LOGIN-Ava-
Pagkatapos kong pakainin ng almusal ang inay na dala ng isang nurse, lumabas muna ako saglit para tawagan si Ada. Kailangan kong siguraduhin na makakapunta siya bukas para tuparin ang usapan namin na idodonate niya ang isang kidney niya sa inay.
Pumuwesto ako sa harap ng hospital kung saan presko dahil may mga malalaking kahoy doon at may mga bench na pwedeng upuan kapag gustong lumabas ng mga pasyente para sumagap ng sariwang hangin.
Pero hindi sumasagot si Ada sa tawag ko. Ang sumunod kong tinawagan ay si Kardo, pero katulad ng kakambal ko, ayaw ding sumagot ng kanyang magaling na ama.
Huwag lang talaga silang sisira sa usapan dahil ipapakita ko kay Daniel Harrison itong video namin na magkasiping.
Naiinis na tumawid ako sa kabilang kalsada para sana pumasok sa isang convenience store, nang biglang may sumulpot na magarang kotse. Dahil lumilipad ang isip ko sa maldita kong kakambal, hindi ko naiwasan ang sasakyan at nabangga ako.
Hindi naman ito kalakasan dahil nasa pedestrian lane naman ako, at bahagyang nakapreno ang kotse, pero napaupo pa rin ako. “Aray!” malakas na sigaw ko, sabay hawak sa aking balakang. “Aray ko…”
Agad bumaba ang driver ng kotse. “Miss, okay ka lang ba? Pasensya ka na, hindi kita napansin.” sabi nito sa nag-aalalang tono.
Tinulungan niya akong tumayo, pero tinabig ko ang kamay niya. “Bulag ka ba ha! Hindi mo ba nakita na nasa tamang tawiran ako! Bakit hindi ka huminto? Kamote ka ano?”
Nakayuko pa rin ako habang hinih!mas ang balakang ko, at nang mag-angat ako ng tingin, pinanlisikan ko ng mga mata ang driver at hinampas siya sa binti.
“Tulungan mo akong tumayo! Dalhin mo ako sa hospital at ipagamot mo ako! Ikaw ang magbabayad ng lahat ha!” iniabot ko ang kamay sa kanya, pero hindi niya ito kinuha. Tulala lang siya habang nakatingin sa akin.
“Ma’am Ada?” malalaki ang mga matang tanong niya. "Naku, Ma'am Ada! Pasensya na po kayo! Hindi ko po talaga sinasadya!"
Bigla akong napalunok sa sobrang nerbiyos. Ma’am Ada? Kilala niya si Ada?
“Carlito!” at biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. “What’s happening there?”
“Oh, Ada… you’re so fvcking tight.” napalunok ako nang maalala ang nangyari sa amin kagabi ni Daniel Harrison. Hindi ako maaaring magkamali. Boses niya iyon.
“I knew it! You’re still v!rgin. Oh, damn it, baby…” biglang namula ang mukha ko nang maramdaman ang pag-iinit hindi lang ng mukha ko kung hindi pati na rin ang buong katawan ko habang nakasalampak pa rin sa kalsada nang muling marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig niya.
Ayoko mang aminin pero hindi ko na siya mawala sa isip ko pagkatapos ng nangyari sa amin. At alam kong mali ito dahil asawa siya ng kakambal ko.
“Sir, si Ma’am Ada po, nabangga ko! Hindi ko po sinasadya, sir!” ipinilig ko ang ulo ko nang marinig ang boses ng driver.
At nanlaki ang mga mata ko nang makitang papalapit sa pwesto ko si Daniel. Kahit masakit pa ang aking katawan, agad akong tumayo at mabilis na tumawid pabalik kung saan ako nanggaling.
“Ma’am Ada!” tinawag ako ng driver pero hindi ko siya pinansin. “Akala ko ba gusto mong magpagamot? Ma’am Ada!”
Nagkunwari akong hindi ko siya naririnig. Hindi ako pwedeng mahuli! Hindi nila pwedeng malaman na hindi ako si Ada.
