pero wala siya.Napakunot ang noo ko. Inabot ko ang bahagi ng kama kung saan sana siya nakahiga pero malamig ito.At isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi siya natulog dito sa tabi ko.Saan naman kaya siya natulog? Bakit hindi siya bumalik dito kagabi? Alam na ba niyang hindi ako si Ava?Biglang kumabog ang dibdib ko sa naisip ko. Kung alam na niya, bakit hindi niya ako hinarap kagabi? Baka naman marami lang talaga siyang ginagawa.Iyon ang pilit kong ipinaniwala sa sarili ko habang bumabangon at naupo sa gilid ng kama. Kailangan kong kumalma at hindi ako pwedeng mataranta.Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto pero pagkabukas ko nito, agad kong narinig ang boses ni Daniel sa hallway. Mukhang may ka
-Daniel-Paglabas ko ng kuwarto namin ng asawa ko, agad akong napahinto sa harap ng saradong pinto. Hindi ko alam kung bakit, pero ilang segundo akong nanatiling nakatayo roon habang nakatitig dito.Kahit nakasara ang pinto, pakiramdam ko ay nakikita ko pa rin si Ava. Ang asawa ko, ang babaeng minahal ko.Pero bakit parang may kung anong hindi tama? Bakit parang may kakaiba sa kanya? At bakit parang hindi siya ang Ava na nakilala ko?Napailing ako. I must be overthinking.Alam kong siya si Ava. Kilala ko ang asawa ko. Ang birthmark niya sa batok, nandoon pa rin sa batok niya. Pamilyar sa akin ang boses niya, pati ang paraan niya ng pagsasalita, ang ekspresyon ng mukha niya, at maging ang maliliit niyang kilos.Walang duda. Siya si Ava.Pero kung ganoon, bakit ako nagdududa?Muli akong napailing bago ako tuluyang bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa study room kung saan kami nag-usap kanina ni Daddy tungkol sa Dela Serna Group.Gusto raw itong makuha ni Ricardo.Hindi ko pa alam kung ano
-Ava-Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “So fvcking beautiful, baby.” at halos mapatili ako nang dampian niya ito ng halik.“Daniel!” galit na pagsita ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako.“You’re hot when you get angry.” komento niya at saka sinimulang kuskusin ng loofa ang parteng iyon
-Ava-“What? Surprised by your own m0ans?” nakangising tanong ni Daniel.Sandali kong tinitigan ang kanyang mukha. Napakaguwapo niya pala sa malapitan. Kulay brown na mga mata na parang nangungusap, makapal na mga kilay, matangos na ilong, at mamula-mulang mga labi. Kaya pala humaling na humaling s
-Ava-“Anong iniiyak-iyak mo diyan? Huwag kang maarte ha. Huwag mong sabihing aatras ka pa sa oras na ito? Nandito na tayo! Kapag hindi ka pumayag, malalaman ng asawa ko na hindi na ako virgin!” hinaklit niya ang braso ko. “Hindi ako papayag na sirain mo ang mga plano ko. Kung gusto mo pang madugtun
-Ava-Pagkatapos kong pakainin ng almusal ang inay na dala ng isang nurse, lumabas muna ako saglit para tawagan si Ada. Kailangan kong siguraduhin na makakapunta siya bukas para tuparin ang usapan namin na idodonate niya ang isang kidney niya sa inay.Pumuwesto ako sa harap ng hospital kung saan pr



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