Pero bago pa ako makalayo, narinig ko ang sinabi sa kanya ni Daniel. “Are you blind? That’s not Ada. Look at her clothes. Hindi magsusuot ng ganyang damit si Ada.”
Simpleng blouse at pantalon lang ang suot ko. Ito ang suot ko kagabi bago ako pumasok sa kuwarto ng hotel at doon naman sa loob ako nagbihis ng wedding gown na binili ni Ada para sa akin.
“Pero, sir…”
“Let’s go!”
“Pero sir, nabangga ko po yung babae. Kawawa naman. Sundan ko kaya.” sagot ni Carlito sa kanya.
“Umalis na nga, di ba? Let’s go, Carlito. Malelate na ako sa meeting ko.”
Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno at pinanood na sumakay si Daniel sa loob ng kotse. At habang tinititigan ko ang kanyang mukha, muling bumalik sa akin ang nangyari sa amin kagabi.
Kinakabahan ako habang nasa loob ng cr ng isang magarang kuwarto sa Hotel Harrison. Dito ako pinaghintay ni Ada dahil dito daw sa kuwartong ito sila magha-honeymoon ni Daniel Harrison, ang kanyang mapapangasawa.
Nakasuot ako ng wedding dress na kagaya ng suot ni Ada kaninang ikinasal siya. Pero ang sa akin ay mumurahin lang. Mamahalin ang suot niya na ipinagawa pa sa Amerika.
Bago ako pumasok dito, inihanda ko na ang cellphone ko para mavideo ang magaganap mamaya sa amin. Nakatapat ito sa kama at nakatago ito sa likod ng lampshade.
Gagawin ko ito para may panlaban ako kay Ada at sa tatay niya kung sakaling hindi sila tumupad sa usapan namin. Alam ko na ang hilatsa ng mga bituka nila. Masyado silang tuso kaya hindi ako magpapaapi sa mga ganid na taong kagaya nila.
Ilang minuto lang ang ipinaghintay ko at nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto sa labas. Bigla akong napatawag kay Lord. “Diyos ko, mahal na Ama, gabayan mo po ako. Please hindi sana masyadong malaki yung kay Daniel para hindi ako masaktan.”
At ang sumunod kong narinig ay ang malalakas na ung0l na nagmula sa mag-asawa. Napalunok ako habang nakadikit ang tenga ko sa pinto. Pano bang gagawin ko mamaya? Uungol din ba ako?
Pinagpapawisan na ako ng malapot. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito. Kakayanin ko bang ibigay ang pagka-birhen ko sa asawa ng kakambal ko.
Nang sumagi sa isip ko ang inay, mariin akong napapikit. Gagawin ko ito para sa kanya. Kahit mawala ang dignidad ko, ang puring pinakaiingat-ingatan ko, gagawin ko, mailigtas ko lang siya. Wala nang mas mahalaga pa sa mundong ito kaysa sa nanay ko.
“Wait!” narinig ko ang paghagikgik ni Ada. “I’ll just go to the washroom.”
“Okay. Make it fast.” narinig kong sagot ng asawa niya.
Napaatras ako mula sa pinto at hinintay na pumasok si Ada. “O ano? Handa ka na ba?” nakataas ang kilay na bulong niya habang inilalock ang pinto.
Ninenerbiyos na tumango ako. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko sa sobrang kaba dahil wala na talaga itong atrasan pa. Bubukaka na ako sa asawa niya.
-Ava-Unti-unting nawala ang pag-aalala sa kanyang mukha at bigla itong lumiwanag at saka malawak na ngumiti sa akin. “Kilala mo din ako?”“Ikaw si Frederick na palaging nagpapadala ng pera sa inay.” mahina kong turan. Noong ayaw magbigay ng sustento ng tatay ko, nagugulat na lang ako dahil may dumadating na pera sa amin at galing daw ito kay Frederick Samonte sabi ng inay.Pero ni kusing ay wala kaming ginalaw dito dahil mahigpit na bilin sa akin ng inay na hindi daw namin iyon pera at wala kaming karapatan na galawin ito.At ngayon nga ay nakilala ko na sa wakas ang taong nagpapadala nito.“I’m sorry…” mahinang sambit niya bago pinahid ang kanyang mga luha. “Ngayon lang ako nakadalaw sa kanya. Hindi ko alam na may sakit pala siya.”Tahimik ko siyang pinagmasdan. Kulay gray na ang lahat ng kanyang buhok at nakasuot siya ng polo shirt na checkered. Hindi ko alam kung anong nangyari sa paa niya, pero may hawak siyang tungkod at mukhang hindi siya makakapaglakad kung wala nito.“Sir Fre
-Ava-“Oh my God! Ano ‘yang suot mo?” nakangiwing bulalas niya. “Daddy! Tignan mo ‘yung suot ng anak mo! Baka makita siya ng mga tao, sabihin nilang pinapahirapan natin siya dito sa bahay! At saka nakakatakot! Mukha siyang mangkukulam!”Napalingon naman sa akin si Kardo, at nang makita ang itsura ko, biglang nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay. “Ano ba ‘yang suot mo? Lahat ng mga pinaglumaang damit ng kapatid mo ibinigay niya lahat sa’yo. Bakit hindi isa sa mga iyon ang isuot mo?”Bumaba ang mga mata ko sa suot ko, bago napataas ang isang kilay ko nang muling tignan ang tatay ko. “Anong problema niyo sa suot ko? Presentable naman siya at walang mga butas. At dito ako kumportable.”Pati ba naman damit na suot ko gusto pa rin nilang pakialaman?Pinaikutan ako ng mga mata ni Ada bago siya humalukipkip at pinandilatan ako ng mga mata. “Kailangan bang magkaroon muna ang mga ito ng butas para itapon? Alam mo bang isang beses ko lang isinusuot ang mga damit ko? Pagkatapos nito ay ipin
-Ava-At ako naman ang pinamulahan ng mukha kaya natawa siya ng malakas nang hampasin ko siya sa braso. “Magtigil ka nga, Marcus! Kaibigan lang ang tingin ko sa’yo!”“Ouch!” kunwari ay nasasaktang napahawak siya sa kanyang dibdib, bago kami nagtawanan ng malakas.Nagising ako dahil sa malalakas na boses na nagmumula sa ibaba. Tinatamad akong nag-inat bago dahan-dahang bumangon sa kama at sumilip sa labas ng kuwarto ko.Ilang araw na rin mula nang magsimula akong pumasok sa eskwelahan, at sa buong linggong iyon, ni minsan ay hindi ko nakita si Daniel.Sabi ni Marcus, nasa abroad daw ito para sa isang business trip. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong magtampo.Pero bakit naman ako magtatampo? Wala naman kaming relasyon. Pero sinabi lang naman niya na gusto niya akong mapangasawa.Napabuntong-hininga ako ng malalim.Umasa ba ako? Siguro. Kahit papaano, oo.Akala ko pa naman seryoso siya, mukhang hindi pala. Dahil dito, hindi ko maiwasang isipin na baka pinaglalaruan lang niya ang da
-Ava-Napangiti siya at bahagyang umiling. “Nope. Lumipat si James sa America noong high school, kaya tatlo lang kaming nag-aral dito. Tapos kami lang ni Daniel ang magkaklase because, you know... Yael took up Law tapos Business ad naman kami ni Daniel.”Tumango ako bilang tugon.Habang naglalakad sa hallway, hindi ko maiwasang maging malikot ang mga mata ko.Halos lahat ng estudyanteng madaanan namin ay napapatingin sa akin. May ilan na pabulong na nag-uusap, may mga nagtataka, at mayroon ding palihim na tumitingin na para bang kinukumpirma kung ako nga ba ang taong nakita nila sa balita, o ako si Ada.Nagkunwari na lang akong hindi ko iyon napapansin. Ayokong hayaang maapektuhan ako ng mga tingin nila.“Come on,” sabi ni Marcus nang huminto kami sa harap ng cafeteria. “Hindi pa tayo kumakain. Gusto kong matikman mo ang favorite naming kainin dito.” Itinulak niya ang pinto, at sabay kaming pumasok sa loob. At dahil puno ng estudyante ang cafeteria, halos lahat ay napatingin na naman
-Ava-Ayoko nang marinig pa ang mga sinasabi niya. Masyado akong nadismaya sa desisyon niya.“Ava…” umiiyak na sambit ni Ingrid sa pangalan ko, pero hindi na ako sumagot pa. “Ava, please. Makinig ka naman sa akin. Sana mainitindihan mo ang desisyon ko.”Tahimik lang akong humihikbi habang takip-takip ng kamay ko ang bibig ko.“Ava,” nang marinig ko ang boses ni Yael, huminga muna ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko bago ako muling nagsalita.“Yael, pumayag ka na hindi magdemanda si Ingrid?” tanong ko sa kanya, at sinigurado kong may himig ng galit ang tono ng boses ko. “Bakit wala kang binabanggit sa akin?”“She just told me this morning,” sagot naman niya. “And I have no choice but to follow what she wants. Inaaway niya ako, Ava. Ayokong magkagalit kami ni Ingrid and you know the reason why.”Oo naman. Alam kong mahal na niya ang kaibigan ko, kaya kahit labag sa kalooban niya ay mas pinili niyang sundin ang gusto nito. “So, hindi na talaga kayo magsasampa ng kaso?” gu
-Ava-“Huwag kang mag-alala, anak. Hindi mangyayari iyang mga sinasabi mo. Kailangan pa natin siya kaya hindi ko siya pwedeng paalisin.” sagot naman ni Kardo, at napangisi na lang ako bago ako pumasok sa loob ng kuwarto at agad na tinawagan ang number ni Yael.“Yael, kasama mo ba si Ingrid?” tanong ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.“Yeah. Nandito ako sa hospital ngayon.” sagot niya, at nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. “What happened, Ava? Nabalitaan ko yung nangyari dito sa hospital. Kumusta ka?”“Okay na ako. Nandito ako ngayon sa bahay ng tatay ko.” sabi ko sa kanya bago ko nilock ang pinto at saka ibinagsak ang katawan ko sa malaki at malambot na kama.“What? Bumalik ka pa talaga diyan pagkatapos ng ginawa niya sa’yo?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “What if bugbugin ka ulit niya? You shouldn’t have come back there, Ava. Gusto mo bang sampahan siya ng kaso?”“Kailangan kong bumalik dito, Yael. May kukunin akong mga dokumento dito.” pahayag ko, at nang maalalang pu
-Ava-Marahas kong pinahid ang mga luha ko sa pisngi at mabilis na naglakad palabas ng hospital. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa Alonzo Group, ang kumpanyang pag-aari ni Tanya. Hindi ko alam ang address ng bahay nila kaya doon muna ako magpapahatid. Kilala naman siguro ng mga driver ang
-Ava-“Hoy, Ava! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?” tanong ni Ingrid habang sinusubuan ko ng pagkain ang inay. Hindi na kami nakapag-usap kanina ni Ingrid pagkatapos naming iwanan sina Daniel sa labas ng ward dahil inasikaso ko na ang nanay ko. Tapos ipinatawag pa ako ng doktor at sinabi sa aki
-Daniel-“This is the woman you wanted to be investigated?” Nakataas ang kilay na tanong ni Detective Carlos nang iabot ko sa kanya ang phone ni Carlito.I nodded my head. “Yeah. Can you do it or not?”Hindi siya sumagot. He typed something on his laptop and then showed the screen to me.Naningkit
-Daniel-“Okay.” I sighed in defeat. “But behave. Ayokong naririnig na nakikipag-away ka sa school. Oo nga pala, ibinigay mo na ba kay James ‘yung cheke na ipinadala ko para dito sa hospital?” tanong ko nang bigla ko itong maalala.“Yeah, I already received it.” sagot ni James. “Thanks, Daniel. Mal







